You are on page 1of 92

NILALAMAN

Introduksiyon......

YUNIT 1:

YAMAN NG WIKA NATIN. HALINA'T TUKLASIN

Aralin 1 Mga Batayang kaalaman sa Wika ................................................................. 2

Ano ang wika?.... ................................................................. 4

Mga Kahalagahan ng Wika ... ................................................................. 5

Ang Wika bilang Lingua Franca ......... ................................................................. 6

Mga Kalikasan ng Wika........ ................................................................. 6

Ilan pang kaalaman Hinggil sa Wika ... ................................................................. 8

Wika at Diyalekto.... ................................................................. 8

Bernakular ................................................................. .......................................................


......... 8

Bilingguwalismo .................................................................9

Multilingguwalismo ....... .................................................................9

Unang Wika.. .................................................................9

Pangalawang Wika .... ................................................................. 10

Wikang Pambansa................................................................. 10

Wikang Panturo ................................................................. 11

Ang Filipino bilang Wikang Panturo .. ................................................................. 11

Opisyal na Wika .. ................................................................. 11

Homogenous na Wika . .................................................................12

Heterogenous na Wika.................................................................12

Aralin 2 Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa……………. 25

Panahon ng Kastila... ................................................................ 27


Panahon ng Rebolusyong Pilipino ........ ................................................................28

Panahon ng Amerikano .... ................................................................29

Panahon ng Hapon .... ................................................................29

Panahon ng Pagsasarili .. ................................................................30

Sa Kasalukuyang Panahon ... ................................................................33

Tagalog bilang Batayan ng Pambansang


Wika................................................................33

Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino ... ................................................................33

Ilang Mahalagang Isyung Pangwika ... ................................................................35

Mga Pambansang Samahang Pangwika................................................................36

Aralin 3 Ang Register bilang Varayti ng Wika…………………………. 47

Ang Register ng Wika .... ................................................................49

Register bilang Espesyalisadong Termino................................................................50

Aralin 4 Heograpikal, Morpolohikal, at Ponolohikal na Varayti ng Wika ......... 61

Heograpikal na Varayti ng Wika ... ................................................................ 62

Morpolohikal na Varayti ng Wika ……………………………64

Iba pang Halimbawa ng Morpolohikal na Varayti ......... 66

Ponolohikal na Varayti ng Wika ... ................................................................67

YUNIT II: MGAKAALAMANG PANGWIKA, MAS PALALIMINAT PALAWAKIN

Aralin 5 Mga Sitwasyong Pangwika sa


Pilipinas ...................................................................74

Ang Wikang Filipino sa Panahon ng

Internasyonalisasyon at Globalisasyon... ................................................................ 76

Ang Wikang Filipino sa Lipunang Pilipino... ................................................................ 76


Ang Paggamit ng Wikang Filipino sa Iba't Ibang Disiplina.................................................
80

Lunan ng Wikang Filipino sa Global at Internasinino sa

Global at Internasyonal na Edukasyon ................................................. 83

Aralin 6 Conative, Informative, at Labeling na Gamit ng


Wika .................................................95

Ang Conative, Informative, at Labeling na Gamit ng


Wika ..... .................................................97

Halimbawa ng Conative na Gamit ng Wika . .................................................98

Informative na Gamit ng Wika ... .................................................99

Labeling na Gamit ng Wika . .................................................101

Aralin 7 Phatic, Emotive, at Expressive na Gamit ng


Wika.................................................109

Iba pang mga Gamit ng Wika. ................................................. 111

Phatic na Gamit ng Wika ......... .................................................112

Emotive na Gamit ng Wika .. .................................................113

Expressive na Gamit ng Wika.................................................114

Aralin 8 Gamit ng Wika sa Lipunan. ................................................. 121

Gamit ng Wika sa Panlipunang Pangangailangan at

Konteksto Ayon kay Malinowski (1923) .................................................123

Gamit ng Wika sa Sitwasyonal na Konteksto ng

Pagpapakahulugan Ayon kay Firth (1957) ... .................................................123

Gamit ng Wika sa Prinsipyo ng Dulog-Sa-Gamit (Functional Approach)

Ayon kay M.A.K. Halliday (1973) ... .................................................124

Pitong Gamit ng Wika.................................................124


PANGGITNANG OUTPUT .. ................................................. 135

138

Aralin 9 Kakayahang Lingguwistiko. .......................................... 138

Kakayahang Lingguwistiko: Pangunahing Sangkap sa

Pagkatuto ng Wika ... .......................................... 140

Ano ang kakayahang Lingguwistiko? .. ..........................................140

Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino. .......................................... 140

Aralin 10 Kakayahang Sosyolingguwistiko... .......................................... 153

Kakayahang Sosyolingguwistiko: Paglikha ng Angkop na

Pahayag sa Tiyak na Sitwasyon ... .......................................... 154

Ano ang kakayahang Sosyolingguwistiko? ..........................................154

Pagkilala sa mga Varayti ng Wika ... .......................................... 156

Aralin 11 Kakayahang Pragmatiko. .......................................... 165

Kakayahang Pragmatiko: Pahiwatig at

Pag-unawa sa mga Salita at Kilos ...... ..........................................167

Ano ang kakayahang Pragmatiko? ... ..........................................167

Berbal at Di-berbal na Komunikasyon .... ..........................................169

Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino ................. 170

Aralin 12 Kakayahang Diskorsal.... ............................................ 179

Kakayahang Diskorsal: Tungo sa Paglikha ng Makabuluhang Pahayag .......... 181

Ano ang kakayahang Diskorsal? ..........................................181

Pagpapahaba sa Pangungusap ..... ..........................................182

YUNIT IV:HUWAG LANG SABIHIN, ISULAT DIN

Aralin 13 Kahalagahan at Kabuluhan ng Pananaliksik sa Wikaat Kulturang Pilipino


Internasyonalisasyon at Pambansang Adyenda sa Pananaliksik ........ 197

Katiwalian sa Katutubong Kamalayan sa Pag-aaral ng Wika at Kulturang


Pilipino ...............198

Maka-Pilipinong Pananaliksik bilang Modelo at Metodo ng

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino....................................199

Integrasyon ng mga Disiplina sa Pananaw ng Wika at Kulturang Pilipino .....200

INTRODUKSIYON

Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay inihanda para sa


pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng grade 11.

Ngayong 2019, ikaapat na taon na ng pagpapatupad ng grade 11 (senior high school)


sa programang K to 12. Layon ng programang ito ng edukasyon na makahubog ng mga
mag-aaral na may mga kakayahan at kasanayang nakaaagapay sa pamantayang
pandaigdig sa ika-21 siglo, nakapag-iisip nang malaya at mapanuri, at may malalim na
pagkilala at matatag na pagpapahalaga sa sariling wika at kultura.

Layon ng aklat na maipaunawa ang mga konseptong pangwika at pangkultura,


matunton ang kasaysayan ng wika, at matukoy ang gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
Tinutugunan ng aklat ang mga kahingian ng kurikulum na inilatag ng Kagawaran ng
Edukasyon (DepEd). Upang maisagawa ito, ang aklat ay hinati sa iba't ibang bahagi.

Bahagi ng Aklat

Ginagabayan ng aklat na ito ang mga mag-aaral sa isang makabuluhang paglalakbay -


mula sa isang lugar patungo sa dako pa roon, kung saan matatagpuan ang hantungan
ng kanilang mga pagsisikap. Bawat bahagi ng aklat ay katumbas ng isang hakbang ng
paglalakbay upang makarating sa patutunguhan. Ang mga ito ay tumutugon sa 6Es ng
pagkatuto: Engage, Explore, Explain, Elaborate, Evaluate, at Extend.

Abot-Tanaw. Bago maglakbay saan man, tinatanaw muna ang Abot-Tanaw


patutunguhan. Sa bahaging ito, inihahanay ang mga layunin ng aralin. Mahalagang
nauunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan nila sa aralin.
Balik-Tanaw. Sinasabi ng ating mga ninuno, "Ang hindi Balik-Tanaw lumingon sa
pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.” Sa bahaging ito, binabalikan ang
mga dati nang kaalaman, kung mayroon, ng mga mag-aaral tungkol sa paksa ng aralin.
Mahalagang matukoy ang dati nang alam ng mga mag-aaral upang matiyak na may
napadagdag na kaalaman.

Lusong-Kaalaman. Ang paglusong ay ang unang pagtikim Lusong-Kaalaman o unang


pagpasok sa isang gawain. Ang bahaging ito ay humihikayat sa mga mag-aaral na
pumalaot kung saan sila dadalhin ng aralin. Nagmumungkahi rito ng malikhaing mga
gawaing lalo pang gigising sa interes ng mga mag-aaral sa paksa ng aralin.

Gaod-Kaisipan Hitik sa Tinitiyak ng na malinang a pa rin hangga Ang par ng mga sulat
pananaliksik ng mga mag Layag-Diwa Gaod-Kaisipan. Gumagaod ang mga
manlalakbay upane kumilos ang sasakyan at makarating sa patutunguhan. Så
bahaging ito, inilalahad ang mismong aralin at ginagalugad dito ang mga ideyang
magkikintal ng mahahalagang kaisipan sa mga mag-aaral.

Layag-Diwa. Patuloy ang paglalakbay nang may layag na hinihipan ng hangin upang
makarating sa malalayong lugar na walang hangganan. Sa bahaging ito, may mga
tanong na sumusubok sa pagkaunawa ng mga mag-aaral sa aralin. Nagmumungkahi
rin dito ng mga gawaing isahan at kolaboratibo na magpapatunay sa natamong
kaalaman ng mga mag-aaral. Iba't ibang gawain (differentiated instruction) ang
iminumungkahi rito upang matugunan ang iba't ibang estilo ng pagkatuto ng mga mag-
aaral. May mga mungkahi ring gawain upang malunasan kung may kakulangan man.

Lambat-Likha. Sinasalok ng lambat ang produktong dagat upang maiuwi at


mapakinabangan. Sa puntong ito ay inaasahan na nakapagsasagawa na ang mga
mag-aaral ng mga gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan. Ngayon ay
magtitipon na sila ng kanilang likhang mga sulatin na magiging bahagi ng kanilang
isahang portfolio. Sapagkat ang layunin ng kursong ito ay makasulat ang mga mag-
aaral – taglay ang kaalamang natamo sa mga aralin sa paraang hinihingi sa kanila ng
masining at mabisang pagsulat ng komunikasyon batay sa mga natutuhan sa
pananaliksik gamit ang makabagong teknolohiya-napakahalaga ng mga gawain dito. Ito
ang praktikal na aplikasyon ng natutuhan ng mga mag-aaral na may kasamang rubrik
para sa sariling pagtataya.

Salok-Dunong. May maikling pagsusulit dito at mga gawaing magagawa nang isahan o
pangkatan sa loob ng klase. Katumbas ito ng pagtitipon ng mga natamong kaalaman
upang mailapat sa tunay na buhay. Daong-Kamalayan. Matapos ang paglalakbay,
dadaong na ang

Daong-Kamalayan mga mag-aaral. Sa bahaging ito, ang mga gawain ay replektibo at


hahamon sa kanila na mag-isip kung paano mailalapat ang mga natutuhan upang
matamo ang mga kasanayang mapakikinabangan nila bilang makabuluhang
mamamayan hindi lamang sa loob ng paaralan kundi hanggang sa paglabas nila sa
malawak na daigdig.

Hitik sa mga mungkahing gawaing isahan at pangkatan ang bawat aralin. Tinitiyak ng
mga gawaing ito na mabibigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na malinang ang
kakayahang pampagkatuto at magtamo ng pagkatutong tataglayin pa rin hanggang sa
lisanin na niya ang paaralan. Ang pangwakas na hamon ng mga aralin ay
makapagtipon ang mga mag-aaral ng mga sulating magpapatunay ng kanilang
kakayahan sa komunikasyong batay sa pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.
Inaasahan ng mga may-akda na matatamo ng mga mag-aaral ang layong ito sa gabay
ng aklat na ito. Ang mga May-akda

YUNIT 1: YAMAN NG WIKA NATIN, HALINA’T TUKLASIN

Gumuhit ng masayang mukha (©) sa loob ng kahon sa unahan ng bilang kung tama
ang sinasabi ng pangungusap. Gumuhit naman ng malungkot na mukha (@) kung mali
ang pahayag.

1. Walang malinaw na konseptong nag-uugnay sa wika at kultura.

2. Tagalog ang unang pambansang wika ng Pilipinas.

3. May masistemang balangkas ang wika.


4. Unique o natatangi ang bawat wika.

5. May mga wikang mas makapangyarihan kaysa iba pang wika.

6. Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat na maging pambansang wika.

7. Namamatay ang wika kapag namatay ang taong gumagamit o nagsasalita nito.

8. Filipino ang tawag sa kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.

9. Ginagamit natin ang wika para makamit ang ating mga kagustuhan.

10. Binubuo ng mga tunog at sagisag ang wika.

11. Napagkakasunduang gamitin ng mga tao ang wika.

12. Ang wika ay dapat manatiling puro at hindi dapat tumanggap ng mga pagbabago.
13. Dinamiko ang wika.

14. Walang mga tuntuning sinusunod sa paggamit ng wika.

15. May pasulat at pasalitang anyo ang wika.

Lusong-Kaalaman

Kuwentuhan Tayo. Mayroon tayong iba't ibang karanasan sa paggamit ng wika, Ingles
man ito o Filipino. May mga gumagamit ng Filipino para masabing makabayan sila. Ang
iba naman, gumagamit ng Ingles para magpakitang-gilas sa kausap nila Ano ang
karanasang hindi mo malilimutan sa paggamit ng Wika? Ikuwento sa harap ng klase
ang nagging karanasan mo. Pagkatapos, pakinggan naman ang kuwento ng iyong mga
kamag-aral. Tiyaking hindi lalampas sa dalawang minute ang iyong kuwento para
makapagkuwento rin ang iyong mga kaklase.

Gaod-Kaisipan

Ano ang wika?

Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nauubos ang mga
kaalamang natututuhan at natutuklasan tungkol sa wika. Sa tanong na “Ano nga ba ang
wika?” napakaraming makukuhang sagot mula sa iba't ibang dalubhasa sa wika. o
dalubwika. Pinakagamitin at popular ang kahulugan ng wika na ibinigay ng
lingguwistang si Henry Gleason (Austero et al. 1999). Ayon sa kaniya, ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Sa aklat nina
Bernales et al. (2002), mababasa ang kahulugan ng wika bilang proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na
maaaring berbal o di-berbal. Samantala, sa aklat naman nina Mangahis et al. (2005),
binanggit na may mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan. Marami pang Pilipinong
dalubwika at manunulat ang nagbigay ng kanilang pakahulugan sa wika. Ayon sa mga
edukador na sina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000), “Ang wika ay isang
kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.” Binanggit ng
Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si Bienvenido Lumbera (2007) na
parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat
pangangailangan natin. Para naman sa lingguwistang si Alfonso O. Santiago (2003),
"Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o
saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian
ng tao sa lipunan." Kung sasangguni naman sa mga diksiyonaryo tungkol sa kahulugan
ng wika, ang wika ay sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pasulat o pasalitang simbolo. Samantala, ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2001),
ang wika ay “lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa
isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan." Sa
pangkalahatan, batay sa mga kahulugan ng wika na nabanggit, masasabi na ang wika
ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at ng
mga simbolong isinusulat. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan,

nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao. Kasangkapan ang wika upang maipahayag
ng tao ang kaniyang naiisip, maibahagi ang kaniyang mga karanasan, at maipadama
ang kaniyang nararamdaman. Gayundin, bawat bansa ay may sariling wikang
nagbibigkis sa damdamin at kaisipan ng mga mamamayan nito. Sa wika nasasalamin
ang kultura at pinagdaanang kasaysayan ng isang bansa.

Mga Kahalagahan ng Wika

Mula sa mga tinuran ng nabanggit na mga dalubwika, mapatototohanan na sadyang


mahalaga ang wika at kakabit na ito ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa-
tao at ng bawat bansa sa daigdig. Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng
wika ang pagiging instrumento nito sa komunikasyon. Mahihirapang magtagumpay ang
komunikasyon kapag walang wikang ginagamit. Kailangan naman ang komunikasyon
hindi lamang sa pagpapalitan ng mensahe kundi para din sa pagkatuto at pagkalat ng
karunungan at kaalaman sa mundo. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili,
pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao.
Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang wika,
walang magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin, at sa
iba pang bagay na kaugnay ng paraan ng pamumuhay ng mga tao. Naipakikilala ang
kultura dahil sa wika. Yumayaman naman ang wika dahil sa kultura. Isang magandang
halimbawa nito ang mga payyo (tinatawag ding payao o payaw), ang hagdan-hagdang
taniman ng palay ng mga Igorot. Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang
bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya. Hindi tunay na malaya ang
isang bansa kung hindi ito nagtataglay ng sariling wikang lilinang sa pambansang
paggalang at pagkilala sa sarili. Malaki ang papel na ginagampanan ng wika bilang
tagapagpanatili ng pambansang kamulatan at pagkakakilanlan. Wika ang
tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito. Wika
ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman.
Bawat bansa ay may kani-kaniyang yaman ng mga karunungan at kaalaman. Ang mga
nakaimbak na karunungan at kaalaman sa isip at dila ng sinaunang mamamayan ay
nagagawang magpasalin-salin sa mga sumunod na henerasyon dahil sa wika.
Nagkakaroon din ng hiraman ng mga karunungan at kaalamang nakasulat at
nakalimbag dahil naisasalin sa sariling wika ng isang bansa ang karunungan at
kaalamang nahiram at nakapasok sa kanila mula sa ibang bansa. Halimbawa,
lumaganap ang Bibliya nang maisalin ito sa iba't ibang wika. Naging mahalagang
instrumento ang wika para maunawaan ng daigdig ang nilalaman ng Bibliya at
maipakalat ang Kristiyanismo sa mundo. Ang nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal ay naisalin sa iba't ibang wika ng daigdig, gayundin
ang mga akda ni F. Sionil Jose, isang Pilipinong nagsusulat sa wikang Ingles, at ang
awit na “Anak” ni Freddie Aguilar. Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Walang saysay ang sangkatauhan kung wala ang wika sapagkat walang hiraman ng
kultura at/o paraan ng pamumuhay, walang mangyayaring kalakalan, walang
pagbabahagi ng mga tuklas at imbensiyon, walang palitan ng talino at kaalaman,
walang diplomatikong pagkakasundo ang bawat pamahalaan, at walang pagtutulungan
sa paglinang ng siyensiya at teknolohiya. Ang kawalan ng wika ay magdudulot ng
pagkabigo ng sangkatauhan. Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng wika ay
nagreresulta sa isang maunlad at masiglang sangkatauhang bukas sa
pakikipagkasunduan sa isa't isa.

