You are on page 1of 5

Pagsambang Pansambahayan

Sabado/Linggo: Mayo 29/30, 2021

KUNG BAKIT ANG IGLESIA NI CRISTO AY HINDI KATULAD


NG ALINMANG IBANG ORGANISASYON
O KILUSAN SA MUNDO NGAYON

Ang sigaw sa paghingi ng katarungan ay hindi isang bagong bagay


sa mundong ito. Maging sa mga nakalipas na panahon ay marami
ang nakaranas ng kaapihan at kawalang-katarungan. Dahil diyan ay
iniisip ng mga tao kung ano kaya ang tamang gawin kapag
nagkaroon sila ng gayong masasakit na karanasan. Maraming
matututuhan ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ngayon sa mga
naging karanasan ng mga kaanib sa Iglesia sa panahon ng
pamamahala ng mga apostol.

Ayon sa Gawa 5:33-35 at 38-39 (NPV), nakaranas ang mga apostol


ng matinding paniniil at pag-uusig sa kamay ng Sanedrin, ang
konsilyo ng mga Judio. Hindi makatarungan ang pagbilanggo,
paghagupit, at pagbabanta sa kanila. Tinangka pa nilang ipapatay
ang mga apostol. Ngunit, pinayuhan sila ni Gamaliel, na miyembro
ng Sanedrin, na huwag nilang pakialaman ang mga apostol dahil
“kung ang layunin at gawain nila [aniya] ay mula sa tao, mabibigo
ito. Ngunit kung mula sa Diyos, hindi ninyo kayang pigilan ang mga
taong ito; ang mangyayari’y Diyos ang kinakalaban ninyo.”

Sa halip na pagtuunan ng pansin ang malupit at di-makatarungang


pagtrato na dinanas nila, walang-tigil na nangaral at nagturo ang
mga apostol, ayon sa Gawa 5:40-42 (BSP). Itinalaga nila ang kanilang
sarili sa paglilingkod sa Diyos, kay Cristo, at sa Iglesia.

Nakaranas din ng kawalang-katarungan at kaapihan ang mga


kaanib noon sa Iglesia, ayon sa Gawa 8:1-5. Kabilang sa mga pinatay
si Esteban na isang diakonong masipag sa pamamahagi ng kaniyang
pananampalataya. Nangyari ang isang malaking pag-uusig sa Iglesia
na nasa Jerusalem at sila'y nangalat. Kinakaladkad ang mga kaanib
mula sa kanilang tahanan at ibinibilanggo. Ngunit, “Ang mga
nagsipangalat ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita.”
Hindi sila nahadlangan sa paglilingkod at pagsunod sa kalooban ng
Diyos.
Pagsambang Pansambahayan
Sabado/Linggo: Mayo 29/30, 2021
pahina 2

Nakasagupa rin ang Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw ng


matitinding pag-uusig, kahirapan, at kaapihan. Alalahanin natin ang
mga pinagdaanan ng Iglesia sa mahigit isang siglong kasaysayan nito:
matinding pag-uusig dahil sa pananampalataya, paniniil ng
mananakop na hukbo ng isang imperyo, matinding kaligaligan sa
panahon ng digmaan, iba’t ibang uri ng diskriminasyon nang
makarating ang mga kaanib sa ibang bansa, paninira ng mga
kumakaaway, at mga tangkang paghadlang ng mga awtoridad sa mga
gawain nito. Sa kabila ng lahat ng iyon ay patuloy ang pagtatagumpay
nito, sapagkat nakasaad sa paunang pahayag sa Isaias 41:9-13 (DS)
at 17 (MB) na ipinangako ito ng Diyos sa huling gawain Niyang ito ng
pagliligtas.

