You are on page 1of 1

Magandang araw!

May isang panahon sa kasaysayan na ang Pilipinas ang pinakamagndang bansa sa


Asya. Tatlong daang taon na ang nakakaraan, perlas ng silangan kung tayo’y bansagan. Kung kaya’t
naman ay dadalhin ko kayo sa isang lugar na kung saan makikita mo kung gaano makulay ang iniwang
bakas ng nakaraan. Ako po si Christine at kinalulugod kong makasama kayo sa unang parte ng ating
Biyaheng Amianan.

(Intro)

Matatagpuan sa bayan ng Sarrat sa Ilocos Norte, ang isa sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Ang
simbahan ng Santa Monica ay itinayo noong 1724 ng mga Augustinian. Bilang isang bansang Katoliko,
hindi nkakagulat na ang bansa ay maraming makasaysayang simbahan. Ang National Historical
Commission ng Pilipinas, sa katunayan, ay nagpahayag na ang mga simbahan ng kolonyal at iba pang
mga bahay ng pagsamba na itinayo bago ang 1940 ay itinuturing na “Classified Historic Structure” at
kabilang ang g simbahan ng Santa Monica sapagkat itinayo ito noong 1724 ng mga Augustinian.

Ang Santa Monica Parish Church ay idineklara bilang isang Mahalagang Pag-aari ng Kultura ng Pilipinas.
Ngunit hindi lang iyon ang dahilan kung bakit sulit ang mahabang biyahe patungong Ilocos: makikita rin
ito sa napakagandang lokasyon. Nasa harapan ng simbahan ang Padsan River at napapalibutan ng mga
puno na nagbibigay ng malamig at maaliwalas na kapaligiran.Sa katunayan, kamakailan lang ay ginamit
ang simbahan sa biopic na Heneral Luna (na entry ng Pilipinas para sa 2016 Oscars).

Kung susuriin, ang Santa Monica Church ay sadya naming nakakbighani. Di maliparang uwak ang laki nito
at aakalain mo isa kang maliit na duwende kapag naitabi rito, at sa katunayan, ito ang pinakamalaki sa
Ilocos Norte at marahil sa rehiyon ng Ilocos. Ginamit ang mga pulang brick sa pagtatayo ng simbahan at
ginawa ito sa Earthquake Baroque at Neoclassical na arkitektura.

Habang ang simbahan ay isang kahanga-hangang tanawin sa sarili nito, may iba pang mga pook na
matatagpuan sa loob at paligid ng simbahan. Una, maaari kang maglaan ng oras sa pagtingin sa 14
Stations of the Cross sa bakuran ng simbahan. Pangalawa, maaari mo ring bisitahin ang kumbento at
tingnan ang museo sa ground floor nito.

(More video clip)

Ang mga bayan sa hilagang rehiyon ay talaga namang isa sa mga kakaunting lugar sa Pilipinas na para
bang nag time travel ka pabalik sa nakaraan. Mula sa antigong simbahan, at mga bahay na mula pa sa
panahon ng mga kastila. At alam niyo ba kung bakit? Ayon sa haka-haka, may isang Kastilang sundalo
raw noon na umibig sa isang Pilipinang nakatira sa bayan ng Ilocos Sur. At nang araw na bobombahin na
ang lugar na iyon, ay inutos niyang hayaan ang parting iyon dahil naroon ang kanyang pinakamamahal.
Tunay ngang iba ang nagagawa ng pag-ibig, sana all. Dahil ron ang mga estrukturang ipinatayo noong
panahon ng mga Kastila ay buhay pa rin hanggang ngayon gaya na lamang ng Calle Crisologo ng Ilocos
Sur at Sta. Monica Parish at Paoay Church ng Ilocos Norte. Ngayon, sa gitna ng makabagong panahon,
marami sa ating mga kababyan ay patuloy na nabibighani sa mga iniwang bakas ng ating nakaraan.
Nakaraang hindi nakaiinip kundi puno ng kulay at sorpresa.

You might also like