Ang Wika bilang Lingua Franca

Kasingyaman ng mga tanawin sa Pilipinas ang mga wika nito. Iba'tibang wika ang
umiiral at ginagamit sa iba't ibang rehiyon ng bansa. Paano kaya magkakaintindihan
ang dalawang nag-uusap na may magkaibang etnolingguwistikong grupo? Siyempre,
gagamit sila ng wikang kapwa nila nauunawaan. Ang wikang ginagamit sa
komunikasyon ng dalawang taong may magkaibang wika ay tinatawag na lingua franca.
Ito ang nagsisilbing tulay ng unawaan ng iba't ibang grupo ng taong may kanikaniyang
wikang ginagamit. Sa Pilipinas, Filipino ang itinuturing na lingua franca samantalang
marami naman ang nagpapalagay na Ingles ang lingua franca ng daigdig.
Nagkakaunawaan ang mga tao sa isang bansa at nakabubuo naman ng ugnayan ang
bawat bansa sa daigdig sapagkat may wikang nagsisilbing tulay ng komunikasyon ng
bawat isa.

Mga Kalikasan ng Wika

Lahat ng nilikha sa mundo ay may katangian o kalikasang taglay. Tulad ng mga tao at
ng iba pang mga bagay sa mundo, nagtataglay rin ng mga katangian o kalikasan ang
wika. Kung babalikan ang kahulugan ng wika ayon kay Henry Gleason, nakapaloob sa
kahulugang kaniyang ibinigay ang tatlong katangian ng wika. Una, ang wika ay may
masistemang balangkas. Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na
nakalilikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama sama sa isang maayos at
makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap, at
talata. Pangalawa, ang wika ay arbitraryo. Pinagkakasundua ang anumang wikang
gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.
Pangatlo, ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilan OPPO Alng kultura.
Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin.

Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaman sa wika samantalang ang wika
naman ang nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng gawaing nakapaloob sa kultura.
Kasama rin sa mga katangian ng wika ang pagiging buhay o dinamiko nito. Ibig sabihin,
sumasabay sa pagbabago ng panahon ang wika at malaya itong tumatanggap ng mga
pagbabago upang patuloy na yumaman at yumabong. Namamatay ang wika kapag
hindi nakasabay sa pagbabago ng panahon o hindi tumanggap ng mga pagbabago.
Nagbabago ang anyo, gamit, at kahulugan ng salita ayon sa takbo ng panahon at sa
mga taong gumagamit nito. Dahil nagbabago ang wika, may mga salitang namamatay o
hindi na ginagamit sa paglipas ng panahon, at may nadaragdag o naisisilang namang
mga bagong salita sa bokabularyo. Katulad ng salitang "hataw” na nangangahulugang
"pagpalo." Ngayon, may dagdag na itong kahulugan sa pangungusap na “Humataw sa
takilya ang pelikula ng bagong tambalan.” Sa pangungusap na ito, ang salitang
"humataw” ay may dagdag na kahulugan ng pagiging mabili o nagustuhan ng marami
kaya kumita nang malaki. Hindi na rin naririnig sa ngayon ang mga salitang
“kasapuwego" (posporo), “sayal” (naging palda at ngayon ay mas tinatawag na skirt),
“kolong-kolong” (playpen), at iba pa. Bawat wika ay unique o natatangi. Walang wikang
may magkatulad na katangian. May kani-kaniyang lakas o kahinaan din ang wika. May
mga salitang mahirap hanapan ng eksaktong salin o katumbas sa ibang wika dahil sa
magkakaibang kulturang pinagmulan. Gayundin, hindi dahil mas mayaman, malakas, at
mas maunlad ang isang bansa ay mas superyor o mas makapangyarihan na ang wika
ng bansang ito kaysa sa ibang mas mahirap na bansa. Walang wikang superyor sa isa
pang wika. Lahat ng wika ay pantay-pantay sapagkat mayroon itong kaniya-kaniyang
katangiang taglay na natatangi sa isa't isa. Kabuhol ng wika ang kultura dahil
sinasalamin nito ang paraan ng pamumuhay ng mga tao. Nahihinuha ang kulturang
kinabibilangan ng mga tao sa kanilang wikang ginagamit. Para sa lingguwistang si
Ricardo Ma. Nolasco, dating Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), may
bentahe ang pagkakaroon ng maraming wika at maraming kultura sa isang bansa. Sa
kaniyang “Pamaksang Pananalita” sa Pambansang Seminar sa Filipino ng KWF sa
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) noong Mayo 10 hanggang 12, 2006, sinabi
niya na “bukod sa nabibiyayaan tayo ng maraming katutubong wika ay mayroon din
tayong wikang pambansa - ang Filipino-at may wikang internasyonal pa-ang Ingles. Ang
pagtutulungan ng mga wikang ito - lokal at dayuhan-ay siyang nagpapatotoo kung
gaano ka-linguistically diverse at culturally diverse ang ating bansa, isang bagay na
dapat nating ipagbunyi at ipagmalaki."

Ilan pang kaalaman Hinggil sa Wika

Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo Ang
Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika: hindi kukulangin sa 180
ang wikang sinasalita sa Pilipinas. Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas
dahil maraming wikang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito.
Homogenous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita
ng mga mamamayan nito. Gayunman, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng mga
diyalekto kahit isang wika lamang ang ginagamit sa isang bansa dahil likas lamang sa
mga tagapagsalita ng isang wika na magkaroon ng ilang pagbabago sa bigkas ng mga
salita, at sa pagbubuo ng mga salita at mga pangungusap. Nagkakaintindihan pa rin
ang mga taong gumagamit ng iba't ibang diyalekto ng isang wika.

Wika at Diyalekto

Ang Tagalog, Sinugbuanong Binisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan,


Bikol, at iba pa ay mga wika - hindi mga diyalekto at hindi rin mga wikain (salitang
naimbento upang tukuyin ang isang wika na mas mababa kaysa sa iba). Kabilang ang
mga ito sa mga pangunahing wikang sinasalita sa buong kapuluan. Ang diyalekto ay
nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika. Kapag hindi
nagkakaintindihan ang dalawang nag-uusap na gumagamit ng magkaibang wika, ibig
sabihin, bawat wikang ginagamit nila ay hiwalay na wika. Halimbawa, ang mga
nagsasalita ng isang wika batay sa lugar na pinanggalingan ay maaaring magkaroon ng
bahagyang pagkakaiba sa bigkas, paggamit ng panlapi, o ayos ng pangungusap. Dahil
dito, may tinatawag na Tagalog-Bulacan, Tagalog-Cavite, Tagalog-Metro Manila, at iba
pa. Ngayon, dahil maraming gumagamit ng pambansang wika na galing sa iba't ibang
rehiyon, nagkakaroon na rin ng iba't ibang diyalekto ng Filipino tulad ng Filipino-Ilokano,
Filipino-Hiligaynon, at iba pa, na bawat isa ay nagpapakita ng natatanging
pagkakakilanlan ng unang wika ng tagapagsalita ng Filipino. Bernakular
Tinatawag na bernakular ang wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang
wika tulad ng diyalekto kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi
sentro ng gobyerno o ng kalakal. Tinatawag din itong wikang pan rehiyon.

Bilingguwalismo

Ang binggunalismo ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa Da g blinggoval


ng isang tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika Tag may pantay na
kahusayan Bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, Tanzaraluzan ito ng
paggamit ng Ingles at Filipino bilang panturo sa iba't ibang razar azy na subject. Ingles
sa matematika at siyensiya, Filipino sa agham arguran at iba pang kaugnay na
larangan.

Multilingguwalismo

Tukoy ang multilingguwalismo sa pantay na kahusayan sa paggamit ng maraming wika


ng isang o ng grupo ng mga tao. Bunsod ito ng pagiging multigguwalismo ng mga
Pilipino. Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi multilingguwalismo CZ P 09, 19
pénkasang pangwika sa edukasyon. Halimbawa, sa Ilocos, Ilokano ang wikang panturo
sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang ikatlong baitang CAGED 303 9
Pasapainan naman, Pangasinense ang wikang ginagamit na panturo B EZ anos, enito
rin sa iba pang lugar sa bansa. Ituturo naman ang Filipino B S Voluntong ng mga mag
aaral sa ikaapat na baitang pataas. Ipinatupad ang C ARE, SUÝTOGG 29 a wikang
panturo dahil napatunayan ng maraming pag-aaral 3G, 40, m aling, batututo ang mga
bata kapag ang unang wika nila ang ginamit na Westerna, Mas madali na silang
natututong makabuo ng kritikal na pag-iisip kapag CHI Venla sa kanilang, unang, wika,
Sa brancang, tulad ng, Pilipinas na may humigit-kumulang 180 na umiiral na Wita, tundi
VantaLang, maging, multilingguwal ang nakararaming populasyon. Bahasa WB, Ang,
og Ilokang, bukod sa wikang Ilokano, ay marunong din ng Filipino dela, boga
nagtasalita ng Kiniraya ay maaaring marunong din ng Hiligaynon and a Miguno at
Ingjes,

Unang wika

Tinatawag na "taal" na tagapagsalita Para partikular na wika ang isang tao na ang
unang wika ay ang wikang pinag Senarsson, Halimbawa, "taal na Tagalor" ang mga tao
na ang unang wika ay Tagalog Way n aba rin na sila ay "kakuubong tagapagsalita ng
isang wika, En laulukuyang, skeema ng edukasyon, sa ilalim ng programang K to 12,
nakasaad Verwean W, 74, Serye 2009 ng Kagawaran ng Edukasyon ang
pagpapatupad ng Mehmen Nased Multilingual Education (MTB MLE) O paggamit ng
unang wika Wien, Ana Mula preschool hanggang ikatlong baitang sa elementarya
Kaugnay ito ng mga result a ng pag-aaral na higit na natututo ang mga mag-aaral at
higit silangnakapag-iisip nang malalim at nakapagpapahayag nang matalino gamit ang
kanilan. unang wika.

Pangalawang Wika

Itinuturing na pangalawang wika ang wikang hindi "taal” o hindi katutubo sa isang tao.
Pangalawang wika ang tawag sa iba pang mga wikang matututuhan ng isang tao
pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika. May mga pagkakataon pangalawang
wika ang karaniwang ginagamit ng isang tao upang makipag-usap sa ibang taong nasa
labas o hindi kabilang sa kaniyang etnolingguwistikong grupo. Halimbawa, Hiligaynon
ang unang wika ng isang taga-Iloilo. Ang Filipino ay pangalawang wika para sa kaniya,
at ito ang kaniyang gagamitin sa pakikipag-usap sa isang taga-Ilocos. Ang Ingles,
Nipongo, Pranses, at iba pang mga wikang maaari niyang matutuhan ay tinatawag ding
pangalawang wika.

Wikang Pambansa

Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na batayan ang


pagiging pambansang wika nito. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng
Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na
mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika." Bilang pambansang wika, Filipino ang
sumisimbolo sa ating pambansang pagkakakilanlan. Sinasalamin nito ang ating
kalinangan at kultura, gayundin ang ating damdamin bilang mga Pilipino. Ang wikang
Filipino ang nagbabandila sa mundo na hindi tayo alipin ng alinmang bansa at hindi
tayo nakikigamit ng wikang dayuhan. Ang wikang pambansa ang sumasagisag sa ating
kalayaan. Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang wika sapagkat ito ang
nagdadala sa atin sa pambansang pagkakaisa a pagbubuklod. Mahalagang
pagyamanin at pahalagahan ang ating pambansang wika ang isa sa mga natatanging
pamana ng ating mga ninuno at nagsisilbing yaman ng ating lahi. Bukas ang wikang
Filipino sa pagpapayamang matatamo mula sa iba pang mg wika ng rehiyon. Lalo pang
mapapayaman ang leksikon ng Filipino sa pamamagita ng paglalahok ng mga salitang
mula sa iba pang katutubong wika sa Pilipina Halimbawa, ang paggamit ng salitang
"gahum" mula sa Binisaya sa halip na gamiti ang salitang hiram sa Espanyol na
"hegemoniya.” Marami na ring gumagamit "bana" na nangangahulugang "asawang
lalaki."

Wikang Panturo

Ang wikang panturo ang wikang ginagamit sa pormal na pagtuturo - sa pagpapaliwanag


sa mga aralin at sa mga talakayan sa klase. Ito rin ang wikang ginagamit sa pagsulat ng
mga aklat, modyul, at iba pang materyal na panturo.
Ang Filipino bilang Wikang Panturo

Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas, iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987


ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo. Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV,
Seksiyon 6, nakasaad na, “Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sangayon sa
nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.” Maraming sikolohista sa wika ang naniniwala na ang katulong ng utak sa
pagpoproseso ng kaalaman ay ang wikang nauunawaan ng tao. Mahalaga, kung
gayon, na gamitin ang Filipino sa pagtuturo hindi lamang para sa mas epektibong
pagtuturo kundi pati na rin sa mas makabuluhang pagkatuto ng mga mag-aaral. an ng
20.

Opisyal na Wika

Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa


konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan.
May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas - ang Filipino at Ingles. Ayon sa Artikulo IV,
Seksiyon 7 ng Kontitusyong 1987, “ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles." Bilang mga opisyal na wika,
may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles. Gagamitin ang Filipino bilang
opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan. Ito rin
ang wikang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng bansa; halimbawa, sa mga
talumpati ng pangulo, mga deliberasyon sa kongreso at senado, pagtuturo sa mga
paaralan, mga paglilitis sa korte, at iba pa. Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa mga
talumpati ng pangulo at sa mga talakay at diskurso upang maunawaan ng mga
mamamayan ang mahahalagang usapin ng bansa. Bukod sa pagiging pambansang
wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas, gumaganap din ang Filipino bilang
lingua franca o tulay ng komunikasyon sa bansa. Kapag may dalawang taong mag-
uusap na may magkaiba o magkahiwalay na kultura at sosyolingguwistikong grupo,
halimbawa, ang isa ay Kapampangan at ang isa naman ay Bikolano, gagamitin nila ang
Filipino para magkaunawaan.

Samantala, gagamitin naman ang Ingle Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang


na nikasyon sa iba't ibang bansa sa daigdig. Ingles an daigdig. Ito ang ginagamit ng
mga tao mula sa magkaunawaan.

Homogenous na Wika
Kahit na may iba't iban wilang ginagamit ang mga Pilipino, barem g nagsasalita at
nagkakaintindihan sa iisang wikang ginagamit. Nangyayan ito dahil walang malaking
pagkakaiba sa wikang kanilang nag ganitong wika bilang homogenous na wika.
Homogenous ang wika ku mga taong gumagamit nito ay may iisang bigkas sa mga
salita, palapa at intonasyon sa pagsasalita, at iisa ang pagpapakahulugan sa mga sana
sana ginagamit. Isang halimbawa nito ang Tagalog-Batangas. Pare-parenong balakas
magsalita ang mga Batangueño at iisa ang kanilang tono kapag nagsasalita. Kapag
halimbawa, sinabi ng isang Batangueño sa kaniyang kababayan na "lumiliban ang
bata," mauunawaan ng kaniyang kausap na "tumatawid ang bata" ang ibig niyang
sabihin. Heterogenous na Wika Iisa lamang ang ibig tukuyin kapag sinabing
heterogeneous ang wika, na may varayti at pagkakaiba-iba ang bawat wika. Tinatawag
din itong lingguwistikong varayti ng wika. Nagaganap ito dahil multikultural at
multilingguwal tavo. Salik din nito ang heograpiya, estado sa lipunan, grupong
kinabibilangan, at iba pa. Isang halimbawa ng heterogenous na wika ang wikang
Tagalog. Iba ang Tagalog-Manila sa Tagalog-Nueva Ecija, sa Tagalog-Laguna, at sa
iba pang lalawigano Tassin Thaiha ang pagbigkas ng mga salita sa mga lalawigang ito,
iba-iba ang tono kana iba-iba ang katawagan sa mga bagay-bagay, at iba-iba rin ang
kah salita. Halimbawa, kapag sinabi sa Nueva Ecija na “urungan a “hugasan ang mga
pinggan" ang ibig sabihin nito. Ngunit kapag "inurungan mo ang mga pinggan" ay tiyak
na mababasag K na mababasag ang mga ito. Ang "umaanggi" sa Maynila ay
"naampiyas" naman sa Laguna. Ito rin ay Laguna. Ito rin ang dahilan kung ang
nakasulat sa menu ay “paa." Sa Iloilo kasi na ain sa iyo kapag kumain ka sa Mang
Inasal ay hita ng manok gayong e inihaw na luto ng manok, ang paa ay tumutukoy sa
hita. nu ay "paa." Sa Iloilo kasi na orihinal na pinaggalingan ng inasal kaligirang
pangwika, malaki ang tendensiya na hindi hay tumutukoy sa hita. Sa isang
heterogenous na densiya na hindi kaagad magkakaunawaan ang mga nag-uusap.

