You are on page 1of 6

LEANDRO V.

LOCSIN SENIOR HIGH SCHOOL


Rivera Compound Brgy. Kaligayahan,
Novaliches 5th District, Quezon City
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region – Metro Manila
Schools Division of Quezon City
LEANDRO V. LOCSIN SENIOR HIGH SCHOOL
Rivera Compound, Brgy. Kaligayahan, Quezon City

Filipino sa Piling Larang (Akademik)


SY:2020-2021
Manunulat: Meshyl Napay Dangla
Unang Linggo

Titulo ng Kurso: Filipino sa Piling Larang (Akademik) Sangkapat: Una


Track/Strand: Academic/HUMSS Semester: 1

SULYAP SA PAKSA

Pamantayang Pagganap
a. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB-0a-c-101).
b. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian,
at anyo (CS_FA11/12PN-0a-c-90).

Layunin:
a. Naipapaliwanag ang kahulugan ng akademikong pagsulat.
b. Naipapahayag ang pagkakaiba ng akademikong pagsulat at di-akademiko.
c. Napapahalagahan ang akademikong pag-susulat sa pipiliing larangan.

UNANG GAWAIN:

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga tanong. Bilugan ang tamang sagot
ayon sa iyong kaalaman.

1. Ito ay pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng maraming tao.


a. blog b. diary c. sanaysay d.talumpati
2. Ito ay malayang paggamit ng mga salita binubuo ng saknong at taludtod na
karaniwang wawaluhin,lalabindalawahin,lalabing-animin at lalabing-waluhing
pantig.
a. talata b. talumpati c.tesis d. tula
3. Ang organisadong ideya ay may katangian tulad ng mga sumusunod MALIBAN
sa:
a. Planado ang ideya c.Magkakaugnay ang ideya
b. May damdamin ang mga salita d.May estrukturang mga pahayag
4. Ang akademikong pagsulat ay tumutukoy sa mga sumusunod MALIBAN sa?
a. pagbasa b. pag-sulat c. pag-aaral d. praktikal
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan sa akademikong
pagsulat?
a. Dapat ay bukas ang isipan sa mga ideyang ipinahahayag.
b. Nabibigyang halaga ang pagtatasa ng mga ideya at teksto.
c. Tumatanggap ng mga bagong ideya at iniuugnay ito sa sariling ideya.
d. Sariling katwiran ang ideya at pagpapahayag ng damdamin kahit
makasakit ang mga salita sa nakakakita o nakikinig.

NILALAMAN

Ang akademikong pag-susulat ay may malaking ambag sa iba’t-


ibang aspeto ng ating buhay. Maaring hindi natin ito nabibigyang halaga sa pang
araw-araw ngunit malaki ang epekto nito sa ating buhay.

Ano nga ba ang akademikong pag-susulat?

Ang salitang akademiko o academic ay mula sa wikang Europe na


“academique” na iniuugnay sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o larangan ng
pag-aaral, pagbabasa at pagsulat. Sa gawaing akademik ay pinauunlad ang
kasanayan at kaalaman na may kaugnayan sa pinagkakadalubhasaan. Ang ibat-
ibang gawain na may kaugnayan sa akademikong pag-susulat ay dapat
nagbibigay ng ideya at inspirasyon, plano ang ideya, obhetibo, magkakaugnay ang
mga ideya, at higit sa lahat ay gumamit ng mga siyentipikong batayan tulad ng
obserbasyon, pagbabasa at pananaliksik. Samantala, ang mga gawaing hindi
sumusunod sa pamantayang ito sapagkat ang gawaing ay base lamang sa
karanasan, kasanayan at common-sense ay tinatawag na di-akademikong pag-
susulat.

Ang akademikong pag-susulat ay ginagamitan ng mapanuring pagbabasa


at pag-iisip, pagiging malikhain, kritikal at analitikal sa mga ipinahahayag. Ang
ilan sa mga halimbawa ng akademikong pagsusulat ay mga tekstong
pampanitikan (tulad ng nobela, tula, dula, sanaysay, kuwento, telenobela,
pelikula atg iba pa), komunikasyong pang –broadcast (tulad ng artikulo sa dyaryo,
balita, interbyu, programa at editorial), at mga pagsasaliksik ng ibat-ibang
larangan na gumamit ng siyentipikong metodo nang pagpapatunay sa pag-aaral.

Layunin at Gamit ng Akademikong Pagsasaliksik


1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at
malikhaing pagsasagawa ng ulat.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri
ng teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng
may-akda kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na
paksa ng mga naisagawang pag-aaral.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang
anyo ng akademikong sulatin.
6. Matukoy na ang akademikong pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa
pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa
edukasyon.

Anyo ng Akademikong Pagsulat


1. Sanaysay
2. Pamanahong Papel 10. Konseptong Papel
3. Tesis 11. Awtobiograpiya
4. Disertasyon 12. Panuring Pampanitikan
5. Abstrak 13. Talumpati
6. Aklat 14. Editoryal
7. Rebyu 15. Pictorial Essay
8. Ensayklopedya 16. Sintesis
9. Artikulo 17. Bibliyograpiya

Katangian ng Akademikong Pagsulat


1. Pormal – Gumagamit ng mga pormal na salita at hindi ang balbal na
pagpapahayag at pagpaliwanag sa ideya o paksa.
2. Obhetibo – Malinaw ang layunin ng pagsulat upang mapaunlad ang bagong
kaalaman at pag-aaral.
3. May paninindigan – Ito ay ang pagkilala sa pag-aaral ng iba kaya marapat na
maging mapanuring manunulat at mambabasa upang mapanindigan ang mga
bagong ideya at pag-aaral.
4. May pananagutan – May pagkilala sa mga hiniram mula sa tunay na may
akda ng isang teksto.
5. May kalinawan – May maayos na estruktura o pagkakasunod-sunod ng mga
kaalaman at ideya ng ginawang teksto.

