You are on page 1of 2

Sa ating makabago at modernong panahon, marami na tayong natututunang

iba’t ibang salita marahil ito ay mga salitang nauuso sapagkat nagagamit ito ng mga
kilala at maimpluwensyang tao sa industriya. Isa na dito ay ang mga salita ng mga
lalaking may pusong mamon at ito ay ang tinatawag na “Beki Words o Gay Lingo”. Sa
naturang panahon, hindi lamang ang mga lalaking may pusong mamon ang gumagamit
nito kundi pati na rin ang mga babae ay natutuhang gamitin ito. Dahil na rin siguro sa
magkatulad na hilig ng mga babae at lalaking may pusong mamon. Maaaaring isa pang
dahilan ay ang kaligayahan ng gumamit nito.

Ang gay lingo o beki words ay ginagamit ng mga homosekswal upang maiwasan
na maraming makaalam sa kanilang mga usapan tungkol sa mga maseselang bagay
para maprotektahan ang kanilang paligid na hindi sanay sa ganitong paksa ito ay ayon
kay Renerio Alba (2006). Masasabing napakabilis na ng paglaganap at pagdami ng
mga mag-aaral na gumagamit ng gay lingo o beki words sapagkat sila ay
naiimpluwensyahan na rin sa pag gamit ng ganitong salita ng mga kaibigan nilang
homosekswal.
2

Sabihin na nila na ang paggamit ng mga salitang ito ay tunay na nagpapaligaya

sa mga taong gumagamit nito. Ngunit alam ba ng mga taong gumagamit nito na

nakaapekto na sila sa kanilang saloobin. Marahil ang iba ay ipinag-iisang tabi na

lamang nila ang kanilang saloobin ukol dito. Dapat bigyan nila ng limitasyon, kung

saang lugar nila ito maaaring gamitin upang hindi makaagaw pansin sa mga taong

ngayon lang makakarinig ng salitang gay lingo o beki words. Kung iyong mapapansin,

saan man dako ng Pilipinas ka pumunta marami talaga ang gumagamit ng ganitong

lenggwahe. Isa na dito ang isang sikat na artista na si Vice Ganda na gumagamit ng

gay lingo o beki words. Isa din siya sa mga naglalayong patatagin ang mga LGBT. Ang

gay lingo o beki words ay matatawag din na isang problema na nakakaapekto sa

maraming taon kung kaya’t dapat itong pagtuunan ng pansin at bigyan kaagad ng lunas

upang hindi na dumami ang naaapektuhan nito.

Ayon sa mga lingwista, pidgin ang tawag sa isang uri ng wika na nabuo sa kadahilanang may
pangangailangan ang ilang grupo ng tao na mag-usap gamit ang pananalita na sila lamang ang
nakakaintindi (Lim,2009). Ito rin ay mayroong alituntuning gramatika o baliralang sinusunod.
Alinsunod dito, ang gay lingo ay sinasabing isang pre-pidgin sapagkat wala itong sinusunod na
alituntunin. Walang makapagsasabi na mali ang barirala o ang pagbigkas ng isang tao sa mga
salita sa gay lingo (Santos,2007).

Ayon naman kay Michael Tan, ang gay lingo ay maraming pagkakahawig sa Carabao
English kungsaan nilalaro, pinaiikot at pinuputol ang pagbibigkas at kahulugan ng mga
salitang Ingles (Ruth, 2008).

Ang gay lingo ay isa namang anti-language ayon kay Montgomery. Sinabi niya
na ang anti-language ay kasukdulang bersyon ng wikang bayan na umuusbong sa mga
minorya o maliit na grupo na maituturing na walang lugar o di napapansin sa lipunan.
Subalit binawi na niya ito ngayon sapgkat ayon sa kanya tanggap na itong
lipunan(Ruth, 2008).

Dahil sa mga pagbabagong ito, masasabi nating may maaaring maging epekto
ito sa ating kultura at lipunan. Kaya naman ang pag-alam sa kasaysayan at mga
pagbabago sa lenggwaheng ito ay kailangan.

You might also like