Layag-Diwa

A. Magsagawa ng Think-Pair-Share sa klase. Think: Bukod sa nabanggit sa itaas, sa


iyong palagay, sa ano-ano pang gawain at sitwasyon dapat gamitin ang Filipino bilang
opisyal na wika? Sa ano-anong gawain naman dapat gamitin ang Ingles bilang opisyal
na wika? Itala ang iyong mga sagot sa iyong kuwaderno. Pair: Pumili ng kapareha mula
sa mga kaklase. Ibahagi sa isa't isa ang inyong mga sagot. Huwag mahiyang
magtanong at magbigay ng komento at puna sa isa't isa. Makatutulong ito upang
mapaunlad ang inyong ginawa. Gumawa ng buod ng · inyong napag-usapan at
napagkasunduan. Share: Humandang ibahagi sa klase ang inyong buod.

B. Ano-ano pa ang maidaragdag mong katangian ng wika na wala sa mga pinag


usapan sa klase? Itala ang iyong mga sagot sa iyong kuwaderno.

Lambat-Likha
Basahin ang sumusunod na gawain. Piliin lamang ang isang gawaing pinakagusto mo
at ito lamang ang gawin. Indibidwal na gawain ang A at B. Kung gawain C ang napili,
humanap ng apat na kaklase na pumili rin ng gawaing ito para magkaroon ng
kəgrupong makakasama sa paggawa ng dula.

A./Poster Mo, I-post Mo! Gamit ang isang kartolina, gumawa ng poster na nagpapakita
kung ano ang pakahulugan mo sa wika. Maging malikhain sa paggawa ng iyong poster.
Maaari mong ibatay ang poster na gagawin mo sa sagot mo sa Balik-Tanaw. Dalhin at
ipakita ang poster sa klase. Maaari ding kuhanan ng picture ang poster at i-post ito sa
sariling Facebook wall. Ang makukuhang bilang ng Facebook likes ay may
karagdagang puntos batay sa sumusunod na rubrik.

Rubrik sa Pagtaya ng Poster

1. Para sa nagpaskil ng poster sa Facebook, maaaring bigyan ng marka ang poster


batay sa dami ng paggusto o Facebook likes na nakuha..

C. Pangkatang Gawain, Humanap ng apat na kaklase na magiging kagrupo, Pumili ng


isang sitwasyon mula sa sumusunod at lapatan ito ng maikling dula na hindi lalampas
sa sampung minuto, 1. Nagpapakita na ang wika ay nagbubunsod ng pagkakaisa ng
mga mamamayan

2. Nagpapakita na ang wika at kultura ay hindi mapaghihiwalay

3. Nagpapakita na ang wika ay mabisang instrumento sa pag-iimbak at


pagpapalaganap ng karunungan at kaalaman

4. Nagpapakita na ang wika ay maaaring bumuo o sumira

5. Nagpapakita na ang wika ay mahalaga sa komunikasyon ng mga bansa

6. Nagpapakita na ang wika ay mahalaga sa pagbubuklod ng pamilya

Daong-Kamalayan

pumili ng isang gawain.

A. Ipagpalagay na nabigyan ka ng pagkakataon na magdesisyon kung dapat ba o hindi


dapat tanggalin ang Ingles bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ano ang
iyong magiging desisyon? Kailangan ba talaga natin ang Ingles para makausap natin
ang mundo? Sa isang buong yellow pad, magsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng
iyong desisyon at ipasa ito sa guro sa susunod na pagkikita.

B. Ano ang opinyon mo sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo? Sa paggamit ba


ng wikang Filipino matatamo ng mga mag-aaral ang karunungan? Gawing isang
Facebook status ang iyong sagot. Ihambing ang likes na nakuha mo sa likes na nakuha
ng mga kaklase. Kung walang Facebook account, bigyan ng kopya ang iyong mga
kaklase. Sabihin sa mga kaklase na matapos nilang basahin ang iyong isinulat, lagyan
nila ng tsek (V) sa itaas na kanang bahagi ng papel bilang simbolo ng kanilang like
kung naibigan nila ang iyong sinulat. Kolektahin ang mga papel at bilangin kung ilang
likes ang nakuha.

AraLIN 2 Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa

Abot-Tanaw Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:

1. nailalahad ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang pambansa;

2. natatalakay ang mga dahilan sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng pambansang


wika ng Pilipinas;

3. nakabubuo ng sariling opinyon tungkol sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng


pambansang wika ng Pilipinas; at

4. nakapagsasagawa ng saliksik sa mga kasalukuyang isyung pangwika.

Lusong-Kaalaman

Dugtungan Tayo.

Dugtungan ang bawat i angan Tayo.

Dugtungan ang bawat pahayag sa loob ng kahon para mabuo ang Sikaping gamitin ang
alinman sa salitang “Tagalog," "Pilipino,” at “Filipino” sa pahayag na idurugtong

Halimbawa :Talagang masaya ang kuwentuhan... kung nasa wikang Filipino ang
usapan,

1. Mas uunlad pa ang Pilipinas...

2. Pinoy ako...

3. Kung may kaharap akong genie ngayon, hihilingin kong...

4. Sa aming bayan...

5. Iboboto ko ang kandidato sa eleksiyon kung...

Gaod-Kaisipan
Napakahalaga ng isang wika. Ito ang nag-uugnay sa lahat ng kasapi ng isang
sambayanan. Ang kahalagahan ng wika ang naging patnubay sa pagtalunton sa
masalimuot na landas tungo sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Bago pa man
dumating sa Pilipinas ang mga Kastila, mayroon nang katutubong sistema ng pagsulat
ang ating mga ninuno. Ito ang Baybayin. Binubuo ang Baybayin ng labimpitong titik o
letra. Tatlo ang patinig (a, e-i, at o-u) at labing-apat ang katinig (b, k, d, g, ng, h/, 1, m,
n, p, s, t, w, at y). Ang Baybayin ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga katutubong
Pilipino at hindi Alibata. Hindi totoong walang alam o mangmang ang mga ninuno natin
nang dumating ang mga Kastila sa kapuluan. Ang totoo, marunong silang sumulat at
bumasa at may sarili silang panitikan. Ang Baybayin ang nagpapatunay nito. Nagsulat
sila sa malalapad na dahon, biyas ng kawayan, bunga, talukap ng niyog, o sa katawan
ng puno gamit ang pinatulis na bagay gaya ng kawayan, kahoy, at bato. Nagbago
lamang ang paraang ito sa pagdating ng mga mananakop sa bansa.

Panahon ng Kastila ♡

O Sa pagdating ng mga Kastila, maraming pagbabagong naganap sa Pilipinas at Uisa


na rito ang romanisasyon ng Baybayin. Itinuro ng mga mananakop ang sistemang
Romano sa pagsulat at ipinalit ito sa Baybayin. @ Ang pagpapalaganap ng Katolisismo
ang isa sa mga layunin ng mga Kastila subalit naging malaking hadlang sa
komunikasyon ang magkaibang wikang ginagamit ng mga Pilipino at ng mga
mananakop. May mga pinunong Kastilang nagpahayag ng kanilang paniniwalang dapat
matuto ng wikang Espanyol ang mga Pilipino tulad nina Gobernador Tello, na
nagsabing dapat turuan ang mga Pilipino ng Espanyol, at Carlos I at Felipe II, na
nagsabing kailangang maging bilingguwal ang mga Pilipino (marunong sa Tagalog at
Espanyol). Iminungkahi rin ni Carlos I na ituro ang mga doktrina sa Espanyol. Maging si
Haring Felipe ng Espanya ay nagpatayo rin ng mga paaralan na magtuturo ng Espanyol
sa mga Pilipino. Subalit ang lahat ng ito ay nawalan ng saysay dahil tinutulan ito ng
mga prayle. Sa halip na turuan ng Espanyol ang mga Pilipino, sila ang nag-aral ng mga
wika sa Pilipinas. Ayon sa kanila, mas madali para sa mga misyonerong prayle ang
matutuhan ang wika ng isang lalawigan kaysa magturo ng Espanyol sa mga
mamamayan. Ikinatuwiran din nilang higit nilang makukuha ang loob ng mga Pilipino
kung nagsasalita sila sa wika ng mga ito. Noong ika-2 ng Marso 1634, muling iniutos ni
Haring Felipe II ang pagtuturo ng Espanyol sa mga Pilipino ngunit gaya ng dati,
nawalan din ito ng saysay dahil sa hindi pagsunod ng mga prayle. Dahil dito, naglabas
ng isang decreto (decree) si Carlos II na nag-uulit ng batas ni Haring Felipe II. Noong
ika-29 ng Disyembre, lumagda rin sa isang decreto si Carlos IV na nag-uutos na gamitin
ang Espanyol sa mga paaralan. Hindi rin matagumpay na naipatupad ang mga ito dahil
sa mga prayle. Sa pangkalahatan, mas nakararaming Pilipino ang hindi natuto ng
Espanyol dahil sa mahigpit na pagtutol ng mga prayle na turuan sila ng wikang ito. Ang
mga ilustrado lamang, tulad ng mga bayaning Pilipino na nakapag-aral sa Espanya, ang
natuto ng Espanyol. Gayunman, sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, nailimbag
ang kaunaunahang aklat sa bansa, ang Doctrina Christiana (1593), na nakasulat sa
Tagalog at Espanyol at kapwa nakalimbag sa Baybayin at sa alpabetong Romano.
Naglalaman ang aklat ng mga dasal na itinuro ng mga Kastila, mga sakramento, mga
utos ng simbahan, at pananampalatayang Katoliko. Maraming diksiyonaryo, aklat-
panggramatika, aklat-panrelihiyon, aklat-dasalan, at katekismo ang nailimbag sa iba't
ibang wika ng Pilipinas gaya ng Tagalog, Ilokano, Cebuano, Bikolano, at iba pang mga
wika.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino

Nang pahintulutan ng Espanya ang Pilipinas na magkaroon ng kalakalang Pandaigdig,


nakapasok sa kapuluan ang diwang malaya o liberal dala ng mga Mangangalakal mula
sa mga bansa sa Europa. Dahil dito, unti-unting naramdaman ng mga Pilipino ang
kakaiba nilang kalagayan kung ihahambing sa mga mamamayan ng ibang mga bansa
sa Europa. Ang diwang ito - kakambal ng himagsikan sa Espanya noong 1868, ang
pagbukas ng Canal Suez noong 1869, at ang paggarote sa mga paring sina Mariano
Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora noong 1872-ay nagtulong-tulong upang
magising ang diwa ng nasyonalismo. Nagningas ang sidhi ng paghihimagsik sa isip at
damdamin ng mga Pilipino. Marami sa mga ilustradong makabayan gaya nina Jose
Rizal, Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, at Marcelo H. del Pilar ang nagtungo sa
Espanya upang magtamo ng karunungang makatutulong sa kanilang layuning
magkaroon ng pagbabago o reporma sa pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas at
upang iparating sa mga opisyal ng Inang Espanya ang karaingan ng mga mamamayan.
Nagtatag sila ng kilusang Propaganda at naglabas ng pahayagang La Solidaridad.
Inilathala sa La Solidaridad ang mga artikulo ng mga propagandista sa wikang
Espanyol na naghahangad ng mga reporma para sa Pilipinas. Samantala, sa Pilipinas,
sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga Katipunero
ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan at kautusan. Sa Konstitusyong
Probisyonal ng Biak-na-Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika.
Maraming nagsipagsulat ng mga akdang makabayan sa Tagalog. Paglaban sa mga
Kastila at paghihimagsik para sa kalayaan ng bayan ang naging pangunahing paksa ng
kanilang mga akda. Tagalog ang wikang ginamit sa pahayagang Kalayaan ng
Katipunan bagaman isang kopya lamang ang nailimbag dahil nakarating agad ito sa
kaalaman ng mga Kastila. Noong panahong iyon, mas nakararaming rebolusyonaryong
Pilipino ang nagkaisa, hindi lamang sa paglaban sa mga Kastila kundi pati na rin sa
paggamit ng Tagalog. Bagaman hindi lahat ng mga rebolusyonaryo ay mula sa mga
lalawigang Tagalog o nagsasalita ng Tagalog, napatunayan nila ang bisa ng Tagalog sa
pagsulong ng kapakanan ng bayan. Nagkabuklod at nagkaisa sila sa wikang Tagalog.
Sa Konstitusyon ng Malolos noong Enero 21, 1899, itinadhanang pansamantalang
gamitin ang Espanyol bilang opisyal na wika at opsiyonal na wika ang Tagalog
bagaman noon pa ay nakita na ng mga bumuo ng konstitusyong ito ang maaaring
maging papel ng wikang Ingles sa bansa.

Panahon ng Amerikano

Nagsimula ang panahon ng mga Amerikano noong 1899 nang mailipat sa maro
Amerika ang pamamahala sa Pilipinas ayon sa kasunduang Kastila-Amerikano yan na
nilagdaan sa Paris noong Disyembre 10, 1898. Sa simula ay dalawang wika ang nyo
ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at
Espanyol. Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Halos
lahat ng mga dokumento ay nakasulat sa Ingles. Dumami na ang natutong magbasa at
magsulat sa wikang Ingles dahil ipinagbawal ang paggamit ng Espanyol sa mga
paaralan. Ingles ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng
Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Marami ring Pilipino ang nakinabang sa
programang scholarship na ipinadala sa Amerika at umuwing taglay ang kaalaman sa
wikang Ingles. Itinuro at ipinagamit ang Ingles sa kapuluan dahil sa paniniwala ng mga
Amerikano na higit silang magkakaintindihan ng mga Pilipino kung kapwa sila
nagsasalita sa wikang Ingles. Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Pilipino ngunit hindi
na laban sa mga Kastila kundi laban na sa mga Amerikano. Higit na naging masidhi ang
diwa ng nasyonalismo sa pananakop ng mga Amerikano dahil sa “Batas ng Watawat”
na nagbabawal sa pagwagayway ng bandila ng Pilipinas at “Batas ng Sedisyon” na
nagbabawal sa pagsulat ng anumang akdang makabayan at paglaban sa pamahalaang
Amerikano. Subalit hindi naawat o natakot ang mga Pilipino sa mga batas na ito.
Nagpatuloy sila sa lihim na pagsulat ng mga akdang umaakit ng himagsikan laban sa
mga bagong mananakop gamit ang mga wikang Tagalog, Espanyol, at Ingles.
Gayunman, higit na naging masigla ang paggamit ng Ingles sapagkat ito ang wikang
opisyal sa pamahalaan, edukasyon, kalakalan, at komunikasyon. A BABY IS WIT EARL

Panahon ng Hapon

Nang dumaong sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang
isang grupong tinatawag na “purista.” Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na
mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang nagawa
ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes,
ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa Konstitusyon at
gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga
Pilipino ang anumang kaisipang Amerikano at mawala ang impluwensiya ng mga ito,
Tagalog ang kanilang itinaguyod na wika. Nang panahong iyon, itinuro ang Nihonggo sa
mga paaralan ngunit binigyang-diin ang paggamit ng Tagalog. Ang Nihonggo at
Tagalog ang naging opisyal na mga wika. ng bansa sa panahong ito. Pinasigla ng
pamahalaang Hapon ang panitikang nakasulat sa Tagalog. Tinawag ang panahong ito
na "Gintong Panahon ng Tagalog" at "Gintong Panahon ng Panitikan dahil naging
masigla at maunlad ang paggamit ng wikang Tagalog sa Lukasyon at panitikan.
Maraming manunulat sa wikang Ingles ang gumamit ng 8410g sa kanilang mga akda.
Bumuo rin ng isang komisyon na naghanda ng Saligang a Palas na nagtadhana sa
Tagalog bilang wikang pambansa. Sa Artikulo IX, Seksiyon 2 - 5 Nonstitusyon ng 1943,
nakasaad na "ang Pamahalaan ay magsasagawa ng mga makbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika."

Panahon ng Pagsasarili

Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados


Unidos ang Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan
ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
Noong Pebrero 8, 1935, pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng
Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935. Ang probisyong pangwika
ay nasa Seksiyon 3, Artikulo XIII: “Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang
pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga't walang
ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga
wikang opisyal.” Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa
ay si Wenceslao Q. Vinzons, kinatawan mula sa Camarines Norte. Ayon sa orihinal na
resolusyon, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika."
Ngunit nang dumaan ang dokumento sa Style Committee, nagkaroon ng pagbabago sa
resolusyon. Ang Style Committee ang nagbibigay ng huling pasiya sa borador ng
Konstitusyon. Binago ng nasabing komite ang resolusyon at naging probisyon ito sa
Seksiyon 3, Artikulo XIV ng Kontitusyon ng 1935: “Ang Kongreso ay gagawa ng
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa
isa sa mga umiiral na katutubong wika." Sa paglulunsad ng Komonwelt, isa sa mga
unang isinagawa ng administrasyon ng noon ay pangulo ng bansa na si Manuel L.
Quezon ang pagpapatupad ng probisyon ukol sa pambansang wika. Noong Oktubre 27,
1936, ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kaniyang plano na magtatag ng Surian ng
Wikang Pambansa (SWP). Ang magiging tungkulin ng Surian, ayon sa Pangulo, ay
gumawa ng pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning
makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat batay sa isang wikang
umiiral sa bansa.

Noong nobyembre 13 , 1936

1.gumawa ng pag aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas,

2. magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa bonusa


isa sa mga umiiral na katutubong wika at
3.bigyang halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo, at paori
kang tinatanggap. Noong Enero 12, 1937, hinirang ni Pangulong Quezon ang mga
kagawad ng an alinsunod sa Seksiyon 1. Batas Komonwelt 185. Ang mga kagawad ng
unang an ng Wikang Pambansa ay sina:

 Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte) Pangulo


 Santiago A. Fonacier (Ilokano) Kagawad
 Filemon Sotto (Cebuano) Kagawad
 Casimiro F. Perfecto (Bikol) Kagawad
 Felix S. Salas Rodriguez (Panay) Kagawad
 Hadji Butu (Moro) Kagawad
 Cecilio Lopez (Tagalog) Kagawad

Nagmula sa iba't ibang panig ng bansa ang mga itinalagang kagawad upang kitang
walang partikular na wikang pinapanigan. Hindi tinanggap ni Sotto ang iyang
posisyon at pinalitan siya ni Isidro Abad.

