You are on page 1of 138

Print Tungong PDF (P2P) Digital:

Pagpagaspas ng mga Pahina-Pakpak

Unang hakbang ang proyektong Print Tungong PDF (P2P) Digital sa hangarin ng UP Sentro ng
Wikang Filipino – Diliman na makapag-ambag sa larangan ng digital humanities. Sa panahon
ng pag-unlad ng mas makabagong digital na mga teknolohiya, mahalagang mahusto ang
pagbubuo ng mga korpus na nakasulat at nakalathala sa wikang Filipino at mga wika sa
Pilipinas upang makapag-ambag sa balon at batis ng kaalaman sa Pilipinas. Kasabay ng
pagbabanyuhay tungong portable document format (PDF) ng mga piling aklat na nauna
nang inilimbag ng Sentro sa nakalipas na mga dekada, hinihiraya naming makapag-aambag
ito tungo sa pagbubuo ng digital corpus ng aming opisina at ng unibersidad.
Layunin ng P2P Digital na suportahan ang bukas na pag-akses (open access), lalo
na sa panahon ng pandemya. Pag-adhika ito na gawing libre, downloadable, at shareable ang
mga librong madalas na hinahanap sa aming opisina tulad ng mga teksbuk, mga kalipunan ng
babasahin, mga akdang pampanitikan, mga pagsasalin at pananaliksik, at mga out-of-print
o limitadong-kopya na mga libro. Batid namin na may kadahupan sa mga teksto at materyal
pang-edukasyon at pangkaalaman, lalo na iyong nakasulat sa wikang Filipino at mga wika
sa bansa. Nababakuran rin ang akses sa mga aklat at kaalaman dahil sa mga kapitalistang
limitasyon ng pagmamay-ari kahit ngayong panahon ng online o blended learning. Kung
kaya ang P2P Digital, bagaman hindi buong-buong solusyon sa kadahupan at limitasyong
naturan, ay buong-puso at mapagpakumbabang pag-ambag sa at pag-adhika para sa
malayang bahaginan ng kaalaman.
Taos-puso ang pasasalamat namin sa mga may-akda at editor ng mga librong
sumang-ayon at sumuporta na pagbanyuhahin tungong PDF ang kanilang mga libro.
Lubos na pasasalamat kay Dr. Fidel Nemenzo, Tsanselor ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman,
para sa malakas na suporta sa proyektong ito.
Ipinakilala ng UP SWF-Diliman noong 2020 ang proyektong P2P Digital, sa pamumuno
ng direktor ng UP SWF-Diliman na si Dr. Mykel Andrada bilang Pangkalahatang Editor ng P2P
Digital, katuwang ang Tagapamahalang Patnugot nito na si G. Odilon Badong Jr.
Pasasalamat kina G. Guian Fidelson at G. Marcopolo Pelaez bilang mga encoder
ng kalakhan ng mga librong ginagawang PDF. Pasasalamat kay G. John Christopher DG.
Lubag, Editoryal na Katuwang at Editor Pangwika ng P2P Digital, at kay G. Michael Balili,
Digital na Katuwang, at layout artist ng P2P Digital.
Tulad ng logo ng P2P Digital, ang mga libro sa proyektong ito’y pinalilipad na
mga pahina tungong digital na mundo. Malayang papagaspasin ang mga digital na pahina-
pakpak para sa kolektibong pag-unawa, pag-alam, pagkatuto, at pagbabahaginan.
I-download. I-save. I-share. I-print. Ipasa pagkabasa.

Serye ng isina-Filipinong mga akda at pananaliksik


sa dayuhang wika at sa mga wika ng Pilipinas. Sa
wikang Bisaya nagmula ang “bahandi,” na ibig sabihi’y
“kayamanan.” Pagpapayaman sa kulturang Filipino ang
pagkakaroon ng salin sa wikang pambansa ng mga
itinuturing na mahalagang panitikan ng daigdig at ng
bansa. Inililimbag sa serye ang mga aklat na nagtataguyod
sa pag-unlad ng pambansang panitikan mula sa ambag ng
panitikan ng daigdig at ng mga rehiyon sa Pilipinas.
Si Alice sa Daigdig ng Hiwaga
lewis carroll

Si Alice
sa Daigdig
ng Hiwaga
Isinalin ni
a u r o r a e . b at n a g

SENTRO NG WIKANG FILIPINO


Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Lungsod Quezon
Si Alice sa Daigdig ng Hiwaga
©1865 Lewis Carroll
Tampok ang mga guhit ni Sir John Teniel mula sa 1865 na edisyon ng
“Alice in Wonderland,” gamit ang lisensya ng Public Domain Mark 1.0 ng Creative Commons.
©2020 Aurora E. Batnag at Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman

Sinusuportahan ng Sentro ng Wikang Filipino – Unibersidad ng Pil-


ipinas Diliman (SWF-UPD) ang bukas na pag-akses (open access).
Libreng maaakses, mada-download, maibabahagi, masisipi, at ma-
gagamit nang buo ang mga aklat at materyales ng Aklatang Bayan
Online at P2P Digital. Hinihiling namin na akmang banggitin ang
mga aklat at mga awtor at/o patnugot nito at ang SWF-UPD bilang
orihinal na batis at tagapaglathala, at na huwag babaguhin at gag-
amitin para sa komersyal na layunin ang mga dinownload na teksto.

The National Library of the Philippines CIP Data

Recommended entry:

Batnag, Aurora E.
Si Alice sa daigdig ng hiwaga / salin
ni Aurora E. Batnag = Alice in wonderland/ ni Lewis Carroll. – Quezon City
: UP-SWF,©2000

1v Filipino text
Children’s literature, American –Translations into Filipino.
2.Children’s stories, PhilippineI. Carroll, Lewis II. University of the
Philippines. Sentro ng Wikang FilipinoIII. Title.

PL6058.4 899.211’3 1999 P911000081


ISBN 978-971-635-076-0

Kinikilala ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman ang Opisina ng Tsanselor ng Unibersidad


ng Pilipinas - Diliman para sa pagpopondo ng proyektong ito.

Aurora E. Batnag Michael Balili


May-akda Disenyo ng Aklat at Pabalat

Michael Francis C. Andrada Sir John Teniel


mula sa 1865 na edisyon ng
Pangkalahatang Editor, “Alice in Wonderland,” gamit ang lisensya
Proyektong P2P Digital ng Public Domain Mark 1.0 ng Creative Commons.
Mga Larawan sa Pabalat

Odilon B. Badong, Jr. Inilathala ng:


Tagapamahalang Patnugot Unibersidad ng Pilipinas - Diliman
ng Proyektong Proyektong P2P Digital sa pamamagitan ng
Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman
3/Palapag Gusaling SURP, E. Jacinto St.,
UP Campus, Diliman, Lungsod Quezon
Telefax: 8924-4747
Telepono: 8981-8500 lok. 4583
www.swfupdiliman.org
Nilalaman

Pagdausdos sa Lungga ng Kuneho 13


Lawa ng Luha 22
Karerang Caucus at Mahabang Kuwento 31
Ipinadala ng Kuneho ang Munting si Bill 39
Ang Payo ng Higad 50
Baboy at Paminta 61
Nakababaliw na Pagtitipon 73
Ang Palaruan ng Croquet 83
Ang Kuwento ng Mock Turtle 95
Ang Laro ng Ulang 106
Sino’ng Nagnakaw ng Tart? 116
Ang Ebidensiya ni Alice 124

Tungkol sa Tagasalin 125


Si Alice
sa Daigdig
ng Hiwaga
KABANATA I

PAGDAUSDOS SA LUNGGA NG KUNEHO

Nababagot na si Alice sa pagkakaupong walang ginagawa kasama


ng kaniyang nakatatandang kapatid na babae sa tabing ilog. Minsan
o makalawang sinilip niya ang aklat na binabasa ng kaniyang kapatid
ngunit wala itong retrato o usapan. “At ano’ng kuwenta ng isang
libro,” naisip ni Alice, “na walang retrato o usapan?”
Tinitimbang niya sa isip (hangga’t makakaya niyang mag-isip
sapagkat inaantok siya sa init ng panahon at nagmumukhang tanga)
4 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

kung mawiwili ba siya ng sapat sa paggawa ng kuwintas na margarita


para tumayo at mamitas ng mga bulaklak na ito, nang biglang
tumakbo sa harap niya ang Puting Kuneho na may rosas na mga
mata.
Walang pambihira sa bagay na iyon; ni hindi naisip ni Alice na di
pangkaraniwang marinig ang sinabi ng kuneho sa sarili, “Ay, naku! Ay,
naku! Mahuhuli ako!” (Pagkaraan, saka niya naisip na dapat niyang
pagtakhan ito ngunit nang una niya itong marinig ay parang natural
lamang ang lahat.) Ngunit nang dukutin na ng kuneho ang relos nito
sa bulsa ng amerikana at tingnan ang oras, at nagmadaling sumibat,
napatayo si Alice dahil pumasok sa kaniyang isip na ni minsa’y hindi
pa siya nakakikita ng isang kunehong nakaamerikana na ang bulsa
ay mapaglalagyan ng relos. Sa malaking pagtataka, hinabol niya ito
sa bukid, at naabutan pa niyang lumusot sa isang malaking lungga
daanan ng kuneho doon sa ilalim ng halamang bakod.
Sansaglit lamang at kasunod na si Alice pababa, na hindi na nag-
isip kung paano siya makalalabas doon.
Diretsong pababa ang lungga ng kuneho, parang tunnel, saka
biglang pababa, biglang-bigla kaya’t hindi na nagkapanahon si Alice
na pigilin ang sarili bago niya naramdamang pababa siya sa isang
parang balon.
Maaaring napakalalim ng balon, o kaya nama’y mabagal na
mabagal ang kaniyang pagdausdos, dahil nagkaroon pa siya ng sapat
na panahong tumingin sa kaniyang paligid, at pagtakhan kung ano
ang mangyayari. Una, sinubok niyang tingnan ang ibaba at pinag-
isipan kung ano ang babagsakan niya, ngunit napakadilim ng balon
at napansin niyang puno ito ng mga paminggalan at estante ng aklat;
napansin din niya ang mga mapa at retratong nakapako sa dingding.
Kumuha siya ng isang garapon sa isang estanteng naraanan niya. May
nakasulat ditong “Orange Marmalade” ngunit laking kabiguan niya
Pagdausdos sa Lungga ng Kuneho 5

sapagkat wala itong laman. Ayaw niyang bitiwan ang garapon dahil
baka mapatay pa siya ng nasa ibaba, kaya’t kahit papaano’y inilagay
niya ito sa isa sa mga paminggalan habang pabulusok siya.
“Ay naku,” naisaloob ni Alice, “pagkatapos ng pagbagsak na
ito, balewala nang mahulog sa hagdan. Iisipin nila pag-uwi ko na
napakatapang ko pala! Pero hindi ako magkukuwento, kahit pa sa
bubong ng bahay ako mahulog!” (Baka nga totoo.)
Papalapit na siguro ako sa sentro ng mundo. Teka- mga apat
na libong milya pababa yata iyon, sa palagay ko- (alam ko, may
natutuhan na si Alice na ilang bagay tulad nito sa paaralan, at
hindi man ito ang napakainam na pagkakataon para ipagyabang
ang kaniyang nalalaman, dahil wala namang nakaririnig sa kaniya,
mainam din namang pagsasanay ang sabihin ito)- “Oo, mga ganoon
ng ang tamang distansiya. Pero ano kayang latitude o longitude
ang kinalalagyan ko.” (Walang kaalam- alam si Alice sa latitude o
longitude, ngunit naisip niyang masarap bigkasin ang mga salitang
ito.)
Pagkaraaan, nagsalita siyang muli “Ako kaya’y lulusot sa mundo?
Siguro mainam na makapunta sa mga taong naglalakad nang
patiwarik! Ang mga Anthipathies, palagay ko.” (Natutuwa siya’t
walang nakikinig, dahil parang hindi ito ang tamang salita.) “Pero
dapat kong itanong sa kanila ang pangalan ng bangsang ito, alam
mo. Mawalang galang na po, Ginang, New Zealand? o Australia?”
At sinubok niyang yumukod habang nagsasalita (kahanga- hangang
pagbibigay-galang habang pabulusok sa hangin! Ikaw, kaya mo
iyon?) “Kay-bobong bata, iisipin siguro, sa tanong ko! Hindi, hindi
dapat magtanong. Siguro, may makikita akong nakasulat diyan.”
Pababa, pababa, pababa. Dahil walang magawa, muling nagsalita
si Alice. “Tiyak na hahanapin ako ni Dinah mamayang gabi!” (Si
Dinah ang pusa.) “Sana’y maalala nilang bigyan ng isang platitong
6 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

gatas si Dinah sa oras ng tsaa. Si Dinah, ang mahal kong alaga!


Nandito ka sana. Wala yatang daga sa hangin, pero baka makahuli
ka ng paniki, na para rin namang daga, alam mo. Pero kumakain
kaya ng paniki ang pusa?” At nakaramdam ng antok si Alice, habang
patuloy na sinasabi sa sarili na parang nangangarap, “Kumakain ba
ng paniki ang pusa? Kumakain ba ng paniki ang pusa?” Sumasalit
ang “Kumakain ba ng pusa ang paniki?” Dahil hindi niya masagot
ang alinman sa dalawang tanong, hindi na mahalaga paano man
niya sabihin ito. Agaw-tulog na siya at nagsimula nang managinip
na naglalakad siyang akay si Dinah at taimtim na sinasabi rito,
“Magsabi ka ng totoo, Dinah, nakakain ka na ba ng paniki?” nang
biglang, tsug! tsug! Nalaglag siya sa bunton ng mga patpat at tuyong
dahon, at doon tumigil ang kaniyang pagdausdos.
Ni hindi nasaktan si Alice, at nakatayo na sa isang saglit.
Tumingala siya ngunit madilim sa itaas. Sa harap niya ay isa
pang mahabang daan, at tanaw pa niya ang Puting Kuneho na
nagmamadaling palayo. Walang sandaling maaaring aksayahin-
simbilis ng hangin na sumunod si Alice, at tamang-tamang naabutan
pa niya ang Kuneho na nagwikang, “O, aking tainga at bigote,
gumagabi na!” Nasa likod lamang ng Kuneho si Alice nang siya’y
lumiko, ngunit biglang nawala ito. Nakita na lamang ni Alice ang
sarili sa isang mahaba at mababang bulwagan, na natatanglawan ng
hilera ng mga lamparang nakasabit sa bubong.
May mga pinto sa paligid ng bulwagan, ngunit nakakandong
lahat; at makaraang subuking buksan ni Alice ang bawat pinto,
malungkot siyang naglakad sa gitna, nag-iisip kung paano siya
makalalabas.
Walang ano-ano, nakakita siya ng isang mesang may tatlong
paa na gawa sa purong salamin. Walang nakalagay dito kundi isang
gintong susi, at agad pumasok sa isip ni Alice na ang susing ito ay
para sa isa sa mga pinto. Ngunit laking malas! Kung di napakalaki ng
mga susian ay napakaliit ng susi, at hindi ito mabuksan ang alinman
sa mga pinto. Gayunman, nang subukin niyang muli ang susi, may
nakita siyang mababang kurtina na di niya napansin kanina, at nasa
likod nito ang isang maliit na pintong may labinlimang pulgada ang
taas. Sinubok niya ang ginintuang susi at tuwang-tuwa siya nang
magkasiya ito!
Pinihit ni Alice ang pinto at ito’y nagbukas sa isang maliit
na daanan na halos malaki lamang nang bahagya sa butas ng
8 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

daga. Lumuhod siya at natanaw niya sa daanang iyon ang


pinakamagandang halamang makikita mo. Gustong-gusto ni Alice
na makaalis sa madilim na bulwagan at mapasyalan ang makukulay
na bulaklak at malalamig na bukal, ngunit ni ulo man lamang niya ay
hindi magkasiya sa pinto. “At magkasiya man ang ulo ko,” naisip ng
kawawang bata, “balewala rin ‘yon kung di kasama ang mga balikat
ko. Ay, sana’y mapaiikli ko ang sarili ko tulad ng teleskopyo! Siguro’y
kaya ko, kung alam ko lang kung paano sisimulan.” Alam mo kasi,
marami nang di karaniwang bagay ang nangyari kaya’t nasisip ni
Alice na iilang bagay na lamang ang talagang imposible.
Sa wari’y walang mangyayari kung maghihintay lamang siya sa
tabi ng munting pinto, kaya’t bumalik si Alice sa mesa, kahit paano’y
umaasang may makikita siya roong isa pa uling susi, o kaya’y isang
aklat tungkol sa kung paano
mapaiikli ang mga tao tulad
ng teleskopyo. Ngayon, ang
nakita niya ay isang maliit
na botelya (“Wala ito rito
kanina,” sabi ni Alice.) na
may nakataling papel sa leeg,
na may malalaki at mainam
na pagkakalimbag na mga
salitang “INUMIN MO
AKO.”
Oo nga’t nakasulat doon
ang “INUMIN MO AKO,”
ngunit hindi nagmamadali
ang matalinong munting
bata na gawin nga iyon.
“Titingnan ko muna,” sabi
Pagdausdos sa Lungga ng Kuneho 9

ni Alice, “kung may marka itong ‘Lason’ o wala.” Kasi’y nakabasa


na siya ng ilang magagandang kuwento tungkol sa mga batang
nasunog, o nakain ng mailap na hayop, at iba pang di kanais-nais
na mga bagay, dahil lamang hindi nila naalalang sundin ang mga
simpleng tuntuning itinuro sa kanila ng kanilang mga kaibigan,
tulad ng, mapapaso ka kapag napakatagal ang pagkakahawak mo sa
nagbabagang panundot; at kapag napalalim ang hiwa ng kutsilyo sa
daliri mo, dudugo ito. At hindi niya nalilimutang kapag uminom ka
sa boteng may markang “Lason,” tiyak na sasama ang pakiramdam
mo, sa malao’t sa madali.
Ngunit walang markang “lason” ang boteng ito, kaya’t
pinangahasang tikman ni Alice, at nang masarapan (sa katunayan,
ang lasa ng likido’y tilan pinaghalo-halong cherry tart, letseplan,
pinya, inihaw na pabo, toffy at mainit na tustadong tinapay na may
butter), saglit lamang at naubos ito.

“Kakatwa ang nararamdaman ko!” sabi ni alice. “Umiikli yata


akong parang teleskopyo!”
At gayon nga ang nangyari ngayo’y sasampung pulgada na lamang
siya, at nangislap ang kaniyang mga mata nang maisip na tamang-
tama ang laki niya para makaraan sa maliit na pintong patungo sa
magandang halamanan. Gayunman, naghihintay-hintay muna siya
para malaman kung patuloy pa siyang liliit. Bahagyang kinabahan
siya sa bagay na ito. “Dahil alam mo,” sabi ni Alice sa sarili, “baka
maupos akong tulad ng kandila. Ano kaya’ng mangyayari sa akin
kapag nagkagayon?” At iniisip niya kung ano kaya ang hitsura
10 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

ng ningas ng kandila matapos itong hipan, sapagkat hindi niya


natatandaang nakakita na siya nito.
Makaraan ang ilang sandaling wala pa ring nagaganap, ipinasiya
ni Alice na puntahan agad ang halamanan. Ngunit kawawang Alice!
Nang nakarating na siya sa pinto saka nabatid na nakaligtaan niya
ang gintong susi; at nang balikan ito, natuklasan niyang hindi pala
niya maabot. Kitang-kita niya ang susi dahil sa salamin ang mesa, at
pinagsikapan niyang akyatin ang paa ng mesa ngunit napakadulas
nito; at nang mapagod na sa kaniyang pagtatangka, napaupo na
lamang ang kawawang bata at napaiyak.
“Walang mangyayari sa iyo kung iiyak ka,” galit na sinabi ni Alice
sa sarili. “Payo ko sa iyo’y tumayo ka ngayon din!” Karaniwang
mahusay siyang magpayo sa sarili (bagama’t bihira niyang sundin),
at kung minsa’y kinagagalitan niya nang husto ang kaniyang sarili
hanggang mapaiyak siya; minsan, natatandaan pa niyang kamuntik
na niyang suntukin ang sariling tainga dahil dinaya niya ang sarili sa
isang laro sa croquet na siya mismo ang kalaban niya, sapagkat ang
kakatwang batang ito ay mahilig magkunwaring dalawa siya. “Pero
ngayo’y wala nang kuwentang magkunwaring dalawang tao!” naisip
ng kawawang bata. “Wala na nga halos natira sa akin para sa isang
iginagalang na tao!”
Walang ano-ano, may namataan siyang isang munting kahong
salamin sa ilalim ng mesa. Binuksan niya ito, at may nakita siyang
isang napakaliit na cake, at dito’y nakasulat, sa pamamagitan ng mga
pasas, ang mga salitang “KAININ MO AKO.” “O sige, kakainin ko
ito,” sabi ni Alice, “at kung magiging malaki ako, maaabot ko ang susi;
at kung liliit naman akong lalo, puwede akong sumuot sa ilalim ng
pinto. Anuman ang mangyari, makararating din ako sa halamanan,
at bahala na!”
Kumagat siya sa kapiraso, saka nag-aalalang sinabi sa sarili,
Pagdausdos sa Lungga ng Kuneho 11

“Paano? Paano?” habang hawak ng kamay ang kaniyang tuktok para


malaman kung paano siya lumalaki; ngunit laking pagkabigla niya
nang matukalasang nanatili siya sa dating laki. Ganito naman talaga
ang nangyayari kapag kumain ka ng cake; ngunit nasanay na si Alice
sa mga karaniwang pangyayari kaya’t para bang kabagot-bagot at
walang kuwenta kung patuloy ang buhay sa karaniwang paraan
Kaya’t itinuloy niya ang pagkain, at mabilis na naubus ang cake.
KABANATA II

LAWA NG LUHA

“Pakatwa nang pakatwa!”


sigaw ni Alice. (Dahil sa labis na
pagkabigla, nakalimot sandali si
Alice sa mahusay na pananalita.)
Ngayo’y humahaba akong tulad
ng pinakamalaking teleskopyong
nalikha! Paalam paa!” (Sapagkat
nang tingnan niya ang kaniyang
mga paa’y tila naglaho yaon sa
kaniyang paningin, tila nakalayo
na.) “O, ang aking mga paa,
sino pa ngayon ang magsusuot
ng sapatos at medyas sa inyo?
siguradong hindi ko na kayo
maaabot. Napakalayo ko na para
maabot kayo. Bahala na kayo
sa sarili ninyo pero kailangang
alagaan ko sila,” naisip ni Alice,
“at baka di nila ako dalhin kung
saan ko gusto! Teka, bibigyan
ko sila ng bagong butas tuwing
Pasko.”
At pinag-isipan niya kung
paano gagawin ito. “Ipadadala ko
sa koreo,” naisip niya, “kakatwa
naman yatang magpadala ng
regalo sa sarili mong paa! At
kakatwa rin ang direksiyon!
lawa ng luha 13

Kanang paa ni Alice, Esq.


Hearthrug,
malapit sa Fender,
(Nagmamahal, Alice)

“Ay, naku, ano bang kalokohan ito!”


