You are on page 1of 5

Division of City Schools

MASBATE NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL


Masbate City
LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO 1

Unang Markahan – LINGGO 1 AT 2


Edukasyon sa Pagpapakatao 10
S.Y.: 2021-2022

UNANG PAKSA: ISIP AT KILOS-LOOB


Pangalan ng Estudyante: ________________________________________________________
Lebel at Seksiyon: _____________________________________ Petsa: __________________
I. PANIMULANG KONSEPTO:
Kamusta ka! Siguro ay handang-handa ka nang mag-aral uli matapos ang napakahabang bakasyon dulot ng
Covid-19.
Paano mo napagtagumpayan ang mga nagdaang panahon? Batid ko na kinaya mo ang lahat dahil nga sa
kasabihang ang tao ay isang Obra Maestra.
Halika at tuklasin kung bakit tayo ay bukod- tangi sa ibang nilikha.
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs:
1.1 Sa modyul na ito, inaasahan ang kabataang tulad mo na matukoy ang mga mataas na gamit at tunguhin ng
isip at kilos-loob.
1.2 Makilala ang mga kahinaan sa pagpapasiya at makagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan
ang mga ito.
1.3 Napatutunayan mo na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod at pagmamahal
1.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at
maglingkod at magmahal.

III. MGA GAWAIN


Gawain 1
Panuto: Sa sitwasyon natin ngayon na may banta ng CoVid-19 (o kilala din bilang Corona Virus 2019, isang
bagong sakit sa paghinga ng tao sanhi ng bagong virus na hindi nakikita at madaling kumalat at makahawa sa
mga tao lalo na sa mga bata at matatanda o anumang estado ng buhay ng isang tao ang pwedeng magkasakit nito.
Ang sakit na ito ay kalat na sa malawak na rehiyon at buong mundo kaya tinawag itong pandemya) sa
sangkatauhan, tingnan at suriin ang mga larawan sa una at ikalawang hanay.
Pagkatapos, suriin ang mga larawan, sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. anuto: Tunghayan ang
dalawang larawan at sagutan ang mga tanong at gawain sa ibaba nito.

UNANG HANAY IKALAWANG HANAY

1|P ag e
Panuto: Ibigay ang mga sitwasyong naglalarawan patungkol sa UNA at IKALAWANG HANAY base sa larawan.
Ngayong may pandemya ng Covid-19, ang unang hanay ay…………
a.
b.
c.
Ngayong may pandemya ng Covid-19, ang ikalawang hanay ay ……..
a.
b.
c.

Gawain 2
Gamit ang venn diagram sa ibaba isulat ang pagkakapareho ng tao at hayop sa gitna at sa magkabilang panig
naman isulat ang pagkakaiba nito bilang nilalang ng Diyos.

Pagsusuri:
1. Ano ang pagkakatulad ng tao at hayop?
2. Ano ang pagkakaiba nila?
3. Paano kumikilos ang tao at ang hayop?
4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa tao at hayop batay sa pagsusuri mo ng larawan?

Gawain 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba upang mapagtibay ang iyong nabuong kakailanganing pag-
unawa. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba.

Isip at Kilos-loob

Ikaw, bilang tao ay iba sa nilikha ng Diyos…. Bakit?

Ang tao:
• Nilikhang hindi tapos - Sa kapanganakan mo, walang makakapagsabi kung ikaw ay magiging sino o ano sa
hinaharap.
- Nang isinilang ka sa mundo, nagsimula ka mag-okupa ng espasyo na hiwalay sa ibang sanggol. Hindi maaring
sabihin na parehas ka lang sa iba, dahil ang totoo magkakaiba ang bawat isa. Dahil sa iyong kamalayan at kalayaan
nasa iyong mga kamay ang pagbuo mo ng iyong pagka-sino/pagka-tao

- Ang iyong pagiging tao ay isang proyekto na patuloy mong bubuuin habang nabubuhay kang isang nilalang na
hindi tapos.

2|P ag e
Ang hayop:
• Nilikhang tapos - Ang aso kahit na ipinanganak na hiwalay sa ibang aso ay ganap ng aso mula sa kaniyang
pagsilang.
- Ang mga katangian at mga ginagawa ng aso simula kapanganakan walang pagkakaiba habang ito ay lumalaki
(tumatahol, kumakain, umiihi, dumudumi, naglalakad) kaya sinasabing ganap ng ganyan ang kanilang mga gawain.