Noong Nobyembre 7, 1937, pagkaraan ng halos sampung buwan, inilabas Surian


ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng pambansang wika. nahayag ng
Surian na ang wikang Tagalog ang halos tumugon sa hinihingi ng as Komonwelt
Blg. 184. .

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang Pangulo upang ipahiwatig ang kaniyang


umpay sa pagpapaunlad ng isang wikang matatawag na pambansang wika. ong
anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal, Disyembre 30, 1937, lumabas g
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayan
pambansang wika ng Pilipinas. Nagkaroon ito ng bisa pagkaraan ng dalawang on
matapos na maihanda at maipalimbag ang gramatika at diksiyonaryo ng Wikang
mbansa sa pagitan ng 1938 at 1940.

Noong 13 May pagbabagong naganap noong 184. Sinusugan ito ng Batas


Komonwelt ipinailalim sa tuwirang pamamal Edukasyon 3 mula sa Binago nang
lubusan ang Seksiyon 10 ng Batas ng Edukasyon ang magpapatibay ng ang
Pangulo ang magpapatibay ng pasivas hiwalay na a magiging pamantayang
pampanitikan sa lahat pampaaralan. canap Blg. 200. Ipie 1974

Noong Abril 1, 1940, inilabas ang Kautusang lases uutos nito ang kolehiyo –
1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary Samantala pinamagatang Ang
Balarila ng Wikang Pambansa ni Lopes o sa mga paaralang po sagarasana
2. pagtuturo ng wikang pambansa simula Hunyo ng pagpepe at pribado sa buong
kapuluan.

Pilipinas ay anap noong Hunyo 18. 1938 sa Batas Komone Komonwelt Blg. 333 at sa
butas na ito ang SE S pamamahala at pangangasiwa ng Pangulo ng PL 10 ng Batas
Blg. 184. Sa lumang batas ang Matibay ng pasiva sa mga suliraning pangwika. Se ng
pasiya sa mga suliraning pangwika at i panitikan sa lahat ng lathalaing opisyal at all 1.
ag ng A Tagalog-English Voorbulary at ng isang akasemates Edleston ng Wikang
Pambansa ni Lope K. Santos at ng Hunyo 4, 1946, nang matapos ang digmaan ganap
nang ipinatupad Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatakdang wikango 8: 570 na
nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansangat Sa Kasa) Sinimulan n tulan na ring
ituro ang wikang pambansa sa mga paara Filipino ar Ilang taon ding hindi napagtuunan
ng panahon ang pagpa a napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa hanggang
sa mailuklok bilang pangulo ng bansa si Ramon Magsaysa 1. wika Noong Marso 6,
1954, nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang say ang Proklamasyon 55 2 dape 12
para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso - nansa sa ib Abril 4
taon-taon. Alinsunod ito sa pagbibigay-puri sa kaarawan n a 3 dana bilang makata ng
lahi. Noong Setyembre 1955 naman sinusugan ng Proklamasyon Blg. 1So ang
paglilipat kom sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon
bilang edu paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel Quezon na kinikilala bilang
"Ama ng Tin Wikang Pambansa." Taong 1959, inilabas ni Kalihim Jose F Romero ng
Kagawaran at unan ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
nagtatakdang "kailanmat tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino."
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Tagal Blg.
96 noong Oktubre 24, 1967, na nag-uutos na ang lahat ng gusali, adine tanggapan ng
pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino. Vo sa Pilipino. Noong Marso 27, 1968
Ur inilabas ng Kalihim Tagapagpaganap na si Rafael Salas ang Memorandum Sirkuler
(SWP). Blg. 96 na nag-aatas na lahat ng letterhead ng mga tanggapa ng pamahalaan
ay dapat na nakasulat sa Pilipino at may kara upan, kagawaran, at sange Lumita nito.
Iniuutos din ng sirkular na gawin sa Pilipino ang porm mbas na Ingles sa ilalim melan
tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan, si Frat s panunumpas mamas 32
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at kulturang Pilipina

Noong 1970, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng
Resolusyon Blg. 70. Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon ng
Edukasyon, isinama ang Ingles at Pilipino (Pilipino pa ang tawag noon) sa kurikulum
mula elementarya hanggang kolehiyo, publiko man o pribado. Ang resolusyong ito ang
nagbunsod sa Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa bansa na nagpapagamit ng
Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na aralin at bilang hiwalay na
asignatura sa kurikulum mula elementarya hanggang kolehiyo. Noong 1974, sinimulang
ipatupad ang patakarang edukasyong bilingguwal sa bansa.

Noon namang 1978, iniatas ng Kautusan Pangministri ng Kagawaran ng Edukasyon


ang pagkakaroon ng anim na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo, maliban sa
kursong pang-edukasyon na dapat kumuha ng 12 yunit. Samantala, noong Marso 12,
1987, sa Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin ang Filipino sa
pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. Kasunod ito ng pagpapatibay sa
Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.

Sa kasalukuyang Panahon

Nakasaad sa Seksiyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987 na ang wikang Filipino


ang:

1. wikang pambansa ng Pilipinas;

2. dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba


pang wika; at

3. dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang


itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon kasama
ang Ingles at bilang wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon

Itinuturing ang Filipino bilang pambansang lingua franca o tulay ng komunikasyon at


unawaan ng mga Pilipinong may kani-kaniyang sosyo-etnolingguwistikong grupo.

Tagalog bilang batayan ng Pambansang Wika

Bakit Tagalog ang napiling batayan ng pambansang wika? Unang-una, gaya ng


nakasaad sa resolusyon ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP), Tagalog ang
tumutugon sa lahat ng pangunahing kailangan ng Batas 184. Lumitaw sa pag-aaral ng
SWP na Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at
ito rin ang wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan. Isa sa mga
nakapagpayaman ng panulaang Tagalog ay ang makatang si Francisco “Balagtas”
Baltazar, ang itinuturing na “Ama ng Panulaang Tagalog,"

na kinilala dahil sa kaniyang akdang Florante at Laura, bukod sa iba pa niyang mga
sinulat bago pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936, si
angulong Quezon ay pinadalhan ni Norberto Romualdez, Tagapangulo ng Komite sa
rambansang Wika ng Unang Pambansang Asamblea, ng Memorandum Sobre la
Lengua Nacional, na nagsasaad na sa lahat ng katutubong wika, ang Tagalog ang may
pinakamaunlad na katangiang panloob-estruktura, mekanismo, at panitikan-at bukas sa
pagpapayaman at pagdaragdag ng bokabularyo. Ito rin ang pinakakatanggaptanggap
sa nakararaming mamamayan; ginagamit na ito ng marami kaya't hindi na magiging
suliranin ang adapsiyon nito bilang pambansang wika ng Pilipinas. Gayunman, hindi
idineklara ang Tagalog na pambansang wika, kundi "base sa Tagalog” ang
pambansang wika. Sa kaniyang pananalita noong Disyembre 30, 1937, ipinroklama ni
Pangulong Quezon ang pagpapatibay sa adapsiyon ng Tagalog bilang batayan ng
pambansang wika ng Pilipinas at idinagdag, “and hereby declare and proclaim the
national language so based on the Tagalog dialect, as the national language of the
Philippines." Sinabi rin ni Pangulong Quezon na sa loob ng mahigit tatlong daang taon
ng pananakop ng Espanya, Espanyol ang opisyal na wika ngunit hindi ito kailanman
naging wika ng mga mamamayan. Mahigit nang isang henerasyon mula nang manakop
ang mga Amerikano at naging Ingles ang opisyal na wika at wikang panturo, ngunit ang
Ingles ay hindi naging pangkalahatang wika ng mga mamamayan. Ayon kay Pamela
Constantino (sinipi ni Vega 2010), dalawang konsiderasyon ang naging batayan sa
pagpili sa Tagalog: sentimentalismo o paghahanap ng pambansang identidad; at
instrumental o funsiyonal o batay sa gamit ng wika sa lipunan. Ang isang katutubong
wika, hindi wikang dayuhan, ang makapagpapahayag ng kaakuhan ng mga Pilipino.
Tungkol naman sa instrumental na dahilan, idinagdag ni Constantino ang dalawang
pangunahing isyu: (a) pagbubuo at pagpapadali ng komunikasyon (internal at external)
na tutulong para mas epektibo at pantay na matamo ang pangangailangan at interes ng
populasyon; at (b) paniniguro na ang iba't ibang wika ay magkakaroon ng pantay na
oportunidad na makilahok sa sistema. Nagpunyagi si Pangulong Quezon na magkaroon
ng isang wikang pambansa batay sa isang katutubong wika. Binanggit niya sa isang
talumpati na mahirap sa isang pangulo ang maging banyaga sa sariling bayang
pinagmulan kaya kailangang magkaroon ng wikang pambansang magbubuklod sa mga
mamamayan.

Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184,
na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa. Alinsunod sa naturang batas,
nalog mga kapangyarihan at tungkulin ng Surian ay ang sumusunod: 1. gumawa ng
pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas; 24 magpaunlad at magpatibay ng
isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika; at 3. bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo,
at panitikang tinatanggap. Noong Enero 12, 1937, hinirang ni Pangulong Quezon ang
mga kagawad ng Surian alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185. Ang mga
kagawad ng unang Surian ng Wikang Pambansa ay sina: • Jaime C. de Veyra (Samar-
Leyte) Pangulo • Santiago A. Fonacier (Ilokano) Kagawad Filemon Sotto (Cebuano)
Kagawad • Casimiro F. Perfecto (Bikol) Kagawad • Felix S. Salas Rodriguez (Panay)
Kagawad • Hadji Butu (Moro) Kagawad • Cecilio Lopez (Tagalog) Kagawad Nagmula sa
iba't ibang panig ng bansa ang mga itinalagang kagawad upang ipakitang walang
partikular na wikang pinapanigan. Hindi tinanggap ni Sotto ang kaniyang posisyon at
pinalitan siya ni Isidro Abad. Noong Nobyembre 7, 1937, pagkaraan ng halos sampung
buwan, inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng
pambansang wika. Ipinahayag ng Surian na ang wikang Tagalog ang halos tumugon sa
hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184. Hindi na nag-aksaya ng panahon ang Pangulo
upang ipahiwatig ang kaniyang tagumpay sa pagpapaunlad ng isang wikang matatawag
na pambansang wika. Noong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal,
Disyembre 30, 1937, lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagpapatibay sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas. Nagkaroon
ito ng bisa pagkaraan ng dalawang taon matapos na maihanda at maipalimbag ang
gramatika at diksiyonaryo ng Wikang Pambansa sa pagitan ng 1938 at 1940.

Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino

Narito ang ilang mahalagang bagay na dapat tandaan sa Tagalog, Pilipino, at Filipino.

• Tagalog - ang katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas


(1935),

• Pilipino-angunang itinawagsa pambansang wikang Pilipinas ayon sa Kautusang


Pangkagawaran na nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo
noong 1959.

• Filipino - ang kasalukuyang pambansang wikang Pilipinas, lingua franca ng mga


Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987); may
dalawampu't walong (23) letra

Tandaan na iba ang wikang opisyal sa pambansang wika. Noong 1987 lamang
ginawang parnbansang wika ang Filipino. Bago ito, ang pambansang wika ay walang
pangalan, sinabi lamang sa Konstitusyon ng 1935 na ang pambansang wika ay batay
sa Tagalog, Sa Konstitusyon ng 1973, sinabi naman na ang Kongreso ay
magsasagawa ng mga hakbang upang makabuo ng pambansang wika na tatawaging
Filipino. Ngunit hindi opisyal na ginamit ang salitang Filipino bilang pambansang wika.

Ilang Mahalagang Isyung Pangwika

Hindi lamang makasaysayan ang pagkakabuo ng wikang pambansa ng Pilipinas. May


mga suliranin at isyu rin itong pinagdaan at pinagdadaanan pa hanggang kasalukuyan.
Narito ang ilan.
1. Ang pagkakapili sa Tagalog bilang wikang batayan ng pambansang wika na mariing
tinutulan ng mga hindi nagsasalita ng wikang Tagalog. Ito ang dahilan kung bakit
kinailangan pang maglabas ng mga dahilan kung bakit Tagalog ang piniling batayan.
Dahilan din ang pagtutol na ito kaya't hindi idineklara ang Tagalog bilang pambansang
wika. Kinilala lamang ito bilang katutubong wikang batayan ng pambansang wika

2. Ang Kaniyang Tagapagpagunap Blg. 210, s. 2003 (EO No. 20) o kilala rin sa tawag
ng "Gullas Bill.” Nakasaad sa kautusang ito na ituturo ang Ingles bilang pangalanang
wika sa mga mag-aaral sa unang baitang at bilang wikang panturo á mga asignaturang
Matematika, Siyensiya, at Ingles simula sa ikatlong baitang. Nilalayon ng kautusang ito
na palakasin ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa Ingjes sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit ng Ingjes bilang wikang panturo. Sa
halip na mas paigtingin ang paggamit ng Filipino at mas palalimin ang pagkatuto at
pagpapahalaga ng mga kabataang Pilipino sa kanilang pambansang wika, ang
kabaliktaran nito ang taglay ng EO No. 210. Sa kabutihang palad, hindi naman ito
malaganap na naipatupad.

3.Ang CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, s. 2013, king, kautuvanie, me,
pumatay sa mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyoo, kasama ang
asignaturang Philippine Government and Constitution, Katuwan ng CHIED), itinuturo
naman ang Filipino mula elementarya hangyang, sekunderja, at grade 11 at 12 (sa
ilalim ng kurikulum ng K to 12) kaya maaari nang hindi mo ituro sa mga mag-aaral sa
kolehiyo. Nawalan ng saysay ang CMO No. 20 neng maglabas ng Temporary
Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema (2015) matapos magsampa ng petisyon
ang mga propesor ng Pilipino sa kolehiyo at mga mag-aaral na nagmamalasakit sa
Filipino sa pangunguna ng Tanzpl Wika, Sa pagbaba ng TRO ng Korte Suprema,
masasabing nagtagumpay ang Filipino sa laban nito. Subalit marami pa ring mga
kolehiyo at unibersidad ang hindi sumunod sa TRO at nagtanggal ng Filipino sa
kanilang kurikulum. Ceyunman, patuloy pa ring umiiral at iiral ang TRO hangga't hindi
ito binabavi ng Korte Suprema.

4.Ang negatibong saloobin ng ilang Pilipino sa wikang Filipino. Bagaman nakasaad sa


Konstitusyon na Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas, marami pa ring mga
Pilipino ang hindi kumikilala sa Filipino bilang pambansang wika. Ayon sa kanila,
Tagalog pa rin ang wikang ito na nagtatago lamang sa tawag na Filipino, Marami sa
kanila ang hindi naniniwala sa kakayahan at talino ng wikang Filipino para magamit
bilang wikang panturo sa iba't ibang disiplina gaya ng matematika at siyensiya. Hindi
nila tinatanggap na maaaring garnitin ang Filipino sa mga intelektuwal na usapan.

Ang pagtanggi at/o pag-ayaw ng maraming Pilipino mismo sa kanilang sariling wika,
kasama na ang ilang nasa pamahalaan, ang pinakamatinding "kalaban" ng Filipino. Sila
ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi umuunlad ang paggamit ng
pambansang wika sa sarili nitong bansa at marami pa ring Pilipino ang utak-kolonyal.
Mga Pambansang Samahang Pangwika Mula noong 1900s hanggang sa kasalukuyan,
naging aktibo sa pagpapaunlad at pagpalaganap ng wikang pambansa ang mga
samahang pangwika. Ang sumusunod ay ilan sa mga samahang pangwikang ito.

Sa kasalukuyan, may mga aktibong pambansang samahang pagwika na nagtataguyod


sa Filipino. Kabilang sa mga samahang ito ang

1. Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF). Itinatag


noong 1970, sa pangunguna ng mga propesor ng Filipino (Pilipino pa noon) ng
Philippine Normal College (Philippine Normal University ngayon), iba pang mga
kolehiyo at unibersidad, at mga kinatawan mula sa Surian ng Wikang Pambansa ang
Pambansang Samahan sa Linggwistikang Pilipino (PSLP). Naging PSLF ito noong
1987 alinsunod sa Konstitusyong 1987 na nagtatakda sa Filipino bilang pambansang
wika at sa bagong alpabetong Filipino. Layunin ng PSLLF ang pagpapalakas sa pag-
aaral at pananaliksik sa lingguwistikang Filipino at ang pagtataas ng propesyonalismo
ng mga guro sa larang ng edukasyon. Noong 2008, idinagdag ang “Literatura" sa
pangalan ng samahan dahil ang pagtuturo at pagpapayaman ng literatura ay isa sa
mga saklaw ng gawain ng samahan. Sa kasalukuyan, aktibo pa rin ang PSLLF hindi
lamang sa lingguwistika kundi sa iba pang larang ng karunungang nagsusulong sa
Filipino. Patuloy nitong pinalalakas ang propesyonalismo ng mga edukador sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng seminar at seminar-workshop sa mga guro
at administrador ng mga paaralan.

