You are on page 1of 2

Denice Natalie Repique

II-BSA

Editoryal – Laman sa Laman: Incest Rape sa Pilipinas

February 22, 2021

Madalas na nagaganap ang insidenteng panggagahasa sa bansa kaysa sa mga pinapakitang opisyal na
datos, sapangkat ang iba dito ay nananatiling isang lihim sa loob ng pamilya –mga batang babae na
natatakot at nagtitiis sa paulit- ulit na pang –aabuso sa loob ng ilang taon sa sarili nilang mga tahanan.

Batay sa opisyal na datos ng Department of Social Welfare and Development, 99% ng mga biktima ng
incest rape ay batang babae mula sa edad na 14-17.

At isa na nga dito ang tatlong put anim na taong gulang na si “Anna” hindi niya tunay na pangalan siya
ngayon ay isang volunteer sa HAPI Foundation kung saan naglalayong matulang ang mga batang babae
na naabuso tulad na nga ni Anna.

Base sa pagsasalay say ni Anna siya’y siyam na taong gulang pa lamang ng molestihayin ng sariling ama.
At labing tatlong gulang ng siya ay gahasain ng kanyang ama. Dagdag pa ni Anna, alam mismo ng
kanyang sariling ina ang ginagawang pamomolestiya ng ama sakanya ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay
nagawa pa rin silang iwan ng kanyang ina sa kamay ng mapang- abuso nilang ama.

Labis labis na pagtataka at galit ang nararamdaman ng tatlong put anim na taong gulang na si Anna para
sa kanyang ina sa kabila ng napakatagal nang panahon ang lumipas.

“Bakit hinayaan mo ako sa kanya, may ginawa na saiyang masama saakin, pero hindi ko na yun nasabi
kasi nauuna na saakin yung galit, at tsaka nagtataka ako kung bakit nagawa mo pa yun saakin kahit
alam mo na nag –iisa mo akong na na babae, bakit mo ako iniwanan?”

Nakagraduate at nakapaghanap ng magandang trabaho si Anna matapos ang malagim na pangyayari sa


buhay niya, ngunit sa paglipas ng panahon, ang inaakala niyang nalimutan na niya ang lahat pero sa
isang iglap bumalik ito sa kanyang alaala na nagdulot sa kanya ng matinding depresyon kaya’t siyang
labis na nagpapasalamat na siyang nakahanap ng isang maasahang at tinuturing na pamilya at kaibigan
sa bago niyang tahanan na labis na nakatulong sa kanya upang malagpasan lahat ng kanayang
paghihirap. Sa kasalukuyan patuloy na nilalabanan ni Anna at pilit na kinakalimutan ang mga hindi kanais
na inis na pangayayaring naganap sa kanyang buhay.

Sa ating bansa hindi lamang si Anna ang nakaranas ng pamomolestiya at panggagahasa sa loob ng
pamilya, maaaring marami pang mga kabataan at kababaihan ang patuloy na natatakot sabihin ang
kanilang mga nararanasang pang –aabuso sa kadahilanang mahusgahan ng ibang tao at pilit na lamang
ibinabaon sa limot ang lahat.

Walang sino mang kababaihan ang nangangarap na maranasang maging isang biktima ng rape. At kahit
minsa hindi naging at magiging kasalanan ang maging biktima ng rape. Kaya’t sa mga kababaihang
naging biktima ng rape, huwag matakot na humingi ng tulong sa kinauukulan, sa pamilya at lalong lalo
na sa diyos. Patatagin ang pagmamahal sa sarili, sa pamilya, at higit sa lahat sa diyos.
Denice Natalie Repique
II-BSA

Sa mga kabataang nakakaranas ng ganitong mga pang –aabuso ay pwedeng humhingi ng tulong sa lahat
ng sangay ng gobyernong naglalayong protektahan ang sinumang naabuso tulad ng Department of
Social Welfare and Development o DSWD.

Isa sa malaking problemang kinakaharap ng bansa noon at ngayon ay ang pagtaas ng bilang ng kasong
rape. Hindi ito isang pangkaraniwang kaso lamang kaya’t nararapat lamang na iprayoridad ding lutasin
ng gobyerno.

You might also like