Ayon kay ROBERT EDWARD BRENAN, may kakayahan na nagkakapareho sa hayop at sa tao: pandama,
pagkagusto, paggalaw.
Pandama na pumupukaw sa kaalaman: Halimbawa: Ang tao at hayop kapag napaso ng nagbabagang uling, alam
na ito ay masakit sa kanilang pandama at nagdadala ng kaalaman sa kanila na ito pala ay masakit at mainit kaya
maaaring sa mga susunod na makakakita sila, alam na nila ang mangyayari.
Pagkagusto o Appetite: Halimbawa: Ang tao at ang hayop may parehas paboritoong kainin ang fried chicken dahil
ito ay masarap. Gusto nila parehas ang isang bagay at masaya sa pakiramdam kapag gusto ang isang bagay.
Paggalaw o Locomotion: Halimbawa: Parehas ang tao nakakagalaw. Pwede silang pumaroon at parito sa mga lugar.
Kaya ng hayop na mangapitbahay dahil nakakagalaw sila o nakakalakad ganun din naman ang mga tao.

Bagama’t parehong taglay ng tao at hayop ang mga kakayahan, magkaiba naman ang paraan kung paano nila
ginagamit ang mga ito.

Halimbawa: Ang hayop ay nagagalit kapag pinakitunguhan ng hindi tama, maaring makagat o makasakit, subalit
kumakalma naman kapag pinakitaan mo ng pagkalinga. May pakiramdam din ito kung ano ang mabuti o masama
para sa kaniyang kapakanan at may kakayahan na makakuha ng paraan para sa kaniyang ninanais. Samakatuwid,
ang mga kakayahan ng hayop ay ginagamit upang protektahan at pangalagaan ang kaniyang sarili.. Subalit higit pa
dito ang kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay nilikha ng “wangis ng Diyos” kaya siya ay tinatawag na “obra
maestra”.
“Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na kaniyang Obra Maestra”
Obra Maestra- Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang
tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan Niya ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili, gumusto at gumawa. Ang
tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama.

Ang mga katangian at kakayahang NABANGGIT ang nagpapaiba sa tao sa iba pang nilikha ng Diyos.
Samakatuwid, ang tao ay may ISIP kaya napagtitimbang-timbang niya ang mga bagay at ang tao ay may KILOS-
LOOB kaya nagagawa at nakakapag-kilos siya ng ayon sa kaniyang pagkatao. Mahalagang maging malinaw sa
iyo ang pagkakaiba mo bilang tao sa hayop at maging matatag ang pagkaunawa rito upang mabigyan ng
direksiyon ang iyong kilos at malinang kung sino ka bilang tao.

Ano nga ba ang mataas na gamit at tunguhin ng isip?

A. Katotohanan- may kakayahan ang isip na tuklasin ang katotohanan.

Ayon kay Fr. Roque Ferriols ang “katotohanan ay tahanan ng mga katoto” (Dy, 2012). Ibig sabihin may
kasama ako na nakakita o may katoto ako na nakakita sa katotohanan. Ang katotohanan na dapat Makita na
mayroon o nandiyan na kailangan lumabas sa pagkakakubli at lumilitaw dahil sa pagiging bukas ng isip ng
taong naghahanap nito.

3|P ag e
B. Pagninilay- o pagmumuni-muni, kaya’t nauunawaan nito ang kanyang nauunawaan.
Ayon kay Manuel Dy, ang isip ay may kakayahang magnilay o magmuni-muni. Ito ang pagkakaroon ng
kamalayan sa sarili dahil ang tao ay may isip at may kakayahan siyang pag-isipan ang kaniyang sarili.

C. Abstraksiyon - kakayahang kumuha o makabuo ng kahulugan o kabuluhan ng mga bagay.


Ang tao bilang may isip ay may kakayahan siyang bumuo ng konklusyon mula sa isang pangyayari. Dahil sa
kakayahang ito ng isip, ang tao ay nakabubuo ng kahulugan ng bagay.

Ano nga ba ang mataas na gamit at tunguhin ng kilos-loob?

Kilos-Loob
A. Ens amans- salitang latin na nangangahulugan na umiiral na nagmamahal.

Isang katangian ng tao ang magmahal dahil nabubuhay siya para magmahal. Ayon kay Max Scheler, ang
pagmamahal ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang iba’t ibang pagkilos ng tao. Ibig
sabihin, kung mahal mo ang isang tao, dito mo din ipapakita ang kilos na mahalaga siya saiyo kaya nagiging
mabait ka, maalagain, maunawain, maalalahanin, matulungin at kung ano-ano pa, dahil MAHAL mo.

