You are on page 1of 1

Memo Bilang 1

Petsa : Nobyembre 11, 2021

Para sa: Mga namumuno, LGU, at barangay health workers ng Brgy. Pulong Parang, Sta. Cruz,
Marinduque

RE : Pagpupulong ukol sa mga panuntunan na dapat ipatupad ngayong may pandemiya

Mula kay: Aldrian A. Villaruel

Ipinaaalam sa lahat ng mga namumuno, LGU, at barangay health workers ng Brgy.


Pulong Parang, Sta. Cruz, Marinduque ang pagpupulong kaugnay sa mga panuntunan na
kailangan maipatupad ngayong may pandemiya. Gaganapin ang nasabing pagpupulong sa ika-21
ng Nobyembre, 2021 sa ganap na 1:00 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon sa bahay nayon ng
barangay. Mahigpit na pinapayuhan ang lahat na magsuot ng proteksiyon laban sa sakit gaya ng
facemask at faceshield.

AGENDA

1. Pagsisimula
2. Pagrerebyu sa Kalikasan ng Covid-19 at Mahahalagang Anunsiyo mula sa DOH
3. Pagtalakay sa Panuntunan na Ipapatupad
a. Transportasyon
b. Pagsusuot ng Mask
c. Panahon kung Kailan Dapat Lumabas
d. Limitasyon ng mga Maaaring Lumabas
4. Parusa sa Lalabag sa Panuntunan
5. Pagtalakay sa mga Gawain
a. Pamimigay ng Groceries at Cash Assistance
b. Pagtatalaga ng Emergency Number
c. Pamimigay ng Travel Pass sa Bawat Pamilya
d. Paglalagay ng Checkpoint
6. Pondo
7. Pagtatalaga ng Komiti
8. Iba Pang Bagay/Paksa na Pag-uusapan

You might also like