Ito ang ikinaiiba ng Iglesia Ni Cristo sa alinmang ibang organisasyon


o kilusan: ang Iglesia at ang misyon nito ay mula sa Diyos, hindi sa
tao. Mula pa sa panahon ng Kapatid na Felix Manalo, tinatanggap ng
Iglesia ang mga pagpapala ng Diyos bilang katuparan ng mga
pangako Niya sa Kaniyang Sugo sa mga huling araw at sa Iglesiang
ito na bunga ng kaniyang gawain. Maranasan man ng mga hinirang
ng Diyos ang galit ng mga kumakalaban sa kanila, nangako Siya na
palalakasin, tutulungan, at hindi Niya pababayaan ang Kaniyang
bayan. Tinupad ito ng Diyos sa Iglesia mula sa mga unang taon nito
hanggang sa kasalukuyan.

Yayamang ang Iglesiang ating kinaaaniban ay may “lalong panatag


na salita ng hula, pag-ukulan [natin] ito ng pansin,”* alinsunod sa
Ikalawang Pedro 1:19 (WEBBE) at 10-11 (ETRB). Ito’y sa paraang
“gawin natin ang pinaka-mabuti nating magagawa na mamuhay sa
paraang naghahayag na talagang [tayo] ang bayang tinawag at
hinirang ng Diyos.”* Upang magawa natin ito at tanggapin ang
ipinangakong kaligtasan, ayon sa Hebreo 10:36 (NIV), ay magtiyaga
tayo sa pagtupad ng kalooban ng Diyos.

Upang masunod ng Kaniyang bayan ang Kaniyang kalooban, inilagay


ng Diyos ang Pamamahala sa Iglesia. Batay sa Colosas 1:25, ang
Pamamahala ang binigyan ng karapatang ipahayag ang Salita ng
Diyos. Hindi ito ibinigay sa kung kanino lamang. Lalong hindi
Pagsambang Pansambahayan
Sabado/Linggo: Mayo 29/30, 2021
pahina 3

ibinigay sa mga nasa labas ng Iglesia ang karapatang magsabi kung


ano ang dapat gawin ng mga nasa loob ng Iglesia.

Ang Pamamahala, sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan,


ang Kapatid na Eduardo Manalo, ang inilagay ng Diyos upang
makilala at masunod natin ang kalooban ng Diyos. Dahil dito,
inaasahan sa atin na hindi tayo mananangan sa sariling katuwiran,
kundi lubos na manghahawak sa katuwiran ng Diyos, tulad ni Apostol
Pablo. Ayon sa Filipos 3:4-9, bago siya naging kaanib sa Iglesia Ni
Cristo ay itinuring siya na “Hebreo sa mga Hebreo.” Hinangaan siya
batay sa pamantayan ng kaniyang komunidad. Gayunman, hindi niya
pinanghawakan ang mga katangiang ito noong kaanib na siya sa
Iglesia.

Manapa, itinuro niya na sa katawan ni Cristo ay wala nang


pagkakaiba ang Judio at Gentil at ang mga sangkap ng katawan ay
dapat magkaroon ng magkasing-isang pag-iingat o malasakitan sa
isa’t isa (Galacia 3:28; Unang Corinto 12:25). Kaya, walang
diskriminasyon sa loob ng iisang tunay na Iglesia Ni Cristo. Dedikado
ito sa pagpapadama ng pag-ibig sa kapuwa sa pamamagitan ng
pagtataguyod ng misyon nito na ipamahagi ang dalisay na
ebanghelyo ng kaligtasan sa lahat ng tao, anuman ang kanilang lahi
at nasyonalidad.

Bagaman si Apostol Pablo ay may mataas na pinag-aralan at tanyag


sa dating relihiyon dahil sa kaniyang karunungan at sigasig sa
pagsunod sa kanilang pamantayang pangmoral, ay sinabi niyang
“ako’y … walang katuwirang aking sarili.” Sa halip, nanghawak siya
sa katuwiran ng Diyos, ang ebanghelyo na nakasulat sa Biblia na
siyang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas.

Kaya, ang pamantayan sa kung ano ang tama at makatarungan ay


hindi dapat isalig sa natamong edukasyon o sa anumang pamantayan
sa mundo. Ang mga tunay na lingkod ng Diyos ay hindi dapat maging
matuwid sa sarili ( ), ni itaguyod man ang ideya ng iba
tungkol sa katarungang panlipunan ( ) o sa
interpretasyon nila sa mga talata ng Biblia. Bagkus, pagyamanin
Pagsambang Pansambahayan
Sabado/Linggo: Mayo 29/30, 2021
pahina 4

natin ang tunay na kaalaman o pagkakilala kay Cristo na tinanggap


natin sa pamamagitan ng pagtuturo ng Pamamahala.