Pagkasabi nito, naumpog ang kaniyang ulo sa bubong ng
bulwagan. Ang totoo, mahigit nang siyam na piye ang kaniyang taas,
at agad niyang kinuha ang munting gintong susi at nagmamadaling
nagtungo sa pinto ng halamanan.
Kawawang Alice! Ang tanging magagawa niya ngayon ay
humigang patagilid at tanawin ng isang mata ang halamanan. Ngunit
ang pagpunta roon ay higit pang imposible kaysan rati. Naupo siya
at umiyak na naman.
“Dapat kang mahiya sa balat mo,” sabi ni Alice “Isang dakilang
bata katulad mo” (parang ganito na rin ang sinabi niya), “umiiyak
nang ganyan! Tumigil ka sabi ngayon din!” Ngunit umiyak pa rin
siya nang umiyak, patuloy na pumatak ang galon-galong luha na
hanggang lumubog siya sa lawang may apat na pulgada ang lalim at
sakop ang kalahati ng bulwagan.
Nakarinig siya ng pagkaraan ng mumunting yabag sa malayo, at
dali-dali niyang pinahid ay kaniyang luha at tiningnan kung sino ang
dumarating. Ang Puting Kuneho pala na nagbalik, na maganda ang
pananamit, nakasuot ng puting guwantes na pambata sa isang kamay
at may hawak na malaking abaniko sa isa pang kamay. Nagmamadali
itong patalon-talon, habang bumubulong sa sarili, “O, ang Dukesa, ang
Dukesa! Tiyak na magwawala ‘yon pag pinaghintay ko!”
Nawawalan na ng pag-asa si Alice at kahit sino’y hihingan niya ng
tulong, kaya’t nang mapalapit ang Kuneho ay nagsalita ang bata sa mahina,
nahihiyang tinig, “Kung puwede po, Ginoo...” Kumarimot ng takbo ang
Kuneho, nabitiwan ang guwantes at abaniko at saka naglaho sa dilim.
Dinampot ni Alice ang abaniko at ang guwantes, at nagpaypay dahil
napakainit sa bulwagan habang kinakausap ang sarili. “Naku, naku!
Kakatwang lahat ang nangyayari ngayon! Karaniwan ang naganap
kahapon lamang. Nagbago kaya ako kagabi? Teka, ako pa rin kaya
ako nang gumising ako kaninang umaga? Para ngang medyo iba ang
pakiramdam ko kanina. Pero kung hindi na ako ang dati, ang susunod
na tanong ay, ‘Sino kaya ako? A, iyan ang malaking palaisipan!” At naisip
ang iba pang mga batang kilala at ka edad niya, para malaman kung siya’y
napalitan ng sinuman sa mga ito.
lawa ng luha 15

“Tiyak na hindi ako si Ada,” sabi niya, “dahil mero siyang mahahabang
ringlet, at ako’y wala ni isa; siguradong hindi ako si Mabel, dahil alam
ko ang lahat ng bagay samantalang wala siyang kaalam-alam! Isa pa,
siya’y siya, at ako’y ako at naku, talagang nakapagtataka! Susubukin ko
nga kung alam ko pa rin ang mga bagay na dati kong alam. Teka—apat
multiplikahin ng lima ay labindalawa, at apat multiplikahin ng anim
ay labintatlo, at apat multiplikahin ng pito ay—naku! hindi ako aabot
sa dalawampu nang ganyan! Pero hindi makikita sa Talahanayan ng
Multiplikasyon. Susubukin natin ang Heograpiya. Ang London ang
kabesera ng Paris, at ang Paris ay kabesera ng Roma, at ang Roma—mali,
alam ko! Baka nga naging si Mabel ako! Susubukin ko ngang bigkasin
ang ‘Maliit man ang buwaya pinagaganda ng—’ at pinagpatong niya ang
mga kamay sa kandungan na para bang nagmememorya ng leksiyon, at
nagsimulang bumigkas. Ngunit paos at parang iba ang kaniyang boses, at
di na tulad ng dati ang pagbigkas:

Maliit man ang buwaya pag nang-akit


Kumikislap ang sarili niyang buntot;
At sa bawat mala-ginto na kaliskis,
Ilog Nilo’y masasaid sa pag-agos.

Anong saya kapag siya’y ngumingisi


Nakaamba nang maayos pati kuko.
Panga niya’y gumagaan kung manlalansi
Mga isda’y nilulunok hanggang buto! *

“Tiyak kong hindi iyon ang tamang mga salita,” sabi ng


kawawang si Alice, at nangilid na naman ang luha sa kaniyang
mga mata nang magpatuloy siya. “Siguro nga’y si Mabel ako, at
*  (Salin ni Roberto T. Añonuevo)
16 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

magtitiis na tumira sa barumbarong nila, na wala halos laruan,


at wala ring mga leksiyong pag-aaralan! Hindi maaari, nagpasiya
na ako–—kung ako nga si Mabel, dito na lang ako! Wala silang
magagawa magkaisa man sila at magsabing ‘Halika na rito, iha.’
Titingala lang ako at sasabihin kong, ‘Sino ba ako talaga? Sagutin
ninyo muna ako, at kung gusto ko ang taong iyon, papayag ako
– pero kung hindi, dito lang ako hanggang maging ibang tao ako.
Pero, naku!” sabi ni Alice na bigla na namang napaiyak, “Sana
nga’y pagkaisahan nila ako. Sawang-sawa na ako sa pag-iisa rito.”
Pagkasabi nito’y napatingin siya sa kaniyang mga kamay, at
nabigla pa siya nang makitang naisuot pala niya ang guwantes ng
Kuneho habang nagsasalita siya. “Paano nagkasiya iyon?” naisip
niya. “Baka lumiit ako uli.” Tumayo siya at lumapit sa mesa
para sukatin ang sarili roon, at tama ang kaniyang hula, ngayo’y
dadalawang piye na lamang ang taas niya, at mabilis pang lumiliit.
Natuklasan niyang dahil ito sa abanikong hawak niya, at bigla
niya itong binitiwan, tamang-tama lamang upang hindi siya
maglahong tuluyan.
“Kamuntik na!” sabi ni Alice, na takot na takot sa biglang
pagbabago, ngunit natutuwa’t buhay pa siya. “Ngayon, sa
halamanan!” at buong bilis niyang tinakbo ang munting pinto.
Ngunit malas! sarado pa rin ang pinto, at ang gintong susi ay nasa
ibabaw ng mesang salamin tulad ng dati. “Masahol pa sa dati,”
naisip ng kawawang bata. “Dahil hindi ako ganito kaliit kanina, o
kahit kailan! Ang hirap talaga, talaga po naman!”
Habang binibigkas niya ang mga salitang ito, nadulas ang
isa niyang paa, at nang sumunod na sandali ay nakalubog
siyang hanggang leeg sa maalat na tubig. Nang una’y inakala
niyang nahulog siya sa dagat. “Kung gayon ay puwede akong
umuwi sa pamamagitan ng riles ng tren,” sabi niya sa sarili.
(Nakarating minsan si Alice sa tabing dagat at nakabuo siya ng
kuro-kuro na saanmang dalampasigan ay may makikita kang mga
paliguan, mga batang naghuhukay sa buhangin at may dalang mga
kahoy na pala, saka hilera ng mga paupahang bahay, at sa likod
nito, ang estasyon ng tren.) Gayunman, di nagtagal at napag-isip-
isip niyang siya’y nasa lawa ng luhang bumalong sa kaniyang mga
mata nang siyam na piye ang taas niya.
“Hindi sana ako umiyak nang ganito,” nasabi ni Alice habang
lumalangoy at naghahanap ng maaahunan. “Parurusahan ako,
sa palagay ko, sa pagkalunod sa sarili kong luha! Kakatwa ‘yang
talaga. Lahat nama’y kakatwa sa araw na ito.”
Noon nama’y nakaririnig siya ng labusaw ng tubig sa di
kalayuan, at lumangoy siyang palapit para alamin kung ano iyon.
Nang una, inakala niyang iyo’y walrus o hippopotamus, ngunit
naalala niya kung gaano siya kaliit ngayon, at nakilala niyang isa
lamang pala iyong daga, na nadulas ding tulad niya.
“May mapala kaya ako kung kausapin ko ang dagang ito?”
18 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

naisip ni Alice. “Lahat ay di karaniwan dito, kaya’t siguro,


marunong magsalita ang dagang ito. Ano’t anuman wala naman
sigurong masama kung susubukin ko.” Kaya’t nagsimula siya,
“O,Daga, alam mo ba kung paano umahon sa lawang ito? Pagod
na ako sa kakalangoy, O Daga!” (Naisip ni Alice na ito ang tamang
paraan ng pakikipag-usap sa daga. Hindi pa siya nakaranas nito
kahit minsan, ngunit naalala niyang nakakita siya ng Gramatikang
Latin ng kaniyang kapatid na lalaki ng “Isang daga-ng isang daga-
sa isang daga- isang daga- O Daga!”) Nagtatakang sumulyap sa
kaniya ang daga, at sa tingin niya’y kumindat ang isang mata nito,
ngunit hindi sumagot.
“Baka hindi nakakaintindi ng Ingles,” naisip ni Alice. “Siguro,
dagang Pranses ito, na kasama ni William ang Kongkistador.” (Sa
kabila ng kaniyang nalalaman sa kasaysayan, hindi malinaw kay
Alice kung gaano na katagal naganap iyon.) Kaya’t muli siyang
nagsalita, “Ou est ma chatte?” na unang pangungusap sa kaniyang
aklat sa Pranses. Biglang tumalon ang daga, parang ngatog na
ngatog sa takot. “O, pasensiya na po kayo!” mabilis na sabi ni
Alice, na nag-alalang baka masaktan niya ang damdamin ng
kawawang hayop. “Nalimutan kong ayaw mo sa mga pusa.”
“Ayaw sa pusa!” tili ng Daga sa matinis, madamdaming tinig.
“Kung ikaw ba’ng nasa lugar ko, magugustuhan mo ba’ng mga
pusa?”
“Hindi na siguro,” ayon ni Alice sa nang-aalong tinig. “Huwag
kayong magagalit. Pero sana’y maipakilala ko ang pusa kong si
Dinah. Tiyak maiibigan ninyo ang mga pusa kapag nakita si Dinah.
Napakatahimik niya,” patuloy ni Alice, halos sa sarili, habang
lumalangoy sa lawa. “At tahimik lamang na nakaupo sa tabi ng
siga, habang dinidilaan ang mga paa niya at nililinis ang mukha—
at nakatutuwang alagaan—at napakahusay manghuli ng daga—
lawa ng luha 19

ay, pasensiya na po!” paghinging paumanhin uli ni Alice sapagkat


nakatahinghas na lahat ang balahibo ng daga at natiyak ni Alice na
galit ito. “Hindi na natin siya pag-uusapan uli kung ayaw n’yo.”
“Natin!” tili ng Daga na nangangatog hanggang sa dulo ng
buntot. “Para bang makikipag-usap ako tungkol sa ganyang paksa!
Galit sa mga pusa ang aming pamilya mula’t sapul—‘yang mga
nakaririmarim, mabababang uri, at bulgar na mga iyan! Ayoko nang
marinig pang muli ang salitang iyan!”
“Hindi na,” sabi ni Alice na nagmamadaling binago ang paksa
ng usapan. “Mahilig ba kayo—sa -aso? hindi sumagot ang Daga,
kaya’t nananabik na nagpatuloy si Alice. “May isang magandang
munting aso, malapit lang sa amin na gusto kong makita mo. Isang
munting terrier na may masisiglang mata at o, kay-habang kulot na
kulay-tsokolateng balahibo. At pupulutin niya ang mga bagay na
ipupukol mo, at uupo at magmamakaawang pakainin mo siya ng
lahat ng klaseng bagay—hindi ko maalala ang kalahati man lamang
sa mga ito—at pag-aari siya ng isang magsasaka, na nagsasabing
20 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

malaki ang pakinabang niya sa asong ito, na nagkakahalaga na ng


sandaang pounds! Sabi ng magsasaka, pinapatay nito ang lahat ng
daga at—ay naku!” malungkot na nasambit ni Alice. “Nagalit na
naman yata!” Sapagkat mabilis nang nakalayo ang Daga habang
maingay na lumalangoy. Marahan niya itong tinawag, “Mahal na
Daga! Bumalik ka rito, hindi na ako babanggit ng pusa, o aso, kung
ayaw mo sa kanila!” Nang marinig ito ng Daga, lumingon ito at
mabagal na lumangoy pabalik kay Alice. Maputlang-maputla ang
mukha nito (sa matinding damdamin, naisip ni Alice), at sinabi nito
sa mahina at nanginginig na tinig, “Lumangoy tayo sa pampang, at
ikukuwento ko sa iyo ang buhay ko, at maiintindihan mo kung bakit
galit ako sa mga pusa’t aso.”
Dapat lamang na umalis na sapagkat nagsisikip na ang lawa
sa mga ibon at hayop na bumagsak doon.May isang Bibe at isang
Dodo, isang Lory at isang Munting Agila, at iba pang kakatwang
mga hayop. Sa pangunguna ni Alice, lahat sila’y lumangoy tungo sa
pampang.
KABANATA III

KAR ERANG CAUCUS AT MAHABANG KUWENTO

Tunay na kakatwa ang hitsura ng mga hayop na nagkakatipon sa


pampang—basang-basa ang balahibo ng mga hayop, at basang-basa
ang lahat, mainit ang ulo, at di mapalagay.
Ang unang tanong, mangyari pa, kung paano sila magpapatuyo.
Nagtanungan sila tungkol dito, at makaraan ang ilang minuto, parang
natural lamang para kay Alice na kausapin ang mga ito na tila buong
buhay silang magkakakilala. Ang totoo, matagal na nakipagtalo si
Alice sa Lory, hanggang sa magmaktol ang huli at ang tanging sinabi
na lamang ay, “Mas matanda ako sa iyo at mas maraming alam.”
Hindi ito matanggap ni Alice, kahit hindi niya alam kung gaano
na katanda ang kausap. Sapagkat hindi napilit ni Alice ang Lory na
ipagtapat ang edad nito, wala nang masabi pa tungkol dito.
Sa wakas, ang Daga, na waring siyang may awtoridad sa kanila,
ay nagsabing, “Magsiupo kayong lahat, at makinig sa akin. Ako’ng
bahalang magpatuyo sa inyo.” Agad na naupo ang lahat, paikot.
Nasa gitna ang Daga. Nag-aalalang itinuon ni Alice ang kaniyang
paningin dito, sapagkat alam niyang madadale siya ng matinding
sipon kung hindi siya makapagpapatuyo agad.
“Ahem!” mahanging sambit ng Daga. “Hindi na ba kayong lahat?
Ito ang pinakatuyong bagay na alam ko. Manahimik kayong lahat! ‘Si
William ang Kongkistador, na may layuning pinaboran ng papa, ay
kinilala ng mga Ingles, na naghahangad ng mga lider, at kamakailan
lamang ay nasanay na sa pangangamkam at panggagahis. Sina Edwin
at Morcar, ang mga earl ng Marcia at Northumbria—”
“Aray!” sabi ng Lory, na may kasamang panginginig.
22 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Ipagpaumanhin mo!” sumimangot ang daga, ngunit magalang.


“Nagsalita ka ba?”
“Hindi ako!” mabilis na sagot ng Lory.
“Akala ko’y ikaw ang nagsalita,” sabi ng Daga. “Magpapatuloy
ako. ‘Sina Edwin at Morcar, mga earl ng Marcia at Northumbria,
ay nagdeklara para sa kaniya; at maging si Stigand ang makabayang
arsobispo ng Canterburry, ay nakaisip na makabubuting–—’”
“Nakaisip na ano?” tanong ng Bibe.
“Naisipang kuwan,” yamot na sagot ng Daga. “Siyempre, alam
mo na’ng ibig sabihin ng ‘kuwan”
“Alam na alam ko’ng ibig sabihin ng ‘kuwan’ kapag nakakita ako
ng bagay,” tugon ng Bibe. “Karaniwang palaka o bulate. Ang tanong
ay, ano’ng naisipan ng arsobispo?”
Hindi pinansin ng Daga ang tanong, at mabilis nagpatuloy, “—
naisipang makabubuting sumama sa pagsalubong kay William at
ialok dito ang korona. Nang una’y mahinahon si William. Ngunit
ang kabastusan ng kaniyang mga Norman—Kumusta ka na riyan,
iha?” patuloy nito, na bumaling kay Alice habang nagsasalita.
“Basa pa rin,” malungkot na wika ni Alice. “Hindi naman yata
ako natutuyo.” “Kung gayon,” taimtim na sagot ng Dodo, na tumayo,
“Iminumungkahi kong tapusin na ang pulong at mapagtibay na tayo
ng higit na mabisang mga lunas.”
“Mag-Ingles ka!” ani Munting Agila. “Hindi ko maintindihan ang
kalahati ng sinabi mo, at bukod dito, hindi rin kita pinaniniwalaan!”
At yumuko ang Munting Agila upang ikubli ang kaniyang ngiti.
Dinig ang tawanan ng iba pang mga ibon.
“Ang ibig kong sabihin,” sabi ng Dodo sa tono ng isang napahiya,
“ang pinakamainam na paraan para tayo matuyo ay sa pamamagitan
ng karerang caucus.”
“Ano’ng karerang caucus?” tanong ni Alice; hindi dahil gusto
karerang caucus at mahabang kuwento 23

niyang malaman kung ano iyon, kundi dahil tumigil ng pagsasalita


ang Dodo na parang naghihintay na may magsalita, at walang
sinumang ibig kumibo.
“Pagsasagawa ang pinakamabisang paliwanag,” sabi ng Dodo.
(Dahil baka gusto mo ring subukin ito isang araw ng taglamig,
sasabihin ko sa iyo kung paano ito isinagawan ng Dodo.)
Una, gumuhit ito ng linyang medyo pabilog. (“Hindi na mahalaga
ang eksaktong hugis,” sabi nito.) Pagkatapos, lahat ay pumuwesto sa
guhit. Wala nang “Isa, dalawa, tatlo sige!” Basta’t tumakbo na lang
sila kung kailan nila gusto at umalis sa guhit kung ayaw na nila, kaya’t
hindi mo malaman kung kailan natapos ang karera. Ngunit nang
may kalahating oras na silang tumatakbo, at natuyo na sila, biglang
sumimgaw ang Dodo, “Tapos na’ng karera!” At lahat sila’y nagsiksikang
paikot sa Dodo, humihingal at nagtatanong, “Sino’ng nanalo?”
Hindi ito masagot ng Dodo nang di muna mag-iisip na mabuti, at
matagal itong tumayo na ang isang daliri ay nakatuon sa noo (tulad
ng ayos ni Shakespeare na karaniwang nakikita mo sa mga retrato)
habang tahimik na naghihintay ang lahat.
Sa wakas, sinabi ng Dodo, “Lahat ay nanalo, at lahat ay tatanggap
ng premyo.”
“Pero sino’ng magbibigay ng premyo?” sabay-sabay na tanong ng
lahat.
“Sino pa, di siya,” tugong ng Dodo, sabay turo kay Alice; at
nagkumpulan ang lahat kay Alice habang nagkakaingay at humihingi
ng “Premyo! Premyo!”
Hindi malaman ni Alice ang gagawin at nang walang maisip ay
napadukot sa kaniyang bulsa at inilabas mula rito ang isang kahon ng
kendi (mabuti’t hindi ito nabasa ng maalat na tubig) at ipinamigay itong
papremyo. Tamang-tamang may isang pirasong kendi ang bawat isa.
“Dapat din siyang magkapremyo,” sabi ng Daga.
“Siyempre,” seryosong tugon ng Dodo. “Ano pa’ng laman ng bulsa
mo?” baling nito kay Alice.
“Isang didal,” malungkot na sabi ni Alice.
“Iabot mo sa akin,” sabi ng Dodo.
At muli nilang pinaikutang lahat si Alice, saka mataimtim na iniabot
ng Dodo ang didal kay Alice, at nagsabing, “Karangalan naming ihandog
sa iyo ang magandang didal na ito.” At nang matapos ang pagsasalita ng
Dodo, bawat isa’y pumalakpak.
Kakatwa ang lahat ng ito para kay Alice ngunit seryoso ang lahat kaya’t
hindi siya nakapangahas na tumawa; sa kawalan ng masasabi, yumuko na
lamang siya at tinanggap ang didal na mukhang seryosong-seryoso.
Kasunod nito ay ang pagkain sa mga kendi. Nagbunga ito ng ingay
at pagkalito, dahil nagreklamo ang malalaking ibon na ni hindi nila
nalasahan ang kendi nila, samantalang nabulunan naman ang maliliit
na ibon at kinakailangan pang tapikin sa likod. Gayunman, natapos din
ito sa wakas at muli silang naupong paikot at pinakiusapan ang Daga na
magkuwento pa.
“Nangako kang ikukuwento mo ang buhay mo,” sabi ni Alice, “at
kung bakit galit ka sa A at P,” pabulong niyang idinagdag, na nag-aalalang
baka magalit na naman ang Daga.
“Mahaba at malungkot ang buhay ko!” pabuntunghiningang baling
ng Daga kay Alice. “Mahaba nga ang buntot mo,” sagot ni Alice na may
halong pagtataka habang nakatingin sa buntot ng Daga. “Pero bakit
26 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

mong sinabi na malungkot ito?” Nagtataka pa rin siya tungkol dito


habang nagsasalita ang Daga, kaya’t ang nabuong idea tungkol sa buhay
ng Daga ay ganito:

“Wika ng Poot
sa dagang
nasalubong niya
sa bahay,
‘Kapwa natin.
Harapin
ang batas;
Isasakdal
kita. Halika,
hindi ka
makatatanggi:
Dapat tayong
maglitis.
Wala akong
magawa
ngayong
umaga!
Tugon
ng daga
sa ulol,
‘Ang gayong
paglilitis,
ginoo,
na walang
hurado o
hukom
ay pampahaba
ng usapan.”
“Ako ang kapwa
hurado
at hukom,”
ani tusong
Poot.
“Dinggin ko ang kaso’t
parurusahan ka
ng kamatayan.”*

*  (Salin ni Roberto T. Añonuevo)


karerang caucus at mahabang kuwento 27

“Hindi ka nakikinig,” galit na sabi ng Daga kay Alice. “Ano ba’ng


iniisip mo?”
“Pasensiya ka na,” mapagkumbabang sagot ni Alice. “Mahaba na
yata’ng naikuwento mo.”
“Hindi pa!” galit na sabi ng Daga.
“Isang buhol!” sabi ni Alice, na laging handang makatulong at
nag-aalalang tumingin sa paligid. “Hayaan mong tulungan kitang
kalagin ito!”
“Hindi kita mapapayagan,” sabi ng Daga na tumayo at lumakad
palayo. “Ininsulto mo ako sa mga pinagsasabi mong kalokohan.”
“Hindi ko sinasadya!” pakiusap ng kawawang bata. “Alam mo,
balat-sibuyas ka pala!”
Ungol lang ang sinagot ng Daga.
“Sige na bumalik ka na’t tapusin mo’ng kuwento mo! pahabol na
tawag ni Alice. Nakisali na rin ang lahat ng iba pa. “Oo nga, ituloy
mo’ng kuwento!” Ngunit naiinis na umiling lamang ang Daga at
lalong binilisan ang paglalakad.
“Sayang at umalis na siya,” buntonghininga ng Lory, nang mawala
sa kanilang paningin ang Daga. Sinamantala ito ng isang matandang
Alimango para pagsabihan ang kaniyang anak na babae. “Ay, anak!
Dapat kang matutong magtimpi ng galit!”
“Dahan-dahan ka sa pagsasalita Inay,” may kabilisang sagot ng
batang Alimango. “Subukan n’yo na lang ang pasensiya ng talaba.”
“Sana narito si Dinah, sana’y narito siya,” malakas na sabi ni Alice,
na walang kausap. “Saglit lang at ibabalik niya ang Daga.”
“At sino ba si Dinah, kung puwedeng magtanong?” sabi ng Lory.
Mabilis na sumagot si Alice, sapagkat lagi siyang nakahandang
sumagot sa tanong tungkol sa kaniyang alaga, “Si Dinah ang pusa
namin. At napakahusay niyang manghuli ng daga, akala mo! Naku
makita mo sana kung pa’no siya manghabol ng ibon! Aba sakmal
28 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

agad ang ibon pagkakita palang niya rito.”


