You are on page 1of 2

Bagong Normal Sa Edukasyon

Isang Maganda at mapagpalang araw po sainyong lahat. Hinihiling ko na buksan


ang inyong puso at isipan upang mas maintindihan ang talumpating aking ilalahad.

Ito ay patungkol sa kinakaharap ngayon ng mga estudyante kagaya ko. Ang aking
pagbibigyan ng pansin ito ay ang bagong normal sa edukasyon.

Alam naman nating lahat na simula pa lamang ay mahirap na ang mag-aral. Pero
sabi ng iba walang mahirap kung ikaw ay may pangarap. Ngunit paano natin
maasam ang ating pangarap kung tila ba may hadlang sa hinaharap. Tanong
naming mga estudyante bakit sa ngayon pa? sa gitna ng pandemya? Lahat tayo ay
naghihirap hindi ba nila nakikita ang mga studyante na gustong mag aral ngunit hindi
kaya. Mahirap sobrang hirap ang ating kinakaharap. Marahil kong walang pandemya
hindi sana natin mararanasan ang bagong normal sa Edukasyon na kung tawagin ay
ang online class at modular.

Mahirap bilang isang estudyante na makipag sapalaran sa bagong larangan ng


edukasyon. Ngunit kahit mahirap kami ay sumugal kahit hindi kami sigurado kung
saan patungo. Kada araw maraming bagong kaso ng COVID hindi man tayo ang
nadapuan ngunit lahat tayo ay naapektuhan. Sapat ba ang dahilan na ito ay isang
pagsubok lamang? Ang bagong normal sa edukasyon ay isang pagsubok na
kailangan nating labanan? Ngunit tama ba na ang pagsubok na ito ay ang naging
dahil ng paghinto ng ibang estudyante at isinakripisyo ang kanilang hangad na
tagumpay.

Masakit kung iisipin na natapos ang ilang buhay na hindi man lamang nakakamit ang
tagumpay na kanilang hinahangad katulad na lamang ng nabalita kama kailan lang
may isang estudyante na nagpakamatay dahil sa module na late naipasa.
Nagpakamatay ito dahil hindi na tinanggap ang kaniyang module dahil nahuli siya sa
pagmasa. Alam kong marami ang magtataas ang kilay dahil sa dahilan ng kaniyang
pagpapakamatay at sasabihin na hindi ito responsable na estudyante.

Alam naman namin na responsibilidad naming mga estudyante ang pagpasa ng


proyekto, aktibidista at pagsusulit ngunit hindi sapat ang aming mga sariling
kakayahan lamang. Alam din naming mga estudyante na mahalaga ang grado pero
sa epidemyang nangyayari ngayon kailangan isa lang ang masasabi ko kailangan
nating lahat ang pagunawa at considerasyon.

Masakit man isipin na hindi lamang COVID-19 ang aming nilalabanan ngunit pati na
rin ang mga pangarap na gusto naming makamtan. Pero sa kapwa ko estudyante ito
lang ang masasabi ko kahit mahirap tayo ay lumaban dahil mayroon tayong gustong
maasam. Manalig tayo sa panginoon at sa ating kakayahan. Tayo ay maghawak
kamay ito ay isang bangungut lamang.

Muli isang maganda at mapagpalang araw po sa inyong lahat.

You might also like