benipisyal, sapagkat matapos itong gawin ay marami ang posibleng matulungan o makinabang. Ito ay nakapaloob sa mga napapanahong problema sa lipunan,pamayanan, o ng pansariling suliranin na nangangailangan ng epektibong katugunan, kailangang pagtuunan ito ng oras at panahon. Isang pagkatuto ang paggawa ng aksyon riserts, tumutukoy sa mga panggrupong gawain kung saan magbibigay ang bawat isa ng kani-kanilang interes sa mga paksa o mga problemang malapit sa kanila. Ito ay isang praktikal na gawain kung saan ang bawat miyembro ng grupo ay kinakailangang tumuklas ng mga makabagong kaalaman na higit na magpapatibay sa kanilang paksa., mga kaalamang sila mismo ang kabilang. Layunin ng aksyon riserts na makagawa ng isang pagbabago., Pagbabago sa sarili at sa lipunang ginagalawan nito, upang maging matiwasay ang kanilang pamumuhay araw-araw. 1. May malawak na pag-unawa at sapat na kaalaman sa paggawa. 2. Interesado ang bawat kasapi o myembro nito. 3. May payak malinaw at napapanahong pamagat 4. Siguraduhing may mga sanggunian o mga paghahanguan tulad ng libro, magasin, dyaryo at iba pa upang higit na mapagtibay ang aksyon riserts. 5. Alamin ang benipisyong dulot ng aksyon riserts. 1. Plagyarismo, ito ay tumutukoy sa tahasang pagkopya ng gawa ng iba, pagkopya ng walang permiso galing sa may- akda. 2. Kakulangan sa mga sanggunian o paghahanguan 3. Walang kaukulang pagpapatibay 4. Kinikilala ang sariling opinyon nang walang pagbabasihan 5. Pagiging bias ng mga mananaliksik sa kanyang mga respondente