Nataranta ang mga hayop pagkarinig sa sinabi ni Alice. Dali-
daling lumayo ang ilan sa mga ibon. Maingat na binalot ng isang
matandang Magpie ang sarili, habang nagsasabing, “Kailangang
makauwi na—baka mahamugan ako’t mamaos.” At nanginginig ang
tinig na tinawag ng isang Kanaryo ang mga anak nito, “Halina kayo,
mga anak! Dapat na kayong magsitulog!” Isa-isa na silang nagsialis
matapos magbigay ng iba’t ibang pagdadahilan at di nagtagal, napag-
isa si Alice.
“Hindi ko na lang sana nabanggit si Dina,” malungkot na nasabi
ni Alice sa sarili. “Tila walang may gusto sa kaniya rito, kahit alam
kong siya ang pinakamabait na pusa sa buong mundo! Ay, ang mahal
kong Dinah! Makita pa kaya kita uli?” At pagkasabi nito, napaiyak
na naman si Alice dahil nangungulila siya at lungkot na lungkot.
Ngunit ilang sandali lamang at muli na naman siyang nakarinig ng
mga yabag sa malayo at sabik siyang tumingala, umaasang nagbago
ng isip ang Daga at nagbalik upang tapusin ang kaniyang kuwento.
KABANATA IV

IPINADALA NG KUNEHO ANG MUNTING SI BILL

“Ang Dukesa Ang Dukesa! O, mahal kong kuko! O, balahibo


ko at bigote! Tiyak ipabibitay niya ako, tiyak na tiyak ‘yon. Saan ko
ba iyon nabitiwan?”
Nahulaan agad ni Alice na abaniko at pares ng puting guwantes
na pambata ang hinahanap ng Kuneho; at bukas-loob na hinanap
niya ang mga ito ngunit hindi niya makita kahit saan, waring
nagbago lahat mula ng lumangoy siya sa lawa at tila bulang naglaho
ang malaking bulwagan, ang mesang salamin, at ang munting pinto.
Di nagtagal at napansin ng Kuneho si Alice habang naghahanap
ang huli at galit itong tinawag ang bata, “Aba Mary Ann, ano’ng
ginagawa mo rito? Umuwi ka ngayon din at ikuha mo ako ng isang
pares ng guwantes at isang abaniko! Bilis na! Takbo!”
Dahil sa takot, mabilis na tumakbo si Alice sa direksiyong
itinuro ng Kuneho, nang di na nakapagpaliwanag na nagkamali ang
kaniyang kausap
“Napagkamalan akong katulong,” sabi ni Alice sa sarili habang
tumatakbo. “Tiyak na magugulat siya kapag nalaman niya kung sino
ako. Pero mabuti pa’y ikuha ko muna siya ng abaniko at guwantes
– kung may makikita ako.” Habang nagsasalita, nakarating siya sa
maliit at maayos na bahay, na doon sa pinto ay nakaukit sa makintab
na tansong plantsa ang pangalang “W. Rabbit.” Pumasok siya
nang di na kumatok, at mabilis na umakyat sa pangambang baka
makasalubong niya ang tunay na Mary Ann, at mapaalis siya bago
makakuha ng abaniko at guwantes.
“Kakatwa yata,” ani Alice sa sarili, “na isang Kuneho ang nag-
30 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

utos sa akin! Siguro sa susunod, si Dinah naman ang mag-uutos.” At


hindi pa man ay inisip na niya ang mangyayari: “Miss Alice! Halika
rito at maghanda-handa ka sa paglalakad natin.’ ‘Sandali lang,
nars! Kailangan kasing bantayan ko itong butas ng daga hanggang
makabalik si Dinah at tiyaking hindi makalalabas ang daga.’ Kaya
lang,” patuloy si Alice, “wari ko’y hindi na nila patitirahin pa sa amin
si Dinah kapag natuto na siyang mag-utos sa tao nang ganyan!”
Noon nama’y nakarating na si Alice sa maliit na munting
kuwarto na may mesa sa tabi ng bintana. Sa ibabaw ng mesa (gaya
ng inaasahan niya) ay may isang abaniko at dalawa o tatlong pares ng
maliliit na puting guwantes na pambata. Kinuha niya ang abaniko
at ang isang pares ng guwantes at lalabas na sana nang mamataan
niya ang isang maliit na botelya sa tabi ng salamin. Walang nakasulat
ditong “INUMIN MO AKO” ngunit binuksan pa rin niya ito at
inilapit sa kaniyang mga labi. “Alam kong may kapana-panabik na
mangyayari,” sabi niya sa sarili, “tuwing may kakainin o iinumin ako,
kaya’t titingnan ko kung ano’ng magagawa ng botelyang ito. Sana’y
palakihin akong muli nito, dahil sawa na ako sa pagiging maliit!”
Gayon nga ang nangyari, nang higpit pang mabilis kaysa sa
inasahan niya. Bago nangalahati ang botelya, naramdaman niyang
umuuntog ang ulo niya sa bubong, at kinakailangan na niyang
yumuko upang hindi mabali ang kaniyang leeg. Dali-dali niyang
ibinaba ang botelya habang sinasabi sa sarili, “Tama na ‘yon. Sana’y
hindi na ako tumangkad pa. Heto nga’t hindi na ako magkakasiya sa
pinto, hindi sana gayon karami ang ininom ko!”
Malas naman. Huli na para hilingin pa ang gayon. Patuloy na
tumaas si Alice at di nagtagal ay kinailangan na niyang lumuhod sa
sahig. Sa loob ng isang minuto ay hindi na rin siya magkasiya kahit
nakaluhod; at sinubok niyang humiga na ang isang siko ay nasa may
pinto at ang isang kamay ay nakaikot sa ulo. Ngunit patuloy pa rin
Ipinadala ng Kuneho ang Munting si Bill 31

siyang lumalaki at bilang panghuling remedyo, inilabas niya ang


isang bisig sa bintana at ang isang paa sa chimney at sinabi sa sarili
“Ngayo’y wala na ‘kong magagawa, anuman ang mangyari.”
Mabuti na lamang at sumagad na ang bisa ng munting
mahiwagang botelya at tumigil na ng paglaki si Alice. Gayunman,
asiwang-asiwa siya, at dahil wala yatang pag-asang makalabas siya
ng kuwarto. Hindi kataka-takang maging napakalungkot ni Alice.
“Higit na napakasarap sa amin sa bahay,” naisip ng kawawang
bata. “Noon hindi pa ako lumalaki o lumiliit palagi, at di inuutusan
ng mga daga at kuneho. Naiisip ko tuloy na di na sana ako dumausdos
sa butas ng kuneho – pero kahit na – kakatwa, alam mo, ang ganitong
uri ng buhay! Ano na kaya ang mangyayari sa akin! Kapag nakababasa
ako ng mga alamat, akala ko’y hindi kailanman mangyayari ang mga
iyon, at ngayo’y na nasa gitna ako ng isang kababalaghan! Dapat
magkaroon ng isang aklat tungkol sa akin, dapat lang! At paglaki ko,
susulat ako ng aklat—ngunit malaki na nga ako,” malungkot niyang
idinagdag. “Kahit paano’y wala na akong ilalaki pa.”
“Pero,” naisip ni Alice, “hindi na kaya ako magkakaedad pa? Kung
sa bagay, konsuwelo na rin ‘yan, hindi na ako magiging matandang
babae kahit kailan. Kaya lang, lagi nang may mga leksiyong dapat
pag-aralan! Ay, ayoko niyan!” “Ay, tanga!” sagot ni Alice sa sarili.
“Paano ka naman makapag-aaral ng mga leksiyon dito? Aba, ikaw
nga lang ay di magkasiya rito, saan mo pa ilalagay ang mga aklat
mo!” At nagpatuloy siya, pumanig dito at pagkaraa’y sa kabila, at
hanggang makabuo ng mapag-uusapan. Ngunit pagkaraan ng ilang
saglit, may narinig siyang boses sa labas at saka nakinig.
“Mary Ann! Mary Ann!” sabi ng tinig. “Dalhin mo rito ang
guwantes ko ngayon din!” Pagkaraan, nakarinig siya ng maliliit na
yabag sa hagdan. Alam ni Alice na ang Kuneho iyon na naghahanap
sa kaniya, at sa pangangatog niya’y nauga ang bahay, sapagkat ganap
32 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

niyang nalimutang isang libong beses na siya ngayong higit na malaki


kaysa sa Kuneho at walang dahilan para katakutan niya ito.
Di nagtagal, nakarating sa pinto ang Kuneho at tinangka nitong
buksan ang pinto. Ngunit nang bumukas papasok ang pinto at
maipit dito ang siko ni Alice. hindi nakapasok ang Kuneho. Narinig
ni Alice ang bulong ng Kuneho, “Iikot na lang ako at sa bintana
daraan.”

“Hindi puwede!” naisip ni Alice. Saglit siyang naghintay at nang


inaakalang nasa may ilalim na ng bintana ang kuneho, bigla niyang
ibinukas ang kamay at dumaklot sa hangin. Wala siyang nadakot na
anuman ngunit nakarinig siya ng pagtili at pagbagsak at pagkabasag
ng salamin, at naisip niyang bumagsak ang Kuneho sa isang pipinong
balangkas o anumang katulad.
Ipinadala ng Kuneho ang Munting si Bill 33

Kasunod nito ay ang galit na tinig—ng Kuneho, “Pat! Pat!


Nasaan ka?” Na sinundan ang tinig ng noon lamang narinig ni Alice.
“Nandito ako! Humuhukay ng mansanas, inyong kamahalan!”
“Humuhukay ng mansanas, ano!” galit na sabi ng Kuneho.
“Halika, tulungan mo akong makaalis dito.” (Tunog ng basag na
salamin.)
“Sabihin mo nga sa akin, Pat, kung ano ‘yong nasa bintana?”
“Opo, braso po, inyong kamahalan!” (Ang sinabi niya’y “braso.”)
“Braso, gago! Saan ka nakakita ng brasong ganyan kalaki? Aba,
sinlaki ng bintana!”
“Kasinlaki nga po ng bintana, iyong kamahalan. Pero braso po
talaga.”
“Oo na, pero hindi iyon dapat na naroon. Alisin mo roon!”
Mahabang katahimikan ang sumunod, at mga bulungan na lamang
ang narinig ni Alice, tulad ng “Ayoko nga po, inyong kamahalan,
ayoko! ayoko!” at “Gawin mo’ng iniuutos ko sa iyo, duwag!” at sa
wakas, ibinuka niya muli ang kaniyang kamay at muling dumaklot
ng hangin. Ngayo’y dalawa na ang tili at mas maraming tunog ng
basag na salamin. “Siguradong kayraming pipinong balangkas
no’n!” naisip ni Alice. “Ano kaya’ng susunod nilang gagawin! At
tungkol naman sa paghatak sa akin palabas ng bintana. Sana nga’y
kaya nilang gawin iyon! Ayoko na talagang magtagal pa rito!”
Ilang saglit siyang naghintay na walang naririnig na anuman. Sa
wakas, nakarinig siya ng tunog ng maliliit na kariton at ng maraming
tinig na sabay- sabay na nagsalita. Naintindihan niya ang mga salitang.
“Nasaan ang isa pang hagdan? -Aba, iisa’ng puwede kong dalhin. Dala
ni Bill ang isa- Bill Dalhin mo rito! Dito, itayo mo sa sulok na ito. –
Hindi ganyan itali mo muna, ni wala pa sa kalahati ang maaabot niyan.
—O, puwede na ‘yan. Huwag kang pihikan.- Dito, Bill! Hawakan
mo itong lubid. Kaya ba ng bubong? Mag-iingat ka sa maluwag na
hugpungan. –babagsak! Mga ulo diyan!” (Isang malakas na kalabog)
“Sino ‘yon? –Si Bill yata. Sino’ng bababa sa chimney? –Ay, ayoko
nga! Ikaw na! –Ayoko niyan, kung gayon! –Si Bill ang bababa.
-Dito, Bill! Sabi ng amo natin, ikaw ang bababa sa chimney!”
“O! Si Bill pala’ng dapat bumaba sa chimney usal ni Alice sa
sarili. “Aba, tila yata si Bill nang si Bill ang inaasahan nila. Ayokong
malagay sa lugar ni Bill. Makipot ang sigaang ito, pero puwede yata
akong sumipa kahit paano!”
Inabot niya ng paa ang chimney at naghintay hanggang sa
makarinig siya ng kaluskos at pangungunyapit ng isang maliit na
Ipinadala ng Kuneho ang Munting si Bill 35

hayop (hindi niya mahulaan kung ano ito) sa kalapit na chimney sa


itaas. Matapos sabihin sa sariling “Ito si Bill,” bigla siyang sumipang
malakas at naghintay ng susunod na mangyayari.
Ang unang narinig niya ay sabay-sabay na tinig na nagsasabing,
“Hayun si Bill!” Pagkatapos, ang nag-iisang tinig ng Kuneho. “Saluhin
n’yo, kayong nasa halamang bakod!” Pagkaraan, katahimikan, na
sinundang muli ng di magkamayaw na boses- “Itaas ang ulo niya –
Brandy naman – Baka masamid –Ano’ng pakiramdam mo, pare –
Ano’ng nangyari sa‘yo?”
Huling naririnig ang maliliit, mahina, at parang
lumalangitngit na tinig. (“Iyon si Bill,” naisip ni Alice.) “Ewan,
hindi ko nga rin alam, e – tama na, salamat. Mabuti na’ng
pakiramdam ko – pero natataranta pa ‘ko – ang alam ko lang,
parang may laruang biglang sumapok sa ‘kin, at hayun, lumipad
akong parang kuwitis.”
“Para ka ngang kuwitis, pare,” sabi naman ng iba “Kailangan
sunugin ang bahay!” sabi ng boses ng Kuneho.
At malakas na nagsalita si Alice, “Sige at nang pakawalan ko si
Dinah sa inyo!
Biglang natahimik ang lahat, at naisaloob ni Alice, “Ano kaya’ng
susunod nilang gagawin! Kung kahit paano’y may isip sila, aalisin
nila ang bubong.” Makalipas ang isa o dalawang minuto, nagpabalik-
balik na naman sila, at narinig ni Alice na sinabi ng Kuneho, “Puwede
nang umpisahan sa isang karetilya.”
“Isang karetilyang ano?” naisip ni Alice. Ngunit di nagtagal
ang kaniyang pagtatanong, sapagkat saglit lamang at umulan ang
maliliit na bato sa bintana, at ang ilan dito’y tumama sa kaniyang
mukha. “Patitigilin ko ito,” sabi niya sa sarili, saka sumigaw, “Huwag
n’yo nang uulitin ‘yan!” Na nagbungang muli ng nakabibinging
katahimikan.
Napansin ni Alice na may
kahalong pagtataka na ang maliliit
na bato ay naging maliliit na cake
pagbagsak sa sahig, at nakaisip
siya ng magandang idea. “Kung
kakainin ko ang mga cake na ito,”
naisip niya, “baka magkaroon ng
kaunting pagbabago sa laki ko.”
Kaya’t nilunok niya ang isa
sa mga cake, at natuwa siya nang
dagli siyang lumiit. Nang sapat na
ang kaniyang liit upang magkasiya
sa pinto, tumakbo siyang palabas
sa bahay, at nakita niya ang
malaking grupo ng maliliit na
hayop at mga ibon na naghihintay
sa labas. Ang kawawang munting
Butiki, si Bill, ay nasa gitna, hawak
ang dalawang dagang-puti, na may
ipinaiinom dito sa isang botelya.
Lahat sila’y sumusugod kay Alice
paglabas nito, ngunit tumakbo
ang bata nang napakabilis at di
nagtagal ay nakarating nang ligtas
sa kagubatan.
“Ang unang dapat kong gawin,”
sabi ni Alice sa sarili, habang
nagpapalakad-lakad sa gubat,
“ay ang bumalik sa dati kong
laki; at pangalawa, hanapin ang
Ipinadala ng Kuneho ang Munting si Bill 37

landas papunta sa magandang halamang iyon. Palagay ko’y ito ang


pinakamainam na plano.”
Sa malas ay napakainam ng planong ito, walang duda, at maayos
at payak lamang ang problema lamang ay hindi niya alam kung
paano isasagawa ang plano; at habang balisang patingin-tingin
sa mga punongkahoy, bigla siyang napatingala nang makarinig ng
malakas na tahol sa kaniyang ulunan. Nakatingin sa kaniya ang
isang napakalaking tuta na may malalaki at mabibilog na mga mata,
at marahang inilalawit ang isa pang paa at tinatangkang abutin siya.
“Kawawa naman!” sabi ni Alice sa tinig na nang-aamo, at pilit niyang
pinuntahan ito kahit takot na takot siya dahil baka gutom ang tuta
at kainin siya.
Wala sa loob na pumulot siya ng isang patpat at iniabot ito sa tuta.
Tumalon ang tuta saka bumagsak nang patayo, sabay ang natutuwang
tahol. Sinugod nito ang patpat at kunwa’y pinaglaruan. Nagtago si
Alice sa isang malaking halamang thistle upang hindi madaganan.
At nang lumitaw siya sa kabila, nagkataon namang sinugod uli
ng tuta ang patpat at napabaligtad ito sa pagmamadaling makuha
ang patpat. Si Alice, na nag-aakalang para itong laro ng kabayo-
karetela, at nag-aalalang baka walang ano-ano’y madaganan siya, ay
tumakbong muli sa raguyroy. Kasunod nito’y paulit-ulit na hinabol
ng tuta ang patpat, na maikli ang takbong palayo at mahaba ang
takbong pabalik, hanggang sa maupo itong humihingal, nakalawit
ang dila, at halos pikit ang malalaking mata.
Sa palagay ni Alice ay magandang pagkakataon ito para tumakas,
kaya dali-dali siyang tumakbo at tumakbo nang tumakbo hanggang
halos mangapos na ang kaniyang hininga dahil sa pagod, at unti-
unting naglaho ang tahol ng aso.
“Pero ang gandang tuta!” sabi ni Alice nang mapasandal sa isang
halamang buttercup para magpahinga habang pinapaypayan ng
dahon ang sarili. “Gusto ko sana turuan siya ng mga trick, kung –
kung tama ang laki ko para magawa ito! Ay, naku! Kamuntik ko
nang malimutang dapat nga pala akong lumaking muli! Teka, paano
nga pala magagawa ‘yon? Siguro, kailangang kumain ako o uminom;
pero ang malaking problema ay, ‘Alin?”
Ipinadala ng Kuneho ang Munting si Bill 39

Totoo ngang ang tanong ay “Alin?” Nagpalinga-linga si Alice sa


mga bulaklak at damo ngunit wala siyang nakitang maaari niyang
kainin o inumin sa gayong pangangailangan. May malakeng kabute
sa tabi niya na halos kasintaas niya; at nang tumingin siya sa ilalim,
sa magkabilang tabi at sa likod nito, naisip niya mabuti yatang
tingnan din niya ang tuktok nito. Tumingkayad siya, at biglang
nagkasalubong ang tingin nila ng isang malaking bughaw na higad na
nakaupo sa ibabaw ng kabute, nakahalukipkip ang kamay, tahimik
na humihilit ng mahabang pipa, at walang pakialam sa kaniya o sa
alinmang bagay.
KABANATA V

ANG PAYO NG HIGAD

Tahimik na nagtitigan ang Higad at si Alice. Sa wakas, inalis


ng Higad ang pipa/ tubo sa bibig nito, at kinausap si Alice sa nag-
aantok nitong tinig.
“Sino ka?” tanong ng Higad.
Hindi nakapagpapalakas-loob ang gayong panimulang
pananalita. Nahihiyang tumugon si Alice, “Hindi ko nga malaman,
ginoo, sa ngayon kahit paano, kilala ko ang sarili nang bumangon ako
ngayong umaga, pero ilang beses na akong naghunos mula kanina.“
Ang Payo ng Higad 41

Ano’ng ibig mong sabihin?” mabalasik na sabi ng Higad.


“Magpaliwanag ka.”
“Hindi ko po yata kayang ipaliwanag ang sarili ko,” sabi ni Alice,
“dahil hindi ako ang sarili ko, kita n’yo naman.”
“Hindi ko nakikita,” sagot ng Higad. “Baka hindi ko kayang
ipaliwanag,” magalang na tugon ni Alice, “dahil ako mismo’y di ko
ito maintindihan; at nakalilito ang pagkakaroon ng iba’t ibang laki
sa loob lamang ng isang araw.”
“Hindi naman sabi ng Higad.
“Siguro, hindi pa ninyo nararanasan,” sabi ni Alice, “pero
kapag kayo’y naging chrysalis na —sa ibang araw, alam ninyo—at
pagkaraa’y naging paroparo, palagay ko’y magiging kakatwa rin ang
pakiramdam ninyo, di po ba?”
“Hinding-hindi,” sagot ng Higad.
“Buweno, siguro iba ang pakiramdam ninyo,” sabi ni Alice. “Ang
alam ko, para sa akin ay kakatwang-kakatwa ito.”
“Ikaw!” nangungutyang sabi ng Higad. “Sino ka?”
At bumalik na naman sila sa simula ng kanilang usapan.
Bahagyang nayamot si Alice sa maiikling salita ng Higad, at seryoso
siyang nagsabi, “Palagay ko’y kayo muna ang dapat magsabi sa akin
kung sino kayo.”
“Bakit?” tanong ng Higad.
Isa na namang palaisipan; at dahil walang maisip na magandang
dahilan si Alice, at yamang nabuburyong ang Higad, tumalikod si
Alice at umalis.
“Bumalik ka! Humabol ang Higad. “May importanteng sasabihin
ako sa iyo!” Parang may mangyayari. Bumalik si Alice. “
Timpiin mo’ng galit mo,” sabi ng Higad.
“Yon lang?” sabi ni Alice na tinitimpi hangga’t maari ang
kaniyang galit.
42 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Hindi,” sabi ng Higad.


Naisip ni Alice na makabubuting maghintay, wala rin lamang
naman siyang ginagawa, at marahil ay may ikukuwento ang Higad
na dapat niyang marinig. Ilang minuto humithit nang di nagsasalita
ang higad; sa wakas, bumitiw sa pagkakahalukipkip at inalis ang
pipa sa bibig, at sinabi, “Sa palagay mo pala’y nagbago ka di ba?”
“Palagay ko nga po,” sabi ni Alice. “Hindi ko na maalala ang mga
bagay na dati kong alam – at di ako nagtatagal ng sampung minuto
sa gayon ding laki!”
“Anong mga bagay ang di mo maalala?” sabi ng Higad
“Tulad ng paanong ang munting bubuyog, pero iba ang lumalabas
sa bibig ko!” tugon ni Alice sa napakalungkot na tinig.
“Kung gayo’y bigkasin mo, Matanda na kayo, Tata William,” sabi
ng Higad
Humalukipkip si Alice at nagsimula:
Ang Payo ng Higad 43

“Tumatanda ka na, Ama naming William,”


sambit ng binata.
“Buhok mo’y maputi;
Tiwarik ang tindig ng iyong katawan.
Sa edad mong iyan, di ba nagkamali?”

“Nang kabataan ko,” aniya sa anak.
“Natakot din akong utak ay masira;
Ngunit natiyak kong ni hindi nawasak,
Kaya heto ngayon, ako’y nagwawala.”

“Tumatanda ka na,” binata’y tumugon,


“At di maiiwasang lumaki ang bilbil.
Pagharap sa pinto ay bumabalentong
Sige, sabihin mo ano ba ang dahil?”
44 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Nang kabataan ko,” paham ay pumilig.


“Binti at bisig ko’y pawang nahuhutok
kapag pinahiran ng samperang langis
Bilhin mo na iho, itong iaabot.”

“Tumatanda ka na,” ang bata’y nanghamon.


Sa karerang maganit, marupok ang panga;
Ngunit tuka’t buto’y iyong nilalamon!
Paano tinanggap yaon ng bituka?”

“Nang kabataan ko,” ang sambit ng Tatay.


“Hinamig ko’y batas, at nakipagtalo
Sa aking esposa. Panga ko’y tumibay
dahil sa pagdaldal noong hanggang dito.”
“Tumatanda ka na,” sabi ng binata.
“Malabo marahil ang iyong paningin;
Ngunit bakit mo ba naitayong bigla
Sa ilong ang igat? Bakit ka magaling?”

“Ang tatlong tanong mo’y akin nang sinagot,”


Winika ng ama. “Huwag kang mayabang!
Ang akal mo ba’y di ako nayamot?
Umalis ka diyan, kita’y tatadyakan!”*

“Hindi tama ang pagkabigkas mo,” sabi ng Higad.


“Hindi nga tama,” nahihiyang sabi ni Alice. “Naiba ang ilang
salita.”

*  (Salin ni Roberto T. Añonuevo)


46 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Mali mulang una hanggang wakas,” pasiya ng Higad; ilang


sandaling naghari ang katahimikan.
Unang nagsalita ang Higad, “Ano ba ang gusto mong laki?”
tanong nito.
“Hindi naman ako pihikan,” mabilis na sagot ni Alice. “Kaya
lang, ayoko namang malimit nagbabago.”
“Ewan ko sabi ng Higad.
Hindi kumibo si Alice – ngayon lamang siya kinontra nang
ganito at unti-unting umiinit ang kaniyang ulo.
“Kontento ka na ba ngayon?” sabi ng Higad.
“E, dati po’y higit na malaki ako kaysa ngayon, huwag po kayong
magagalit,” sabi ni Alice. “Ang saklap namang maging tatatlong
pulgada ang taas.”
“Mainam nga ang taas na iyan!” galit na sabi ng Higad na
napatayo. (Eksaktong tatlong pulgada ang taas nito.)
“Pero hindi ako sanay nang ganito!” sumamo ni Alice sa
nakaaawang tinig. Naisaloob niya, “Huwag nawang masaktan agad
ang mga nilalang.”
“Masasanay ka rin paglipas ng panahon,” sabi ng Higad; at
ibinalik nito sa bibig ang pipa at muling humitit.
Sa pagkakataong ito, matiyagang naghintay si Alice hanggang
maisipan ng Higad na magsalitang muli. Makaraan ang isa o
dalawang minuto, inalis nito ang pipa sa bibig, minsan o makalawang
naghikab, at nagpagpag. Pagkaraan, bumaba ito mula sa kabute at
palayong gumapang sa damuhan. habang sinasabing, “Ang isang
bahagi ay magpapalaki sa iyo, at ang kabila ay magpapaliit.”
“Isang bahagi ng alin? Kabila ng alin?” naisaloob ni Alice.
“Nang kabute,” sabi ng Higad, na para bang nagtanong nang
malakas si Alice; sansaglit pa at nawala na ito sa paningin.
Naiwan si Alice at may isang minutong nakatingin sa kabute
Ang Payo ng Higad 47

habang nag-iisip kung alin ang dalawang bahagi ng kabute; dahil


bilog ito, mahirap sagutin ang kaniyang tanong. Binanat niya ang
bisig pabilog sa kabute at pumilas sa magkabilang dulo.
“Ngayon, alin kaya?” tanong niya sa sarili, sabay kagat sa hawak
ng kanang kamay upang makita kung ano ang ibubunga nito. Nang
sumunod na sandali, may naramdaman siyang malakas na hampas sa
ilalim ng kaniyang baba – tumama ito sa paa niya!
Takot na takot siya sa biglang paghuhunos, ngunit alam niyang
walang sandaling maaaring aksayahin, dahil napakabilis ng kaniyang
pagliit. Kaya’t kinain niya agad ang isa pang piraso. Nakadikit
na halos ang baba niya sa kaniyang paa kaya’t hindi na halos siya
makanganga; ngunit sa wakas ay nakapagsubo siya ng kapirasong
kabute sa kaniyang kaliwang kamay.

