You are on page 1of 6

Ang Tuldok

Sa mga mambabasa ng simpleng kwento ito, nais naming iparating na kailangang


lawakan ang pagkakaintindi sa mga nangyayari sa lipunan. Ito ay napapanahon batay sa mga
pangyayari sa kapaligiran.
Ang kwentong ito ay pangkaraniwan. Hindi espesyal at hindi naman nagpapakita ng
anomang mahahalagang mensahe para sa lahat. Ito ay naka sentro sa iba’t-ibang prinsipyo at
disposisyon ng mga tauhan sa kwento. Ito ay hango sa kwento ng magkakaibigan na may iba’t-
ibang estado sa buhay, may mga sariling pananaw at paniniwala.

CHARACTERS:
Ken Tolentino. (27): Isang magaling na guro sa Higher Education Institution na nakapagtapos
ng dalawang Masters sa English Language Teaching at School Administration. Pilit na tinatapos
ang PhD degree sa English Language.
Buddy Tan.(33): Isang negosyante ng Rice Buy and Sell.
Ramil Reyes.(35): Engineer na may proyekto sa lalawigan ng South Cotabato.
Ivy Dimaantala.(37): Siya ay isang Juris Doctor at kasalukuyang nag re-review para sa Bar
Exam
Eduardo Kingpin. (25): Guro sa DepEd na malalapit sa mga Politicians.
Glenn: Waiter.

PROPS:
Table, Mga Upuan, Pitcher na puno ng tubig, Baso, at Kropik

MISE-EN-SCÈNE:
Ang kwento ay nangyari sa Bayan ng Norala, South Cotabato. Isang hapon, miyerkules.
Nagkita-kita ang magkakaibigan sa isang Bar and Resto, Midori. Ang lamesa ay nasa bahaging
gitna ng bar na may tatlong bakanteng upuan. Naka-upo na ang naunang si Ken at Ramil
habang kumakain ng Kropik na may kalahating baso ng tubig sa harapan ng bawat isa.

Ken: Kamusta ang proyekto mo? Siguradong Malaki na naman nadali mo ano? (patawang
pagkasabi)
Ramil: Loko ka! Edi syempre diskarte at buhay-buhay na tayo sa panahon ngayon. Andyan na
ang puro pera ang sa utak. (paturo ang nguso sa paparating na kaibigan)
Pumasok si Buddy Tan sa loob ng Bar. Pagod at kumokunot ang mukha sa sobrang problema
sa presyo ng Palay na pumapalo nalang sa katorse (14) ang bawat kilo.
Bumukas ang pinto ng may kalakasan...(Boom)

Buddy: Lenti gid! Sumosobra na talaga itong mga Buwaya sa gobyerno! Di lang man
masuportahan ang mga ultimong tao dito sa “uma”.
Ken: Bakit, pare? Mababa naman ba ang presyo? Parang kahapon nga lang bumili ako ng
isang sakong bigas, eh, Naku! Sampung peso nalang ang sukli ng dos mil ko.
Ramil: Talaga? Parang ubos na nga rin ata bigas naming sa bahay. Bukas nalang ako bibili.
Buddy: Kung ako lang, noh? Kung dapat kasi, itong gobyerno din, Iwasan na mag import sa
ibang bansa kahit na mababa ang presyo. Yan ang magpapalugmok sa ating mga pobre.
Ken: Kung na amend lang din siguro itong Rice Tariffication Law (RTL) para maka suporta din
ang NFA, maganda sana.
Ramil: (Hawak-hawak ang cellular phone habang nag nagbabasa sa facebook)
Hahaha! Tingnan mo pare, (pinakita kay Ken ang post) Parang gusto kong botohin si
hashtag “#LetLeniLead”. Paborito kong kulay kasi ang Fink, este Pink.

Buddy:   Ngeee! Wala mang kwenta yan. Walang nagawa sa Pilipinas! Puro lang live interview
ang puta!

Ken: Sandali! Nakapag file na ba si BBM? Malakas tong si Bong-Bong pag di nag file ang Agila
sa Davao.

Pumasok na si Ivy at Eduardo na galing sa isang binyag na may dalang Siopao. Si


Eduardo ay naka insert na may polong puti. Habang si Ivy naman ay naka sombrero (dadhat)
ng itim.

Boom! Bumukas ang pinto, nauna si Eduard at sumunod si Ivy.

Eduard: (Nakangiting bumati) Kmusta kayo? Oh eto siopao! Maputi at matigas. Nakaka inis nga
eh, parang yung nag order lang ako. Burger ang order ko, siopao ang dumating. Alam nyo kung
bakit?