2. Pambansang Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS). Itinatag ito


noong 2015 at pinangungunahan ng mga propesor at praktisyoner ng salin mula sa iba't
ibang larang at disiplina. Layunin nitong tugunan ang mga isyu, hamon, at
pangangailangan ng mga nasa hanay ng pagsasalin mula sa akademya, mass media,
pagnenegosyo, at iba pa. Ilan sa mga pangunahing layunin nito ang maisulong ang
patas na pagkilala sa mga tagasalin at produktong salin, propesyonalisasyon ng
pagsasalin, akreditasyon ng mga tagasalin, training/ patuluyang pagsasanay ng mga
tagasalin, pagsisinop ng mga naisagawang produktong salin, at serbisyo/paglilingkod
sa komunidad sa pamamagitan ng libreng pagsasalin at pagbibigay ng mga libreng
pagsasanay, seminar, at seminar workshop.
3. Sanggunian sa Filipino (SANGFIL). Pinangunahan ng Unibersidad ng Pilipinas
Sentro ng Wikang Filipino (UP-SWF) ang pagbuo ng Sanggunian sa Filipino
(SANGFIL), sa isang pulong na ginanap noong 1994 na dinaluhan ng kinatawan ng
Kagawaran ng Filipino ng ilang kolehiyo at unibersidad ng bansa. Mula sa nasabing
pulong, isinilang ang SANGFIL, isang samahan ng mga akademikong institusyon na
nagtuturo ng Filipino upang mapabilis ang estandardisasyon ng wika at maipalaganap
ito sa akademya. Layunin din ng SANGFIL na mapanday ang mga tuntuning pangwika
sa paraang demokratiko sa pamamagitan ng konstruktibong consensus sa mga
kongreso nito. Pagsapit ng 2012, wala na sa ilalim ng UP SWF ang SANGFIL sapagkat
nasa ilalim ng gobyerno ang UP-SWF samantalang ang SANGFIL ay may mga
miyembro mula sa mga pribadong institusyon kaya hindi ito maaaring manatili bilang
umbrella organization ng SWF.

4. Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika. Itinatag ang


Tanggol Wika noong Hunyo 2014 sa Pamantasang De La Salle-Maynila kasabay ng
isang konsultatibong forum. Miyembro nito ang mga tagapangulo, propesor, mga mag-
aaral, at iba pang grupong nagtataguyod sa wikang Filipino. Nanguna ang Tanggol
Wika sa pakikibaka laban sa CMO No. 20, na nagtatanggal ng mga asignaturang
Filipino, Panitikan, at Philippine Government and Constitution sa kolehiyo. Kapatid na
organisasyon nito ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol
Kasaysayan), isang grupong nagtataguyod ng pagkakaroon ng required at bukod na
asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa high school. Kasunod ng
pagkatatag ng Tanggol Wika ang pagtatatag ng Alyansa ng mga Kabataang
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Kabataang Tanggol Wika).

Mula 2014 hanggang kasalukuyan, sunod-sunod ang mga forum at asemblea, diyalogo,
at kilos-protesta ng Tanggol Wika sa buong bansa para ipaliwanag at ipalaganap ang
mga adbokasiya nito, partikular na sa paglaban sa neoliberal restructuring ng
edukasyon sa Pilipinas sa ilalim ng sistemang K to 12 na nagpapalabnaw, kundi man
tuluyang nagbubura, sa edukasyong makabayan at mapagpalaya na humuhubog ng
mga mamamayang malikhain, mapanuri, at may kakayahang hubugin at baguhin ang
kanilang lipunan.ws m panjang Arguele Layag-Diwa mga panlipun A.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Naniniwala ka ba sa mga dahilang ibinigay ng mga prayle nang tutulan nila ang
pagtuturo ng Espanyol sa mga Pilipino dahil mas madali para sa kanila ang mag-aral ng
Tagalog kaysa magturo ng Espanyol? Bakit?

2. Sa iyong palagay, ano ang iba pang dahilan kung bakit ayaw ng mga prayleng
matuto ng Espanyol ang mga Pilipino? ?
3. Bakit kaya pinilit ng mga Amerikano na matuto at magsalita sa wikang Ingles ang
mga Pilipino? 4. May kaugnayan ba ang wika sa pananakop? Bakit mo nasabi ito?

5. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa? Bakit mahalaga ang
mga samahang pangwika sa pagsulong ng wika? Anoanong tulong kaya ang dapat
ibigay ng pamahalaan sa mga samahang pangwika?

B. Magsaliksik ng iba pang isyung pangwika sa kasalukuyan. Maghandang i-report ito


sa klase. Magsaliksik din tungkol sa iba pang mga samahang pangwika.

D. Ano ang opinyon mo sa naging pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang


pambansa? Makatuwiran ba para sa iyo ang naging proseso sa pagpili? Bakit? TJE.
Magsagawa ng maikling saliksik tungkol sa sumusunod na Batas Pangwika. Pumili ng
tatlong batas na sa palagay mo ay may pinakamahalagang naiambag sa pag-unlad ng
wikang pambansa. Humandang ipaliwanag sa harap ng mga kaklase ang mga
naiambag ng iyong napiling mga batas sa pag-unlad ng wika.

1. Memorandum Pangministri Blg. 523, s. 1986 (Abril 17)

2. Memorandum Pangkagawaran Blg. 196, s. 1988 (Agosto 23)

3. Atas Tagapagpaganap Blg. 335 (Agosto 25, 1988)

4. Memorandum Pangkagawaran Blg. 115, s. 1991 (Hulyo 5)

5. Resolusyon Blg. 1-93 (Enero 6, 1993) .

6. Resolusyon Blg. 3–94 (Oktubre 19, 1994)

7. Memorandum Pangkagawaran Blg. 46, s. 1996 (Abril 11)

8. CHED Memorandum Order No. 20, s. 1993

9. CHED Memorandum Order No: 59, s. 1996

Lambat-Likha

A. Sesyon sa Kongreso. Magsagawa ng isang pangkatang gawain sa pamamagitan ng


pagsunod sa mga nakatala sa ibaba.

1. Hatiin sa tatlo ang klase.

2. Ang unang grupo ay gaganap bilang mga kinatawan na pabor sa pagpili sa Tagalog
bilang batayan ng pambansang wika.

3. Ang pangalawang grupo ay gaganap bilang mga kinatawan na hindi pabor sa pagpili
sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika
4. Ang pangatlong grupo ay gaganap bilang mga mamamayang nakikinig at sumusuri
sa mga opinyon ng magkabilang grupo, Sila ang hahatol kung sinong grupo ang
mananaig sa sesyon sa kongreso,

5. Bawat grupo ng kinatawan ay pipili ng isang tagapagsalita na magbibigay ng buod


ng kanilang opinyon Pipili rin ng tagapagsalita ang pangatlong grupo ng mga tagahatol
na

6. magdedeklara ng nanalong grupo,

7. May tigdalawang minuto ang bawat miyembro ng grupo para magpaliwanag ng


opinyon ng kaniyang grupo,

8. May nakalaang sampung minuto para sa tanungan.

9. May tiglimang minuto naman ang tagapagsalita ng magkabilang grupo, gayundin ang
tagapagsalita ng mga tagahatol.

10. Ito ang rubrik na gagamitin ng ikatlong grupo para sa kanilang paghatol:

ARALIN 3 Ang Register bilang Varayti ng Wika

Abot-Tanaw

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. nasasabi kung ano ang register bilang varayti ng wika;

2. naikaklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larangang pinaggagamitan ng mga


ito;

3. nakapagtatala ng mga halimbawa ng register ayon sa iba't ibang larangan o disiplina;

4. nakasusulat ng maikling talatang ginagamitan ng mga register, at

5. nakabubuo ng word list ng mga register sa iba't ibang larangan o disiplina.

Balik-Tanaw Basahin ang mga salitang nakatala sa loob ng kahon. Tiyak na pamilyar
ka sa puga salitang ito dahil maaaring ginagamit mo ito kapag nagkokompyuter.

1. May mga salita ba sa loob ng kahon na ginagamit mo rin kapag wala ka sa harap ng
kompyuter o kapag hindi ka nagkokompyuter? Ano-ano ito? Itala sa ibaba.
2. Saang gawain mo ginagamit ang mga salitang ito maliban sa pagkokompyuter?

3. Alin-alin naman sa mga salitang ito ang tanging sa pagkokompyuter mo lamang


ginagamit?

4. Itala ang iyong sagot sa kabilang pahina.

Lusong-Kaalaman

Pangkatang Gawain.

Sundin ang sumusunod na hakbang:

1. Bumuo ng grupo na may limang miyembro.


2. Pumili ng isang miyembro na magiging tagapaglista.
3. Ilalabas ng bawat miyembro ang laman ng kaniyang bag at sasabihin niya
kung ano-ano ito.
4. Ililista sa papel ng napiling tagapaglista ang laman ng bag ng bawat
miyembro.
5. Kapag nakatapos na ang lahat ng miyembro at nailista na ang lahat ng gamit,
pagtutulungan ng lahat ng miyembro na iklasipika ang mga gamit ayon sa
gawain o larangang pinaggagamitan ng mga ito.
Halimbawa: Edukasyon Komunikasyon Pagpapaganda o Pag aayos ng sarili I
pulbo suklay , bolpen libro cell phone earphones .
6. luulat sa harap ng klase ang naging resulta ng ginawa ng bawat grupo.
7. Pagkatapos ng pag-uulat ng lahat ng grupo, pag-usapan sa klase ang mga
tanong na ito: a. Sa anong gawain o larangan kayo may pinakamaraming
nailista?
b. Saan naman pinakakaunti?
C. May napansin ba kayong mga bagay na maaaring ilista sa dalawa o mahigit
pang gawain o larangan? Ano-ano ito? 48 | Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino

Ang Register ng Wika

Bago pumasok sa alinmang paaralan, bawat estudyante ay kailangan munang


magpatala o magpa-register. Sa halalan, bago makaboto ang sino man, kailangan ding
nakatala siya o naka-register. Samakatuwid, sa edukasyon at politika, ang salitang
register ay may kahulugang "magpatala” o “magpalista." May kinalaman pa rin sa
“pagtatala” o “paglilista" ang kahulugan ng register sa araling ito. Nangangahulugan ito
ng listahan ng mga salita na may espesipikong kahulugan sa isang tiyak na larang.
Upang matiyak ang kahulugan ng isang salita, kailangang maunawaan din kung saang
larang ito ginagamit, sapagkat ang iisang salita ay maaaring magkaroon ng
magkakaibang kahulugan batay sa larang na pinaggamitan nito.

Pansinin ang usapan sa ibaba:

Milenyal: Ang dami kong bagong biling tablet ngayon!

Lolo ni Milenyal: Ay, apo, ako rin, maraming tablet - may para sa dyspepsia, rayuma, at
alta presyon!

Tablet - isang salita, pero malinaw na magkaibang tablet ang tinutukoy ni Milenyal at ni
Lolo!

Upang higit pang maunawaan ang salitang register, basahin ang artikulo sa ibaba.
Hango ito sa artikulong “Ang Kaakuhang Pilipino at Mistipikasyon sa Advertisement" ni
Prop. John Enrico C. Torralba.

Ilang taong nakararaan, dalawang malaking kompanya ng cell phone ang naglabas ng
kanilang mga patalastas upang ipakilala ang kanilang bagong serbisyo. Ang isa ay nasa
midyum ng radyo at ang isa ay sa telebisyon. Sa advertisement sa radyo, isang lalaki
ang pangunahing tauhan. Sa ad, ang tauhan ay nasa isang balisang kalagayan.
Mahahalata sa pamamagitan ng tono at himig ng kanyang boses ang pagkabalisa
habang iniisa-isa ang kanyang mga kinatatakutan kapag nawalan ng load tulad ng
posibleng pag-iwan sa kanya ng kanyang kasintahan, ang pagkawala ng kanyang mga
kaibigan o ang kawalan ng komunikasyon sa mga kamag-anak o kapamilya. Sa bawat
pagbanggit ng mga kinatatakutan, sumasalit naman ang isang tinig ng babaeng
nagsasalitang, parang robot at sinasabing “You have zero credit!" Sa pagtatapos ng
patalastas, isang masayang tinig naman ng isa pang babae ang maririnig na
nagbibigay-diin sa pangangailangang manatiling maging konektado sa ibang tao sa
pamamagitan ng regular na paglo-load ng bagong credit. Batay sa mga inilahad,
malinaw ang nais iparating ng patalastas: ang pangangailangan na magkaroon ng
palagiang prepaid load.

Ang ganito ring ideya ay malinaw sa patalastas sa telebisyon. Dito ang pangunahing
tauhan naman ay babae. Sa simula, ang babae ay magiliw na nakikipag-usap gamit
ang cell phone at tila walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Hindi
nagtagal, naging balisa ang ekspresyon ng kanyang mukha at tila unti-unting naglalaho.
Hindi siya mapakali at palinga-linga sa paligid na tila may hinahanap. Nang makita ang
isang tindahan, agad siyang tumakbo dito at bumili ng bagong prepaid load. Matapos
mailagay ang load, naging solido muli ang babae at muling masayang
nakipagkuwentuhan sa kausap sa cell phone. Samantala, nasaksihan ng isang grupo
ng nag-iinuman ang nangyari. Nagtaka ang mga nag-iinuman sa nakita at ang isa sa
kanila ay nagsabing “Loaded na yata ako!” Natapos ang patalastas na makikitang
nagtatawanan ang iba pang nag-iinuman at katulad ulit ng naunang patalastas, isang
masayang tinig din ang maririnig na nagsasabi ng pangangailangan ng palagiang
pagkakaroon ng prepaid load. dur

Sa artikulong iyong binasa, tiyak na napansin mo ang mga terminong ginamit ng may-
akda na may kaugnayan sa paggamit ng cell phone. Tiyak din na ang mga terminong
ito ay madalas mong sinasambit, lalo na kapag hawak mo o ginagamit mo ang iyong
cell phone. р D

Gaya ng paggamit ng cell phone, napakarami pang gawain na ginagamitan ng ta mga


espesyalisadong termino. Madalas, ang mga terminong ito ay hiram na mga bi salita o
mula sa mga banyagang kultura. Kasabay ng pagtanggap at panghihiram ng
banyagang kultura ang patuloy na pagdami ng mga espesyalisadong terminong hi
ginagamit ng mga tao gaya natin dito sa Pilipinas. Halimbawa, nang hiramin natin ang
kultura ng paggamit ng washing machine, ang mayamang salita natin sa paglalaba
gaya ng kuskos, kusot, piga, kula, babad, banlaw, palo-palo, palanggana, batya, at iba
pa ay nadagdagan ng mga salitang wash, rinse, spin, reserve, soak, speed, hyper
speedy, normal, mini, delicate, tub, tub hygiene, at iba pa.

Sa larangan halimbawa ng komunikasyon gamit ang cell phone, bukod sa mga


terminong iyong nabasa sa artikulo, marami pang espesyalisadong terminong ginagamit
gaya ng text, call, .outbox, unlimited text, unlimited call, message, camera, bluetooth,
postpaid, ringtone, earphone, send, inbox, at iba pa.

Register bilang Espesyalisadong Termino

Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at pang-cell phone ay


ginagamit din sa ibang larangan. Mapapansin din na kapag ginamit sa ibang larangan
ang mga terminong ito, naiiba na ang taglay na kahulugan ng mga ito. Halimbawa, OD
PID, AU 151 sa washing machine ay nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng
makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit, Sarwantala, sa paggawa
ng sinulid, nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla upang maging sinulid.
Ang text sa cell phone ay tumutukoy sa ipinadalang mensahe patungo sa isa o iba pang
cell phone. Samantala, sa literatura, ang text naman ay tumutukoy sa anumang
nakasulat na akda gaya ng tula, sanaysay, at kuwento. Ang isang salita o termino ay
maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang
pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino.

Tinatawag na register ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang


siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng iba't ibang kahulugan sa iba't ibang larangan o
disiplina. Isa pang halimbawa ng register ang salitang "kapital” na may kahulugang
"puhunan" sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang "punong lungsod"
o "kabisera" sa larangan ng heograpiya,
Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang
register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang sa inhinyero, computer programmer,
game designer, negosyante, at iba pa. Samantala, ang doktor at nars ay pareho ang
register ng wika sapagkat iisa ang kanilang propesyon o larangan-ang medisina. ...

Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa
iba't ibang larangan o disiplina rin. Espesyal na katangian ng mga register ang
pagbabago ng kahulugang taglay kapag ginamit na sa iba't ibang disiplina o larangan.
Dahil iba-iba ang register ng wika ng bawat propesyon at nagbabago ang kahulugang
taglay ng register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito, itinuturing ito bilang
isang salik sa varayti ng wika.

Isang tiyak na halimbawa ng register ng wika ang magkakaibang tawag sa binibigyan


ng serbisyo ng bawat propesyon o larangan,

Layag-Diwa

V A. Balikan ang artikulong iyong binasa. Hanapin ang mga terminong ginamit ng may-
akda na may kaugnayan sa paggamit ng cell phone. Ano ang mga terminong ito? Isulat
ang mga ito sa kahon sa ibaba. Isulat mo rin ang kahulugan ng bawat termino ayon sa
kung paano mo ito nauunawaan o batay isang karanasan sa paggamit ng cell phone.
Tingnan ang una bilang halimbawa:

ARALIN 4

Heograpikal, Morpolohikal, at Ponolohikal na Varayti ng Wika

Abot Tanaw

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. naipaliliwanag ang heograpikal, morpolohikal, at ponolohikal na varayti ng wika;

2. nasasabi kung ang mga halimbawang pangungusap ay nagpapakita ng varayti ng


wika sa heograpiya, morpolohiya, at ponolohiya; at

3. nakapagtatala ng mga tiyak na halimbawa ng varayti sa heograpiya, morpolohiya, at


ponolohiya partikular sa mga wika sa Pilipinas. Balik-Tanaw Mahuhulaan mo kaya ang
kahulugan ng mga salitang nakasulat sa Hanay A?

Hanapin sa Hanay B ang sa palagay mo ay kahulugan ng bawat salita sa Hanay A.

Isulat sa patlang ang letra ng iyong sagot. B 9

1. barikan
2. huntahan

3. tuklungan

4. gotohan d

5. magpipinindot

6. pagerperan

7. lomihan

a. nagluluto at nagtitinda ng bilo-bilo

b. nagluluto at nagtitinda ng goto

c. inuman ng alak

d. nagluluto at nagtitinda ng lomi

e. lugar ng inuman ng alak na may mga babae

f. kuwentuhan

g. kapilya

nanghihiram ka ng pera.