“Sa wakas, malaya na’ng ulo ko!” tuwang-tuwang sabi ni Alice,


ngunit pagkadaa’y napalitan ng pagkabahala ang kaniyang katuwaan,
dahil hindi niya makita ang kaniyang balikat. Ang tanging nakita
niya, nang yumuko siya, ay nakapahabang leeg, na mistulang tangkay
na hinugot sa dagat ng mga luntiang dahong nakalatag na parang
kay layo-layo.
“Ano ba ang mga berdeng iyon?” sabi ni Alice. “At nahan na’ng
mga balikat ko? Ay, kawawang mga kamay ko, bakit hindi ko na
makita?” Iginagalaw niya ang mga ito habang nagsasalita siya, ngunit
wala siyang nakita kundi ang paggalaw ng mga luntiang dahon sa
dako pa roon.
Dahil hindi na yata maaabot ng mga kamay niya ang kaniyang ulo,
tinangka niyang abutin ang mga kamay ng kaniyang ulo, at natuwa
48 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

siya nang malamang maaari niyang iyuko ang leeg sa alinmang


direksiyon, tulad ng isang ahas. Kakatapos lamang niyang igiya pa-
zigzag ang leeg at sisisid sana siya sa mga dahon, na inakala niyang
tuktok ng mga puno na ang lilim ay pinamamasyalan niya kanina,
ngunit dali-dali siyang napabalik nang makarinig ng malakas na
sutsot. Isang malaking kalapati ang lumipad sa kaniyang mukha at
malakas na ipinagaspas ang mga pakpak nito.
“Ahas!” tili ng Kalapati.
“Hindi ako ahas!” galit na sabi ni Alice. “Alis diyan!”
“Ahas, sabi!” ulit ng Kalapati, na medyo mahina na ang boses,
at idinugtong na parang mapapaiyak, “Sinubok ko na’ng lahat pero
wala yatang tama!”
“Hindi ko alam kung ano’ng tinutukoy mo.” sabi ni Alice
“Sinubok ko na’ng ugat ng mga puno, mga pasigan, mga halamang
bakod,” patuloy ng Kalapati na hindi nakikinig sa kaniya. “Pero ang
mga ahas na ‘yon! Hindi na nasiyahan!”
Lalo pang lumaki ang pagtataka ni Alice ngunit naisip niyang
makabubuting huwag munang kumibo hanggang sa matapos ang
Kalapati.
“Problema na nga’ng pagpisa ng mga itlog,” sabi ng Kalapati.
“Pero dapat handa ako sa mga ahas, gumabi’t umaraw! Aba, tatlong
linggo na akong hindi man lang naiidlip.”
“Dinaramdam ko kung nagagalit kayo,” sabi ni Alice na unti-unti
nang nakakaunawa sa pangyayari.
“At kalilipat ko pa lang sa pinakamataas na puno sa gubat,”
patuloy ng Kalapati, na pinanatili na ang boses, “at nang inaakala
kong ligtas na ako sa mga ahas sa wakas, at saka may kumikiwal na
bumagsak mula sa ulap! Naku, Ahas!”
“Hindi ako ahas, maniwala ka!” sabi ni Alice. “Ako’y -ako’y-”
“E ano ka?” tanong ng Kalapati. “Tingin ko’y nagsisinungaling ka.”
Ang Payo ng Higad 49

“Ako’y —ako’y isang munting bata.” sabi ni Alice na may halong


alinlangan nang maalalang ilang beses na siyang nagbago nang araw
na iyon.
“Kunwari ka pa!” sabi ng Kalapati na nanglalait na boses.
“Marami na akong nakikitang mga munting bata, pero wala pa
akong nakikitang may ganyan kahabang leeg. Hindi ako naniniwala!
Isa kang ahas, huwag kang magkaila. Siguro, ang susunod mong
sasabihin ay hindi ka pa nakakatitikim ng itlog!”
“Siyempre, nakatikim na,” sabi ni Alice, na isang napakatapat na
bata. “Pero ang mga munting bata ay kumakain din ng itlog tulad ng
mga ahas.”
“Hindi ako naniniwala,” sabi ng Kalapati. “Pero kung kumakain
sila ng itlog, siguro, sila’y isang uri ng ahas, iyan lang ang masasabi
ko.”
Bago ito sa pandinig ni Alice. May isa o dalawang minutong
natahimik siya, kaya’t nagkaroon ang Kalapati ng pagkakataong
idagdag na, “Naghahanap ka ng itlog, alam ko; mahalaga pa ba sa
akin kung bata ka o ahas man?”
“Mahalaga sa akin,” mabilis na sagot ni Alice. “Pero nagkataong
hindi ako naghahanap ng itlog. Kung sakali man, ayoko sa mga itlog
mo – dahil ayoko ng hilaw.”
“E di umalis ka na!” nagmamaktol na sabi ng Kalapati at
lumimlim na itong muli sa pugad. Sumiksik si Alice sa mga puno
hangga’t makakaya niya dahil laging sumasabit ang kaniyang leeg
sa mga tangkay at paminsa-minsan ay kailangan niyang tanggalin
ito sa pagkakapulupot. Makaraan ang ilang sandali, naalala niyang
may hawak pa siyang piraso ng kabute sa kaniyang mga kamay, at
maingat niyang kinain ang kabute, isang kagat sa kanan, isang kagat
sa kaliwa, tataas siya, liliit, hanggang sa makabalik siya sa dating taas.
Kay tagal na kasing naiba ang kaniyang dating laki kaya’t
50 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

nanibago siya sa simula; ngunit nakasanayan din niya ito pagkaraan


lamang ng ilang minuto, at muli niyang kinausap ang sarili gaya ng
dati: “O tapos na’ng kalahati ng plano ko! Kataka-taka ang lahat
ng nangyayaring ito! Hindi ko malaman kung magiging ano ako
sa bawat minuto! Pero nakabalik na ako sa dating laki, Pagpunta
sa magandang halamang iyon ang susunod naman- paano kaya?”
Habang nagsasalita siya, bigla siyang nakarating sa isang bakuran
na kinatitirikan ng isang maliit na bahay na may apat na piye ang
taas. “Sino man ang nakatira rito,” naisip ni Alice, “Hindi mainam
para sa kanila na harapin ang isang ganito kalaki- naku, matatakot
sila ng husto!” Kaya’t kinain na naman niya ang kabute sa kaniyang
kanang kamay hanggang sa maging siyam na pulgada na lamang ang
kaniyang taas.
KABANATA VI

BABOY AT PAMINTA

May isa o dalawang minutong nakatayo siya’t nakatingin sa bahay,


nag-iisip ng susunod na hakbang, nang bigla, isang unipormadong
katulong na lalaki ang patakbong dumating mula sa gubat (inakala
niyang katulong ito dahil nakauniporme; kung sisipatin ang mukha,
mapagkakamalan itong isda) at malakas na kumatok sa pinto.
Binuksan ng isa pang unipormadong katulong na may bilugang mukha
at malalaking matang tulad ng sa palaka ang pinto; ang dalawang
katulong, napansin ni Alice, ay kapwa nakasuot ng kulot na peluka.
Gustong mag-usyoso ni Alice kaya’t gumapang siyang palapit upang
makinig.
Nagsimula ang Katulong na Mukhang Isda nang kunin nito
sa kilikili ang isang malaking sulat na halos kasinlaki nito, iniabot
ito sa isa pang katulong, saka seryosong nagsalita, “Para sa Dukesa.
Imbitasyon ng Reyna na maglaro ng croquet.” Inulit ito ng Katulong
na Mukhang Palaka sa gayon din seryosong tono, na bahagya lamang
binago ang mga salita, “Mula sa Reyna. Imbitasyon sa Dukesa na
maglaro ng croquet.”
Kapwa sila yumukod nang mababa at nagkabuhol ang mga kulot
sa kanilang peluka.
Natawa nang malakas si Alice sa nakita kaya’t tumakbo siya sa
gubat sa takot na baka marinig siya; nang muli siyang sumilip, wala
na ang Katulong na Mukhang Isda, at ang isa pa ay nakaupo sa lupa sa
tabi ng pinto, nakatanga sa langit.
Nahihiyang lumapit sa pinto si Alice at kumatok.
“Walang saysay ang pagkatok mo,” sabi ng katulong, “sa dalawang
dahilan. Una, dahil pareho lang tayong nasa labas ng pinto. Pangalawa,
napakaingay sa loob kaya’t walang makaririnig sa iyo.” At napakaingay
nga sa loob–walang tigil na pagpapalahaw at pagbahin, na sinasalitaan
ng malakas na pagbagsak, na para bang may nagkapira-pirasong
pinggan o kaldero.
“Sabihin ninyo naman kung paano ako makapapasok,” sabi ni
Alice.
“Baka nga may saysay din ang pagkatok mo,” patuloy ng Katulong,
nang di siya pinapansin, “kung nakapagitan ang pinto sa ating dalawa.
Halimbawa, kung nasa loob ka, puwede kang kumatok at palalabasin
kita.” Nakatingala siya sa langit habang nagsasalita at kabastusan
Baboy at paminta 53

ito para kay Alice. “Pero siguro, talagang ganoon siyang magsalita,”
bulong ni Alice sa sarili. “Halos nasa tuktok na kasi’ng mga mata
niya. Ano’t ano man baka sagutin niya’ng mga tanong. “Paano ako
makakapasok?” malakas niyang inulit ang tanong.
“Mauupo ako rito,” sabi ng Katulong, “hanggang bukas —”
Kataon namang bumukas ang pinto at may humagis na malaking
plato diretso sa ulo ng Katulong. Dumaplis lamang sa ilong ng
Katulong ay nabasag ng tumama sa isa sa mga punungkahoy sa likod
ng lalaki.
“— o baka bukas,” sabi ng Katulong sa dating tono na para bang
walang nangyari.
“Paano nga ako makapapasok?” Inulit ni Alice ang tanong sa mas
malakas na boses.
“Bakit makakapasok ka ba?” sabi ng Katulong. “Iyan ang unang
tanong, baka akala mo.”
Walang dudang iyon nga ang unang tanong – kaya lamang ayaw ni
Alice na sabihin pa ito sa kaniya.
“Nakakatakot,” bulong ni Alice sa sarili, “Ang pagtatalo ng lahat ng
nilalang na ito. Nakakaloko!”
Marahil ay naisip ng Katulong na magandang pagkakataon ito para
ulitin ang kaniyang sinabi, nang may bahagyang pagbabago. “Maupo
ako rito,” sabi nito, “upo’t tayò, nang maraming araw.”
“E ano’ng gagawin ko?” sabi ni Alice.
“Kahit ano,” sabi ng Katulong saka sumipol.
“Naku, walang mangyayari sa pakikipag-usap sa kaniya,” nawalan
na ng pag-asang sabi ni Alice. “Napakatanga!” At binuksan niya ang
pinto at pumasok.
Tuloy-tuloy ang pinto sa isang malaking kusina na punong-puno
ng usok. Nasa gitna ang Dukesa, nakaupo sa isang bangkitong may
tatlong paa habang nagpapasuso ng sanggol. Nakayuko sa gatong ang
54 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

kusinera, may hinahalo sa isang talyasi na waring umaapaw sa sopas.


“Ang dami namang paminta ng sopas na ‘yon!” nasabi ni Alice sa
sarili sa pagitan ng mga pagbain.
Tunay ngang napakaraming paminta sa hangin. Maging ang
Dukesa ay paminsan-minsang bumabahin; samantalang ang sanggol
ay salitan ang walang tigil na pagpapalahaw at pagbahin. Dalawa
lamang ang hindi bumabahin sa kusina, ang kusinera at isang malaking
pusa na nakadapa sa dapugan at nakangising abot-tainga.
Maaari ba ninyong sabihin sa akin,” sabi ni Alice na medyo nahihiya
dahil hindi niya matiyak kung ayon sa kagandahang asal na mauna
siyang magsalita, “kung bakit nakangisi nang ganyan ang pusa niyo?”
“Cheshire ang pusang ‘yan,” sabi ng Dukesa, “kaya ganyan.”
“Hindi ko alam na lagi palang nakangisi ang mga pusang Cheshire,”
sabi ni Alice. “Ang totoo, hindi ko alam na marunong palang ngumisi
ang mga pusa.”
“Lahat sila’y marunong ngumisi,” sabi ng Dukesa, “At karamihan sa
kanila’y ngumingisi.”
“Wala pa ‘kong nakitang pusang nakangisi,” magalang na sabi ni
Alice na nasisiyahang magkaroon ng kausap.
“Kulang kasi’ng alam mo,” sabi ng Dukesa, “At ‘yan ang totoo.”
Hindi nagustuhan ni Alice ang tono ng nagsalita, at naisipan niyang
baguhin ang paksa ng pag-uusap. Habang nag-iisip siya ng mapag-
uusapan, inalis ng kusinera ang talyasi sa gatong at agad ipinaghahagis
sa Dukesa at sa sanggol ang lahat ng kaniyang mahawakan – una niyang
inihagis ang bakal na ginagamit sa paggagatong. Pagkaraan,umulan ng
kaserola, pinggan, at dinulang. Hindi ito pinansin ng Dukesa maski
tamaan siya; ang sanggol naman ay talagang nagpapalahaw na kaya’t
mahirap sabihin kung nasaktan ito o hindi sa mga
tama.
“Ay, pakitingin iyong ginagawa!” sigaw ni Alice sa patalon-talon sa
takot. “Ay, ang mahalagang ilong!” sabi niya nang lumipad ang isang
napakalaking kaserola at halos tinangay na ang sanggol.
“Kung lahat ay di makikialam sa iba,” paungol na sabi ng Dukesa sa
paos na tinig, “magiging mas mabilisang inog ng mundo.”
“Mas mainam,” sagot ni Alice na natuwa sa nakitang pagkakataong
maipagyabang kahit paano ang kaniyang nalalaman. “Isipin na lang
ninyo ang mangyayari sa gabi’t araw. Alam n’yo kasi, dalawampu’t
apaut na oras ang kailangan kailangan para makaikot ang mundo sa
axis nito.”
“Axis,” sabi ng Dukesa. “Palakol. Pugutin ang kaniyang ulo!”
Nag-aalalang sinulyapan ni Alice ang kusinera upang alamin kung
susunod ito. Ngunit abala ang kusinera sa paghahalo sa sopas at wari’y
56 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

hindi nakikinig, kaya’t nagpatuloy si Alice, “Dalawampu’t apat na


oras, sa palagay ko; o baka labindalawa?”
“Naku, huwag mo nga akong abalahin,” sabi ng Dukesa. “Wala
akong hilig sa mga numero!” Pagkasabi nito, muli nitong pinasuso ang
sanggol habang umaawit ng isang tila oyayi at inuugoy nang malakas
ang sanggol sa pagtapos ng bawat linya:

Marahas sabihin ang iyong anak


Pag bumahin siya’y paluin nang labis
Ibi lamang niyang mayamot ka’t lahat
Dahil batid yaon ang nakaiinis.

KORO
(Saliw ng kapwa kusinera at sanggol):
Wow! wow! wow! *

Habang inaawit ng Dukesa ang pangalawang saknong ng


kaniyang awit, walang tigil niyang ipinagwawagwagan ang sanggol
samantalang napakalakas ng pagpalahaw ng kawawa kaya’t hindi
halos marinig ni Alice ang kanta:

Pag nagwika ako’y malupit sa sanggol


Pinapalo siya biglang humatsing
Maiibigan din ang pamintang-amoy
Pag nagpilit siyang yaon ay langhapin.

KORO
Wow! wow! wow!

*  (Salin ni Roberto T. Añonuevo)


Baboy at paminta 57

“Heto, ikaw naman kung gusto mo!” sabi ng Dukesa kay Alice
sabay hagis sa sanggol “Kailangang umalis na ako at makipaglaro ng
croquet sa Reyna,” at mabilis na itong lumabas ng kuwarto. Hinabol
ito ng kawaling inihagis ng kusinera at kamuntik nang tamaan.
Hirap na hirap si Alice sa pagbuhat ng sanggol dahil kakatwa ang
ayos nito at lumilipad ang mga kamay at paa sa lahat ng direksyon.
“Parang bituin-dagat,” naisip ni Alice. Ang kawawang sanggol
ay sumisingasing na parang makina nang mahawakan ni Alice at
walang tigil ng pagbaluktot saka pagdiretso kaya’t nagawa lamang ni
Alice na hawakan ito,
Nang matutuhan na niya kung paano ito pasusuhin (ipinulupot
itong parang buhol saka hawakang mahigpit ang kanang tainga at
kaliwang paa para hindi nito mabago ang pagkakapulupot), inilabas
niya ito. “Kapag hindi ko isinama ang batang ito, baka mapatay
nila ito sa loob ng isa o dalawang araw. Hindi ba para ko na rin
itong pinatay kung iiwan ko?” Inilakas niya ang huling mga salita
at umigik ang munting nilalang bilang sagot. (Ngayo’y hindi na ito
bumabahin.) “Huwag kang umigik,” sabi ni Alice. “Hindi yan ang
tamang paraaan ng pagsasabi ng gusto mo.”
Umigik na naman ang sanggol at balisang pinagmasdan ni Alice
ang mukaha nito upang malaman ang dahilan. Walang duda na
nakatikwas ang ilong nito na parang nguso ng baboy sa halip na
ilong. Isa pa, napakaliit ng mga mata nito para sa isang sanggol.
Hindi gusto ni Alice ang mukha nito.
“Baka naman sa pag-iyak lang,” naisip ni Alice at muli itong
tiningnan upang malaman kung may luha sa mga mata nito.
Wala namang luha. “Kung magiging baboy ka, sanggol”
seryosong sabi ni Alice, “ayoko na sa iyo. Bahala ka na.” Humikbing
muli ang kawawang sanggol (o umigik, mahirap sabihin kung alin)
at nagpatuloy silang gayon nang tahimik.
Naisip ni Alice, “Anong gagawin ko sa nilalang na ito pag-uwi
ko?” nang umigik na naman nang napakalakas ng sanggol kaya’t
balisang tiningnan ni Alice ang mukha nito. Ngayo’y wala nang
kaduda-duda. Baboy nga itong talaga at kakatawa namang buhatin
pa niya.
Ibinaba niya ito at nakahinga siya nang maluwag nang makitang
tahimik itong nagpunta sa gubat. “Kung malaki na siya, anong
pangit na bata,” sabi ni Alice sa sarili, “Pero sa tingin ko’y isa siyang
guwapong baboy.” At inisip niya ang iba pang batang kilala niya
na puwedeng maging baboy. Kasalukuyan niyang sinasabi sa sarili,
“Kung alam ko lang ang tamang paraan para baguhin sila,” nang
magulat siya pagkakita sa pusang Cheshire na nakaupo sa sanga ng
Baboy at paminta 59

isang punongkahoy may ilang yarda lamang ang layo sa kaniya.


Ngumisi lamang ang Pusa nang makita si Alice. Mukhang mabait
naman, naisaloob ng bata. Gayunman, napakahaba ng mga kuko
nito at napakaraming ngipin kaya’t naisip niyang dapat igalang.
“Cheshire-Puss,” alanganin niyang bungad dahil hindi niya
matiyak kung magugustuhan nito ang tawag niya. Ngunit lalo lamang
lumapad ang pagkakangisi nito. “Sige mukhang nagustuhan,” naisip
ni Alice at nagpatuloy siya. “Puwede mo bang sabihin kung saan ako
daraan mula rito?”
“Depende, ‘yan kung saan mo gustong pumunta,” sabi ng Pusa.
“Hindi mahalaga kung saan,” sabi ni Alice. “Kung gayo’y hindi
rin mahalaga kung saan ka daraan,” sagot ng Pusa.
“Basta’t may mapuntahan ako,” dagdag ni Alice bilang paliwanag
“A, tiyak na may mapupuntahan ka,” sabi ng Pusa, “kung
maglalakad ka nang maglalakad.”
Alam ni Alice na hindi ito maitatanggi kaya’t umisip siya ng
ibang tanong. “Anong klase ng tao ang nakatira rito?”
“Doon,” sabi ng Pusa sabay turo ng kanang paa, “nakatira ang
Hatter o magsosombrero at doon naman,” sabay turo naman ng
kabilang paa, “ay nakatira ang isang March Hare. Dalawin mo ang
sinuman sa kanila, pareho silang baliw.”
“Pero ayokong makitungo sa mga baliw,” mabilis na sagot ni
Alice. “Wala kang magagawa,” sabi ng Pusa. “Baliw naman tayong
lahat. Baliw ako. Baliw ka.”
“Paano mo nalamang baliw ako?” sabi ni Alice.
“Kung hindi ka baliw,” sabi ng Pusa, “hindi ka mapupunta rito.”
Sa palagay ni Alice ay hindi pa rin iyon sapat na patunay. Gayunman,
nagpatuloy siya. “At paano mo naman nalamang baliw ka?”
“Ganito ‘yon,” sabi ng Pusa, “hindi baliw ang aso. Sang-ayon ka
ba?”
“Sa tingin ko,” sabi ni Alice.
“Kung gayon,” pagpapatuloy
ng Pusa, “nakikita mo namang
umuungol ang aso kapag galit
at ikinakawag ang buntot kapag
natutuwa. Ako nama’y umuungol
kapag natutuwa at ikinakawag
ang buntot kapag nagagalit. Kung
gayon, baliw ako.”
“Huni ng pusa ang tawag ko
roon, hindi ungol,” sabi ni Alice.
“Bahala ka kung ano’ng gusto
mong itawag,” sabi ng Pusa.
“Makikipaglaro ka ba ng croquet
sa Reyna ngayon?”
“Gustong-gusto ko nga, pero
Baboy at paminta 61

hindi naman ako imbitado.” “Magkikita tayo roon,” sabi ng Pusa at


naglaho.
Hindi ito ikinabigla ni Alice dahil nasasanay na siya sa mga
kakatwang pangyayari. Habang nakatingin pa siya sa dating
kinauupuan ng pusa, bigla itong lumitaw na muli.

“Babay, ano na’ng nangyari sa sanggol?” sabi ng Pusa. “Nalimutang


kong itanong.”
“Naging baboy,” tahimik na sagot ni Alice, na para bang natural
lamang ang paraan ng pagbabalik ng Pusa.
“Sabi ko na nga ba,” sagot ng Pusa saka naglahong muli.
Sandaling naghintay si Alice, medyo umaasang makikita itong
muli, ngunit hindi lumitaw, at pagkaraan ng isa o dalawang minuto,
naglakad siya patungo sa tinitirahan ng March Hare. “Nakakita na
ako ng mga sombrero,” naisaloob niya. “Mas kawili-wili ang March
Hare, at siguro, dahil Mayo na ngayon, hindi na ito galit na galit.
Kahit paano’y hindi kagaya ng galit niya noong Marso.” Pagkasabi
nito, tumingala siya, at naroon na naman ang Pusa, nakaupo sa
sanga ng isang puno.
“Baboy ang sinabi mo, o igos?” sabi ng Pusa.
“Baboy,” sabi ni Alice, “at sana’y huwag ka namang ganyang
biglaang lilitaw at maglalaho. Nakahihilo ka, a!”
“O sige,” sabi ng Pusa at unti-unti itong naglaho, una’y ang
dulo ng buntot at pagkatapos sa pagkakangisi na ilang sandali
pang naiwan habang ganap nang naglaho ang iba pang bahagi.
“Aba! Madalas akong makakita ng pusang hindi nakangisi,”
naisaloob ni Alice, “pero ngising walang pusa! Pinakakakatwang
bagay na nakita ko sa buong buhay ko!”
Hindi pa siya nakalalayo nang matanaw niya ang bahay ng
March Hare. Inakala niyang ito nga ang bahay dahil ang mga
tsimenea ay hugis-tainga at ang bubong ay may atip na balahibo.
Napakalaki ng bahay kaya’t bago lumapit doon, kumagat muna
siya ng kabute sa kaliwang kamay hanggang umabot siya sa taas na
dalawang piye. Magkagayon man, medyo alanganin pa rin siyang
lumapit habang sinasabi sa sarili, “Paano kung galit na galit pala!
Sana’y sa Hatter na lang ako nakapunta!”
KABANATA VII

NAKABABALIW NA PAGTITIPON

May mesang nakahanda na sa ilalim ng puno sa harap ng bahay


at doo’y umiinom ng tsaa ang March Hare at ang Hatter. Sa pagitan
nila, may nakaupong Dormouse na mahimbing na natutulog at
nagsisilbing patungan ng kanilang mga siko. Nag-uusap sila sa
ibabaw ng ulo nito. “Pabigat sa Dormouse,” naisaloob ni Alice.
“Tulog kasi kaya siguro hindi nagrereklamo.”
Malaki ang mesa ngunit nagsisiksikan ang tatlo sa isang sulok.
“Wala ng lugar! Walang lugar!” sabay na sinabi ng dalawa nang
makitang papalapit si Alice.
“Maluwag pa!” galit na sabi ni Alice, saka naupo sa isang malaking
silyo sa isang dulo ng mesa.
“Tumikim ka ng alak,” sabi ng March Hare sa tinig na nag-
aanyaya. Tumingin si Alice sa mesa ngunit tsaa lamang ang naroon.
“Wala akong makitang alak,” sabi niya.
“Wala nga,” sabi ng March Hare.
“Hindi naman yata magandang asal ang gayong alok,” ngitngit
ni Alice.
“Hindi rin maganda asal na maupo ka rito nang di inaanyayahan,”
sabi ni March Hare.
“Hindi ko naman alam na inyo ang mesa,” sabi ni Alice. “Nakahain
ito para sa higit sa tatlo lamang.”
“Kailangang magpagupit ka na,” sabi ng Hatter. Ilang saglit na
niyang pinagmasdan si Alice nang may pagtataka at ito ang una
niyang pagsasalita.
“Matuto kang huwag mamintas sa mga bagay na personal,”
mabalasik na sabi ni Alice. “Kabastusan ‘yon.”
Nandilat ang Hatter pagkarinig dito ngunit ang tanging sinabi
niya ay, “Bakit parang mesang sulatan ang isang uwak?”
“Aba, magkakatuwaan kami!” naisaloob ni Alice. “Mabuti’t
nagtatanong sila ng mga bugtong. Mahuhulaan ko ‘yan,” sabi niyang
malakas.
“Ibig mong sabihin sa palagay mo’y maibibigay mo ang tamang
sagot?” sabi ng March Hare.
“Puwede mo ring idagdag,” dagdag ng March Hare, “na pareho
ang ‘gusto ko ang nakuha ko’ at ‘nakuha ko ang gusto ko.”
“Para mo na ring sinabing,” dagdag ng Dormouse, nagsalita
sa pagtulog, “pareho rin ang ‘humihinga ako pag natutulog’ at
‘natutulog ako pag humihinga’!”
“Pareho lang ‘yan sa iyo,” sabi ng Hatter at dito natapos ang pag-
uusap. Saglit na natahimik ang lahat samantalang binabalikan ni
Alice sa isip ang lahat ng maaalala niya tungkol sa mga uwak at mga
Nakababaliw na pagtitipon 65

mesang sulatan, na di naman gasino.


