You are on page 1of 2

MENSAHE NI STA.

TERESA DE AVILA
1. Panimula
Ngayon ay nagdiriwang ang Pilipinas ng ika-500 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa ating
bansa. Ang bansang España ang naging daan upang maging Kristiyano ang karamihan sa mga Pilipino.
Namumukod tangi sa buong Asya. At noong maghimagsik sa pananakop ng mga Kastila ay hindi
tinalikdan ng karamihan ang pananampalataya. Naging tapat sa pananampalataya ang karamihan sa mga
Pilipino. Si Sta. Teresa ay isang Kastila. Napakahalaga niya sapagkat marami siyang maibabahagi
pagdating sa pananampalataya.
2. Mahalagang Mensahe
May mga ilang pananaw tungkol sa kabanalan na umiiral ngayon. Ito ay minsang nababasa o
kaya ay aking nadidinig sa mga pag-uusap.
a. Kaisipan ng marami: Ang kabanalan ay para lamang sa iilan lalo na sa mga pari at mga madre.
Madalas kapag nalaman na ang isang tao ay pari o madre ay agad naiisip na siya ay banal. Kapag
nagkamali o nagkasala ay mahirap tanggapin. Kapag may mga nagpapakabuti namang layko ay
nasasabihan na hindi ka naman pari o o madre ay bakit ka nagsisikap na maging mabuti. Ang kaisipang
ito ay tila laganap pa din hangga ngayon. Masyadong itinataas ang mga pari at madre at ibinababa ang
mga layko.
Mensahe ni Sta. Teresa: Ang Kabanalan ay bukas para sa lahat ng tao anuman ang bokasyon at
kalagayan sa buhay.
Noong tayo ay tumanggap ng Sakramento ng Binyag ay napunla sa atin ang binhi ng kabanalan.
Ang tawag sa kabanalan ay tawag para sa lahat at hindi lamang sa iilan. Maging pari, madre, layko at
walang kabiyak ng puso ay tinatawag sa kabanalan. Maging mayaman o mahirap, may pinag-aralan o
walang gaano ay may tawag pa din sa kabanalan. Lahat ay tinatawag. Mapapansin na sa Pilipinas ay
dalawa ang kinikilalang santo- sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod. Pareho silang martir
bagamat si San Lorenzo ay may sariling pamilya at si San Pedro naman ay binata at isang katekista. Ang
Diyos ang siyang magpapabanal sa atin. Kailangang makiisa tayo sa kanyang plano sa buhay natin.
b. Kaisipan ng marami: Ang kabanalan ay nagaganap sa mga kakaibang pangyayari sa buhay.
Karaniwang naiisip na upang maging banal ay kailangang lumayo at magpunta sa ibang lugar.
Kailangang gumawa din ng kakaibang mga gawain. Isa ito sa dahilan kung bakit naiisip ng marami na
ang kabanalan ay hindi para sa kanila. Hindi ito kayang gawin kaya huwag na lamang subukan.
Mensahe ni Sta. Teresa- Ang kabanalan ay nagaganap sa pang-araw araw na buhay.
Hindi naman kailangan na magpunta sa napakalayong lugar o gumawa ng kakaibang mga gawain
upang makatahak sa landas ng kabanalan. Kahit sa ating araw araw na buhay ay magaganap ito sapagkat
puwede nating makatagpo ang Panginoon kahit saan at sa kahit anong paraan. Ang Diyos ang
magpapabanal sa atin. Hindi natin kaya kung tayo lamang. Kailangang maging tapat at mapuno ng pag-
ibig ang mga ordinaryong pag-ibig upang matupad natin ang kalooban at plano ng Diyos.
3. Konklusyon
May mga nagsabing dalubhasa na ang pinakamahalagang mensahe ng Ikalawang Konsilyo
Vaticano ay ang paalala na ang lahat ay tinatawag sa kabanalan. Matagal ng pumanaw si Sta. Teresa
ngunit ang kanyang buhay at mga sinulat ay kailangang kailangan pa din natin ngayon. Buhay na buhay
ang mensahe niya hangga ngayon.

You might also like