Ang "maganda" sa wikang Filipino ay "mahusay" sa Samar. Sa Pangasinan, ang


salitang "oras" ay "hugas" ang ibig sabihin sa Filipino; samantalang may salitang "oras”
din sa Filipino na panahon naman ang tinutukoy. Nangyayari din na nagkakaroon ng
magkaibang kahulugan sa magkahiwalay na lugar na may magkaibang kultura ang
isang salita. Halimbawa, ang salitang salvage ay nangangahulugang "iligtas o isalba" sa
Ingles.

Nang hiramin ng Filipino ang salitang ito, kabaligtaran ang naging kahulugan nito, dahil
ang salvage ay naging "pagpatay nang hindi nilitis." Ang "baka" sa wikang Niponggo ay
nangangahulugang "bobo" samantalang sa Filipino, ito ay isang hayop. Ang ganitong
pagkakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iba't ibang lugar
ang tinatawag nating heograpikal na varayti ng wika. Pansinin ang tumbasan ng mga
salitang ito:

Marami ka pang masasaliksik na iba pang katawagan sa iba't ibang bansa para sa
salitang pulis. Basahin ang mga salita sa ibaba. Ang mga ito ay mga halimbawa ng
varayti sa heograpiya: Mga Katawagan sa Tagalog-Maynila lupa lupa tumawid pating
hilom doon Katumbas na Salita sa Ibang Lugar mukha (Pampanga) daga (Ilokos)
lumiban (Tagalog-Batangas) kalapati (Iloilo) tahimik (Cebu) dito (Antique) 00 (Bikol) iyo
Morpolohikal na Varayti ng Wika Hindi lamang ang lokasyon ng mga lugar at ang
magkakaibang kultura na lumilikha ng magkakaibang katawagan at kahulugan ang
nagiging dahilan ng varayti sa wika. Ang iba't ibang paraan ng pagbuo ng salita ng mga
taong kabilang sa iba't ibang kultura ay nagiging salik din sa varayti ng wika. Basahin
ang mga pahayag na ito: “Napatak ang mga dahon." "Nasuray ang dyipni.” “Mapurol
ang ulo." Sa unang pahayag, ginamit ang salitang "napatak" para sa dahon. Sa
TagalogBatangas at sa iba pang lalawigang Tagalog, maaaring gamitin ang salitang
“napatak" para tukuyin ang mga bagay na nalalaglag o nahuhulog (mula sa itaas).
Halimbawa nito ang pangungusap na:"Tayo nang mamulot ng mga napatak na
mangga.” “Malapit nang mamunga ang sinegwelas, kayrami nang napatak na dahon.”
Samantala, sa Maynila, mas ginagamit ang "napatak" para sa tubig, gaya ng ulan at
luha. 64 | Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Sa pangalawang pahayag, ginamit ang salitang “nasuray" ng Tagalog-Batangas para sa


isang sasakyan. Sa Tagalog-Maynila, hindi sa sasakyan ginagamit ang salitang
"nasuray” kundi sa tao. Mas ginagamit ang salitang “gumegewang" o "pagewang-
gewang" kapag sasakyan ang tinutukoy. Halimbawa: “Pagewanggewang ang
sasakyang minamaneho ng lasing na drayber,” o “Gumegewang ang sasakyang
minamaneho ng lasing na drayber.” Pansinin ang pagbuo ng mga salitang “napatak” at
“nasuray.” Sa ilang lalawigang Tagalog gaya ng Batangas, ang pandiwa o salitang
nagpapakita ng aksiyon o kilos ay nakabanghay sa unlaping /na-/ tulad ng naiyak,
naulan, nakanta, at natakbo. Sa Maynila, ang pandiwa o salitang nagpapakita ng
aksiyon o kilos ay nakabanghay sa gitlaping /-um-/ gaya ng umiiyak, umuulan,
kumakanta, at tumatakbo. Kaya sa Maynila, ang napatak ay pumapatak at ang nasuray
ay sumusuray. Kung paghahambingin natin ang gamit ng mga salitang “napatak"
at“nagewang” sa Tagalog ng Batangas at Maynila, ganito ang mga pangungusap na
mabubuo natin:

Batangas: Napatak ang buko. Maynila: Pumapatak ang ulan.

Batangas: Nasuray ang auto. Maynila: Sumusuray ang paglakad (ng lasing na lalaki)..

Dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa iba't ibang lugar, nagkakaiba rin ang paraan ng
pagbuo ng salita ng mga naninirahan sa mga ito. Ang pagkakaiba-ibang ito sa pagbuo
ng mga salita dahil sa paglalapi ang tinatawag na morpolohikal na varayti ng wika. Pag-
aralan ang halimbawa sa ibaba.

Tagalog-Maynila kumain Tagalog-Batangas (iba pang lalawigang Tagalog) nakain


Camarines Sur makakan Legaspi City magkakan Aklan makaon Tausug kumaun
Bisaya mangaon Pampanga mangan
Sa pelikulang Heneral Luna, sa eksenang natimbuwang na ang heneral sa dami ng
taga at tama ng baril na tinamo, ipinakita ang isang babaeng nasa bintana ng
kumbento. Nagsalita ang babae: “Nagalaw pa ba iyan?” Ipinakikita sa pangungusap na
ito ang varayti ng wikang gamit sa Hilagang Katagalugan: "nagalaw” sa halip na
"gumagalaw."

Kasama sa mga varayti ng isang wika ang ispelingo baybay ng halimbawa ng


magkakaibang ispeling ng mga salita sa American at British SSLV Oddo American
English British English acknowledgment acknowledgement airplane aeroplane
anesthesia anaesthesia analog analogue catalog catalogue characterize characterise I
endeavor T e ndendoVI armor armour | ber bre | theater theatre -full- -fulenrollment
enrolment Bukod sa mga pagkakaiba sa katawagan at kahulugan (heograpikal na
varayt), anyo at ispeling (morpolohikal na varayti), nagkakaroon din ng pagbabago sa
bigkas at tunog ng mga salita ayon sa pangkat ng mga taong gumagamit nito.

Ponolohikal na Varayti ng Wika

Tiyak na napansin mo na magkakaiba ang bigkas at tunog ng mga salita sa bawat


lugar. Katulad ng natalakay na, lumilikha ng sariling wika ang mga taong magkakasama
sa iisang kultura at lugar. Sa paglikha ng kani-kaniyang wika, hindi maiwasang malikha
rin ang magkakaibang tunog at bigkas sa mga salita Nagkakaroon ng kani-kaniyang
dialectal accent ang bawat lugar. Halimbawa, sa Bisaya, nagkakapalitan ang bigkas
ng /e/ at /i/ at ng /o/ at /u/. Maaaring ang maging bigkas ng isang Bisaya sa "pera” ay
"pira," ang "pitaka" ay "petaka ang kuya ay “koya," at ang “bola” ay “bula." Mali ba ang
ganitong pagbigkas? Ang sagot ay hindi, sapagkat ang nagsasalita ay bumibigkas ayon
sa kaniyang dialectal acczınt. Ang pagkakaiba-ibang ito sa bigkas at tunog ng mga
salita ay tinatawag na ponolohikal na varayti. . Ang ganitong varayti sa ponolohiya ay
hindi ekslusibo sa mga wika sa Pilipinas. Nangyayari din ang mga ganitong pagkakaiba
sa bigkas at tunog sa mga wika sa daigdig.

YUNIT II:MGA KAALAMANG PANGWIKA MAS PALALIMIN AT PALAWAKIN

Mga sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Abot Tanaw .
Matapos angaralin inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

1. nailalahad ang kasalukuyang sitwasyon ng ang mga wika sa Pilipinas


2. ang kasalukuyang sitwasyon ng wikang Filipino at maging Malakay ang iba't
ibang salik na nakaaapekto sa kalagayan at pag
3. paliliwanag ang paggamit ng wikang Filipino sa iba't
4. . unlad ng wikang pambansa; matutukoy at naipaliliwanag ang paggamit 118
ibang sitwasyon at maipakikita ang pag-unlad ng wikang pambansa sa usapin ng
pananalapi at pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagtukoy at pagtalakay sa
mga terminong Filipino na ginagamit sa larangan.

B. Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay ng gawain.

1. larawan sa loob ng dalawa hanggang tatlong pangungusap ang paggamit ng wika


sa iba't ibang domain o sitwasyon:

a. Telekomunikasyon

b. Internet

C. Pahayagan

d. Telebisyon

e. Radyo

Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng ganitong paggamit ng wika sa mga nabanggit
na domain o sitwasyon?

2. Ano/Ano-ano kaya ang epekto nito sa pag-unlad ng ating wikang pambansa?

Ang Wikang Filipino sa Panahon Globalisasyon


upino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at ng ika-21 siglo, naging maugong na
usapin ang bagong anyo ng alo nito sa mga institusyong pambansa at lokal. Kaugnay
nito, Brad ang pamamalagay sa kaunlarang hatid ng wikang Ingles bilang uat kung
gayon, pangunahing wikang internasyonalisasyon ng linya ng kaisipan dumaloy ang
Atas Tagapagpaganap Sa pagpasok ng ika-21 siglo, naging maugong na usa
globalisasyon at epekto nito sa mga inst higit pang tumingkad ang pamamalagay
pandaigdiganglingua franca at kung gayon, pangunahing at globalisasyon. Sa ganitong
linya ng kaisipan dumaloy Blg. 210, s. 2013 ng dating Pangulong Gloria Mau Long
dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagtatakda ng patakaran sa
pagpapalakas sa wikang Ingles bilang midyum sro Wikang Ingles bilang midyum ng
pagtuturo sa sistema ng edukasyon sa bansa. Umani ito ng sari-saring batikos mula
ansa. Umani ito ng sari-saring batikos mula sa mga tagapagtaguyod bansa at iba pang
sektor na naging sanhi ng hindi pagpapatupad sa kautusang ito. Patunay ang nasabing
kautusan ng puna ng mantan nasabing kautusan ng puna ng mamamahayag at
propesor "Trop. Danilo Araña Arao sa kaniyang artikulo sa Pinoy Weekly: "Ang
mahalaga sa gobyerno y siguraduhing matuto tayong mag-Ingles para makalabas ng
bansa at makapagpadala ng dolyar.” Kadikit nito, nananatiling limitado ang
partisipasyon ng bansa sa pagdidikta ng sarili nitong mga patakaran para sa direktang
kabut kaniyang mga mamamayan. Bagaman masigasig ang mga tagapagtaguyod ng
wikang Filipino laban sa mind makatuwirang imposisyon ng wikang Ingles at kaisipang
maka-Ingles, lalo na sa sistema ng edukasyon, nanatili ang mga tanong hinggil sa
wikang pambansa: Nasaan ang wikang Filipino sa panahon ng internasyonalisasyon at
globalisasyon, partikular sa konteksto ng edukasyon? Sa ano-anong sitwasyon ng ating
buhay nagagamit ang wikang ito? Ang mga usaping ito, at marami pang iba, ang siyang
pagtutuunan natin sa araling ito.

Ang Wikang Filipino sa Lipunang Pilipino

Ayon kay Lumbera (2000), “Ang usapin ng wikang pambansa ay usaping


kinasasangkutan ng buhay ng milyon-milyong Pilipino na hindi nakapagsasatinig ng
kanilang mga adhikain at pananaw sa kadahilanang ang nasa pamahalaan, paaralan, at
iba-ibang institusyong panlipunan ay sa Ingles nagpapanukala at nagpapaliwanag." Sa
ganitong posisyon, mababakas ang mahalagang papel ng wikang Filipino, hindi lamang
bilang kasangkapan sa pakikipagtalastasan kundi lalo't higit, bilang instrumento sa
demokratisasyon ng lipunang Pilipino, sa pagkakamit ng mga batayang Karapatan at
pangangailangan. Nagsisilbi itong behikulo sa pagpapahayag ng mithiiin

at pagkakaisa ng mga mamamayan na humahamon sa malawakang inhustisya dulot ng


sosyo-ekonomikong agwat na pinalalala pa ng panlipunang diskriminasyon dahil sa
gahum ng Ingles. Sa paggamit at paglaganap ng Filipino, naisasakatuparan ang
tunguhin sa isang malaya at demokratikong lipunan. Sa naunang aralin, natukoy ang
estado ng wikang Filipino bilang pambansang lingua franca. Ibig sabihin, laganap na
ang paggamit nito sa kabuuan ng bansa na nagbubunsod upang maging tulay ito ng
komunikasyon ng mga mamamayang may iba't ibang wikang sinasalita. Sa katunayan,
ayon sa pambansang senso, noon pang 2000, tinatayang may 85.53% o 65 milyong
Pilipino na mula sa 76 milyon ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang may
kakayanang gumamit ng wikang Filipino. Isa sa malinaw na behikulo sa paglaganap ng
wikang Filipino ang popular na paggamit ditong midya gaya sa telebisyon, radyo,
pahayagan, at pelikula. Pangunahing midyum ang pambansang wika sa mga lokal na
estasyong pantelebisyon. Litaw ang paggamit dito sa mga balita, teleserye, reality
show, variety show, at iba pa. Laganap din ang pagsasalin sa Filipino ng mga seryeng
nagmumula sa ibang bansa sa Asya at Latin Amerika. Umuusbong na rin ang pagsasa-
Filipino ng mga pelikulang Hollywood na ipinalalabas sa malalaking estasyon.
Gayundin, mayorya sa mga himpilan ng AM at FM sa radyo ang gumagamit na ng
wikang Filipino. Naipapasok din ang ilang paggamit ng salita o pahayag mula sa iba
pang rehiyonal na wika gaya ng salitang “dugyot” sa Ilokano at "hayahay" at "ambot”
naman sa Sinugbuanong Binisaya. Ka Sa kaso ng pahayagan, nananatiling wikang
Ingles ang gamit na wika sa broadsheet samantalang Filipino naman ang sa tabloid.
May pagtatangka noon na gamitin ang Filipino sa broadsheet sa pamamagitan ng mga
pahayagang Kabayan at Numero Uno subalit hindi rin nagpatuloy ang mga ito. Sa
kabila nito, higit na mataas naman ang sirkulasyon ng mga tabloid na nasa Filipino dahil
sa pagtangkilik ng mga mambabasa, partikular yaong mula sa income bracket C, D, at
E. Ang ganitong talaban sa pagitan ng broadsheet at tabloid ang tinalakay ni Romeo
Dizon (2003) sa artikulong "Wika at Pamamahayag." Sinuri niya ang usaping
pangkapangyarihan na nabubuo sa tunggalian sa wika ng broadsheet at tabloid batay
sa uri at antas ng mambabasang tina-target nito. Mula rito, natuklasan ang nalilikhang
subkultura sa tabloid gaya ng makulay na paggamit ng wika sa pagpapadaloy ng
sensasyonal na pamamahayag. Kaugnay ng subkultura sa tabloid, pinagtuunan ng
pansin ni Dr. Reuel Molina Aguila (2005) ang tinukoy niyang "kapangahasan sa
pamamahayag," partikular sa paggamit ng wika. Natuklasan niya sa kaniyang pagsusuri
sa mga sensasyonal na balita sa tabloid ang: (1) paggamit ng double meaning; (2)
pagbibigay-kahulugan sa salitang “tunay na katotohanan” na nakasentro sa krimen at
sex; (3) hinalong kalamay ang pamamaraan ng kontemporanyong Filipino na
magkakasabay na gumagamit ng salitang Filipino, Ingles, at Kastila para maging
magaan, madaling maaunawaan, at nasa wika ng masa; (4) pormal o regular na
sumusunod sa tanggap na pamantayan

ng wika; (5) malalim na Tagalog; (6) swardspeak o lengguwaheng bakla; (7) balbal o
salitang kanto na ipinapalagay na palasak na ginagamit sa pagsasalita; (8) tuwirang
panghihiram sa Ingles; (9) Ingles na binaybay sa Filipino; at (10) bulgar at mga salitang
kadalasan ay may kinalaman sa sex. Ang mga natukoy na pagkakahalo-halo ng mga
salitang ginagamit ng tabloid ay maaaring salamin ng kalagayan ng wikang Filipino at
naglalagom sa kasalukuyang estado ng ating wika na buhay at malayang nagkakaroon
ng kontak sa iba't ibang wika na nagbubunsod naman ng pagpasok ng iba't ibang salita
sa bokabularyong Filipino. Sa kabila ng mga nabanggit, mahalagang bigyang-diin na
may paggamit pa rin ng pormal na Filipino sa mga tabloid gaya ng Balita at Pilipino Star
Ngayon. Gayundin, ang alternatibong pahayagang online gaya ng Pinoy Weekly, na
orihinal na nasa anyong tabloid, ay makabuluhan ding gumagamit ng wikang Filipino sa
kritikal na pagtalakay sa mga isyu at hamon na kinahaharap ng mga karaniwang
Pilipino. Malaon na ring Filipino ang midyum ng mga pelikulang nililikha ng malalaking
kompanyang pampelikula, bagaman kapansin-pansin ang madalas na paggamit ng
Ingles na pamagat sa kasalukuyan. Sa pag-usbong at paglaganap ng produksiyon ng
mga pelikulang indie, lumilitaw ang paggamit ng wikang Filipino at maging ang iba pang
wika sa Pilipinas sa pag-uugat ng realidad ng lipunan at pang-araw-araw na danas at
pakikibaka ng mga ordinaryong mamamayan na wikang sarili ang gamit sa pakikipag-
ugnayan. Sa pagpasok ng makabagong teknolohiya, naging espasyo sa paggamit ng
Filipino ang text/cell phone, Internet, at social media. Tinagurian ang Pilipinas na “Text
Capital of the World” dahil sa malaking bolyum ng palitan ng short message service
(SMS) sa bansa. Ang pag-iral na ito ay lumikha ng subkulturang nagtataglay ng sariling
lingo o paggamit ng wika. Matatandaang noong mga taong 2009–2010, naging popular
ang “Jejemon” na “isang uri ng wika na dulot ng teknolohiyang cell phone at ipipauso ng
malikhaing kabataang nagtaglay dito sa kategoryang ideolek” (Tolentino 2011: sipi kay
Narvaez 2016, p. 123). Nagmula ang salitang ito sa salitang "hehe" na hinahalinhan
ang letrang "h" ng letrang “J” sa wikang Espanyol kaya nagiging “jeje.” Idinagdag
naman ang "mon,” mula sa sikat na anime na “Pokemon,” na nangangahulugang
“monster.” Sa estilong Jejemon, gumagamit ng iba pang karakter bukod sa mga titik ng
alpabeto habang pinaiikli o binabago naman ang mga talagang salita upang
pagkasiyahin sa noon ay limitadong espasyong 160 karakter bawat text message.
Nakarating at nagamit din ang ganitong estilo sa pagpapadala ng mensahe sa mga
social networking site. Narito ang halimbawa ng Jejemon: “Hello po!” – “Eow pfouz” /
“3LOW POUXSZH” / “EyeOw. POE” • “Kamusta ka?” – “Uzt4H qC4h?” / “U$+@ cqa” /
“$+4h qk@” Ang pagiging dinamiko ng wika at malikhaing paggamit ng mga Pilipino ay
makikita rin sa paglaganap ng mga online game sa Internet gaya ng Defense of the
Ancients (DoTA). Isang komunidad ang nalikha sa mga manlalaro nito na nagbunsod

sa paggamit ng mga salita o katawagan na hinahalili sa mga pangalan ng hero at item


sa laro upang umangkop sa karanasang Pilipino (Concepcion 2012).