Unang bumasag sa katahimikan ang Hatter. “Anong araw na
ngayon?” tanong nito kay Alice. Inilabas nito ang relos mula sa bulsa
at nag-aalalang nakatingin dito saka paminsan-minsang inaalog ito at
inilalapit sa tainga.
Saglit na nag-isip si Alice bago sumagot, “A-kuwatro.”
“Dalawang araw na huli!” buntunghininga ng Hatter. “Sabi nang
di tama ang butter dito, e!” dagdag nito at galit na sinulyapan ang
March Hare.
“Pinakamasarap na butter ang ginamit ko,” mapagkumbabang
sagot ng March Hare.
“Oo na, pero baka pinasok ang ilang piraso ng tinapay,” ungol ng
Hatter. “Hindi mo kasi dapat ipinamahid ang kutsilyong pantinapay.”
Kinuha ng March Hare ang relos at malungkot itong tiningnan.
Pagkatapos, isinawsaw niya ito sa tsaa saka tiningnang muli. Ngunit
wala na siyang nasabi kundi ang nasabi na kanina, “Pinakamasarap na
butter ‘yon.”
Nagtatakang nakasilip sa balikat ng March Hare si Alice.
“Kakatwang relos!” sabi niya. “May araw pero walang oras!”
“Kailangan ba ‘yon?” sabi ng Hatter. “Ang relos mo ay may taon?”
“Wala nga,” mabilis na sagot ni Alice, “kasi matagal naman bago
magbago ang taon.”
“E di gayon din ang relos ko,” sagot ng Hatter.
Labis ang pagtataka ni Alice. Hindi niya maintindihan ang sinabi
ng Hatter bagama’t walang alinlangang Ingles ang ginamit nito.
“Hindi ko kayo maintindihan,” sabi niyang napakagalang.
“Tulog na naman ang Dormouse,” sabi ng Hatter at pinatakan ito
ng maiinit na tsaa sa ilong.
Naiinis na umiling ang Dormouse at nagsalita nang di dumidilat,
“Siyempre pa, ‘yan din nga ang sasabihin ko.”
66 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Nahulaan mo na ba ang bugtong?” sabi ng Hatter at muling


binalingan si Alice.
“Hindi, sirit na,” sagot ni Alice. “Ano’ng sagot?”
“Ewan,” sabi ng Hatter.
“Ewan din,” sabi ng March Hare.
Nababagot na bumuntunghininga si Alice. “Dapat siguro’y gamitin
ninyo ang oras sa makabuluhang bagay,” sabi niya, “kaysa aksayahin
ito sa pagtatanong ng mga bugtong ng walang sagot.”
“Kung kilala mo ang Oras gaya ng pagkakakilala ko,” sabi ng Hatter,
“hindi sasabihing ito, kundi siya.”
“Hindi ko kayo maintindihan,” sabi ni Alice. “Hindi mo nga
maintindihan!” sabi ng Hatter, na nangungutyang ipinaling ang ulo.
“Siguradong ni hindi mo pa nakakausap ang Oras!”
“Hindi pa nga,” nag-iingat na sagot ni Alice, “pero alam kong
kailangan kong talunin ang oras kapag nag-aaral ako ng musika.”
“A, ganoon! Kaya pala,” sabi ng Hatter. “Ayaw niya nang tinatalò. Pero
kung ayos lang ang samahan ninyo, gagawin niya halos lahat ng gusto
mo sa relos. Halimbawang alas nuwebe ng umaga, oras para magsimula
ng mga leksiyon. Isang bulong lamang sa Oras at sa isang kisapmata ay
aandar ang relos. Ala una medya agad, oras ng tanghalian!”
(“Sana nga,” bulong ng March Hare.)
“Aba, mainam ‘yan,” sabi ni Alice, na nag-iisip; kaya lang, hindi pa
‘ko gutom.”
“Siguro nga,” sa una,” sabi ng Hatter, “pero puwedeng maging ala
una ang relos hangga’t gusto mo.”
“Ganyan ba’ng gawa mo?” tanong ni Alice.
Malungkot na umiling ang Hatter. “Hindi nga, e!” sagot nito.
“Nag-aaway kami noong Marso. Bago siya nagwala, alam mo­­—”
(saka itinuro ng kaniyang kutsarita ang March Hare) “—ito’y noong
konsiyerto ng mga puso at kailangang kumanta ako ng:
‘Kilap, Paniki, Kilap
Pakpak ng lumilipad,

Alam mo siguro’ng kantang iyon?”


“Nakarinig na ako ng parang ganyan,” sabi ni Alice.
“May karugtong pa ‘yon, alam mo,” sabi ng Hatter, “ganito:

Doon sa himpapawid
Ang bandeha sa langit.
Kumukuti-kutitap *

Dito’yumugyog ang Dormouse at kumanta sa pagtulog:


“Kumukuti-kutitap, kumukuti-kutitap” at nagpatuloy ito hanggang
sa kinakailangan pa nilang kurutin upang tumigil.

*  (Salin ni Roberto T. Añonuevo)


68 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Katatapos ko pa lang ng unang saknong nang sumigaw ang


Reyna, “Pinapatay niya ang oras! Pugutan ng ulo!’”
“Napakalupit naman!” bulaslas ni Alice.
“At mula noon,” patuloy ang Hatter sa malulungkot na tinig.
“Ayaw na niyang sundin ang alinmang gusto ko! Lagi na lamang
siyang alas seis ngayon.”
May magandang naisip si Alice. “Iyan ba ang dahilan kung bakit
may nakahain dito para sa pagtsatsaa?” tanong niya.
“Oo, ganoon nga,” sabi ng Hatter saka bumuntunghininga.
“Laging oras ng pagtsatsaa, ni wala na kaming panahong mahugas
ng mga kasangkapan.”
“E di paulit-ulit ang gamit n’yo?” sabi ni Alice. “Ano pa nga,” sabi
ng Hatter, “dahil nagagamit ang mga kasangkapan.”
“Ano’ng nangyayari kapag bumalik kayo sa simula?” lakas-loob
na tanong ni Alice.
“Baguhin na kaya natin ang paksa,” naghihikab na putol ng
Hatter. “Nababagot ako. Iminumungkahi kong kuwentuhan tayo ng
dalaginding na ito.”
“Wala po akong alam na kuwento,” kinakabahang sagot ni Alice.
“Kung gayo’y ang Dormouse ang magkukuwento!” sabi ng dalawa.
“Gising, Dormouse!”
At sabay nila itong kinurot sa magkabilang tagiliran.
Dahan-dahang dumilat ang Dormouse. “Hindi ako tulog,” sabi
nito sa paos at mahinang boses. “Dinig kong lahat ang bawat salitang
sinabi ninyo.”
“Kuwentuhan mo kami!” sabi ng March Hare.
“Oo nga!” pagmamakaawa ni Alice.
“At bilisan mo,” dagdag ng Hatter. “Kung hindi’y makakatulog
kana naman bago matapos ang kuwento mo.”
“Noong unang panahon, may tatlong magkakapatid na babae,”
Nakababaliw na pagtitipon 69

nagmamadaling simula ng Dormouse. “At ang mga pangalan nila ay


Elsie, Lacie at Tillie, at nakatira sila sa ilalim ng isang balon.”
“Ano’ng kinakain nila?” sabi ni Alice na lagi nang interesadong
malaman ang tungkol sa pagkain at pag-inom.
“Kumakain sila ng pulut,” sabi ng Dormouse matapos mag-
isip nang isa o dalawang minuto. “Hindi puwede ‘yon, alam mo,”
marahang sabi ni Alice. “Magkakasakit sila.”
“Kaya nga,” sabi ng Dormouse, “malubha nga ang sakit nila.”
Tinangka ni Alice na ilarawan sa isip ang gayong di karaniwang
buhay ngunit dahil sa labis na pagtataka ay nagpatuloy siya. “Pero
bakit sa ilalim ng balon sila nakatira?” “
Magtsaa ka pa,” matapat na alok ng March Hare kay Alice.
“Hindi pa ako nakakainom,” sabi ni Alice sa boses na nainsulto.
“Kaya’t hindi ako puwedeng magtsaa pa.”
“Ibig mong sabihin, hindi ka pa nakakainom nang kaunti,” sabi
ng Hatter. “Napakadaling uminom nang marami kaysa wala.”
“Wala naman nagtatanong ng inyong opinyon,” sabi ni Alice.
“Sino ngayon ang namimintas?” matagumpay na sabi ng Hatter.
Hindi malaman ni Alice kung ano ang isasagot dito, kaya’t
kumuha siya ng tsaa at tinapay at butter saka binalingan ang
Dormouse at inulit ang kaniyang tanong, “Bakit sila tumira sa ilalim
ng balon?”
Muli, nag-isip muna nang isa o dalawang minuto ang Dormouse
bago sumagot, “Balon ng pulut iyon.”
“Walang ganyang balon!” naiinis na si Alice sinaway siya ng Hatter
at ng March Hare, “Sh! Sh!” Nagmamaktol na sabi ng Dormouse,
“Kung babastusin mo lang ako, ikaw na lang ang magtuloy ng
kuwento.”
“Sige na ituloy mo na’ng kuwento!” mapagkumbabang sabi ni
Alice. “Hindi na ako sasabad uli. Ang sabi ko’y meron ngang isang
70 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

balon ng pulut.”
“Isa aba!” galit na sabi ng Dormouse. Ngunit nagpatuloy ito. “At
ang tatlong magkakapatid na ito, nag-aaral silang magdrowing, alam
n’yo—”
“Ano’ng idinodrowing nila?” tanong ni Alice na nakalimot sa
kaniyang pangako.
“Pulut,” sagot ng Dormouse nang di nag-iisip.
“Gusto ko ng malinis na tasa,” putol ng Hatter. “Lumipat tayo.”
Umiba siya ng lugar habang nagsasalita, at sumunod sa kaniya ang
Dormouse. Lumipat sa dating lugar ang Dormouse ang March
Nakababaliw na pagtitipon 71

Hare at bantulot na lumipat si Alice sa lugar ng March Hare. Ang


Hatter lamang ang napabuti ng lugar sa paglipat na iyon; si Alice ay
napasama ng puwesto dahil nabunggo ng March Hare ang pitsel ng
gatas at natapunan ang gatas ang plato niya.
Nag-iingat nang muling mainsulto ang Dormouse, marahang
nagsalita si Alice, “Hindi ko maintindihan. Saan sila kumukuha ng
pulut?” “Nakakakuha ng tubig sa balon ng tubig,” sabi ng Hatter,
“kaya siguro makakakuha ng pulut sa balon ng pulut, di ba, tanga?”
“Pero nasa balon sila,” sabi ni Alice sa Dormouse, na di pinansin
ang sinabi ng Hatter.
“Siyempre,” sabi ng Dormouse, “nasa balon nga sila.”
Nalito si Alice sa sinabing ito ng Dormouse kaya’t hinayaan
niyang magpatuloy ito nang di inaabala.
“Nag-aaral silang magdrowing,” pagpapatuloy ng Dormouse na
may kasamang paghihikab at pagkusot sa mata, dahil inaantok ito.
“At lahat ng klase ng bagay ay idinodrowing nila – lahat ng bagay na
nagsisimula sa M__”
“Bakit M? sabi ni Alice.
“Bakit hindi?” sabi ng March Hare.
Tumahimik si Alice.
Ngayo’y nakapikit na ang Dormouse at nag-aagaw-tulog na.
Ngunit nang kurutin ng Hatter ay nagigising ito sabay mahinang tili,
at saka nagpatuloy. “—Na nagsisimula sa M, tulad ng mouse trap
(panghuli ng daga), moon (buwan), memory (alaala), at muchness
(pagiging marami). Alam mo, sinasabing ‘marami sa pagiging
marami’. Nakakita ka na ba ng drowing ng pagiging marami?”
“Kung gayo’y tumahimik ka,” sabi ng Hatter. Sobra na ang
kabastusang ito para kay Alice. Galit itong tumayo at umalis. Bigla
namang nakatulog ang Dormouse at walang nakapansin sa pag-alis
ni Alice, bagama’t minsan o makalawa siyang lumingon sa pag-asang
72 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

pababalikan siya. Ang huling nakita niya ay isinisilid ng dalawa ang


Dormouse sa pitsel ng tsaa.
“Sa ano’t anuman, hindi na ako babalik doon,” sabi ni Alice
habang naglalakad sa gubat. “Iyon na ang pinakawalang kuwentang
tea party na aking nadaluhan sa buong buhay ko!”
Kasabi pa lamang niya nito nang makita niya ang punong may
pinto. “Nakapagtataka!” naisaloob niya “Pero nakapagtataka
naman lahat ang nangyayari ngayon. Mabuti pa’y makapasok dito.”
At pumasok siya.
Minsan pa’t nasa isang malaking bulwagan siyang muli, at malapit
sa isang munting mesang salamin. “Ngayon, alam ko na’ng gagawin,”
sabi niya sa sarili, at kinuha ang maliit na gintong susi at binuksan
ang pintong patungo sa halamanan. Pagkaraan, kumain siya ng
kabute (nakapagtago siya ng kapiraso sa bulsa) hanggang sa maging
isang piye sa taas niya. Saka naglakad siya sa munting daanan, at
narating niya sa wakas ang magandang halaman, na may makukulay
na bulaklak at malalamig na bukal.
KABANATA VIII

ANG PALARUAN NG CROQUET

May isang malaking puno ng rosas sa may pagpasok ng halaman.


Puti ang mga bulaklak nito ngunit tatlong hardinero ang abalang-
abala sa pagpipinta rito ng pula.
Kakatwa ito para kay Alice, kaya’t lumapit siya upang makitang
mabuti ang ginagawa ng mga hardinero, at nang malapit na siya
sa mga ito, narinig niyang nagsalita ang isa. “Hoy, ingat ka, Lima!
Huwag mo Akong titilamsikan ng pintura!”
“Hindi ko sinasadya,” sagot ni Lima, na nagmamaktol. “Binunggo
kasi ni Pito ang siko ko.”
Pagkarinig nito, tumingala si Pito at sinabing, “Ganyan nga,
Lima. Laging iba ang sisihin mo.”
“Mabuti pang tumahimik ka na lang!” sabi ni Lima. “Kahapon
lamang ay narinig ko ang Reyna na nagsabing dapat kang pugutan
ng ulo.”
“Bakit?” sabi ng unang nagsalita
“Wala ka na roon, Dalawa!” sabi ni Pito.
“May pakialam siya!” sabi ni Lima. “Sasabihin ko sa kaniya. Kasi,
dinalan niya ang kusinera ng ugat ng tulip sa halip na sibuyas.”
Ibinagsak ni Pito ang kaniyang pinsel at kasasabing, “Sa lahat
naman ng di makatarungang—” nang masulyapan niya si Alice na
nakatayo’t nagmamasid sa kanila, kaya’t bigla niyang pinigil ang
sarili.
“Puwede ba ninyong sabihin sa akin,” sabi ni Alice, na medyo
nag-aalangan, “Kung bakit ninyo pinipintahan ang mga rosas na
iyan?”
Hindi sumagot si Lima at Pito ngunit tumingin kay Dalawa.
Nagsalita si Dalawa sa mahinang boses. “Aba, ang totoo,alam mo,
Miss dapat kasi’y puno ng pulang rosas ang nakatanim na ito, pero
nagkamali kami at puno ng puting rosas ang naitanim namin at pag
nalaman ito ng Reyna, pugot ang mga ulo namin, alam mo. Kaya,
Miss, pinipilit naming, bago siya dumating, ay—” Noon naman,
si Lima, na bilasang nakatingin sa kabila ng halaman, ay sumigaw,
“Ang Reyna! Ang Reyna!” at biglang humalik sa lupa ang tatlong
hardinero. May papalapit na maraming yabag at luminga si Alice na
nasasabik makita ang Reyna.
Naunang dumating ang sampung sundalong may dalang mga
ang Palaruan ng croquet 75

pamalo. Ang mga sundalo ay katulad din ng tatlong hardinero, pahaba


at manipis at may mga kamay at paa sa mga sulok. Kasunod ng mga
ito ang sampung courtier. May dekorasyong diyamante ang mga ito,
at dala-dalawa kung maglakad, tulad din ng mga sundalo, Pagkaraa’y
ang mga anak ng hari. Sampu sila at masayang nagtatalunang kapit-
kamay ang dala-dalawa. Lahat sila’y may dekorasyon sa puso. Nasa
likuran nila ang mga panauhin, na karamiha’y mga Hari at Reyna,
at kabilang sa mga ito, nakilala ni Alice ang Puting Kuneho. Mabilis
at ninenerbiyos ang pagsasalita nito, ngumingiti sa lahat ng sinasabi,
at di napapansin si Alice. Sumunod ang Sota na Dala ang korona
ng Hari na nakapatong sa isang pulang kustong pelus. Nasa hulihan
ng marangyang paradang ito ang HARI AT REYNA NG MGA
PUSO.
Hindi malaman ni Alice kung dapat din siyang humalik sa lupa
tulad ng tatlong hardinero ngunit wala naman siyang maalalang
gayong tuntunin kapag may parada. “Isa pa, para ano pa ang parada,”
naisaloob niya. “Kung lahat na lang ay hahalik sa lupa, sino pa ang
makakikita?” Kaya’t nanatili siyang nakatayo at naghintay.
Nang makarating sa harap si Alice ang parada, lahat ay tumigil at
tumingin sa kaniya, at mabalasik na nagsabi ang Reyna, “Sino ito?”
Ipinukol niya ang tanong sa Sota, na yumuko lamang at ngumiti
bilang tugon.
“Tanga!” sabi ng Reyna, saka nayayamot na ibinaling ang ulo;
binalingan nito si Alice, at nagpatuloy. “Ano’ng pangalan mo, anak?”
“Alice po, Inyong Kamahalan,” magalang na sagot ni Alice.
Ngunit sa sarili’y idinagdag nito. “Aba, mga baraha lang sila. Wala
akong dapat ikatakot.”
“At sino naman ang mga ito?” sabi ng Reyna sabay turo sa tatlong
hardinero na nakadapa sa paligid ng puno ng rosas. Kasi nakayuko
sila sa lupa at ang disenyo sa kanilang mga likod ay katulad din ng
76 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

sa iba pa, hindi malaman ng Reyna kung sila’y mga hardinero, o


sundalo, o courtier, o tatlo sa kaniyang mga anak.
“Ewan ko,” sabi ni Alice na nabigla rin sa kaniyang katapangan.
“Wala akong pakialam.”
Namula sa galit ang Reyna, nanlilisik na tumingin na tila
mabangis na hayop kay Alice, saka nagtitiling “Pugutan ng ulo!
Pugutan ng­—”
“Kalokohan!” malakas at matatag na sabi ni Alice. Natahimik
ang Reyna. Ipinatong ng Hari ang kamay sa braso ng Reyna at
mapagkumbabang nagsabing, “Pasensiya na, mahal, bata lang ‘yan!”
Galit na lumayo ang Reyna at nagsabi sa Sota, “Itindig sila!”
Sumunod ang Sota at maingat na itinindig ang mga hardinero sa
pamamagitan ng isang paa.
“Tumindig kayo!” wika ng Reyna sa malakas, nakatutulig na
boses at biglang tumayo ang tatlong hardinero at yumukod sa Hari,
sa Reyna, at sa mga anak ng mga ito, at sa lahat na.
“Tigilan n’yo na ‘yan!” sigaw ng Reyna. “Hinihilo ninyo ako.”
Bumaling ito sa puno ng rosas saka nagpatuloy, “Ano’ng ginagawa
ninyo rito?” “Maibigan po sana ninyo, Inyong Kamahalan”
mapagkumbabang sabi ng dalawa, sabay luhod, “sinisikap po
naming—”
“A, ganoon!” sabi ng Reyna habang tinitingnan ang mga rosas.
“Pugutan ng ulo!” At nagpatuloy ang prusisyon, habang nagpaiwan
ang tatlo sa mga sundalo upang pugutan ng ulo ang tatlong sawing-
palad na mga hardinero na lumuhod kay Alice para ipagsanggalang
sila.
“Hindi kayo mapupugutan!” sabi ni Alice saka inilagay ang mga
ito sa isang kalapati na malaking masetera. Isa o dalawang minuto
nagpalakad-lakad ang mga sundalo, hinanap ang mga hardinero,
saka tahimik na sumunod sa prusisyon.
“Napugutan na ba ng ulo?” sigaw ng Reyna. “Pugot na po, para sa
kasiyahan ng Inyong Kamahalan!” pasigaw na sagot ng mga sundalo.
“Tama!” sigaw ng Reyna. “Marunong ka ba ng croquet?” dagdag
nito.
78 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

Hindi sumagot ang mga sundalo at tumingin lamang kay Alice


sapagkat ang tanong ay para rito.
“Opo!” sigaw ni Alice.
“Halika, kung gayon!” Dumagundong ang boses ng Reyna at
sumunod si Alice sa parada, habang nag-iisip kung ano ang susunod
na mangyayari.
“Ma-maganda’ng panahon!” sabat ng nahiyang boses sa
kaniyang tabi. Katabi pala niya sa paglalakad ang Puting Kuneho na
nagtatakang nakatingin sa mukha ni Alice.
“Oo nga,” sabi ni Alice. “Nasaan ang Dukesa?”
“Sh! Sh! sabi ng Kuneho sa mahina, nagmamadaling boses.
Balisang luminga ito habang nagsasalita saka tumingkayad, inilapit
ang kaniyang bibig sa tainga ni Alice at bumulong, “Nahatulan
siyang pugutan ng ulo.”
“Bakit?” tanong ni Alice.
“Ano ‘ka mo, ‘Sayang’?” tanong ng Kuneho.
“Hindi ko sinabi ‘yan,” sabi ni Alice. “Hindi ko pinapalagay na
‘sayang’. Ang sabi ko’y bakit?”
“Sinuntok niya ang tainga ng Reyna—” simula ng Kuneho.
Napahagikgik si Alice. “Sh!” natatakot na bulong ng Kuneho. “Baka
marinig ka ng Reyna. Nahuli kasi siya, at sinabi ng Reyna —
“Pumuwesto na kayo!” sigaw ng Reyna sa boses na parang kulog
at nagtakbuhan ang lahat sa kung saan-saang direksiyon hanggang
sa magkabanggaan. Gayunman, naayos sila sa loob lamang ng isa o
dalawang minuto, at nagsimula na ang laro. Sa tingin ni Alice, noon
lamang siya nakita ng gayong kakatwang palaruan ng croquet na
pulos pilapil at tudling. Nagsisilbing bola ng croquet ang mga buhày
na hedgehog at ang malyete ay buhày na flamingo; at kailangang
yumukod ang mga sundalo sa parang nakatayo sila sa paa’t kamay
upang bumuo ng mga arko.
ang Palaruan ng croquet 79