GAWAIN

Lagyan ng kulay bughaw ang mga paglalarawan tungkol sa akademikong


pagsusulat at PULA naman kung ang mga pahayag ay di-akademiko.

Magbigay
Impormasyon

Sariling
Subhetibo
karanasan

Magkakaugnay Obhetibo
ang ideya

Hindi malinaw
ang estruktura

Mga Gabay na tanong:

1. Ano ang pagkakaiba ng akademikong pagsusulat sa di-akademikong


pagsusulat?
2. Paano magagamit ang akademikong pag-susulat sa pag-papaunlad ng
kaalaman at estado ng buhay sa ating pamayanan?
3. Ano ang kahalagahan ng akademikong pagsusulat sa pagpili ng kurso na
iyong kukunin sa kolehiyo?
PAGPAPAUNLAD NA GAWAIN:

A. Panuto: Basahin at unawain ang nilathala ni Patrick Ivan R. De Guzman sa


kanyang blog na sumasagot sa tanong na “Bakit mahalagang malaman ang
kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng ibat ibang anyo ng sulating
ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademiko ?”

Ang akademikong pagsusulat o sulatin ay isang intelektwal na pagsusulat.


Ito ay madalas na ginagamit sa kommunikasyon na ang tawag ay liham,
pananaliksik at iba pa. Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na
sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat.
Ito din ay ginagamit upang magbatid ng mga impormasyon at saloobin sa
kanyang ginagawang sulatin.
Ang akademikong pagsusulat ay isang mataas na kasanayan na sa pag
susulat. Layunin ng akademikong pagsusulat ang magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na maglibang lamang. Nangangailangan ng mas
mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin sa akademikong pagsusulat, dahil
dito ay sineseryoso ng mabuti, katulad ng ating ginagawa sa pananaliksik,
kailangan natin ng basehan at kailangan din tama ang impormasyong ating
inilalagay sa nilalaman sa sulatin. Nakadepende sa kritikal na pagbabasa ng
isang indibidwal sa pagbuo ng akademikong sulatin. Ang layunin ng
akademikong pagsusulat ay ang mailahad ng maayos ang kanyang sulatin at
ang tema upang malinis itong mababatid ng makakakita.
Hindi lamang ang mga mag-aaral, guro, at ang mga nakapagtapos ang
maaring matuto ng akademikong pagsusulat kundi kahit sino, kahit hindi
pilipino ay maaring matuto ng akademikong pagsusula. Dahil lahat tayo ay
aplikado na matuto at kahit sino kayang matuto. Ito ay mahalagang pag
aralan dahil makakatulong ito sa pag papalawak ng kaalaman at paghasa ng
isipan.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng akademikong pagsulat?
2. Paano mo ito magagamit sa pag-pili ng iyong kurso sa kolehiyo?
3. Paano makakatulong ang pag-aaral ng akademikong pagsulat sa
pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kasanayan?

B. Panuto: Pumili ng isang teksto, maaaring sanaysay, kuwento, poster ng


programa, talumpati o kabanata ng isang aklat, o komiks.

Gumawa ng interpretasyon o ebalwasyon sa napiling teksto na maaring


ipakita sa:

a. Pag-guhit o sketch,
b. Tula,
c. Kanta,
d. Kard,
e. Reaksyong papel, at
f. Comic strip.

Rubrik ng Pagtatasa:

Kabuuang Orihinalidad Kaangkupan ng Presentasyon Kabuuan


Konsepto interpretasyon

30% 30% 30% 10% 100%


PAGTATAYA

Panuto: Lagyan ng tsek √ ang kahon kung ang aytem ay naglalahad


ng tamang ideya ngunit X kung mali.

1. Teksto din ang napapanood na mga pelikula at nakikitang


pagpipinta.
2. Ang salitang akademiko ay nagmula sa salitang
“acadamaycus”.
3. Ang pagsulat ng sanaysay ay dapat planado ang ideya.
4. Ang akademikong sulatin ay gumagamit ng mga siyentipikong
datos na magpapatunay na ang isang pag-aaral ay katanggap-
tangap.
5. Ang talumpati ay sulating naglalayong makapanghikayat,
mangatwiran at mag bigay kaalaman sa mga nakikinig.
6. Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman,
kakayahan, pagpapahalaga at talino.
7. Ang tesis ay hindi na mahalaga sapagkat pauli-ulit lamang ito
ng paksa.
8. Ang abstrak ay may layunin nitong mapaikli o mabigyan ng
buod ang mga akademikong papel.
9. Ang sintesis ay ginagamit upang mapaikli ang kuwentong
naratibo.
10. Ang di-akademikong gawain ay base sa karanasan,
kasanayan at common sense.

MGA SANGGUNIAN:
:

Books
Constantino, Pamela C. at Zafra, Galileo S. 2016. Filipino sa piling larangan
(Akademik): REX Book Store.

Websites
http://konseptosaakademikongpagsulat.blogspot.com/2017/11/bakit-mahalagang-malaman-
ang.html
https://elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/
https://www.slideshare.net/MiguelDolores/akademikong-pagsulat

You might also like