You are on page 1of 2

Aralin 23 – Mga Kasabihan at Salawikain

Ang ating mga kasabihan at salawikain ay nagsasaad ng mga karanasan ng


ating lahi. Ito ay hindi katha ninuman kundi karunungang nagpasalin-salin sa mga lahi
ng mga tao mula noong kauna-unahang panahon magpahanggang ngayon.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Ang kahoy na liko’t buktot


Hutukin hanggat malambot
Kung lumaki at tumayog
Mahirap na ang paghutok.

Sa kasabihang ito ang umuusbong na murang puno ay inihalintulad sa isang


lumalaking musmos, na sa kanyang paglaki ay matuto ng magagandang kaugalian
habang bata pa, at sa kanyang pagtanda ay mahirap na at maaring impossible nang
mabago pa ang kanyang mga maling nakaugalian na maaring kanya nang dadalhin
hanggang sa hukay.

Walang sumisira sa bakal


Kundi ang kalawang.

Ang ating mga biyaya tulad din tulad din ng ating mga paghihirapat pagsubok ay
naimpluwensiyahan ng ating sariling mga kaibigan.. Sa kanila natin ibinubuhos an
gating mga sariliat ipinapakita ang kaibuturan ng ating mga puso; sa kanila natin
ipinapatanaw ang kailaliman ng ating mga kaluluwa, kayat walang kahit sino ang
makakatulong at makpagpaligaya at makasasakit at makapagpapalungkot sa atin kundi
sila rin – ang ating mga pinagkatiwalaang mga kaibigan.

Pag-aasawa ay di biro
Kanin bagang isusubo
Iluluwa kung mapaso.

Ang pag-aasawa ay isang seryosong matrimonyo at hindi isang laro o biro; ito ay
panghabang buhay na pagsasama sa hirap at ginhawa. Hindi ito tulad ng modernong
kaisipan ukol sa kasal (live in o trial marriage). Ang kasal ay sagrado, buklod,
mapanampalataya at pnanghabang buhay. Kapag napagbuklod na ng kasal ang
dalawang nilalang, sila ay nagiging dalawang pakpak ng isang ispirito.

Ang isda’y nahuhuli sa kanyang labi


At ang tao nama’y sa salita’t sabi.

Sa sobra o masyadong pagsasalita ay nailalagay natin an gating mga sarili sa


kapahamakan. Ang mga walang pakundangang mga salita na ating binabanggit ang
nagiging mga lambat na nagiging ssanhi ng ating pag-amin, pagsalungat sa ating mga
sariling mga salita. Kailangan nating balansehin an gating mga binibitawang salita;, ang
mga ganitong pananalita ay magdudulot ng mas kaunting pagsisisi.

Ang paa na ang madulas


Huwag lamang ang dila.

Mas madaling tiisin ang sakit na dulotng pagkakadulas ng paa kaysa sa sakit na
maidudulot ng sakit sa dila. Ang sugat at sakit na naidudulot ng una’y nghihilom
pagdating ng panahon habang ang sugat at sakit na naidudulot ng dila ay nag-iiwan ng
sugat sa puso ng iba.
Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo.

Ang tagumpay at kaligayahan ay walang halaga kung hindi natin ito


maipamamahagi sa mga taong mahal natin sa buhay. Ngunit minsan naisasakri-
Pisyo natin an gating kalusugan, dignidad, prinsipyo at an gating sariling kaluluwa para
sa mga bagay na sa dulo’y makikita nating walang halaga, At sa dulo’y mamamalas
natin ang katotohanan na kung nais natin ng makabuluhang buhay kailangan nating
tanggapin ito at hindi kung ano ang nais natin.

Makikilala ang tunay na kaibigan


Sa oras ng kagipitan

Ang tunay at tapat na kaibigan ay hinahayaan tayong mag-isa hanggat batid


nilang tayp’y ligtas at maginhawa, ngunit pag lungkot at paghihirap ang maranasan sila
ang unang dumaramay , naglalagay ng ngiti sa ating mga labi, at pinagagaan ang
mabigat na kamay ng kapalaran

You might also like