B. Pagmamahal-Ang tao ay may kakayahang magmahal dahil ang puso niya ay nakalaang magmahal.
Lahat ng mabuting kilos ay kilos ng pagmamahal. Ang pagmamahal ay galaw ng damdamin patungo sa mga
tao at iba pang bagay na may halaga.

C. Paglilingkod-Dahil ang tao ay nagmamahal, ayon kay Max Scheler maipapakita sa pamamagitan ng
paglilingkod sa kapwa.
Ayon pa sakaniya, ang pagmamahal ay pagpapahalaga sa nakahihigit na halaga ng minamahal ayon sa
kaniyang esensiya. Tumutubo ang minamahal at nagmamahal.
Kaya naman masasabi natin na ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang
maimpluwensiyahn ang kilos-loob.
Gawain 4
Panuto: Subukan natin tingnan at suriin ang ating mga sarili kapag tayo ay nasa sitwasyon ng ating buhay na may
dapat tayong gawing pagpapasiya.
Kumpletuhin ang mga pangungusap sa ibaba. Sagutin nang buong katapatan ang bawat sitwasyon. Subukin mo
ring balikan ang iyong karanasan, gamit ang mga sumusunod:
a. Sa bawat paggising ko pinipili ko na _______________________.
b. Sa pagkabagsak ko sa isang asignatura pinipili ko na______________
c. Sa mga pagkakataong hindi ko gusto ang mga nangyayari sa aking paligid pinipili ko na__________________.
d. Kapag pinapagalitan ako ng aking magulang o guro pinipili ko na _________.
e. Kapag nakakabasag ako ng gamit sa bahay pinipili ko na ________________
f. Kapag nagagalit ako pinipili ko na __________________________________
KATANUNGAN:
1. Naging maganda ba ang naging kinahinatnan ng napili mong pasya? Bakit?
Gawain 5

4|P ag e
Sa panahon ngayon na may kinakaharap na pandemic ang buong mundo, maraming mga lumalabas na
impormasyon na kung saan maaaring magdulot ng pagkalito ng tao kung hindi natin pagninilayang mabuti ang
sitwasyon.
Gamit ang tsart sa ibaba punan ito ng datos base sa iyong mga nalalaman.

SITWASYON PEKE/MALING TOTOONG IMPORMASYON


IMPORMASYON UKOL SA UKOL SA COVID-19
COVID-19
COVID- 19 PANDEMIC

TANONG:
1. Ano ang mas gugustuhing mong malaman, ang katotohanan o ang maling impormasyon?
2. Bakit mahalagang malaman mo kung ano ang totoo?
3. Paano mo masasabi na totoo ang impormasyong alam mo?

Gawain 6
Dahil lockdown at hindi makapagtrabho ang mga magulang mo, kaya napakahalaga ng pera sa ngayon bilang
pangtustus ng pangangailangan ng pamilya mo. Habang ikaw ay naglalakad, may napulot kang wallet na
maraming pera ang laman.
Tanong:
1. Ano ang gagawin mo? bakit?
2. Dahil sa ginawa mo, ano ba ang pinapahalagahan mo? Bakit?
3. Bumuo ng isang plano o gagawin ngayong lockdown/covid-19 pandemic para ipakita ang ugnayan ng isip at
kalooban mo bilang isang tao.

V. MGA SANGGUNIAN
Department of Education Curriculum and Standard. 2020. Most Essential Learning
Competencies with Corresponding CG Codes/Suggested LR. Pasig City.
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig:
FEP Printing Corporation.
Department of Education. Detailed Lesson Plan in Edukasyon sa Pagpapakatao. Regional
Center Site, Rawis, Legazpi City.

Inihanda nina:

MA. GENE ROUSA M. AMANTE MILDRED G. ALFIGURA


Teacher I, Guro sa EsP10 MT-I, Guro sa EsP10

IVAN P. BUENO JEMIMAH RUTH P. MAGA


Teacher I, Guro sa EsP10 Teacher I, Guro sa EsP10

Sinuri ni: Nabatid ni:

MILDRED G. ALFIGURA FLORANTE L. RUAYA


MT-I, EsP Department HT-III, EsP Department

5|P ag e

You might also like