Ang unang problemang nakaharap ni Alice ay ang paghawak sa


kaniyang flamingo. Nakuha niyang ipitin sa kilikili ang kakatwang
flamingo nang nakababa ang mga paa nito, ngunit malimit, kung
kailan tuwid na ang leeg nito at nakaakma nang hagipin ng ulo ang
hedgehog, saka pa nito pipilipitin ang sarili at titingin sa mukha ni
Alice nang may pagtataka kaya’t hindi mapigil tumawa si Alice. At
kapag naibaba na ni Alice ang mukha ng flamingo at magsisimula na
uli, saka naman maiinis si Alice dahil nakawala na ang hedgehog at
handa nang gumapang palayo. Malimit din ang tudling o tumpok
sa pook na ibig niyang pagawiin ang hegdehog, at dahil laging
tumayo ang mga nakayukong sundalo at naglalakad sa ibang bahagi
ng palaruan, naisip-isip ni Alice na talagang napakahirap ng larong
iyon.
Sabay-sabay na naglaro ang lahat ng kasali nang hindi na
naghihintay ang kaniyang tira, at nag-away-away pa at nag-aagawan
sa mga hedgehog; kaya’t di nagtagal nagpuyos ang Reyna at ito’y
nagpapadyak at nagsisigaw. “Pugutan ng ulo! Pugutan ng ulo!” ang
sigaw nito minu-minuto.
Nababalisa na si Alice. Oo nga’t hindi pa niya nakakabangga
ang Reyna, ngunit alam niyang mangyayari iyon ano mang sandali.
“At kapag nagkagayon, ano na’ng mangyayari sa akin? Napakahilig
ditong magpugutan ng ulo. Ang nakapagtataka ay may natitira pang
buhay!”
Naghahanap siya ng paraan para makatakas at nag-iisip kung
siya’y makakaalis nang hindi nakikita, nang mapansin niya ang isang
kakatwang bagay sa hangin. Nang una’y takang-taka siya, ngunit
matapos pagmasdan ito nang isa o dalawang minuto, napaghalo
niyang iyo’y isang ngisi, at nasabi niya sa sarili, “Ang pusang Cheshire.
May makakausap na ako.”
“O, kumusta na?” sabi ng Pusa pagkabuong-pagkabuo ng bibig
nito.
Hinintay ni Alice na lumitaw ang mga mata nito bago siya
tumango. “Walang silbing kausapin ito,” naisip niya, “hangga’t hindi
pa nabubuo ang mga tainga nito, o kahit man lamang ang isang
tainga.” Nang sumunod na sandali, nabuo ang ulo ng Pusa at ibinaba
ni Alice ang kaniyang flamingo at ikinuwento ang laro, nagagalak na
may makikinig na sa kaniya. Ipinalagay marahil ng pusa na sapat na
ang nakalitaw sa kaniya kaya’t wala nang iba pang bahagi na lumitaw
pa.
“Hindi patas ang labanan,” simula ni Alice na nagrereklamo,
ang Palaruan ng croquet 81

“at napakatindi ng pag-aaway kaya’t hindi kami magkarinigan,


at ni wala yatang tuntunin. At kung mayroon man, wala nang
sumusunod. Hindi mo lang alam kung gaano ang pagkalito namin
dahil pulos may buhay ang gamit sa laro. Halimbawa, may arkong
dapat lusutan para makarating sa kabilang dulo ng palaruan at dapat
sana’y nahataw ko na ngayon-ngayon lang ang hedgehog ng Reyna
pero bigla itong tumakbo nang makitang dumating ang akin!”
“Nagustuhan mo ba ang Reyna?” saad ng Pusa sa banayad na
tinig.
“Hindi,” sagot ni Alice. “Masyadong—” Napansin niyang nasa
likuran pala niya ang Reyna at nakikinig kaya’t nagpatuloy siya.
“Nakakalamang siya kaya’t wala ring kuwentang tapusin pa ang laro.”
Ngumiti ang Reyna at nagpatuloy ang paglakad.
“Sino’ng kausap mo?” tanong ng Hari na lumapit kay Alice at
nagtatakang tiningnan ang ulo ng Pusa. “Isang kaibigan ko, isang
pusang Cheshire,” sabi ni Alice. “Ipakikilala ko siya sa inyo.”
“Ayoko ng hitsura niya,” sabi ng Hari. “Pero puwede siyang
humalik sa kamay ko, kung gusto niya.”
“Huwag na lang,” sabi ng Pusa.
“Huwag kang ganyang walang galang,” sabi ng Hari, “at huwag
mo akong tingnan ng ganyan!” Nagtago ito sa likod ni Alice habang
nagsasalita.
“Puwedeng tumingin sa hari ang pusa,” sabi ni Alice. “May nabasa
akong ganito sa libro, hindi ko na nga lamang maalala kung saan.”
“Aba, kailangang mawala iyan,” walang bahid-alinlangang sabi ng
Hari, at tinawag nito ang Reyna, na nagkataong nagdaraan, “Mahal!
Ibig kong ipaalis ang Pusang ito!”
Iisa ang paraang alam ng Reyna para lutasin ang lahat nang
maliliit at malalaking problema. “Pugutan ng ulo!” sabi nito nang di
man lamang tiningnan kung sino.
82 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Ako na mismo ang tatawag ng berdugo,” giit ng Hari at saka


humangos na.
Naisip ni Alice na mabuti yatang bumalik sa paglalaro at
tingnan kung ano na ang nangyayari rito dahil narinig niya ang
nanggagalaiting sigaw ng Reyna. Narinig niyang tatlong kasali ang
nahatulang mapugutan ng ulo dahil hindi nakatira, at hindi niya
ang Palaruan ng croquet 83

gusto ang nangyayaring ito sapagkat napakagulo ng laro at hindi mo


na nga malaman kung ikaw na ang titira o hindi pa. Kaya hinanap
niya ang kaniyang hedgehog.
Nakikipag-away sa isa pang hedgehog ang kaniyang hedgehog,
na para kay Alice ay mainam na pagkakataon para ihataw ang isa’t
isa. Ang hirap nga lamang ay nasa kabilang dulo ng halamanan ang
kaniyang flamingo, kung saan pinipili nitong makalipad sa isang
puno.
Nang mahuli niya ang flamingon at maibalik ito, tapos na ang
away, at hindi na niya makita ang mga hedgehog. “Hindi bale na,”
naisaloob ni Alice, “tutal wala namang arko sa bahaging ito ng
laruan.” Inipit ni Alice ang flamingo sa kaniyang kilikili at nang
hindi na ito muling makatakas. Pagkatapos, binalikan niya ang
kaibigan upang muling makipag-usap dito.
Nang balikan niya ang Pusang Cheschire, nabigla siya nang
makitang pinagkakaguluhan ito. Nagtatalo ang berdugo, ang hari
at ang Reyna na sabay-sabay na nagsasalita, samantalang tahimik
lamang ang lahat nang iba pa at di mapalagay.
Paglapit na paglapit ni Alice, nilapitan siya ng tatlo upang siyang
humatol, at inulit ang mga ito ang kanilang mga argumento. Ngunit,
dahil sabay-sabay ang kanilang pagsasalita, hindi maintindihan ni
Alice kung ano ang kanilang sinasabi.
Ang sabi ng berdugo, hindi siya puwedeng pumugot ng ulo
hangga’t walang katwang kasama ang ulong ito, na hindi pa niya
kinailangang gumawa ng ganito kahit kailan, at hindi niya gagawin
ito sa kaniyang buhay.
Ayon naman sa hari, puwedeng pugutan ng ulo ang sinumang
may ulo, at di ka dapat magsabi ng kalokohan.
Sinabi ng Reyna na kung walang gagawin sa bagay na ito sa lalong
madaling panahon, lahat ay papupugutan niya ng ulo. Lahat. (Ang
84 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

huling sinabing ito ng Reyna ang dahilan kung bakit malungkot at


balisa ang lahat.)
Walang maisip na sabihin si Alice kundi, “Sa Dukesa ang Pusa.
Mabuti pa’y tanungin ninyo siya.”
“Nasa kulungan ang Dukesa,” sabi ng Reyna sa berdugo. “Dalhin
siya rito.” At simbilis ng palasong umalis ang berdugo.
Unti-unting naglaho ang ulo ng Pusa sa sandaling makaalis
ang berdugo, at nang bumalik ito kasama ang Dukesa, ganap nang
nakapaglaho ang pusa. Kaya parang hilong talilong na naghanap ang
Hari at ang berdugo. Samantala, nagpatuloy ang paglalaro ang mga
kasali.
KABANATA IX

ANG KUWENTO NG MOCK TURTLE

“Hindi mo masusukat ang galak ko sa pagkikita nating muli,


mahal kong bata!” sabi ng Dukesa habang magiliw nitong kinawit
ang bisig ni Alice at sabay silang naglakad.
Ikinatuwa ni Alice na wala nang sumpong ang Dukesa, at
naisaloob niya na marahil, ang paminta ang dahilan kung bakit
mabagsik ito nang una niyang makita sa kusina.
“Kapag naging Dukesa ako,” sabi niya sa sarili (hindi naman sa
umaasa siya), “hindi ako maglalagay ng kahit kaunting paminta sa
kusina ko. Masarap naman ang sopas kahit walang paminta. Siguro,
paminta ang malimit nakapagpapainit ng ulo,” patuloy niya, na
nasisiyahan sa pagkakatuklas ng isang bagong uri ng tuntunin,
“samantalang pinaasim naman sila ng suka at pinapait ng camomile,
at—at asukal naman at ganitong mga bagay ang nakapagpapabait
sa mga bata. Sana’y alam ito ng mga tao. Sa gayo’y di sila magiging
maramot tungkol dito.”
Nawala na sa isip niya ang Dukesa nang mga sandaling ito at
nagulat pa siya nang marinig niya ang tinig nito sa kaniyang tainga.
“May naiisip ka, iha, kaya’t nakalimot kang magsalita. Hindi ko pa
masasabi kung ano ang aral nito, pero mamaya’y maaalala ko na.”
“Baka wala,” lakas-loob sabi ni Alice.
“Tut, tut, anak!” sabi ng Dukesa. “Lahat ay may aral, kung
matutuklasan mo nga lamang.” At dumukit ito kay Alice habang
nagsasalita.
Hindi nagustuhan ni Alice ang ginawang pagdikit ng Dukesa sa
kaniya. Una, dahil napakapangit nito; at pangalawa, dahil tamang-
tama ang taas nito para maipatong ang baba sa balikat ni Alice, at
86 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

iyon ay napakatulis na baba. Gayunman, ayaw namang mambastos ni


Alice kaya’t tiniiis na lamang niya hangga’t maaari. “Mas maganda’ng
laro ngayon,” sabi ni alice para lamang maipagpatuloy ang pag-uusap.
“Oo nga,” sabi ng Dukesa, “at ang aral diyan ay—ay, pag-ibig,
pag-ibig, ang nakapagpapainog ng mundo.”

“May nagsabing,” bulong ni Alice, “ang nagpapainog ng mundo


ay lahat ng taong hindi nakikialam sa iba.”
“A, pareho na rin iyon,” sabi ng Dukesa, at idiniin ang matulis
na baba sa balikat ni Alice habang nagpapatuloy. “At ang aral niyan
ang Kuwento ng mock turtle 87

ay—‘Bahala ka sa kahulugan, at bahala naman ang mga tunog sa


sarili nila.’”
“Kay-hilig naman niyang humanap ng mga aral sa mga bagay-
bagay!” naisaloob ni Alice.
“Sa tingin ko’y nagtataka ka kung bakit hindi ko kinakawit ang
baywang mo,” sabi ng Dukesa makaraan ang ilang sandali. “Ito’y dahil
hindi ko kilala ang ugali ng flamingo mo. Puwede ko bang subukin?”
“Baka mangagat,” nag-aalalang tugon ni Alice na matamlay sa
pagpapatuloy ng eksperimento. “Baka nga,” sabi ng Dukesa. “Kapwa
nangangagat ang mga flamingo at mga mustasa. At ang aral diyan
ay—Nagkukulumpon ang mga ibong magkakakulay ang mga
balahibo.”
“Kaya lang ay hindi ibon ang mustasa,” sabi ni Alice. “Tama ka na
naman,” sabi ng Dukesa. “Anung linaw ng pagsasalita mo!”
“Mineral iyon, sa palagay ko,” sabi ni Alice
“Siyempre naman,” sabi ng Dukesa, na parang handang umayon
sa lahat ng sinasabi ni Alice. “May malaking mina ng mustasa sa
malapit. At ang aral ay—Habang dumarami ang akin, nangangaunti
ang iyo.”
“Alam ko!” bulalas ni Alice na di pinansin ang huling sinabi ng
Dukesa “Gulay ‘yon hindi mukhang gulay, pero gulay pa rin.”
“Lubos akong sumasang-ayon,” sabi ng Dukesa, “at ang aral niyan
ay—‘Maging parang kung ano ka,’—o kung gusto mong maging
simple lang. Huwag mong isiping hindi ka kabaligtaran ng nakikita
sa iyo ng iba kung kaya’t kung ano ka o kung ano ang maaaring ano
ka ay di kabaligtaran ng kung ano ang impresyon ng iba sa iyo na
kabaligtaran mo.”
“Tingin ko’y higit maiintindihan ang sinasabi ninyo kung
naisulat ko,” magalang na sabi ni Alice, “pero hindi ko maintindihan
ang pagkasabi ninyo.”
88 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Wala iyon sa maaari kong sabihin kung gugustuhin ko lamang,”


nasisiyahang sagot ni Dukesa.
“Kung maaari’y huwag na kayong mag-abalang pahabain pa,” sabi
ni Alice.
“A, hindi iyon abala!” sabi ng Dukesa. “Reregaluhan kita ng lahat
ng nasabi ko na.”
“Mumurahing regalo!” naisaloob ni Alice. “Mabuti’t hindi
inereregalo sa bertdey ang ganyang klase!” Ngunit hindi siya
naglakas-loob na sabihin ito nang malakas.
“Nag-iisip ka na naman?” tanong ng Dukesa, sabay diin ng
kanyang matulis na baba sa balikta ni Alice.
“May karapatan akong mag-isip,” malakas na sabi ni Alice yamang
nakararamdam na siya ng pagkabahala.
“Tulad din ng karapatang lumipad ng mga baboy,” sabi ng
Dukesa, “at ang a—”
Ngunit sa malaking pagkabigla ni Alice, nawala ang boses ng
Dukesa sa gitna pa naman ng kaniyang paboritong salita “aral” at
ang kamay na nakakawit sa kaniyang braso ay biglang nanginig.
Pagtingin ni Alice, naroo’t nakatayo sa harap nila, nakahalukipkip
at nakasimangot na parang bagyong-kulog ang Reyna.
“Magandang umaga po, Inyong Kamahalan!” sabi ng Dukesa sa
mababa at mahinang boses.
“Ngayo’y binibigyan kita ng sapat na babala,” sigaw ng Reyna na
pumapadyak habang nagsasalita, “kung di ikaw ay ang ulo mo ang
mapuputol sa isang iglap!
Pumili ka!” Pumili ang Dukesa at saglit lamang ay nawala na.
“Ipagpatuloy natin ang laro,” sabi ng Reyna kay Alice; sa takot
ay hindi makapagsalita si Alice, ngunit tahimik itong sinundan ang
Reyna sa palaruan. Sinamantala ng ibang panauhin ang saglit na
pagkawala ng Reyna at namahinga sila sa lilim. Ngunit pagkakita
ang Kuwento ng mock turtle 89

sa Reyna, dali-dali silang bumalik sa paglalaro; samantala, walang


bahalang sinabi ng Reyna na ang sangsaglit na pagkaabala ay
maaaring mangahulugan ng kanilang buhay.
Habang naglalaro, hindi tinigilan ng Reyna ang pakikipag-away
sa iba pang kasali, gayon din ang pagsigaw ng “Pugutan ng ulo!
Pugutan ng ulo!” Ang mga nahatulan ay hinuhuli ng mga sundalo
na mangyari pag-iniiwan ang kanilang pagaarko para magawa ito,
kaya’t sa loob lamang ng may kalahating oras, wala nang natirang
arko, at lahat ng manlalaro maliban sa Hari, sa Reyna, at kay Alice,
ay nahuli at nasentensiyahan.
Pagkaraan ay humingal na umalis ang Reyna, at sinabi kay Alice,
“Nakita mo na ba ang Mock-Turtle?”
“Hindi pa po,” sagot ni Alice. “Ni hindi ko pa nga alam kung ano
ang Mock Turtle.”
“Iyon ang ginagawang sopas na Mock Turtle,” sagot ng Reyna
“Hindi pa ako nakakita kahit kailan, ni hindi pa ako nakababalita
niyan kahit kailan,” sabi ni Alice.
“Halika, kung gayon,” sabi ng Reyna, “at ikukuwento niya ang
kaniyang kasaysayan.”
Nang lumakad na ang dalawa, narinig ni Alice ang Hari na
nagsalita nang mahina sa lahat, “Pinatawad na kayong lahat.” “Aba
mabuti naman!” nasabi ni Alice sa sarili sapagkat ikinalulungkot
niya nang labis ang napakaraming pagpapapugot ng ulo na inuutos
ng Reyna.
Di nagtagal at natagpuan nila ang isang Gryphon, na mahimbing
na natutulog sa ilalim ng sikat ng araw. (Kung hindi mo alam kung
ano ang Gryphon, tingnan mo ang retrato.) “Gising tamad!” sabi
ng Reyna, “at dalhin mo ang dalaginding na ito sa Mock Turtle para
mapakinggan ang kaniyang kasaysayan. Kailangang bumalik ako
para tingnan kung naisagawa na ang pagpugot na iniutos ko.” At
lumakad na ito at iniwan si Alice sa Gryphon. Hindi gusto ni Alice
ang hitsura ng Gryphon, ngunit naisip niyang mas ligtas marahil
siya rito kaysa kung susundan niya ang mabalasik na Reyna, kaya
naghintay siya.
Naupo ang Gryphon at kinusot ang mga mata, bago hinabol ng
tingin ang Reyna hanggang sa mawala ito sa paningin. Saka nagtawa.
“Nakakatawa!” sabi ng Gryphon sa sarili at kay Alice.
“Ano’ng nakakatawa?” sabi ni Alice.
“Ano pa, di siya,” sabi ng Gryphon. “Guniguni lang niya iyon.
Wala naman silang pinapugot na ulo, isa man, alam mo. Sumunod
ka sa akin.”
“Lahat dito’y nagsasabing, “Sumunod ka sa akin,”’ naisaloob ni
Alice habang mabagal na sumusunod sa Gryphon. “Ngayon lamang
ako nautus-utusan nang ganito sa buong buhay ko.”
Maikli pa lamang ang nalalakad nila nang matanaw nila sa
malayo ang Mock Turtle, malungkot na nakaupong nag-iisa sa isang
ang Kuwento ng mock turtle 91

maliit na ungos ng bato. Habang papalapit sila, narinig ni Alice ang


buntunghininga nito na parang sasabog ang puso. Naawa siya nang
husto rito.
“Ano’ng ikinalulungkot niya?” tanong ni Alice sa Gryphon.
Isinagot ng Gryphon, gaya rin kanina, “Guniguni lang niya ‘yon
Wala namang ikinalulungkot ‘yan. Sumunod ka lang.”
Kaya’t nilapitan nila ang Mock Turtle. Nakatingin sa kanila ang
malalaking matang tigib ng luha, ngunit hindi ito nagsalita.
“Itong dalaginding na ito,” sabi ng Gryphon, “gusto niyang
marinig ang kasaysayan mo.”
“Ikukuwento ko,” sabi ng Mock Turtle sa malalim, bahaw na
boses. “Maupo kayong dalawa at huwag kayong kikibo hanggang
makatapos ako.”
Naupo ang dalawa at ilang sandaling hindi nagsalita. Naisaloob
ni Alice, “Hindi ko malaman kung paano siya makatatapos kung
hindi magsisimula. “Ngunit matiyaga siyang naghintay.
“Dati,” sa wakas ay sinabi ng Mock Turtle nang may kasamang
malalim na buntunghininga, “ako’y isang tunay na pagong.”
Sinundan ang mga salitang ito ng napakahabang katahimikan,
na sinasalitaan ng paminsan-minsang bulaslas ng “Hjckrrh!” ng
Gryphon at ng tuloy-tuloy na pag-iyak ng Mock Turtle. Gusto nang
tumayo ni Alice para sabihing, “Salamat po sa inyong kawili-wiling
kuwento,” ngunit hindi niya naiwasang isipin na baka may maririnig
siyang maganda, kaya’t nanatili siyang nakaupo at hindi nagsasalita.
“Nang maliit pa kami,” sa wakas ay nagpatuloy ang Mock Turtle
na medyo kalmante na, bagama’t pahikbi-hikbi pa rin, “pumapasok
kami sa eskuwela sa dagat. Ang maestro ay isang matandang Pagong.
Pawikan ang tawag namin sa kaniya.”
“Bakit ninyo tinawag na Pawikan kung di siya Pawikan?” tanong
ni Alice.
92 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Tinawag namin siyang pawikan dahil tinuruan niya kami,” galit


na sagot ng Mock Turtle. “Talagang tanga ka!”
“Mahiya ka sa sarili mo dahil sa mga walang walang kuwentang
tanong na iyan,” dagdag ng Gryphon. Pagkaraan, tumahimik ang
dalawa at tumingin sa kawawang bata na noo’y gusto nang lumubog
sa lupa.
Sa wakas, sinabi ng Gryphon sa Mock Turtle, “Bilisan mo naman!
Baka naman abutin ka pa ng maghapon sa pagkukuwento!” At
ipinagpatuloy ng Mock Turtle ang kuwento sa ganitong mga salita:
“Oo, nag-aral kami sa eskuwelahan sa dagat, sa maniwala ka’t
hindi.”
“Hindi ko sinabing hindi ako naniniwala!” putol ni Alice
“Sinabi mo,” sabi ng Mock Turtle.
“Tumigil ka!” dagdag ng Gryphon bago muling nakapagsalita si
Alice.
Nagpatuloy ang Mock Turtle. “Pinakamahusay ang uri ng
edukasyon namin. Ang totoo, araw-araw kaming pumapasok.”
“Pumapasok din ako sa isang day school,” sabi ni Alice. “Hindi
mo na dapat pang ipagmalaki ‘yan.”
“May mga ekstra?” may bahagyang pag-aalalang tanong ng Mock
Turtle.
“Oo,” sabi ni Alice. “Nag-aaral kami ng French at musika.”
“At paglalaba? sabi ng Mock Turtle.
“Siyempre, wala!” galit na sabi ni Alice.
“A, kung gayon ay hindi mahusay ang eskuwelahan ninyo,” sabi
ng Mock Turtle na nakahinga nang maluwag. “Doon sa amin, sa
katapusan, mayroong French, musika, at paglalabastra.”
“Hindi n’yo naman kailangan ‘yon dahil nakatira kayo sa ilalim
ng dagat.”
“Hindi ko kayang pag-aralan pa ‘yon,” sabi ng Mock Turtle nang
may kasamang buntunghininga. “Regular na kurso lamang ang
kinuha ko.”
“Ano ‘yon?” tanong ni Alice.
“Pagbasa at pagsulat, siyempre, ano pa,” sagot ng Mock Turtle,
“at mayroon ding iba’t ibang sangay ng Aritmetika—Ambisyon.
94 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

Distraksiyon, Uglipikasyon, at Derisyon.”


“Ngayon lang ako nakarinig ng Uglipikasyon,” lakas- loob sabi ni
Alice. “Ano ‘yon?”
Nagtatakang itinaas ng Gryphon ang dalawang paa nito. “Hindi
ka pa nakaririnig ng pagpapapangit!” bulaslas nito. “Alam mo
naman kung ano’ng pagpapaganda, ano?”
“Oo,” nag-aalinlangang sabi ni Alice. “Ang ibig kong sabihin- ay-
di gawing maganda ang kahit ano.”
“Di kung gayon,” patuloy ng Gryphon, “kung hindi mo alam
kung ano ang uglipikasyon, tanga ka.”
Hindi na nakapahangas pang magtanong na muli si Alice tungkol
dito kaya’t binalingan niya ang Mock Turtle at sinabing, “Ano pa ang
pinag-aaralan ninyo?”
“May Hiwaga,” sagot ng Mock Turle habang binibilang ang mga
asignatura sa kaniyang pakpak.” “Hiwaga, sinauna at makabago,
kasama ang araling dagat (Seography). Saka Drawling. Ang titser
namin sa drawling ay isang matandang palos na dumarating minsan
sa isang linggo. Tinuturuan niya kami ng Drawling, Sketch-ing, at
Fainting in Coils,”
“Paano ‘yon?” sabi ni Alice.
“E hindi ko maipapakita sa iyo,” sabi ng Mock Turtle. “Matigas
kasi’ng katawan ko. At hindi naman matuto nito ang Gryphon.”
“Walang panahon,” sabi ng Gryphon. “Nag-aral ako sa titser ng
klasika. Isa siyang matandang alimango, oo.”
“Hindi ako nag-aral sa kaniya,” sabi ng Mock Turtle, sabay
buntunghininga. “Nagturo siya ng Tawa at Lungkot, sabi nila.”
“Oo nga, oo nga,” sabi ng Gryphon na siya namang
nagbuntunghininga; kapwa itinago ng dalawa ang kanilang mga
mukha sa kanilang paa.
Ilang oras sa isang araw pagleleksiyon ninyo?” sabi ni Alice na
ang Kuwento ng mock turtle 95

nag-apura nang baguhin ang paksa ng pag-uusap.


