You are on page 1of 23

Ang pagsulat ay isang masalimuot na proseso, lalo na

ang pagsulat ng papel na pananaliksik. Ilan sa


layunin ng pananaliksik ay tumuklas ng bagong
kaalaman hinggil sa mga batid ng kaalaman at
makahanap ng sagot sa mga suliraning hindi pa
ganap na nalulutas at malaki ang papel na
ginagampanan ng mga hanguan ng impormasyon
dito.
Mga Babasahin:
May tatlong uri ng mga batis ng
impormasyon—ang pangunahin o
primaryang batis ,ang pangalawa o
sekondaryang batis at elektroniko.
a. mga indibidwal o awtoridad
b. Mga Talaarawan o Diary/Journal.
c. Mga Awtobiograpiya - Ang mga
awtobiyograpiya o talambuhay na isinulat
mismo ng isang tao tungkol sa kanyang
sarili . Nakasulat dito ang mahahalagang
pangyayari sa buhay ng may akda.
d. Ang memoir -Nakapaloob dito ang damdamin
at opinyon ng sumulat tungkol sa isang bagay o
pangyayari. Ipinapaliwanag niya ang mga pangyayari
ayon sa kaniyang paniniwala at perspektibo
e. Mga Liham
f. Ang talumpati - Isang uri ito ng komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
g. Mga Ulat - Karaniwang ito ay mga opisyal na
dokumento na isinulat ng mga taong nasa isang pook sa
haba ng isang panahon. Naglalahad ito ng mga bagay na
nabasa, namasid, sinaliksik, napakinggan o nagawa.
h. Mga Aklat na Isinulat ng mga Awtoridad-
Mayroong mga aklat na maaaring ituring na
pangunahing batis kung ito ay isinulat ng mga tao na
mismong naging saksi sa mga pangyayari.
i. Mga Isinulat ng mga Saksi – tinatawag itong
eyewitness account. Ang eyewitness account ay
maaaring maisama sa awtobiograpiya at sa memoirs.
j. Mga Artikulo sa mga Pahayagan - Maaari ring
ituring na pangunahing batis ang mga pahayagan kung
ito ay mayroong tuwirang turan (direct quotation) o
halaw mismo sa pinanggalingan ng impormasyon.
Kabilang dito ang mga salaysay o pronouncement.
a. Mga Fossil, Buto, at Relikya
b. Mga Memorabilia -Ang mga gamit, damit,
kasangkapan, armas, at tirahan.
c. Kasaysayang Oral - Ang mga kasaysayang oral ay
mga isinalin lamang na kuwento o kaalaman tungkol sa
nakaraan na nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga
tao. Ilan sa mga kasaysayang oral ay mga awit, tula,
epiko, at alamat.
a. mga dyaryo, newsletter, artikulo, jornal at
magasin.
b. mga aklat tulad ng diksyonaryo,
ensayklopedya, yearbook, alamanac at atlas.
c. mga manwal, polyeto at iba pa.
d. mga nalathala at di nalathalang mga tesis,
disertasyon at mga pisibiliti na pag-aaral.
Mga impormasyon na nakukuha sa
pamamagitan ng teknolohiya o
tinatawag na internet. Maitututring na
ang internet ang isa sa pinakamalawak
at pinakamabilis na hanguan ng
impormasyon.
1. Alamin ang layunin sa pagtatala at ang
kabuuan nito.
2. Itala sa indeks card ang mga mahahalagang
mga tala/ bibliograpi.
3. Ilagay sa indeks kard ang kumpletong datos
ukol sa pinagkunan ng impormasyon gaya ng
awtor at pamagat sa kanang bahagi nito.
4. Siguraduhin ang anyo ng tala dahil ito ang
magiging batayan nang maayos at organisadong
impormasyon.
Ayon kina Constantino at Zapra(1997) ay may
iba’t ibang klase o anyo ng tala, ito ay ang mga
sumusunod:
a. Direktang Sipi - ito ay pagkuha ng buong
sipi na walang binago ngunit dapat na tiyakin na
hindi sobrang haba ang sisipiin na halos lahat ng
ideya ay galing na sa ideya ng iba.
