You are on page 1of 1

1. Ano ang dahilan at nais mong pag-aralan ang tungkol kay Sta.

Teresa ng Avila?
Nasabi ko na ako ay bahagi ng isang espiritwal na pamilya ng Carmel. Ang aming
tagapagtatag na si Beato Padre Maria Eugenio ng Niño Jesus ay sumulat ng ‘’I want
to see God’’ na ang balangkas ay nakabatay sa sinulat ni Sta. Teresa. Gayunman,
aaminin ko na mas malapit ako kay Sta. Teresita ng Niño Jesus kasi mas madali
siyang basahin at unawain para sa akin. Napakalaking biyaya para sa akin na muling
mapag-aralan at mapagnilayan ang buhay at mga sinulat ni Sta. Teresa ng Avila
upang mas lumawak ang aking kaalaman.

2. Ano ang mga nais mong matutuhan tungkol sa kanyang buhay at


sa landas ng kabanalan?
Nais ko na mas maunawaan ang kanyang paraan ng pananalangin at ang landas ng
kabanalan. Hindi siya nag-aral ng Teolohiya katulad ni San Juan dela Cruz.
Gayunman, napakahalaga ng kanyang pamamaraan na pagsasalaysay ng kanyang
pamamaraan at karanasan. Gagabayan niya tayo sa panalangin upang makatagpo ang
Panginoon. Katulad ng isang ina, ginagabayan at inaakay niya tayo patungo sa landas
ng kabanalan. Tinatawag namin siya na “La Madre’’ kasi para siyang ina na nagtuturo
sa kanyang mga anak at nagbibigay ng pagkaing espiritwal na kailangan sa araw-
araw.

3. Ano ang naiisip mo tungkol sa landas ng kabanalan?


Ito ay patuloy na paglalakbay. Sa pamamagitan ng mga sakramento ay nabibigyan
tayo ng kailangan natin upang matahak natin ang landas ng Panginoon. Kailangan ng
maalab na pag-ibig at katapatan upang makapagpatuloy tayo sa landas ng Panginoon.
Ang landas na ito ay bukas para sa lahat anuman ang kalagayan sa buhay. Ito ay
nagaganap sa pang-araw araw nating buhay. Nasa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Si
Sta. Teresa Benedicta ng Krus ay binago noong mabasa niya ang buhay ni Sta.
Teresa. Ito para sa akin ang landas ng kabanalan. Sinulat ni Sta. Teresa Benedicta na
“ang ating kalooban ay kailangang maging kaisa ng kalooban ng Diyos.’’

You might also like