Tingnan ang ilan su mga halimbawa:

• Morphling - "kabayo"

Earthshaker - "baka"

Stone Giant - “Bondying"


Faceless Void - “Boy Budoy"

Night Stalker - “Call Center Agent"

• Magic Bottle - “bote"

Necronomicon - “libro”

Ring of Health -“singsing”

• Ironwood Branch - "kangkong" Slippers of Agility - “medyas” Samantala, naging


lunsaran naman ang social media ng popularidad ng mga pickup line at hugot line na
karaniwang nasa Filipino o Taglish. Tingnan ang sumusunod na halimbawa:

Narito ang ilan sa mga halimbawa: text (2004); OL Friendster (2007); jejemon, load,
spam, unli (2010) (2012); selfie, imba, hashtag (2014); at hugot, meme, netizen
(2010): .8 text/cell phone, Internet, at social media, hindi ang mga salitang mula rito o
ibinunga ng mga ito art. Salita ng Taon" ng Filipinas Institute of Translation o pagiging
mabisang ahente ng mga ito sa pagbabago ng wikang ga halimbawa: text (2004); blog
(2005); lobat (2006); miskol, Mala

Ang Paggamit ng Wikang Filipino sa Iba't Ibang Disiplina

Malawakan man ang paggamit sa wikang Filipino sa iba't ibang aspekto ng lipunan,
partikular sa kulturang popular, hindi maitatanggi ang hamon ha 8. Kinahaharap sa
pang-itaas na uri ng gamit o sa tinatawag na high functions tulad ng edukasyon,
batasan at hukuman, at komersiyo. Gayunman, hindi ito nangangahulugang walang
mga naging tagapagtaguyod ng wika sa mga larangang ito at sa iba pang disiplina.
Nagsilbing matibay na sandigan ang wikang pambansa at mga wika sa Pilipinas sa
panawagan ng “Pilipinisasyon sa Agham Panlipunan" noong dekada 70. Nanguna sa
paggamit

ng wikang P/Filipino sina Virgilio G. Enriquez sa sikolohiya (Sikolohiyang Pilipino), Zeus


A. Salazar sa kasaysayan (Pantayong Pananaw/Bagong Kasaysayan), at Prospero
Covar sa antropolohiya (Pilipinolohiya). Naging pangunahing tunguhin sa mga
disiplinang ito ang humango at pag-aralan ang mga konseptong Pilipino sa ganap na
pag-unawa sa identidad. Tatlong malalaking konsepto na malaon nang pinag-aaralan
sa mga disiplinang ito ang kapwa” sa Sikolohiyang Pilipino, ang ("kapatiran" sa
Pilipinolohiya, at ang "bayan" sa Pantayong Pananaw (Aquino 1999). Bukod sa agham
panlipunan, marami pang mga larangan at disiplina ang nagsisimula at/o nagpapatuloy
sa paggamit at paglilinang ng wikang Filipino. Ilan sa mga naging tagapanguna ay sina
Fr. Roque Ferriols sa pilosopiya, Hukom Cesar Peralejo sa kodigo sibil at kodigo penal,
Dr. Tereso Tullao Jr. sa ekonomiks, Dr. Bienvenido Miranda sa kemika/kemistri, at Dr.
Jose Reyes Sytangco sa medisina. Samantala, naging masigasig din ang UP Sentro ng
Wikang Filipino (SWF) sa pagbubuo ng pananaliksik sa wikang Filipino sa iba't ibang
disiplina gaya ng agham pampolitika, biyolohiya, patolohiya, botanika, agham
pangkompyuter, mataas na matematika, at agham, teknolohiya, at lipunan.
Nakapaglathala na rin ang SWF ng mga glosari sa iba't ibang larangan gaya ng
edukasyon, pagpaplanong urban at rehiyonal, at paggawa ng damit. Mahalaga ang
ganitong mga proyekto sa pagbulina ng teknikal na Filipino na magagamit sa
publikasyon, pananaliksik, at aplikasyon.

Narito ang ilang mga halimbawang entri sa mga nabuong glosari:

Glosari sa Edukasyon (Reyes-Otero et al. 2002)

• abstraktong pag-iisip (abstract thinking) - pag-iisip sa pamamagitan ng konsepto at


pangkalahatang prinsipyo.

bahagyang bingi (hard-of-hearing) - taong nawalan ng pandinig kaya hirap maunawaan


ang sinasabi ng iba.

daluyan ng komunikasyon (channel of communication) - ang landas na sensorimotor na


sa pamamagitan ng pananalita nailipat, halimbawa, pakikinigpagsasalita, pagkita-
paggalaw, at iba pang mga posibleng kombinasyon.

dimensiyong olfaktori (olfactory dimension) - tumutukoy ang aspektong ito ng


komunikasyon sa pagbibigay ng kahulugan sa amoy ng kausap. Nagpapahalaga ang
ibang kultura sa amoy ng tao.

estratehiya sa pagtuturo (strategy of teaching). - malawak na pamamaraan ng


pagtuturo. hyu (hue) - pagtaya sa pangalan ng kulay upang maipakita ang posisyon nito
sa ispektrum o sa color wheel.

madaling paglilipat ng natutuhan (low-road transfer of learning) - tumutukoy sa tuloy-


tuloy at awtomatikong paglilipat ng mga kakayahang lubhang pinagsanayan. open-
ended item – tanong na nagbibigay sa respondent ng kalayaan sa pagsagot.

retroaktibong inhibisyon (retroactive inhibition) - huminang kakayahan na alalahanin


ang dating natutuhang impormasyon dahil sa pagkatuto ng bagong impormasyon.
videotele-conferencing - teknolohiyang pang-distance education na nag-uugnay ng one-
way video at two-way audio sa pamamagitan ng telepono mula sa nagpapadala ng
video at ng mga lugar na tumatanggap dito.

Glosari ng mga Salita sa Pagpaplanong Urban at Rehiyonal (Gomez et al. 2013)

abattoir - lugar ng katayan ng mga baboy, baka, at iba pang nakakain na hayop, na
maaaring pinapatakbo ng pamahalaang-lokal.

access management - proseso ng pamamahala sa pagpapaunlad ng lupa kasabay ng


pagpapanatili sa kaayusan kaugnay ng kaligtasan, dami, at bilis ng daloy ng trapiko.

bahúra - umbok ng bato, buhangin o tangrib, gaya ng matatagpuan sa baybayin, na


maaaring sadsaran ng maliliit na sasakyang pandagat.

gubat – likas at malawak na sukat ng lupa na punô ng mga punongkahoy at ilahas na


halaman at hayop.

húbog-lupà – proseso o arte ng pagsasaayos ng anyo, itsura, at mga bagay na


nakaugat o nakapatong sa isang nakatakdang lupa upang maging higit na kapaki-
pakinabang at kaaya-aya ito sa mga taong gagamit.

isáhang biyahe - isang pampasaherong biyahe gamit ang isang sasakyan lamang,
tulad ng isang biyahe ng kotse o bus.

intermodal transportation - paglilipat ng tao o bagay o gamit sa iba't ibang paraan, gaya
ng sasakyang panlupa, panghimpapawid, at pandagat.

komprehensibong planong pangkaunlarán (comprehensive development plan/ CDP) -


pangkalahatang plano sa mga gawaing pangkaunlaran ng isang komunidad at ng
pamahalaang-lokal. Ipinaliliwanag ng dokumento ang mga aktibidad sa mga larang ng
kaunlarang-panlipunan, pang-ekonomiya, pampamahalaan, pangkapaligiran, at ang
pisikal na mga estrukturang kailangan.

paisáhe (landscape) - tanawing pangkalikasan tulad ng bundok, parang, at kagubatan.

Glosari sa Paggawa ng Damit (Caragay et al. 2016)

• absorbensi (absorbency) - kakayahan ng hibla na sumipsip ng halumigmig (moisture).

bagsak (drape) – ang hulog ng tela kapag nakasuot sa katawan o bagay.

edging - uri o pamamaraan ng pagtahi ng dulo o gilid ng tela gamit ang overedging (3-
thread) o overlock (4- o 5-thread) machine. Ginagawa ito upang hindi matastas ang raw
edge ng tela.
estambre (yarn) - mahabang himaymay ng sinulid na maaaring gawa sa sa sintetikong
materyal o grupo ng hiblang pinagsama at pinilipit.

grading - paraan ng pagpapalaki o pagpapaliit ng padron na nasa tamang proporsiyon


upang makagawa ng iba't ibang sukat.

gusot, lukot, tupi (crease) - nalilikha kapag pinaplantsa sa pinagtupian ng tela.

hibla (fiber) - pinakamaliit na bahagi ng telang maaaring gawa sa natural (mula sa


halaman o hayop) o gawa ng tao.

lilipera (hemmer) - manggagawang nagtatahi ng laylayan ng damit gamit ang kamay o


makina. •

maong - isang uri ng telang gawa sa cotton na may katamtamang bigat. Kadalasang
ginagamit sa paggawa ng pantalon

Sa mga nabanggit na halimbawa, makikita ang paglago ng wikang Filipino na


sinasalamin ng mga salitang partikular na ginagamit sa mismong larangan. Bukod sa
mga katutubong salita, kapansin-pansin ang naging ambag ng mga wikang banyaga,
gaya ng mga salita mula sa Espanyol (hal., bahúra, paisáhe, estambre), Pranses (hal.,
abattoir), at Ingles (hal., open-ended item, intermodal transportation, edging). May mga
entri naman na binabaybay sa kaayusang Filipino ang salitang hiram (hal., dimensiyong
olfaktori, hyu, absorbensi), tinatapatan ng mga salitang taal (hal., bahagyang bingi para
sa hard-of-hearing; gusot, lukot, tupi para sa crease) o ng malaon nang tinanggap na
bahagi ng ating wika (hal., komprehensibong planong pangkaunlarán), at tinatakdaan
ng teknikal na pagpapakahulugan (hal., húbog-lupà). Patunay lamang ito ng pagiging
dinamiko ng wikang Filipino at ang papel ng mga wika sa patuloy na pagpapaunlad dito.
Tiyak na lalo pang malilinang at maipalalaganap ang paggamit ng pambansang wika sa
iba't ibang larangan at disiplina sa pamamagitan ng aktibong pananaliksik at
paglalathala.

Lunan ng Wikang Filipino sa Global at Internasyonal na Edukasyon

Ang limitadong pagtingin sa usapin ng global education at internationalization of higher


education ay nagbunsod ng pananaw sa dominanteng papel ng wikang Ingles sa
akademya. Sa ganang ito, mahalagang linawin muna ang dalawang konsepto upang
matukoy ang epekto nito sa sitwasyon ng wikang Filipino. Ayon kay Nelmida-Flores
(2016), may pagkakaiba subalit magkapanabay ang global education at
internationalization of higher education sa konteksto ng edukasyon. Ang una ay mas
ekonomik at higit na nakatuon sa marketing ng mga programang internasyonal,
komersiyalisasyon at korporatisasyon, at bentahe sa negosyo. Samantala, ang huli ay
nagbibigay-pansin sa estadong internasyonal ng mga kolehiyo at unibersidad na may
kinalaman sa akwisisyon ng kaalaman at paglilinang ng kurikulum. Sinasabing ang
isang akademikong institusyon ay maituturing na may estadong internasyonal kung
marami itong mga banyagang mag-aaral, banyagang bisitang propesor, at programang
internasyonal. Nagiging kaagapay ng internasyonalisasyon ng unibersidad ang global
na edukasyon sa aspekto ng paglalabas-masok ng mga banyagang mag-aaral at
kaguruan (student-faculty mobility); pagpapaunlad sa mga mag-aaral, kawani, at
kaguruan; at akademikong pamantayan at pagtitiyak ng kalidad (academic standards
and quality assurance). Kongkretong naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng mga kasunduan at partnership sa pagitan ng mga opbersidad.

May kasaysayan man sa usapin ng globalisas ng edukasyon, ang pag-uugnayan sa


pagitan ng inga nagiging pagkakataon din para sa pagpapakilala ng kani kasaysaysan.
Pinatitingkad ito ng pagiging bukas ng mg pananaw at sa lumalakas na taguyod sa
green politics, nan multilingguwal at multikultural. Itinutulak nito ang pagting wika at
kultura ay magpapayaman sa kaalaman at karunungan Intes Wia Rone Busa Prip
usapin ng globalisasyon at internasyonalisasyo nayan sa pagitan ng mga akademikong
institusyon ay sa pagpapakilala ng kani-kaniyang wika, kultura, a ng pagiging bukas ng
mga institusyon sa iba't ibang kas na taguyod sa green politics, na naniniwalang ang
mundo a ural. Itinutulak nito ang pagtingin na ang dibersidad sa Papayaman sa
kaalaman at karunungan ng bawat mamamayan elmida-Flores 2016). Sa kaso ng
wikang Filipino, dumarami na ang mga tusyong nagkakaloob ng asignatura at programa
sa ating pambansang (OEL "des sa mi page Flore 2009 Rusa Mul Pra ban Ene Lord
Prog sa e Virg Nec wika. Ilan sa mga ito ang sumusunod: Japan - Osaka University;
Kyoto University; Tokyo University of rose Takushoku University China - Beijing Foreign
Studies University; School of Foreign Languages University; Yunnan Minzu University
(may planong magbukas ng Pos Filipino) South Korea: Busan University of Foreign
Studies Russia: Moscow State University; Saint Petersburg University France:
Sorbonne University; Institut National des Langues et Civilisations Orientales (INALCO)
United States: University of Hawai'i at Mānoa; University of Michigan; University of
California, Los Angeles; University of California, Berkeley; Columbia University; Cornell
University; The University of Utah; The University of Iowa 70 hayskul sa San Diego
Mahalagang banggitin na ilan sa mga nasabing unibersidad ay hindi lamang nagtuturo
ng wikang Filipino. Sa kaso ng INALCO sa France, itinuturo rin ang wikang Ilokano,
Bisaya, at Mangyan. May programa naman sa Philippine Studies ang Osaka University.
At, sa kaso ng University of Hawaiʻi at Mānoa, malaon nang naitatag ang Departamento
ng Filipino, Departamento ng Ilocano, at Institute of Philippine Studies Nagbunsod ang
pagtuturo at paglaganap ng wikang Filipino sa ibayong-dagat sa mga publikasyon sa
wika. Sa Russia, binuo nina Manuel Cruz at Sergey ang Tagalog-Russian Dictionary
noong 1959 at Russian-Tagalog Dictionary noong 1965. Kapwa ito inilimbag ng State
Publishing House of Foreign and National Dictionaries sa Moscow at pinamatnugutan ni
Vladimir Makarenko. Si Makarenko rin an umulat ng Wikang Pilipino Textbook para sa
mga mag-aaral sa ikatlo at ikaapat na taon Join ulet naman ng Pilipinong si Cenes
Camporedondo at Thai na si Anchalee Wiews ang librong alunnuninnon sanuk kap
phasa Tagalog/ (2013) na nagtustoon wikang Tagalog gamit ang sulat Thai. Bahagi ito
ng serye ng mga wikang ASEAN inaaral sa Thailand bilang paghahanda na rin sa
integrasyon ng rehiyon ASEAN

Integration. Patuloy rin ang pagdedebelop ng android app na Panimulang Pag-aaral ng


Wikang Filipino (2016) nina Jovy M. Peregrino, Kim Dong Yeob, Althea Enriquez, at
Ronel Laranjo. Sa ngayon, ang nasabing app ay eksklusibong nagagamit pa lamang sa
Busan University of Foreign Studies (BUFS). Sa kabilang dako, 40 salita naman mula
sa Pilipinas na halaw sa "Philippine English" ang naidagdag sa Oxford English
Dictionary (OED). Ilan sa mga ito ay ang " presidentiable," "carnap," "salvage;"
"balikbayan," “despedida," “kikay," "barkada," "halo-halo,” at “KKB." Naging daan ang
pag-aaral ng wika, kultura, at kasaysayang Pilipino sa pagpapalitan ng mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng pagsasalin (NelmidaFlores 2016). Ginawaran ni
Pangulong Arroyo ng Presidential Medal of Merit noong 2009 si Dr. Igor Podberedsky
na siyang nagtatag ng Russian Rizaliana at nagsalin sa Ruso ng mga nobela nina Jose
Rizal, Nick Joaquin, F. Sionil Jose, at N.V.M. Gonzales, Mula sa wikang Pangasinan,
naisalin naman ang librong Murtami, isang koleksiyon ng mga tula ng makatang si
Santiago B. Villafania, sa wikang Hindi. Isinalin ito ni Prakashak Sahitya Bhandar noong
2013 at pinamagatang Premanjali. Sa kabilang banda, si Bienvenido Lumbera ay
nagsalin sa Filipino ng mga klasikong dula gaya ng Enemies (Kaaway) ni Maxim Gorky,
Bodas de Sangre (Kasal sa Dugo) ni Federico Garcia Lorca, at Julius Caesar (Julio
Cesar) ni William Shakespeare. Sa pamamagitan naman ng Programang Palitang
Salin, nangampanya ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa embahada ng iba't
ibang bansa sa tunguhing maisalin sa Filipino ang mga bantog na akdang banyaga. Ilan
sa mga matagumpay na naisalin ay ang sumusunod: salin ni Virgilio S. Almario ng
Gitanjali ni Rabindranath Tagore; salin ni Allan Derain ng The Necklace (Ang Kuwintas)
ni Guy De Maupassant; salin ni Fidel Rillo ng Seven Stories (Pitong Kuwento) ni Anton
Chekhov; at salin ni Christopher Nuyles ng Tagalische Verskunst ni Jose Rizal. May
mga komersiyal na publikasyon na ring nagsalin ng mga popular at kontemporanyong
akda sa wikang Filipino gaya ng Harry Potter and the Sorcerer's Stone ni J.K. Rowling,
Twilight (Takipsilim) ni Stephenie Meyer, The Hunger Games ni Suzanne Collins, at
Fifty Shades of Grey ni E.L. James. 1

Layag-Diwa

A. Basahin at suriin ang sumusunod na pahayag. Pag-usapan sa klase kung sa anong


sitwasyon makikita ang nasabing paggamit ng wikang Filipino.