Upang hindi humiwalay ang mga Cristiano sa katuwiran ng Diyos,


itinagubilin sa kanila ni Apostol Pablo, sa Roma 12:1-2 (AMP), na
ihandog sa Diyos ang kanilang sarili “na iniaalay ang lahat ng
[kanilang] kakayahang makinig, makakita, mag-isip, kumilos, at iba
pa.”* Upang matupad iyon, ang sabi, “Huwag kayong umayon o
tumulad sa sanlibutang ito (sa takbo ng panahong ito), ni pahubog
at makibagay sa mga panlabas, mabababaw na kaugalian nito.”*

Kaya, huwag nating gawing batayan sa paraan ng ating pag-iisip,


pagpapahalaga, at pagpili ng tama o mali, ang sinasabi ng kung sinu-
sinong mga tao sa telebisyon o sa o ang ipinangangaral
ng sinumang lider ng alinmang kilusang gawa lamang ng tao. Sa
halip, ang dapat umiba at bumago sa ating pag-iisip, pamantayan,
at pag-uugali ay ang “mabuti at katanggap-tanggap at ganap na
kalooban ng Diyos.”*

Hindi tayo dapat umayon sa takbo ng sanlibutan sapagkat


“Mapaparam ang sanlibutan at lahat ng kinahuhumalingan nito,”
ayon sa Unang Juan 2:14-17 (MB). Ang dapat nating sundin ay ang
kalooban ng Diyos na itinuturo ng mga nangangasiwa sa Iglesia.
Sapagkat “ang sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay
magpakailanman.”

At dahil malapit na ang wakas ng sanlibutan, pagtalagahan natin


ang pag-akay sa mga tao sa loob ng Iglesia. Sapagkat, ayon sa Judas
1:23 (EE), ang mga “tumatalikod sa Diyos [ay] parurusahan … sa
apoy. Kaya dapat ninyong sikaping pigilan ang mga taong iyon. Sa
gayon, ililigtas ninyo sila, sapagkat hihilahin ninyo sila mula sa
apoy.”* Ito ang pinakamabuting paraan para matulungan natin ang
mga nasaktan at inapi. Maging masigasig tayo sa pamamahagi sa iba
ng ating pananampalataya. “Subalit mag-ingat [aniya] kayong
mabuti, upang hindi nila kayo maakay papalayo sa Diyos.”*

Idalangin natin sa Diyos na ating malaman at masunod ang


Kaniyang mga utos, upang tayo’y maging malinis at tunay na
Pagsambang Pansambahayan
Sabado/Linggo: Mayo 29/30, 2021
pahina 5

matuwid, batay sa Awit 119:9-11 at 17-22 (SND). Dapat maging


prayoridad natin ang makipagkaisa sa Pamamahala na nagtuturo sa
atin ng mga salita ng Diyos na dapat nating sundin. Hilingin nating
“buksan ang [ating] isipan upang maunawaan [natin] ang kahanga-
hangang katotohanan ng [Kaniyang] kautusan.” Sa gayon, lagi nating
masusunod ang mga ito, kahit makaranas tayo ng “panghihiya at
pangungutya.”

Lahat tayo’y patuloy nawang makipagkaisa sa ating Tagapamahalang


Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo Manalo, sa pagsunod sa
lahat ng aral ng Diyos. Maging dapat nawa tayo sa pagsalubong sa
Panginoong Jesucristo sa Kaniyang pagbabalik upang dalhin tayo sa
kaharian ng Ama, at manirahan sa Bayang Banal, na siyang tunay
nating tahanan, na pinaghaharian ng katuwiran magpakailanman.

PAGSAMBANG PANSAMBAHAYAN
BATAY SA LEKSIYONG BINALANGKAS NI KAPATID NA JOEL V. SAN PEDRO
SABADO/LINGGO: MAYO 29/30, 2021

You might also like