“Sampung oras sa unang araw,” sabi ng Mock Turtle, “siyam nang
sumunod na araw, gano’on.”
“Kakatwa naman!” bulaslas ni Alice
“Kaya nga tinawag na leksiyon e,” sabi ng Gryphon, “dahil paikli
nang paikli bawat araw.”
Bagong idea ito para kay Alice kaya’t naisip niya munang mabuti
bago binigkas ang kasunod na pangungusap. “Kung gayon ay walang
pasok sa ikalabing-isang araw?”
“Siyempre,” sabi ng Mock Turtle.
“E sa ikalabindalawa?” sabik na tanong ni Alice.
“Tama na ‘yan tungkol sa mga leksiyon,” putol ng Gryphon sa
matatag na boses. “Ang isalaysay mo naman sa kaniya ay ang tungkol
sa mga laro.”
KABANATA X

ANG LARO NG ULANG

Malalalim na bumuntung hininga ang Mock Turtle at


itinakip sa mga mata ang likod ng isang pakpak. Tumingin ito kay
Alice at nagtatakang magsalita, ngunit may isa o dalawang sandaling
nilunod ng mga hikbi ang kaniyang boses. “Parang may bikig na
buto sa kaniyang lalamunan,” sabi ng Gryphon at niyugyog niya ito
at dinagukan sa likod.
Sa wakas, nabawi ng Mock Turtle ang kaniyang boses, at habang
umaagos ang luha sa mga mata, nagpatuloy ito:
“Marahil ay hindi ka pa gaanong nakararanas na tumira sa ilalim
ng dagat.” (“Hindi pa nga,” sabi ni Alice.) “at siguro, wala ka pang
nakakakilalang ulang.” (Sasabihin sana ni Alice na, “Nakatikim na
‘kong minsan” ngunit agad niyang pinigil ang sarili, at sinabing,
“Hindi, hindi pa nga.) “Kaya’t hindi mo alam kung gaano kasaya
ang Laro ng Ulang!”
“Hindi pa nga,” sabi ni Alice. “Ano bang klaseng sayaw iyan?”
“Aba,” sabi ng Gryphon, “una hihilera kayo sa tabing dagat.”
“Dalawang hilera!” agaw ng Mock Turtle. “Mga seal, pagong,
salmon, at iba pa. Pagkatapos, kapag napaalis mo nang lahat ang mga
dikya—”
“Kadalasang matagal iyan,” putol ng Gryphon.
“Dalawang beses kang susulong—” “Bawat isa’y may kapartner
na ulang!” sigaw ng Gryphon
“Siyempre,” sabi ng Mock Turtle. “Dalawang beses na susulong,
harap sa kapareha—”
“—Magpalit ng ulang, at umatras sa gayon ding ayos,” patuloy ng
Gryphon.
ang laro ng ulang 97

“Pagkatapos,” patuloy ng Mock Turtle, “ipukol ang—”


“Ulang!” sigaw ng Gryphon, sabay talon sa hangin.
“Sa dagat, sa pinakamalayong hagis.”
“Languyin mo ang mga iyon!” sigaw ng Gryphon.
“Sumirko ka sa dagat!” pasirko-sirkong sabi ng Mock Turtle.
“Magpalit uli ng mga ulang!” ubos-lakas na sigaw ng Gryphon.
“Balik sa lupa, at ‘yan ang una,” sabi ng Mock Turtle, na biglang
hininaan ang boses; at ang dalawang nilalang na kani-kanina lamang
ay parang baliw na patalon-talon, ay malungkot at tahimik na
naupong muli at tumingin kay Alice.
“Siguradong napakagandang sayaw niyan,” sabi ni Alice.
“Gusto mo bang mapanood ang kapiraso nito?” sabi ng Mock
Turtle.
“Gustong-gusto,” sabi ni Alice.
“Halika, subukin natin ang unang kuwadro,” sabi ng Mock Turtle
sa Gryphon. “Puwede naman natin itong subukin kahit walang
Ulang. Sino’ng kakanta?”
“Di ikaw na,” sabi ng Gryphon. ‘Nakalimutan ko na’ng mga
salita, e.”
Kaya’t seryosong nagsasayaw sila paikot-ikot kay Alice, paminsan-
minsa’y natatapakan ang paa ni Alice habang napapalapit sila nang
husto at ikinaway ang kanilang mga paa sa harapan upang tandaan
ang bilang, samantalang inaawit ng Mock Turtle ang awitin ito, nang
napakabagal at napakalungkot:

“Bilisan mo naman ang paglakad,” sabi ng whiting sa suso,


“Hayaan na ang pawikan sa likuran natin,
at ang buntot ko’y kaniyang natatapakan,
Tingnan mo’t kay-bilis maglakad ng mga ulang at pagong!
Naghihintay na sila sa tabing dagat- sasama ka ba sa sayawan?
Sasama ka ba o hindi, sasama ka ba o hindi, sasama ka ba sa sayawan?
Sasama ka ba o hindi, sasama ka ba o hindi, sasama ka ba sa sayawan?
Hindi mo alam kung gaano kasarap
Pag kinuha nila tayo at inihagis, kasama ng mga ulang, sa dagat!”
Ngunit sabi ng suso, “Napakalayo! Napakalayo! at tuminging walang pakiaalam
Nagpasalamat siya sa whitting, ngunit ayaw sumama sa sayawan.
Ayaw, ayaw, ayaw, ayaw niyang sumama sa sayawan.
Ayaw, ayaw, ayaw, ayaw niyang sumama sa sayawan.

“E ano kung malayo?” sagot ng kaniyang kaibigang may kaliskis


“May isa pang pampang, alam mo, sa kabilang panig.
Mas malayo sa Inglatera, mas malapit sa Pransiya,
ang laro ng ulang 99

Kaya’t huwag kang matakot, mahal kong suso, at sumama ka sa


sayawan. Sasama ka ba, sasama ka ba, sasama ka ba sa sayawan?
Sasama ka ba o hindi, sasama ka ba o hindi sasama ka ba sa
sayawan?”
“Maraming salamat, kawili-wiling panoorin ang sayaw na iyan,”
sabi ni Alice, na nagagalak at tapos na ang sayaw, nang tumigil sa
harap niya ang dalawa. “At nagutsuhan ko ang naiibang awit tungkol
sa isdang whiting!”
“A, ang isdang iyon,” sabi ng Mock Turtle, “nakakita ka na ng
whitting, mangyari pa!”
“Oo,” sabi ni alice, “madalas, sa tangha—” mabilis niyang pinigil
ang sarili.
“Hindi ko alam kung nasaan ang Tangha,” sabi ng Mock Turtle,
“Pero kung madalas kang makakita ng isdang ito, siguradong alam
mo kung anong hitsura ng mga ito?”
“Palagay ko,” nag-iisip na sagot ni Alice. “Nasa bunganga ang
buntot nila at may budbod ng durog na tinapay.”
“Mali ka tungkol sa durog na tinapay,” sabi ng Mock Turle
“Matatanggal sa dagat ang durog na tinapay. Pero nasa bunganga
nga ang buntot nila dahil—” naghikab ang Mock Turtle at pumikit.
“Sabihin mo sa kaniya ang dahilan,” sabi nito sa Gryphon.
“Para,” sabi ng Gryphon, “makasama sila sa mga ulang sa sayawan.
Para maihagis sila sa dagat. Para matagal bago sila bumagsak. Kaya
inilalagay nila ang mga buntot nila sa kanilang mga bunganga. Para
hindi nila ito matanggal. ‘Yon lang.”
“Salamat,” sabi ni Alice. “Napaka interesting. Wala pa ‘kong
gaanong alam tungkol sa mga whiting.”
“May alam pa ‘ko, kung gusto mong makarinig,” sabi ng Gryphon.
“Alam mo ba kung bakit tinawag itong whitting?”
“Hindi ko alam,” sabi ni Alice. “Bakit?”
100 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Naglilinis siya ng bota at sapatos,” sabi ng Gryphon.


Takang-taka si Alice. “Naglilinis ng bota at sapatos?” inulit
niyang takang –taka.
“Bakit, ano ba’ng ipinanlilinis mo ng sapatos mo?” sabi ng
Gryphon. “Ang ibig kong sabihin, ano’ng ginagamit mo para
kumintab ang sapatos mo?”
Tumingin muna si Alice sa sapatos niya at sandaling nag-isip
bago sumagot. “E biton yata.”
“Ang mga bota at sapatos sa ilalim ng dagat,” patuloy ng Gryphon
sa malalim na boses, “ay nililinis sa pamamagitan ng whitting.
Ngayon, alam mo na.”
“At ano naman ang materyales ng mga sapatos doon? tanong ni
Alice sa labis na pagtataka.
“Ano pa, di suwelas at tahong,” nayayamot na sagot ng Gryphon.
“Kahit sinong hipon ay alam ‘yan.”
“Kung ako’y isang whitting,” sabi ni Alice, nag-iisip pa tungkol sa
awit, “sasabihin ko sa pawikan, ‘Umalis ka pakisuyo! Ayaw naming
makasama ka!”
“Kailangang may kasama silang mga pawikan,” sabi ng Mock
Turtle. “Ang isang matalinong isda ay hindi pupunta kahit saan nang
walang kasamang pawikan.”
“Talaga?” labis na nagtatakang sagot ni Alice.
“Siyempre,” sabi ng Mock Turtle. “Aba kung may isdang lalapit
sa akin, at magsasabing magbibiyahe siya, itatanong ko, ‘sa anong
porpoise?”
“Baka purpose (layunin)?” sabi ni Alice.
“Kung ano’ng sinabi ko, ‘yon ang ibig kong sabihin,” sabi ng Mock
Turtle sa boses na parang nainsulto. Saka idinagdag, “Halika, ikaw
naman ang magkuwento.”
“Puwede kong ikuwento sa inyo ang akin, mga pakikipagsapalaran
ang laro ng ulang 101

mula nang umagang ito,” sabi ni Alice na medyo nag-aalanganin.


“Pero walang kuwentang ikuwento ang kahapon, dahil ibang tao ako
noon.”
“Ipaliwanag mo nga,” sabi ng Mock Turtle.
“Huwag, ang pakikipagsapalaran muna!” naiinip na sabi ng
Gryphon. “Matatagalan pa’ng paliwanag, e.”
Kaya isinalayasay ni Alice ang kaniyang mga pakikipagsapalaran
mula nang una niyang makita ang Puting Kuneho. Bahagyang
ninenerbiyos pa siya dahil nang una, nakadikit sa magkabilang tabi
niya ang dalawang nilalang na nakadilat at nakabukang maluwag
ang mga bunganga; ngunit nakaipon siya ng lakas ng loob habang
nagsasalaysay. Tahimik na tahimik ang kaniyang mga tagapakinig
hanggang sa dumating siya sa bahaging binibigkas niya sa Higad ang
“Matanda na kayo, Tata William,” at naiibang lahat ang mga salitang
lumalabas sa bibig niya. Pagkaraan, huminga nang malalim ang
Mock Turtle at nagsabing, “Kakatwa iyan!”
“Kakatwa nga,” sabi ng Gryphon.
“Naiba ang mga salita!” nag-iisip na ulit ang Mock Turtle. “Gusto
kong marinig. Subukin mo ngang bumigkas ng kahit ano ngayon.
Sabihin mong magsimula na siya.” Tumingin siya sa Gryphon na
para bang may awtoridad ito kay Alice.
“Tumayo ka at bigkasin mo, ‘Ito ang boses ng tamad.’ sabi ng
Gryphon.
“Kung makapag-utos ang mga ito, kung makapagbigkas ng mga
leksiyon!” naisaloob ni Alice. “Mabuti pang nasa eskuwelahan
ako ngayon.” Gayunman, tumayo si Alice at inulit ang sinabi ng
Gryphon, ngunit punong-puno ang isip niya ng tungkol sa Laro ng
Ulang, kaya’t hindi na niya halos malaman kung ano ang kaniyang
sinasabi. Lumabas ngang kakatwa ang mga salita:
“Ito ang tinig ng ulang,” naririnig ko sabi niya
“Tostado’ng pagkaluto mo sa akin dapat lagyan ng asukal ang buhok ko.”
Tulad ng bibeng may pilik, gayon din ang kaniyang ilong
Ginugupit ang kaniyang sinturon at butones at inilalabas ang daliri sa paa.
Kapag tuyo na ang buhangin, sasaya siyang langay-langayan
At magsasalitang nangungutya tulad ng Pating:
Ngunit pagtaog at may mga pating
Nahihiya at nanginginig ang tunog ng kaniyang boses
ang laro ng ulang 103

“Iba ‘yan sa dati kong binibigkas noong maliit pa ‘ko sabi ng


Gryphon.
“Aba, ngayon ko nga lang narinig ‘yan sabi ng Mock Turtle, “pero
parang di karaniwang kalokohan.” Hindi kumibo si Alice. Naupo
siyang nakapangalumbaba, nagtatanong kung may mangyayari uling
di natural sa kaniya.
“Gusto kong maipaliwanag mo iyan,” sabi ng Mock Turtle.
Hindi niya maipaliwanag,” mabilis na sabi ng Gryphon. “Ituloy
mo ang kasunod na taludtod.”
Pero tungkol sa hinlalaki?” mapilit na tanong ng Mock Turtle.
“Paano niya mailalabas ito sa pamamagitan ng kaniyang ilong, alam
mo ba?”
“Iyong ang unang posisyon sa pagasasayaw,” sabi ni Alice; ngunit
takang-taka siya sa nangyari at ibig na niyang baguhin ang paksa.
“Ituloy mo ang susunod na saknong,” ulit ng Gryphon. “Ang
umpisa ay ‘Dumaan ako sa kaniyang halamanan.’”
Hindi napakahangas na tumanggi si Alice, bagama’t natitiyak
niyang magkakamali na naman siya. Nagpatuloy siya sa nanginginig
na boses:

Dumaan ako sa kaniyang halamanan,


at nakita ng isang mata na naghahati sa isang tinapay
ang Kuwago at ang Pantera.
Kinain ng Pantera ang balat ng tinapay,
ang sarsa, at ang karne,
Samantalang ang plato ang napunta sa Kuwago.
Nang ubos na ang pagkain, hinayaan nang ibulsa ng Kuwago ang kutsara:
Samantalang umuungol na tinanggap ng Pantera ang kutsilyo at tinidor,
At tinapos ang bangkete sa— “

Bakit kailangang bigkasin ang ganyang klaseng tula?” putol


ng Mock Turtle, “kung hindi mo rin lang ipaliliwanag habang
104 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

binibigkas mo? Iyan na ang pinakanakalilitong tula na narinig ko!”


“Oo nga, mabuti pa ngang itigil mo na lang,” sabi ng Gryphon,
na ikinatuwa ni Alice.
“Susubok ba tayo ng isa pang pigura sa Laro ng Ulang?” sabi ng
Gryphon “O gusto mong kumanta uli ang Mock Turtle?”
“Kanta, sige na, kung papayag ang Pagong,” sagot ni Alice, na
pagkakagusto ang kaniyang boses ay nakainsulto sa Gryphon na
nagsabing, “Hm! Walang panlasa! Kantahan mo ng ‘Sopas ng
pagong,’ pare.”
Bumuntunghininga nang malalim ang Mock Turtle, at nagsimula
sa boses na nalulunod sa hikbi:
Magandang sopas, malapot at berde, naghihintay sa mainit na
sopera!

Sino ang aayaw sa gayong sarap?


Sopas ng gabi, magandang Sopas!
Sopas ng gabi, magandang Sopas!
Ma - gandang Sooo - pa!
Ma - gandang Sooo - pas!
Sooo – pas ng gabiii,
Maganda, maganda ang Sopas!
Magandang Sopas! Sino’ng may gusto ng isda,
Karne o alin mang ulam?
Sino’ng makikipagpalit ng kahit ano
para sa Dalawang pisong magandang Sopas?
Dalawang pisong magandang Sopas?
Ma - gandang Sooo - pa!
Ma - gandang Sooo - pas!
Sooo – pas ng gabi,
Maganda, magan – DANG SOPAS!

“Koro ulit sigaw ng Gryphon, at kauumpisa lamang ng Mock


Turtle ang pag-uulit nang makarinig sila ng sigaw sa malayo, “Mag-
ang laro ng ulang 105

uumpisa na’ng paglilitis!”


“Halika na,” malakas na sabi ng Gryphon, at hawak ang kamay
ni Alice na dali-daling tumakbo na, nang di na nahintay na matapos
ang awit.
“Anong paglilitis?” Humihingi si Alice sa pagtakbo. Ngunit
tanging “Halika na” ang isinagot ng Gryphon na lalong binilisan ang
pagtakbo, samantalang papahina na ang tinig na hatid ng hanging
sumunod sa kanila, ang malulungkot na salitang:

Sooo – pas ng gabiii,


Maganda, magandang Sopas!
KABANATA XI

SINO’NG NAGNAKAW NG TART?

Nakaupo sa kanilang mga trono ang Hari at Reyna ng mga


Puso habang nakapaligid sa kanila ang maraming hayop—lahat
ng uri ng mumunting ibon at mababangis na hayop, gayon din ang
isang buong kaha ng baraha. Nakatayo sa harap nila ang Sota, na
nakakadena, at may bantay na sundalo sa magkabilang tabi. Kalapit
ng Hari ang Puting Kuneho, na may hawak na trumpeta sa isang
malaking bandehado ng tart, isang fruit pie na may pang-ibabaw
na tinapay. Mukhang napakasarap ng mga ito kaya’t ginutom si
Alice sa pagkakatingin dito. “Sana’y matapos na ang paglilitis!”
naisaloob niya, “at nang maisilbi na’ng pampalamig.” Ngunit waring
hindi ito mangyayari, kaya’t nag-iisip na lamang siya ng paraan para
magpalipas ng oras.
Hindi pa natuntong si Alice sa hukuman ngunit nakabasa na siya
tungkol dito sa mga aklat, at ikinasiya niya ang pagkaalam sa mga
pangalan ng halos lahat ng naroroon. “Iyon ang hukom,” sabi niya sa
sarili, “dahil sa peluka niya.”
“Siyanga pala, ang Hari ng hukom; at nakapatong sa peluka niya
ang korona (tingnan mo ang retrato kung ibig mong malaman kung
paano niya nagawa iyon), parang naaasiwa siya, at lalo nang hindi
iyon bagay sa kaniya.
“At iyon ang panig ng hurado,” naisaloob ni Alice, “at ang
labindalawang iyon” (napilitan siyang sabihing “iyon” dahil ang iba’y
hayop samantalang ibon naman ang iba pa)— “sa tingin ko’y sila ang
mga inampalan.” Dalawa o tatlong beses niyang inulit sa sarili ang
huling salita sapagkat ipinagmalaki niyang alam niya ito. Naisip
niya, at tama naman, na iilan lamang na mga batang babaeng kasing-
Sino’ng nagnakaw ng tart? 107

edad niya ang nakakaalam ng kahulugan nito.


Gayunman, tama rin naman sabihing “hurado.”
Abalang-abala ang labindalawang hurado sa pagsusulat sa
mga munting pisara. “Ano’ng ginagawa nila?” tanong ni Alice sa
Gryphon. “Wala pa naman silang maisusulat bago magsimula ang
paglilitis.”
“Isinusulat nila’ng mga pangalan nila,” bulong ng Gryphon bilang
sagot, “dahil baka nila malimutan ito bago matapos ang paglilitis.”
“Ang tatanga!” simula ni Alice sa malakas at galit na boses.
Ngunit dali-dali niyang pinigil ang sarili dahil sa sigaw ng Puting
Kuneho, “Katahimikan!” at saka isinuot ng Hari ang salamin nito sa
mata at nababahalangluminga-linga sa paligid upang malaman kung
sino ang nagsalita.
Nakikita ni Alice, na parang nakasilip siya sa mga balikat ng mga
hurado, na lahat sila’y sumusulat ng “Ang tatanga!” sa kanilang mga
munting pisara, at nakikita rin niyang ang isa sa mga ito ay ni hindi
man lamang alam baybayin ang salitang “tanga” at kinailangan pang
magtanong sa katabi.
“Siguradong mabababoy na’ng mga pisara nila bago pa matapos
ang paglilitis!” naisaloob ni Alice.
Ang isa sa mga hurado ay may lapis na umiingit. Ito, mangyari
pa, ay di matiis ni Alice, kaya’t lumigid siya sa hukuman at tumayo sa
likod nito, hanggang sa makatiyempo siyang kunin ang lapis nang di
namamalayan ng pobreng hurado (si Bill, ang butiki); kaya’t nang di
ito makita matapos hanapin, napilitan itong gamitin ang isang daliri
hanggang sa matapos ang paglilitis, at ito’y walang silbi dahil hindi
nag-iwan ng sulat sa pisara.
“Tagapagbando, basahin ang paratang!” sabi ng Hari.
Pagkarinig dito, tatlong beses na hinipan ng Puting Kuneho ang
kaniyang trumpeta, ibinukas ang nakabilot na papel, saka binasa:
Ang Reyna ng mga Puso, gumawa ng mga tart,
Noong isang tag-araw:
Sota ng mga Puso ay ninakaw ang mga tart
At dinala kung saan!
“Ibigay ang hatol,” sabi ng Hari sa hurado.
“Teka muna, teka muna,” maagap na sabat ng Kuneho. “Marami
pang dapat iharap bago ibigay ang hatol!”
“Iharap ang unang saksi,” sabi ng Hari, muling umihip nang
tatlong beses ang kaniyang trumpeta ang Kuneho, saka sumigaw,
“Unang Saksi!”
Ang unang saksi ay ang Hatter. Lumapit siyang may hawak na
Sino’ng nagnakaw ng tart? 109

tasa sa isang kamay at isang piarasong tinapay at mantikilya sa kabila.


“Pasensiya, Inyong Kamahalan, sa pagdadala nito, pero hindi pa po
ako nakatapos magtsaa nang ipatawag ako,”
“Dapat ay nakatapos ka na,” sabi ng Hari. “Kailan ka pa ba nag-
umpisa?” Tumingin ang Hatter sa March Hare, na sumunod sa
kaniya sa hukuman, na kakawit- kamay ang Dormouse “Noong
a-katorse ng Marso, sa palagay ko,” sabi nito.
“A-kinse,” sabi ng March Hare.
“A-disiseis,” sabi ng Dormouse.
“Isulat ninyo,” sabi ng Hari sa hurado; at agad isinulat ng hurado
ang tatlong petsa, saka sinuma ang mga ito, at nakakuha ng sagot na
shillings at pence.
“Alisin mo’ng sombrero mo,” sabi ng Hari sa Hatter.
“Hindi ito akin,” sabi ng Hatter.
“Nakaw!” bulalas ng Hari at bumaling sa hurado na dali-daling
nagtala nito.
“Ibinebenta ko’ng mga ito,” sabi ng Hatter bilang paliwanag.
“Wala akong sariling sombrero. Ako’y magsumsombrero.”
Dito, isinuot ng Reyna ang kaniyang salamin at matiim na
tumingi sa Hatter na namutla at balisa.
“Maghanap ka ng ebidensiya, sabi ng Hari, “at huwag kang
nerbiyosin kung di mo ibig mapugutan ng ulo diyan mismo sa
kinatatayuan mo.”
Parang walang narinig ang saksi. Tuloy pa rin siyang pinaglilipat-
lipat sa magkabilang paa ang kaniyang bigat, habang balisang
nakatingin sa Reyna, at sa kaniyang pagkalito, nakagat niya nang
malaki ang kaniyang tasa sa halip na tinapay at mantekilya.
Nang mga sandaling ito, nakaramdam si Alice ng kung anong
kakatwa na labis niyang ipinagtaka hanggang sa malaman niya kung
ano ang nangyayari: lumalaki na naman siya at ang una niyang naisip
110 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

ay tumayo at iwan ang hukuman; ngunit nang makapag-isip-isip na,


ipinasiya niyang manatili sa kinalalagyan hangga’t magkakasya siya.
“Huwag mo naman akong siksikan nang ganyan,” sabi ng katabi
niyang Dormouse. “Hindi na ‘ko makahinga.”
“Hindi ko sinasadya,” mapagkumbabang sabi ni Alice. “Lumalaki
kasi ‘ko.
“Wala kang karapatang lumaki rito,” sabi ng Dormouse.
“Puro ka kalokohan,” matapang na sabi ni Alice “Lumalaki ka rin
naman, a.”
“Oo nga, pero katamtaman lang ang bilis ng paglaki ko,” sabi
ng Dormouse, “Hindi ganyang sobrang bilis.” At nagmamaktol na
tinawid nito ang kabilang dulo ng hukuman.
Sa buong panahong iyon, hindi inalis ng Reyna ang tingin sa
Hatter, at nang tumatawid ang Dormouse, sinabi ng Reyna sa isa
sa mga opisyal ng hukuman, “Akina’ng listahan ng mga mang-aawit
nang nakaraang konsiyerto!” Pagkarinig dito, lalo ang nangatog ang
kawawang Hatter kaya’t nahubad ang kaniyang mga sapatos.
“Magpakita ka ng ebidensiya,” galit na galit ng hari. “at kung
hindi’y papupugutan kita ng ulo, ninenerbiyos ka man o hindi.”
“Mahirap lang po ako, Inyong Kamahalan,” sabi ng Hatter sa
nanginginig na boses, “at hindi ko pa nasisimulan ang aking tsaa
nang may hindi lalampas ang isang linggo at dahil numinipis ang
tinapay at mantekilya at ang pagkatutitap ng K—”
“Pagkutitap ng ano?” sabi ng Hari.
“Nagsimula po sa K,” sagot ng Hatter.
“Mangyari pang nagsisimula ang kutitap sa K!” mabalasik na sabi
ng Hari. “Ano’ng palagay mo sa akin, tanga? Magpatuloy ka.”
“Mahirap lang po ako,” patuloy ng Hatter, “at karamihan ng mga
bagay na kumukutitap pagkaraan— ang March Hare lamang ang
nagsabing—”
Sino’ng nagnakaw ng tart? 111

“Hindi ko sinabi” mabilis na putol ng March Hare.


