You are on page 1of 1

Bilang isang tunay na Pilipino, isang karangalan sa bawat isa na ating gunitain ang

makasaysayang kaganapan sa ating bayan, dahil ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga


ginawa nila para sa ating bansa. Noong Abril 27, 1521 ay natalo ng hukbo ni Lapu-Lapu ang
mga kawal na kastila na pinamumunuan ni Magellan. Prinotektahan ng hukbo ni Lapu-lapu ang
ating bayan mula sa mga mananakop, at kanilang sinakripisyo ang kanilang sarili para sa bayan,
ginawa nila ang lahat para lang hindi tayo masakop ng ibang bansa. Dahil sa katapangang
ginawa nila tayo ay naging malaya sa mananakop at naging payapa ang ating bayan. Dahil dito
sila ay nagsilbing inspirasyon sa mga Pilipino, ipinakita nila na dapat hindi tayo nagpapaapi sa
mga ibang bansa, at dayuhan. Bilang isang kabataan sa ating kasalukuyang panahon, ako ay
naninindigan sa pagbibigay ng buong suporta, pagmamahal at malasakit sa ating bayan sa
pamamagitan ng pagpupunyagi at pagsisikap upang magampanan ko ang aking tungkulin bilang
mag-aaral upang sa pagdating ng tamang panahon ako rin ay makatulong sa ating bayan sa
pamamagitan ng pagiging isang responsableng mamayan. Bilang isang tunay na Pilipino
tungkulin nating makibahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagpapaunlad sa ating bansa, sa
pamamagitan ng pagiging isang responsableng at tapat sa mga alituntunin at batas sa ating bansa.

You might also like