Dapat lagyan ng panipi ( “ “) ang mga talang
sinipi na kung saan ito ay nagpapakilala na ito ay
direktang sipi.
Lagyan naman ng elipsis (…) kung may bahaging
piniling hindi sipiin ngunit nasa gitna ng talata.
Lagyan din ng ellipsis (…) ang mga siniping bahagi
na hindi tinapos na talata o pangungusap at
maging ang mga bahaging hindi sinipi ang
panimula ng pahayag o pangungusap ay nilalagyan
din ng elipsis (…)
b. Buod ng tala- dito tinutukoy ang
pinakamahalagang ideya ng isang talata. Isinusulat
ang impormasyon batay sa pang –unawa na
ginagamitan ng sariling pananalita ng
mananaliksik.
c. Presi - pinakabuod o paglalahat ideya ng
isang sulatin o akda, pinanatili rito ang orihinal na
ayos ng ideya. Maari ring gamitin ang orihinal na
susing salita ng awtor, pero maaari ring gumamit
ng sariling salita na hindi gaanong lalayom sa
orihinal na teksto. humigit kumulang sa 1/3 ng
orihinal na teksto ang haba ng presi.
d. Sipi ng sipi – ito ay pagsipi ng bahagi ng sulatin na
sinipi rin mula sa ibang teksto, ang siniping bahagi ng
sipi ay ipinapaloob sa isang panipi (‘ ‘ ) lang.
e. Hawig o Parapreys -ito ay paglalahad ng mga ideya
ng iba gamit ang sariling pananalita. pinapanatili rito
ang buong orihinal na kaisapan ng teksto, May
pagbabago sa istruktura ng mga salita at mga
pangungusap ngunit dapat ay ayon pa rin sa orihinal na
1. Sarili - ito ay base sa iyong karanasan, sa mga
nabsa, napakinggan at napag-aralan at natutunan.
2. Dyaryo at Magasin- Isa ito sa maaring pagkunan
ng paksa , lalo na ng mga napapanahong isyu mula sa
pangmukhang pahina ng mga diyaryo at magasin, sa
mga kolum, editorial at iba pang seksyon ng dyaryo at
magasin.
3. Internet - Pinakamadali , pinakamabilis at
malawak na mapaghahanguan ng paksa.
4. Radyo/ TV – Maraming uri ng programa sa radio
at TV na maaring mapaghanguan ng paksa gaya ng mga
balita, isports, programang pangkabuhayan at pang –
edukasyonal.
5. Aklatan – Dito makikita ang lahat ng paksa na
nauugnay sa iba’t ibang larangan.
6. Mga Eksperto , Kaibigan at Guro – Sa
pamamagitan ng pagtatanong – tanong ay maaari ka
ring makakuha ng ideya sa iba na maaring makatulong
sayo.
7. Interes at Larangan - iba-iba ang interes ng mga
tao. Sinasabing mas praktika kung ang magiging paksa
mo ay may kaugnayan sa iyong larangan.
Sa aklat ni Sevilla na isinalin nina Espiritu at
Dakanay ( 1998),
1. Ang balangkas ay maaaring magpakita ng
mga puntos na nangangailangan pa ng
pananaliksik, at sa kasong ito dapat kang muling
pumunta sa aklatan para sa karagdagang
impormasyon.
2. Ang balangkas ay magbibigay sa mananaliksik ng
mga aytem na nasaliksik nang mabuti nang sa gayon
sa huli ay maaari nang itapon ang mga hindi
kailangang tala.
3. Ang balangkas ay magpapabuti sa iyong paraan
ng pag-iisip. Madaling isulat ang mga pira-pirasong
impormasyon pero ang pagahahanda ng balangkas
ay nangangailangan ng kakaibang kasanayan.
4. Ang balangkas ang magpapanatili sa iyo sa mga
saklaw ng iyong gawain. Maiiwasan ng mananaliksik
ang paggamit ng hiwa-hiwalay na presentasyon kung
mayroon kang balangkas. Bukod dito, ito ang
magiging batayan mo sa pagsulat.
5. Sa pagbabalangkas ng papel pananaliksik,
maaaring gumamit ng dalawang uri : ang papaksang
balangkas at ang papangungusap na balangkas.

You might also like