Ken: Bakit ba? (Nakangiti at naghihintay sa punchline)

Eduard: Parang ganito kasi yan, (hahah) Ang order ko si Sara, tapusin ang dumating si Bato.
Parang siopao nato, maputi--- Parang ulo ni Bato. Hahaha

Buddy: Sapat ka duard! Punyeta (haha)

Tumawa ang lahat. Nag order si Ivy ng makakain.

Ivy: Anon a naman ang punch-line ni Eduardo?


Ramil: Haha. Yung dala nyong Siopao parang si Bato daw na nag file na ng COC sa
Pagkapangulo.

Ivy: Heh! Ewan ko ba. Nakaka badtrip nga dito sa Pilipinas eh?

Ken: Bakit naman, Atty?

Ivy: Akalain nyo! Ano ba ang qualification ng pwedeng tumakbo sa Pagkapresidente?


(Pabundak na pagkasabi)

1. natural born Filipino;


2. a registered voter;
3. must be able to read and write;
4. 40 years of age at the day of the election; and
5. must have resided in the Philippines ten years before the election is held.

Nakaka bwesit nga minsan eh. Basta marunong ka lang magbasa at magsulat ng
pangalan mo, eh, pwede ng tumakbo pagkapresidente?

Buddy: Totoo, Ivs! Parang money game lang?! Haha.

Eduard: Money game? Parang Manny Paquiao lang ba ang labanan? Hahaha.

Tumawa ang lahat...

Ramil: Eh! Kung si Manny lang naman, baka pareha ng laban nya kay Ugas na first
round palang, bagsak na sya! Basta ako Leni ako.

Buddy: Parang maganda ang “Manny Game” hahaha. Parang tulad nung bagong series
ngayon, “Squid Game”. Nakaka relate talaga ako kasi about sa pera eh.

Habang nag-uusap ang mga magkakaibigan, biglang binuksan ng waiter ang Smart TV
na 60 inches sa kanang bahagi ng bar. Ito ay naka channel sa isang News Program sa hapon...

TV: Pormal ng naghain ng kanyang kandidatura si Former Senator BongBong Marcos o mas
kilalang BBM sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan. Matatandaan na natalo si BBM noong
nakaraan election sa pagka bise president kontra kay Leni Robredo sa ilalim ng Liberal Party.
Samantala, sa isang panayam kay Boxing Legend Manny Paquiao, pormal na ring naghain ng
kanyang pagtakbo bilang president sa kabila ng kanyang pagreretiro sa larangan ng Boxing.
Habang si Yorme Isko Moreno Domagoso naman ay pormal ng naghain ng kanyang COC
bilang kandidato sa pagkapangulo. Bigo naming makarating ang anak ni PDuterte na si Sara sa
Pasay City upang maghain ng kanyang kandidatura bilang pangulo ngunit nagfile naman si
Former PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa. Samantala, Pormal na ring naghain ang Liberal
standard bearer na si VP Leni Robredo sa pagka Presidente.
Ken: Ayan na! Parang BBM tayo neto ah. Tatakbo na talaga sya.

Ramil: Never again! Anong gusto mo, Ken? Martial Law?

Eduard: Hahaha! Alam nyo, itatak nyo man sa Bato. Kay Bato tayo.

Buddy: Parang gusto ko mag “Ping-Ping” pero I go for Manny game. Haha

Ivy: Weeeeh?? Look at Manila City, parang better to choose Moreno than others?

Pinatay na ng waiter ang TV...

Waiter: Paumanhin po, sir and ma’am. Kailangan na po naming mag close kasi curfew na po
maya-maya. Baka darating na po ang Patrol at papagalitan po kami.

Umuwi na rin ang magkakaibigan matapos magsalita ng waiter. Sa mga sumunod na


araw, dinig na dinig parin sa mga Telebisyon o Radyo man ang mga balita tungkol sa Pulitika
ng Pilipinas. Isang hapon, sa dating tambayan. Nagkita-kita na naman ang mga magkakaibigan.

Ramil: Saan si Ivy? Kanina pa yun ah.

Eduard: Ayun sa flash, nadali ata ng mga taong walang permanent address.

Ken: Sa totoo lang kasi tong kandidato ni Ivy eh, nakasandal sa mga Leftist and underserved.

Eduard: Wow! Big words Doc ah. Ang meaning ba nun eh, “Iniwan ka at hindi pinag-bigyan”?
huhuhu

Buddy: Loko ka Eduardo! Ibig sabihin nun eh, sila yung mga No Permanent Address.

Ivy: Hep! hep! Ano na naman yang naririnig ko? Parang pinagtitripan nyo ata ako ah. (Pasigaw)

Ramil: Bakit ang tagal mo sa CR?

Ivy: Hay naku! Sira yung inidoro parang gusto ko ng isangsang yung ulo ni Bato eh.