“Sinabi mo!” sabi ng Hatter. “Itinanggi ko!” sabi ng March Hare.
“Itinatanggi niya,” sabi ng Hari. “Huwag ninyong isulat ang
bahaging iyon.”
“Buweno, sa ano’t ano man, sinabi ng Dormouse—” patuloy
ng hatter habang balisang nakatingin dito upang malaman kung
magkakila rin ito: ngunit hindi ito nagkaila sapagkat mahimbing na
na natutulog.

“Pagkaraan,” patuloy ang Hatter, “humiwa pa ‘ako ng tinapay at


mantekilya
“Pero ano’ng sabi ng Dormouse?” tanong ng isang hurado.
“Hindi ko na maalala,” sabi ng Hatter.
“Kailangang alalahanin mo,” sabi ng Hari, “kundi’y papupugutan
kita ng ulo.” Ibinaba ng kawawang Hatter ang kaniyang tasa at
tinapay at mantekilya at lumuhod sa isang tuhod. “Mahirap lang po
112 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

ako, Inyong Kamahalan,” sabi nito.


“Mahirap ka ngang magsalita,” sabi ng Hari.
Dito’y pumapapak ang isa sa mga guinea pig, na biglang inipit
ng mga opisyal ng hukuman. (Dahil may kahirapan ang salitang
iyan, ipaliliwanag ko kung paano iyon isinasagawa. Mayroon silang
malaking bag na kambas na may tali sa bunganga—una ang ulong
ipinaloob nila rito ang guinea pig saka inupuan ang bag.)
“Mabuti’t nakita ko kung paano iyon isinasagawa,” naisaloob
ni Alice. “Madalas kong nababasa sa diyaryo pagkatapos ng mga
paglilitis, ‘May gustong pumalakpak, na dali-daling inipit ng
mga opisyal ng hukuman,’ pero ngayon ko lang naintindihan ang
kahulugan niyon.”
“Kung iyan pa lang ang alam mo tungkol doon, puwede kang
tumayong pababa,” patuloy ng Hari.
“Hindi na po ako puwedeng bumaba pa,” sabi ng Hatter. “Nasa
sahig na po ako.”
Dito’y pumalakpak ang isang guinea pig at ito’y inipit din.
“Hayun, tapos na ang mga guinea pig!” naisaloob ni Alice.
“Ngayo’y huhusay na ang paglilitis.”
“Mas ibig ko pang ubusin ang aking tsaa,” sabi ng Hatter, na
bilasang nakatingin sa Reyna, na nagbabasa naman ng listahan ng
mga mang-aawit.
“Makakaalis ka na,” sabi ng Hari, at dali-daling nilisan ng Hatter
ang hukuman, nang di na nag-abalang isuot ang kaniyang sapatos.
“Sa labas na lang siya pugutan ng ulo,” dagdag ng Reyna sa isa
sa mga opisyal; ngunit mabilis nang nawala sa paningin ang Hatter
bago pa makarating sa pinto ang opisyal.
“Tawagin ang susunod na saksi!” sabi ng Hari.
Ang susunod na saksi ay ang kusinera ng Dukesa. Dala niya ang
kahon ng paminta at agad nahulaan ni Alice kung sino siya bago pa
Sino’ng nagnakaw ng tart? 113

siya nakaharap sa hukuman dahil biglang nagsibahing ang mga tao


sa malapit sa pinto.
“Magpakita ka ng ebidensiya,” sabi ng Hari.
“Ayoko,” sabi ng kusinera.
Nagtatanong na tumingin ang Hari sa Puting Kuneho, na
mahinang nagsabi:
“Ang Inyong Kamahalan ang dapat magtanong sa saksing ito.”
“Buweno, kung ako ang dapat, e di ako,” malungkot na sabi ng
Hari, at matapos humalukipkip at sumimangot sa kusinera hanggang
sa maningkit nang husto ang kaniyang mga mata, sinabi niya sa
malalim na boses, “Ano’ng mga sangkap ng tart?”
“Karamiha’y paminta,” sabi ng kusinera.
“Pulut,” sabi ng inaantok na boses sa kaniyang likuran.
“Kuwelyuhan ang Dormouse na iyan!” tili ng Reyna. “Pugutan
ng ulo ang Dormouse! Itapon sa labas! Ipitin! Kurutin! Gupitin ang
bigote!”
Ilang sandaling gulong-gulo ang hukuman sa papapalabas sa
Dormouse, at nang maayos na ang lahat nawawala naman ang
kusinera.
“Hindi bale, sabi ng Hari, na nakahinga nang maluwag “Tawagin
ang susunod na saksi.” At idinagdag niya sa Reyna, sa mahinang
boses, “Mahal, ikaw ang dapat na magtanong sa susunod na saksi.
Sumasakit na’ng ulo ko!”
Pinagmasdan ni Alice ang Puting Kuneho habang natataranta ito
sa listahan sapagkat gustong-gusto niyang malaman ang hitsura ng
susunod na saksi, “dahil wala pa silang naihaharap na ebidensiya,”
naisaloob niya.
Hindi sukat-akalain ang kaniyang pagkabigla nang basahing
malakas ng Puting Kuneho sa pamamagitan ng kaniyang maliit at
matinis na boses, ang pangalang “Alice!”
KABANATA XII

ANG EBIDENSYA NI ALICE

“Narito po,” sigaw ni Alice, na dahil sa kaguluhan ay ganap


nang nakalimot kung gaano siya lumaki sa loob lamang ng limang
minuto, at sa kaniyang biglang pagtalon ay nasagi ng laylayan ng
kaniyang damit ang mga hurado, kaya’t tumilapon ang mga ito sa
mga ulo ng mga nanonood sa ibaba, at naroon sila’t nakakalat sa
sahig, tulad ng isang garapong goldfish na di sinasadyang nabunggo
niya nang nakaraang linggo.
“Ay pasensiya na po!” labis na nag-aalalang bulaslas ni Alice. Dali-
dali niyang pinulot na isa isa ang mga hurado sapagkat nasa isip
pa niya ang nangyaring aksidente sa mga goldfish at inakala niyang
dapat madampot agad-agad ang mga hurado at ilagay ang mga ito sa
mesa nila at kung hindi’y ay mamamatay ang mga ito.
“Hindi makapagpapatuloy ang paglilitis,” sabi ng Hari sa
napakaseryosong boses, “hangga’t hindi nakababalik ang mga
hurado sa kanilang tamang puwesto, lahat sila,” ulit ng Hari, na galit
na nakatingin kay Alice habang nagsasalita.
Tumingin si Alice sa mesa ng mga hurado, at napansin niya na
sa kaniyang pagmamadali, pabaligtad ang pagkalapag niya sa Butiki,
kaya’t malungkot na kakawag-kawag ang buntot ng kawawang
nilalang, na hindi makakilos. Mabilis niya itong dinampot uli saka
inayos ang pagkakalapag. “Hindi naman dahil mahalaga iyon,”
nasabi niya sa sarili. “Sa tingin ko’y ang higit na makatutulong sa
paglilitis, nakatiwarik man siya o hindi.”
Sa sandaling mahimasmasan na ang mga hurado sa pagkagulo,
at nang makuha na at maibalik sa kanila ang kanilang mga lapis at
munting pisara, sinikap nilang maisulat ang nangyaring aksidente,
lahat sila maliban sa Butiki, na wari’y labis na nabigla sa mga
pangyayari kaya’t walang magawa kundi maumpong nakanganga at
nakatanga sa bubong ng hukuman.
“Ano’ng nalalaman mo tungkol sa mga pangyayaring ito?” tanong
ng Hari kay Alice.
116 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Wala,” sabi ni Alice.


“Wala kahit ano? pilit ng Hari.
“Wala kahit ano,” sabi ni Alice.
“Napakahalaga niyan,” sabi ng Hari, sabay baling sa mga hurado.
Kauumpisa pa lamang itong isulat ng mga hurado sumabat ang
Puting Kuneho: “Di mahalaga, Inyong Kamahalan, ang ibig ninyong
sabihin, mangyari pa,” sabi nito sa boses na napakagalang, ngunit
nakasimangot habang nagsasalita.
“Di mahalagang, mangyari pa, ang ibig kong sabihin,” mabilis
na sabi ng Hari, at bumulong sa sarili, “Mahalaga di mahalaga –
mahalaga – di mahalaga – mahalaga – ”na para bang tinitimbang
kung alin ang may mas magandang tunog.
Ang ilang hurado ay sumusulat na “mahalaga” samantalang “di
mahalaga” naman ang isinulat ng iba. Nakita ito ni Alice dahil
malapit lamang siya at nakikita niya ang mga munting pisara. “Pero
naman iyon mahalaga,” naisaloob niya.
Nang sandaling ito, ang Hari, na ilang sandaling abalang-abala sa
pagsulat sa kaniyang notebook, ay sumigaw, “Katahimikan!” at may
binasa sa kaniyang aklat: “Tuntunin Bilang Apatnapu’t Isa: Lahat ng
taong higit sa isang milya ang taas ay kailangang lumabas.”
Lahat ay tumingin kay Alice.
“Wala pa ‘kong isang milya,” sabi ni Alice.
“Isang milya ang taas mo,” sabi ng Hari.
“Halos dalawang milya,” dagdag ng Reyna.
“Kahit na, hindi ako aalis sabi ni Alice. “Isa pa, hindi naman iyan
regular na tuntunin, inimbento ninyo ngayon-ngayon lang.”
“Ito ang pinakaunang tuntunin sa libro,” sabi ng Hari.
“Kung iyan ang pinakauna, dapat sana’y iyan ang Bilang Isa,” sabi
ni Alice.
Namutla ang Hari biglang isinara ang kaniyang notebook.
Ang Ebidensya ni Alice 117

“Ihanda ang hatol,” sabi nito sa hurado, sa mahina at nanginginig


na boses.
“May mga ebidensiya pa pong maihaharap, Inyong Kamahalan,”
mabilis at patalong sabi ng Puting Kuneho. “Kabibigay lang po ng
papel na ito.”
“Ano’ng nakasulat diyan? Sabi ng Reyna.
“Hindi ko pa po nabubuksan,” sabi ng Puting Kuneho, “pero
sulat po yata ito ng bilanggo sa sino man.”
“Sigurado sabi ng Hari, “Maliban kung sulat ito sa wala, na di
karaniwan.”
“Kanino nakasaad ang sulat?” tanong ng isa sa mga hurado.
“Wala pong tiyak na tinutukoy,” sabi ng Puting Kuneho. “Ang
totoo, walang nakasulat na kahit ano sa labas.” Binuksan niya ang
papel habang nagsasalita at idinagdag, “Hindi po pala sulat,— kundi
tula.”
“Sa sulat-kamay ba ng bilanggo?” tanong ng isa pang hurado.
“Hindi po,” sabi ng Puting Kuneho, “at iyon ang pinakakatwa
tungkol dito.” (Nagtataka ang mga hurado.)
“Baka naman may ginayang ibang sulat-kamay,” sabi ng Hari.
(Nagliwanag ang mga mukha ng mga hurado.)
“Hindi po, Inyong kamahalan,” sabi ng Sota. “Hindi po ako
ang sumulat at hindi nila mapatunayang ako ang sumulat. Walang
pangalang nakapirma sa dulo.”
“Kung hindi mo pinirmahan,” sabi ng Hari, “lalo lamang lumala
ang mga pangyayari. Ibig mo sigurong gumawa ng gulo, at kung
hindi’y pipirmahan mo ito tulad ng isang matapat na tao.”
Nagpalakpakan sa bahaging ito. Iyon ang unang- unang matinong
nasabi ng Hari nang araw na iyon.
“Pinatutunayan niyan na may kasalanan siya,” sabi ng Hari,
“kaya’t pugutan ng—”
118 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

“Wala iyang pinatutunayang anuman!” sabi ni Alice “Aba ni


hindi pa nga ninyo alam kung tungkol saan iyon!”
“Basahin,” sabi ng Hari.
Isinuot ng Puting Kuneho ang kaniyang salamin. “Saan po ako
mag-uumpisa, Inyong Kamahalan?” tanong nito.
“Sa Simula,” seryosong sabi ng Hari, “at magpatuloy ka hanggang
umabot ka sa dulo, saka ka tumigil.”
Tahimik na tahimik ang hukuman habang binabasa ng Puting
Kuneho ang mga taludtod na ito:

Sabi nila’y pumunta ka sa babae,


At binanggit ako sa lalaki:
Sinabi ng babae na mabait ako
Ngunit hindi makalangoy.

Ipinasasabi ng lalaki na di ako umalis


(Alam nating totoo ito);
Kung ipipilit niya ito
Ano’ng mangyayari sa iyo?

Binigyan ko ng isa ang babae, binigyan nila ang lalaki ng dalawa,


Binigyan mo kami ng tatlo o higit pa;
Bumalik na lahat sa iyo mula sa kaniya,
Bagama’t dating sa akin ang mga iyon.

Kung ako o ang babae ay kasangkot


Sa pangyayaring ito,
Naniniwala ang lalaki na palalayain mo sila,
Katulad namin.
Ang Ebidensya ni Alice 119

Ang hinala ko’y ikaw


(Bago siya sinumpong)
Ang sagabal na nakaharang
Sa kaniya, sa amin, at sa bagay na ito

Huwag mong ipaalam sa lalaki na sila ang paborito ng babae,


Dahil habang panahong dapat manatiling
Lihim ang lahat, Nating dalawa lamang.

“Iyan pa lamang ang pinakamahalagang ebidensiya nakuha


natin,” sabi ng Hari habang pinagkikiskis ang mga kamay, “kaya’t
hayaan natin ang hurado na—”
“Kung maipapaliwanag ito ng sino man sa kanila,” sabi ni Alice
(naging napakalaki na niya nang nakalipas na ilang sandali kaya’t
nawala ang takot niya sa pagsabad), “bibigyan ko siya ng anim na
pence. Sa palagay ko’y wala iyong kahala-halaga.”
Sumulat ang mga hurado sa kanilang mga munting pisara. “Sa
palagay niya’y wala iyong kahala-halaga,” ngunit wala isa man sa
kanila nagtangkang ipaliwanag ang papel.
Kung wala iyong kahulugan,” sabi ng Hari, “wala nang
kaproble-problema, dahil wala na tayong hahanapin pang anuman.
Gayunman, ewan ko ba,” patuloy niya, at inilatag sa tuhod ang
tula at tiningnan ito ng isang mata. “Parang may nasisilip akong
kahulugan sa mga ito. ‘sinabing hindi ako makalangoy.’ Hindi ka
marunong lumangoy, di ba?” dagdag nito sabay baling sa Sota.
Malungkot na umiling ang Sota. “Halata po ba?” sabi nito. (Na
hindi naman, dahil siya’y gawa sa kardbord.)
“O, sige,” sabi ng Hari at patuloy niyang ibinulong- bulong sa
sarili ang mga saknong. Alam naming totoo ito – mangyari pa, ang
hurado ito – ‘kung ipipilit niya ito’ siguradong ang Reyna iyon –
‘Ano’ng nangyayari sa iyo?’ –
Ano nga ba? —Binigyan ko
ng isa ang babae binigyan nila
ang lalaki ng dalawa’ – aba,
tiyak, iyon ang ginawa niya sa
mga tart –
“Pero nagpatuloy iyon,
‘bumalik na lahat sa iyo mula
sa kaniya,’ sabi ni Alice.
“Aba, nandiyan nga!”
sabi ng Hari, na galak na
galak, sabay turo sa mga tart
sa mesa. “Wala nang mas
malinaw pa riyan. Saka—
bago siya sinumpong—hindi
ka sinusumpong, iha, di ba?
tanong niya sa Reyna.
“Hindi kailanman!” sabi
ng Reyna, na galit na galit, at
Ang Ebidensya ni Alice 121

ipinukol nito ang patungan ng tinta sa Butiki habang nagsasalita.


(Ang kawawang si Bill ay tumigil na sa pagsusulat sa kaniyang
pisara sa pamamagitan ng isang daliri dahil hindi naman ito
naisusulat; ngunit ngayo’y dali-dali siyang nagsulat na muli, na
ginagamit ang tintang unti-unting umaagos sa kaniyang mukha,
habang may tintang umaagos.)
“Saka ang mga salita’y di angkop,” sabi ng Hari, na nakatinging
tumingin sa mga hurado. Nakakabingi ang katahimikan.
“Laro ng salita!” galit na idinagdag ng Hari, at nagtawa ang
lahat. “Hayaang ibaba ng hurado ang kanilang hatol,” sabi ng
Hari, sa ikadalawampung beses nang araw na iyon.
“Hindi, hindi, hindi!” sabi ng Reyna. “Sentensiya muna,
mamaya na ang hatol.”
“Kalokohan!” malakas na sabi ni Alice. “Uunahin pa’ng
sentensiya!”
“Tumigil ka!” sabi ng Reyna na pulang-pula.
“Ayoko,” sabi ni Alice.
“Pugutan ng ulo!” napakalakas na sigaw ng Reyna. Walang sino
mang kumilos.
“Sino’ng maniniwala sa iyo?” sabi ni Alice. (Umabot na siya sa
sukdulang taas nang mga sandaling ito.) “Parang mga baraha lang
kayo.”
Pagkasabi niya nito, lumipad ang lahat ng baraha at bumagsak
sa kaniya. Napatili siya dahil sa magkahalong takot at galit, at
tinangka niyang sanggahin ito, hanggang sa matagpuan niyang
muli ang sarili na nakahiga sa tabing ilog, na nakapatong ang ulo
sa kandungan ng kaniyang kapatid, na marahang nag-aalis ng mga
tuyong dahon na lumagpak sa mukha niya mula sa mga puno.
“Gising, Alice!” sabi ng kaniyang kapatid. “Aba, anong haba
naman ng tulog mo!”
“Ay, anong kakatwang panaginip!” sabi ni Alice. At isinalaysay
niya sa kapatid, hangga’t maaalala niya, ang lahat ng kakatwang
pakikipagsapalaran niya na kakabasa mo pa lamang; at nang
makatapos siya ay hinalikan siya ng kapatid niya, na nagwikang,
“Kakatwa nga ang panaginip mo; pero humayo’t magtsaa,
Ang Ebidensya ni Alice 123

gumagabi na.” Tumayo si Alice at tumakbo na, nag-iisip habang


tumatakbo, hangga’t makakaya niya, tungkol sa kawili-wiling
panaginip niya.

Ngunit mananatiling nakaupo ang kaniyang kapatid nang


siya’y makaalis na, nakapatong ang ulo sa kamay at nagmamasid
sa papalubog na araw habag nag-iisip tungkol sa kataka-takang
pakikipagsapalaran ni Alice, hanggang sa managinip din siya ng
ganito:
Una, napanaginipan niya si Alice. Minsan pang nakapatong
sa kaniyang tuhod ang mga munting kamay, at ang maningning
at mausisang mga mata ay nakatingin sa kaniyang mga mata,
parang naririnig niya ang himig ng tinig ni Alice, at nakikita ang
kakaibang pagkiling ng ulo para hindi matakpan ng buhok ang
mga mata nito, at habang nakikinig siya, o waring nakikinig, ang
buong paligid ay binigyang buhay ng di pangkaraniwang mga
nilalang na napanaginipan ng kaniyang kapatid.
Gumalaw ang mataas na damo sa kaniyang paanan nang
dumaan ang nagmamadaling Puting Kuneho, tumilamsik ang
tubig sa kalapit na lawa nang magdaan ang nahintakutang Daga!
Narinig niya ang kalantog ng mga tasa ng tsaa habang nagsasalo
sa di matapos –tapos na meryenda ang March Hare at mga
kaibigan nito, at ang matinis na boses ng Reyna habang nag-uutos
na pugutan ng ulo ang kawawang mga panauhin nito. Minsan
pa, bumabahin ang biik sa pagkakakandong ng Dukesa, habang
nagbabagsakan sa paligid ang mga plato at dinulang-muli ang tili
ng Gryphon at ang langitngit ng lapis ng butiki at ang pag –ik–ik
ng inipit na guinea pig ay pumuno sa hangin, na sinasalitan ang
124 SI ALICE SA DAIGDIG NG HIWAGA

hikbi mula sa malayo ng kawawang Mock Turtle.


Nanatili siya roon nakaupo, nakapikit at halos maniwala
nang siya’y nasa Lupain ng Kababalaghan, bagama’t alam niyang
pagdilat niya’y mababalik siya sa walang kulay na katotohanan.
Hangin lamang ang kumakaluskos sa damuhan, damo lamang ang
sanhi ng pagtilamsik ng tubig sa lawa. Ang kumakalantog na mga
tasa ng tsaa ay kampanilya sa leeg ng mga tupa, at ang matinis
na sigaw ng Reyna ay walang iba kung di ang matinis na boses
ng mga pastol – ang bahin ng sanggol, ang tili ng Gryphon at
ang lahat ng kakatwang tunog, ay mapapalitan (alam niya) ng
nakakalitong ingay ng abalang bukirin habang ang pag-unga ng
mga baka sa malayo ang papalit naman ng malalakas na hikbi ng
kawawang Mock Turtle.
Sa katapusan, binuo niya sa isip ang larawan ng kaniyang kapatid
na ito kapag ito’y ganap nang dalaga; kung paanong mananatiling
angkin nito hanggang sa pagtanda ang payak, mapagmahal na
puso ng kaniyang kabataan; at kung paanong titipunin nito ang
maliliit niyang anak, at pagliliwanagin ang kanilang mga mata
sa kakaibang mga kuwento, kabilang na marahil ang panaginip
tungkol sa Daigdig ng Hiwaga. Maraming taon na ang nakalipas;
at kung paanong madarama nito ang kanilang mumunting
dalamhati at masisiyahan sa kanilang mumunting galak, habang
inaalala ang kaniyang kabataan at ang maliligayang araw ng tag-
init.

f
TUNGKOL SA TAGASALIN

Si Dr. Aurora E. Batnag ay nagretirong Direktor III sa Komisyon


sa Wikang Filipino (KWF). Nagtamo ng mga gantimpala sa
pagsulat ng maikling kwentong pambata at maraming nalathalang
pampanitikang salin. Konsultant ng Propesyonal na Asosasyon ng
mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), miyembro ng Executive
Committee ng Komite sa Wika at Salin ng NCCA, dating pangulo
ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
(PSLLF), at dating miyembro ng Lupon ng mga Konsultant sa
Filipino sa De La Salle University – Manila. Ginawaran siya ng
Dangal ng Wika 2020 ng KWF.
Nagtatagpo ang lohika, matematika, sining, at pilosopiya sa klasikong
nobelang Ingles na Alice in Wonderland ni Lewis Carroll. Sa bisa ng
makabagong parabula at paradoha, at sa puso at pusod ng tinig-kamalayan
ng batang persona, mabisang natutunghayan ang iba’t ibang danas at
pagpapakaranasan sa buhay – mula sa iba’t ibang digri ng dahas hanggang
sa iba’t ibang antas ng paglaban at paglaya. Napapanahon pa rin ang
nobelang ito, lalo’t higit sa konteksto ng kasalukuyang mga krisis ng bansa
at mundo. Higit na naiangkop sa mambabasa ng Pilipinas ang nobelang
ito dahil sa malimi, malikhain, masigasig, at mapanuring pagsasa-Filipino
ng dangal ng wikang si Dr. Aurora E. Batnag.

ISBN 9789716350760

SENTRO NG WIKANG FILIPINO


UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
DILIMAN, LUNGSOD QUEZON
9 789716 350760

You might also like