You are on page 1of 1

"MATANGLAWIN"

Baguhan si Anna sa kaniyang trabaho bilang isang mamamahayag. Hilig niya ang
pagsusulat at higit na mahusay siya sa larangang ito. Dahil isang tanyag na kumpanya ang
kanyang napasukan, mayro’n na lamang dalawang posisyon na bakante rito. Kinakailangan
nilang patunayan ang kanilang sarili upang makuha ang posisyon sa kumpanya. Kasabay ni Anna
ay ang dalawa pang baguhang mamamahayag na nakapagtapos sa Ateneo at La Salle. Ito ay sina
Rose at Kim. Kumpara sa dalawa, si Anna naman ay nakapagtapos ng kaniyang pag-aaral sa
kanilang probinsya. Sa unang araw palang niya ng trabaho, dama na ni Anna ang pagmamaliit sa
kaniya ng kaniyang HR. Makikitang pabor ito sa dalawa na nakapagtapos sa mga kinikilalang
unibersidad sa bansa. Hindi na lamang ito pinansin ni Anna at patuloy na nagsumikap sa
kaniyang trabaho. Ang pinuno naman ng kumpanya ay tila may matanglawin dahil sa taglay
nitong talas sa pagbabasa ng tao. Hindi masiyadong nagpapakita ng kahit anong pahiwatig ang
pinuno sa kung sino-sino ang pipiliin niya sa tatlo. Tahimik lamang itong nagsusuri sa mga gawa
nina Anna, Rose at Kim.

Isang araw, pinatawag si Anna at ang dalawa pang baguhan. Noong nakaraan, ang tatlo ay
naataasan na makipagtulungan para sa pagbuo ng mga artikulo. Tanging si Anna lamang ang
gumawa ng proyekto habang sina Rose at Kim naman ay namatnugot lang ng iilang parte sa
gawa ni Anna. Kahit na gano’n ang nangyari, inangkin parin ng dalawa na marami silang naging
kontribusyon sa gawa ni Anna. Ang HR ay natuwa sa dalawa at pinaunlakan ng maraming puri.
Ngunit napatigil naman ang kanilang pinuno ng kumpanya habang binabasa ang obra, nagalit ito
nang makitang may kamalian sa bandang dulo. Natahimik naman sina Rose at Kim pati na rin
ang HR.

“Ang totoo po niyan…..” naputol ang sasabihin ni Rose dahil kay Anna.

“Humihingi po ako ng inyong kapatawaran. Inaamin ko po na nagkamali ako ng sulat at hindi ko


po ito napansin.” sambit ni Anna.

Hindi mabasa ang ekspresyon ng pinuno. Sa huli, isa lamang ang nakapasok sa kumpanya.

You might also like