Eduard: May problema ka kay Bato, Ivy? Di mo ba alam na may Doctorate degree yan at may
command talaga.

Ivy: Sige ah! Parang gusto moa ta ng debate ah?

Ken: Ladies and gentleman. May I present the government and opposition side. Let their stand
be presented. Hoy, Buddy at Ramil. Kasali din kayo sa third party and fourth party. Hahaha.
Exciting to ah!

Ramil: Para kaming kabet neto ah! Sige bantay kamo. Sadya ni. Hahaha

Buddy: Hahaha! Glenn (waiter) pa please kami ng water kasi parang maraming mababasa
ngayon.
Ken: Hahaha! Basa ang bunganga. Hahaha

Ivy: To adjudicators, ladies and gentlemen. (hahaha) May I present my candidate for the
Presidency, Francisco Domagoso otherwise known as Isko Moreno. Magaling tong tao na to’
eh! Akalain mo graduate ng UP, may Bachelor of Laws, tapos tingnan nyo ang kalagayan ng
Maynila ngayon compare kay Erap. Sa palagay ko naman, from Mayor to President ito kagaya
kay Digong.

Ken: Time is up, Atty. Next, Ikaw Buddy. Ipagtanggol mo yung plataporma mo kay Manny.

Buddy: Syempre! Kung boboto lang naman tayo ng kandidato edi yung para sa mahihirap.
Tsaka sympre yung may puso. Yun yung tinatawag na public service.

Eduard: I disagree, Buds! Negosyante ka talaga mag isip. Puro pera Hindi man porket
mayaman kana eh pwede kanang tumakbo sa mataas na pwesto kasi may pera ka. Di naman
marunong gumawa o magpasa ng batas yan kahit nasa Senado pa siya.

Buddy: Anong problema mo, Duard?! Parang namemersonal kana ah! Potcha naman. Di
naman ako nangingialam sa’yo.(Sabay bundak ng mesa) Di ako kagaya mo na sipsip sa mga
Pulitiko para mag solicit sa classroom mo!

Ken: Sandali. Sandali lang.

Ramil: Relax lang, Buddy.

Eduard: Oh bakit parang kasalanan ko pa na malapit lang ako at mahal nila Mayor? Unfriend
kita mamaya, Sige.

Buddy: Blocked kana sakin duard. Napakatoxic mga post mo sa Pulitika.

Ramil: Hindi. Si Manny din kasi eh di nag iisip. Kung Senador lang sana ang tinakbuhan nya,
pwede pang manalo. Pero kung ako lang din, I go for Leni.

Ivy: Hindi, ah. Mali kasi ang style din ni Pacquiao. Wala siyang political tactics din eh. Alam nyo
kasi, it an Art of War.

Ken: Speaking of Art of War. Gamit na kasi yan na style ni Digong, dati. Pero, si Bong-Bong
talaga malakas ngayon. Sure ako n’yan.

Eduardo: Wag pakakasigurado, Doc. Di porket may PhD ka lang parang ang galling mo na.
(Pabirong pagkasabi na may pangungutya)

Ken: Ano duard? Personal point of view ko naman yan! (Nangungunot ang mukha)
“Respetohanay lang bala ta”. (May kalakasang pagkasabi)

Tahimik at nakatutok lang sa mga kanya-kanyang cell phone ang bawat isa. Samantala,
abala naman sa pakikinig ng balita si Glenn na malapit sa TV screen. Bigla niyang pinalitan ang
channel sa isang palabas na Games of Throne.
Ramil: Gustong-gusto ko talaga itong series na yan, Ken oh.

Ken: Ah, oo, gusto ko rin yan. parang pulitika sa Pilipinas.

Eduard: Nasa season 5 palang ako, niyan.

Biglang umalis si Ivy sa mesa at dali-daling lumabas ng bar. Nag tinginan ang lahat at
hindi nag imikan. Nang biglang dumating ang waiter na may bitbit na tubig.

Glenn: Excuse me po, sir. Nandito na po ang order nyo na tubig.

Buddy: Kanina ko pa yan sinabi sayo, ah?

Glenn: Hinintay ko lang po kasi ang tamang panahon kasi di pa kayo nagkakaintindihan sir.
Alam nyo sir, minsan kailangan nating tuldokan ang mga bagay na makakasira ng ating
relasyon. Iba-iba man tayo ng pananaw sa buhay ngunit kailangan nating respetuhin ang bawat
isa. Kagaya po ng tubig na yan. Sige po sir, pasensya na po.

Nagtinginan at natamimi ang lahat.... Dahan dahang nag-close ang ilaw..

*CLOSE CURTAIN

END

You might also like