You are on page 1of 1

MGA IDYOMA (sawikain) – Mga salita o tambalang salita o parirala na laging

matalinghaga ang katuturan na nauunawaan lamang kapag ginamit sa pagpapahayag.


1. Abot-tanaw – maaring makita pa sa malayo
2. Abo ang utak – tanga
3. Agaw-buhay – naghihingalo
4. Agaw-dilim – dapit hapon
5. Ahas sa tahanan – traydor sa may-ari ng tahanan
6. parang ahas na nagluno – pag-iiwan ng pinapalitang damit kung saan nagbihis
7. Aksayang-kwalta – walang saysay ng paggastos ng pera
8. Alagang kulasisi – kinakasamang babae na di niya asawa
9. Alilang kanin – katulong na pakain lamang, walang sweldo
10. Ampaw ang katawan – Malaki ang katawan Nguni masakitin
11. Anak sa pagkakasala – anak sa mga magulang na di pa kasal
12. Anak sa labas – anak sa ibang babae
13. Anino ng lumipas – bakas ng nagdaan; di magandang karanasan
14. Patabaing baboy – tamad ayaw gumawa
15. Bahag ang buntot – takot na takot
16. Balik-loob – nagbalik sa dating paniniwala sa Diyos
17. Baliktad ang bulsa – naubos ang pera dahil sa sugal
18. Malalim ang bulsa – kuripot
19. Bangga sa pader – kumalaban sa malakas
20. Basa ang papel – hindi mapagkatiwalaan
21. Bibig-anghel – mapanghula ng katotohanan
22. Binawian ng buhay – namatay
23. Biro ng tadhana – pagsubok ng Diyos
24. Ipamukha – sabihin nang harap-harapan
25. Maasim ang mukha – may itinatagong sama ng loob
26. Hanap sa bula, sa bula rin mawawala – kinuha sa pandaraya
27. Buksan ang dibdib – sabihin ang niloloob
28. Bulag sa katotohanan – hindi nakikita ang katotohanan
29. Buto’t balat – payat na payat
30. Di madapuang langaw – labis ang dulas o kintab
31. Gamitin ang ulo – pag-isipang mabuti
32. Hindi ipinanganak kahapon – matanda na, may edad na
33. Hubad sa katotohanan – hindi totoo
34. Hulog ng langit – magandang kapalarang dumating na di inaasahan
35. Langit at lupa – malaking agwat sa buhay
36. May tali sa ilong – nasa ilalim ng kpangyarihan
37. Parang kampana ang bibig – maingay
38. Walang dila – hindi makapagsalita
39. Hipong tulog – umaasa lang sa kapalaran
40. Magdildil ng asin - mahirap

You might also like