1. Da best talaga ang mangga dito! #wheninGuimaras #bakasyongrande


2. May kakulangan sa enzyme na lactase ang ilang populasyon ng tao.

3. "Ampness” ka. “Stunner" ako ha.]

4. Mabuhay! Ako ay si Giovanni, Italyano ako,

5. Duwelo sa birthday party: 1 patay, 1 sugatan

6. Wer na u? Dito na us. =)

7. Sa isang right angle, ang sukat ng pinakamahabang bahagi nito na tinatawag na


hypotenuse ay katumbas ng square root ng suma ng square ng 2 sides.

8. Basta FLYER, SEAT lover!

9. Todo tanggi ang charcoal vendor sa alegasyon at iginiit na planted ang ebidensiya.

10. Hindi ba't ikaw rin ang nagsabi sa akin na kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal
natin kasi may bagong darating na mas okay?

ARALIN 6

ARALIN 6 Conative, Informative, at Labeling na Gamit ng Wika

Abot-Tanaw
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. nabibigyang-kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika na conative,


informative, at labeling;
2. nailalahad ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na conative, informative, at
labeling; 3.
3. nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika na conative,
informative, at labeling; at
4. nakasusulat ng sanaysay tungkol sa naobserbahang gamit ng wika sa
pagbabalita sa telebisyon.

Balik-Tanaw

Iba't ibang tao ang nakasasalamuha natin sa iba't ibang pagkakataon. Madalas kaysa
hindi, nakikipag-usap tayo sa mga taong nakasasalamuha natin. Ang pakikipagusap
natin sa kanila ay may iba't ibang intensiyon at gamit ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
Maaaring ang intensiyon natin ay magtanong, pumuri, maglinaw, at magpaliwanag.
Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Kapag pamilyar sa iyo ang pahayag o kaya ay
nasabi mo na ito minsan, gumuhit ng isang masayang mukha (©) sa unahan ng bilang
nito. Kapag ang pahayag naman ay hindi pamilyar sa iyo o hindi mo pa nasabi kahit
minsan, gumuhit ng puso (TM) sa unahan ng bilang nito. __

1. Mahusay magturo ang mga guro sa aming paaralan. –

2. Umalis ka ngayon din!

3. Paborito ng kapatid ko ang KathNiel.

4. Pilipino ako.

5.May bagong pelikula sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

6. Ako ang prinsesa ng selfie.. –

7 Huwag tayong magkopyahan ng sagot.

8. Adik ka!

9. Tulungan mo naman akong gumawa ng report ko.

10. Hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo. __

11. Jologs ka ba?

12. Kuwentuhan mo naman ako ng napanood mong pelikula. ___


13. Malapit na ang bertdey ko.

14. Ayaw ako palabasin ni Kuya Guard.

15. Dapat mag-aral tayong mabuti.

Ilan sa mga pahayag ang naguhitan mo ng masayang mukha? Ilan naman ang
naguhitan mo ng puso? Naaalala mo ba kung saan-saang sitwasyon mo sinabi ang
mga pahayag na ito?

Lusong-Kaalaman

Ano ang Sasabihin Mo. Isulat ang mga sasabihin mo sa sumusunod na sitwasyon.

1. Pumasok ka sa auditorium ng inyong paaralan. Nakita mong okupado na ng mga


estudyante ang mga upuan maliban sa isa na walang nakaupo pero may bag na
nakalagay. Alam mo na ang may-ari ng bag ay ang estudyanteng nakaupo sa tabi ng
upuang may bag. Ano ang sasabihin mo sa may-ari ng bag para magamit ang
bakanteng upuan?

2. Si Maribel ang pinakamatalino sa kanilang klase. Matataas ang kaniyang mga marka.
Mahusay siya sa lahat ng asignatura. Kapag wala pa ang guro, nakaupo lang siya at
nagbabasa ng libro. Kapag recess naman, hindi siya nakikipagkuwentuhan habang
kumakain. Sa halip, nagbabasa siya at pinagaaralan ang kanilang mga leksiyon. Kapag
sumasali siya sa kuwentuhan, mas gusto niyang pinagkukuwentuhan ang itinuro ng
kanilang mga guro. Madalas, ang estudyanteng gaya ni Maribel ay binabansagan o
binibigyan ng iba't ibang pangalan ng kaniyang mga kaklase. Ano-ano sa palagay mo
ang pangalang ibinibigay o ibinabansag sa mga estudyanteng gaya ni Maribel?

3. Habang nakasakay ka sa dyip papasok sa eskuwen homoloanahong sinasakyan


mong dyip. Pagkatapo nagtatakbuhang mga tao na may dala-dalang mga gamit sa
bahay. Narinig mong may sumisigaw ng “Sunog! Sunog!" Nang tumingin ka sa labas ng
dyip, nakita mo ang makapal na usok at malaking apoy mula sa mga nasusunog na
bahay. Pagdating mo sa eskuwelahan hinanap mo kaagad ang mga kando ta sa kanila
ang tungkol sa sunog. Ano ang sasabihin mo sa kanila? ibal

4. Mahilig manghiram ng mga gamit mo ang iyong kaibigan. May mga gamit ka pa sa
kaniya na hindi pa niya ibinabalik kahit sinabihan mo na siya. Kanina, nanghihiram uli
siya ng bag at sinturon pero ayaw mo na muna siyang pahiramin hangga't hindi pa niya
ibinabalik ang mga gamit mong nasa kaniya pa. Ano ang sasabihin mo sa kaniya?

Gaod-Kaisipan

SOUNCIOS Basahin ang nakasulat sa larawan na nasa kanang bahagi. Ano ang ibig
sabihin ng “bawal tumawid"? BAWAL TUMAWID Ano ang ipinahahatid ng pahayag na
“may MAY namatay na dito"? Ano ang gamit ng wika så NAMATAY NA RITO. pahayag
na “Bawal tumawid may namatay na rito"?

Ang Conative, Informative, at Labeling na Gamit ng Wika

· Wika ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon. Ito ang instrumento sa


paghahatiran ng mensahe at palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap May mo gamit
ang wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita. Halimbawa, sa larawan sa itaas, ang
intensiyon ng pahayag na "Bawal tumawid may namatay na rito” ay magbigay ng
babala sa mga taong tumatawid sa kalsada sa pamamagitan ng pag-uutos na “bawal
tumawid" at sa pagbibigay ng impormasyon na “may namatay na rito." May ganito ring
uri ng babala na mababasa tayo sa kalsada: Nagbibigay rin ng impormasyon ang
pahayag na “walang tawiran" at "nakamamatay." Hindi lamang sa mga babala natin
nakikita o nababasa ang

mga pahayag na nag-uutos at nagbibigay ng WALANG impormasyon. Kapag panahon


ng eleksiyon, TAWIRAN palagi nating naririnig o nababasa ang mga NAKAMAMATAY
pahayag na conative sa mga politikong kandidato tulad ng, "Huwag po ninyong
kalimutang isulat ang pangalan ko sa inyong balota!" Naririnig din natin ang mga
pahayag na nag-uutos sa mga komersiyal sa telebisyon kapag pinabibili tayo ng mga
produktong iniendorso tulad ng, "Ano pang hahanpin mo? Dito ka na! Bili na!" Sa mga
talumpati ng pangulo, madalas nating marinig ang kaniyang pakiusap na, "Magtulungan
po tayo para sa pag-unlad ng ating bayan.” Ayon kay Roman Jakobson (1960; sipi kay
Herbert 2011), kabilang sa mga gamit ng wika ang conative, informative, at labeling. Sa
mga sitwasyong naiimpluwensiyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng pakiusap
at pag-uutos, conative ang gamit natin ng wika. Nakikita rin ang conative na gamit ng
wika sa mga pagkakataong gusto nating humimok o manghikayat, may gusto tayong
mangyari, o gusto nating pakilusin ang isang tao.

Halimbawa ng Conative na Gamit ng Wika

Narito ang halimbawa ng isang maikling sanaysay na naglalaman ng conative na gamit


ng wika.

Tuwing Darating ang Eleksiyon

Isa ang panahon ng eleksiyon sa maituturing na mahalagang panahon sa ating bansa.


Mahalaga ito sapagkat sa panahong ito tayo pumipili ng mga taong gusto nating
maglingkod sa atin. Huwag nating ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating bayan sa
mga kandidatong hindi karapat-dapat na maglingkod sa atin. Dapat na maging matalino
tayo sa pagpili ng mga kandidatong iboboto natin. Huwag tayong basta maniwala sa
kanilang mga sinasabi at ipinapangako. Lagi nating isaisip ang tatlo hanggang anim na
taong pag-upo nila sa puwesto. Kapag nagkamali tayo sa pagpili sa kanila, hindi natin
sila kaagad mapapalitan. Kung dati nang nanalo ang kandidato at tumatakbong muli,
balikan natin ang kaniyang naging paglilingkod. Balikan natin ang kaniyang mga
nagawa. Alamin natin ang mga naitulong niya sa pagsulong ng bayan, at saka tayo
magdesiston kung muli ba natin siyang pagkakatiwalaan o hindi na. Kapag bagong
tumatala ang kandidato, alamin natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
kaninars propesyon, pamilya, at pagkatao. Huwag tayong magpadala sa tamis ng
pananalita ng isang kandidato.

Tuwing darating ang eleksiyon, gamit mg ang eleksiyon, gamitin natin at huwag
balewalain ang isang la sa atin ng demokrasya- ang pagboto. Piliin natin ang mga
kandidatong maglilingkod sa atin. Nasa matalino nating pagpapasiya nakas ang
kinabukasan ng ating bayan. y mo ba kung ano-anong pahayag sa talata ang
nagpapakita ng conative na gamit ng wika? Salungguhitan mo ang mga ito. vayundin,
madalas na nakaririnig at nakababasa tayo ng mga pahayag na nagbibigay ng
impormasyon. Sa panonood natin ng balita sa telebisyon o sa pakikinig sa radyo, Ibat
ibang impormasyon ang nakukuha natin tungkol sa mga pangyayari at mangyayari sa
ating bansa. Maraming impormasyon din tayong nakukuha sa pagbabasa ng mga
pahayagan, magasin, at iba pang babasahing nagbibigay sa atin ng mga karagdagang
kaalaman. Kahit sa mga simpleng pakikipag-usap o pakikipagkuwentuhan natin sa
ibang tao, maaari din tayong makakuha ng mga impormasyon, layo man ay
nagbabahagi rin sa iba ng mga impormasyong alam natin.

Informative na Gamit ng Wika

Sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa isang tao, nagbibigay ng mga datos
at kaalaman, at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig natin,
informative ang gamit natin ng wika. Narito ang isang maikling talata na nagbibigay ng
impormasyon.

Bagong Bayani ni

Dolores R. Taylan

Sa kabila ng hindi magandang mga balita tungkol sa mga OFW, patuloy pa rin ang
maraming Pilipino sa pangingibang-bayan upang magtrabaho. Bakit nga ba napipilitang
umalis ang mga Pilipino sa Pilipinas? Ano ang nagtutulak sa kanila para lisanin ang
sariling bayan at magpasyang sa ibang lupain na lamang magtrabaho at mag-alay ng
kanyang lakas, galing, at talino? Sa tanong na ito, marami kaagad ang mga susulpot na
kasagutan. Pinakakaraniwan nang maririnig ang sagot na para mahanap ng mas
magandang kapalaran o "greener pasture.” Marami ang nagsasabi na para kumita ng
dolyar, mapag-aral ang mga anak, makapagpatayo ng sariling bahay, makabili ng
sasakyan, makaipon ng perang pangnegosyo, at iba pa. Kung susumahin ang mga
pahayag na ito, halos lahat ay patungo sa iisang dahilan lamang ang paghahanap ng
mas mabuting oportunidad sa trabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang
pamilya. Kahirapan ang pinakakaraniwang dahilan ng aksiyon ng mga Pilipino, lalo na
ng kababaihan, na lisanin ang Pilipinas at iwan ang maghanapbuhay sa ibang bansa.

karaniwang kinahihinatnan ng mga Pilipino pagsapit nila Subalit, ano ang karaniwang
kinahihinatnan ng anilang nakatakdang pagtrabahuhan? Lahat ba ng kanilang pangarap
sa bansang kanilang nakatakdang pagtrabah ilang pamilya ay nabibigyang-katuparan?
Gumaganda nga ba ang buhay para pati na ng kanilang pamilya dahil sa kanilang
pangingibang-bayan maikakailang may mga Pilipinong nagtatagumpay Bagama't hindi
maikakailang may mga Pilipinon katuparan ng mga pangarap sa labas ng bansa,
malungkot isiping mataas ang bilang ng mga Pilipinong ang kinauuwian ay ang
kabaligtaran ng pinapangarap at inasahan. yunman, sinisikap naman ng iba't ibang
ahensiya ng pana magkaroon ng hanapbuhay sa Pilipinas upang hindi na mangbang
maraming Pilipino. Sa pagdalaw ng pangulo sa iba't ibang bayan, ang mga
mangangalakal na magtayo ng negosyo sa Pilipinas upang mana trabaho ng mga
Pilipino sa bansa. Sinisikap din ng parnahalaan na matuguna pangangailangan ng mga
OFW lalo na yaong hindi maganda ang sinapit na kapalaran Hindi sila pinababayaan
sapagkat sila ang mga bagong bayani ng ating bayan Ano ang paksa ng sanaysay?
Ano-anong impormasyon ang mahahango mula sa sanaysay? Itala mo ang mga ito sa
iyong kuwaderno. Ngayon naman, basahin mo ang mga nakasulat na salita sa loob ng
kahon. King of Comedy pasaway bagong bayani terror · jejemon Fallen 44 pambansang
kamao walking calculator fashionista Queen of All Media c jologs Asia's Song Bird Jack
of all trades PNoy Iskolar ng Bayan Lasalista Pamilyar ka ba sa mga salitang nabasa
mo? Ano ang mga salitang ito? Ang mga ito ay mga panawag o bansag sa mga tao o
grupo ng tao. Lahat ng tao ay maaaring bigyan ng panawag o bansag, kilala man sila o
hindi. Saan kaya ibinabatay ang pagbibigay ng mga ganitong bansag? Ikaw,
nakapagbansag ka na rin ba o nakapagbigay ng ibang tawag sa iyong kakilala? Saan
mo ibinatay ang tawag na ibinigay mo sa kaniya? Madalas, nagbibigay tayo ng bagong
pangalan, tawag, o bansag sa mga tao batay sa pagkakakilala o pagsusuri natin sa
kanila. Sinusuri natin ang mga taong nakakasalamuha natin- ang kanilang ugali, pisikal
na anyo, trabaho, hilig, gawi, at iba pa. Ang pagsusuri natin sa kanila ang nagbibigay-
daan para bansagan o bigyan natin sila ng label o katawagan. Halimbawa, sa pisikal na
anyo, kapag mas matangkad sa karaniwan ang isang tao, binabansagan siya ng
“Jojong tangkad” (kung Jojo ang pangalan). Kung minsan naman, batay sa trabaho ang
pagbibigay ng bansag sa isang tao. Halimbawa,

"Tonyong magtataho" kung ang trabaho ay paglalako ng taho. Sa paaralan, may


tinatawag ang mga estudyante na “Kuya Guard,” “Ate Xerox,” “Manong/Manang Jani,”
at iba pa. Nakabatay ang tawag na ito sa trabaho nila sa paaralan bilang guwardiya,
nagpo-photocopy, o tagapanatili ng kalinisan.

Labeling na Gamit ng Wika

Labeling ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa
isang tao o bagay. Sa literaturang Pilipino, may mga manunulat na gumamit ng bansag
o label sa kanilang mga tauhan. Marahil ay naaalala mo pa si “Impeng Negro” (Rogelio
R. Sikat), ang gurong si “Mabuti” (Genoveva Edroza Matute), si “Vicenteng Bingi” (Jose
Villa Panganiban), si “Pilosopo Tasyo” (Jose Rizal), si “Sisang Baliw” (Jose Rizal), at
marami pang iba. Sa totoong buhay, marami rin tayong binibigyan ng bansag sa ating
mga kaibigan, kapamilya, guro, politiko, artista, mga nasa larangan ng media, sports,
militar, at iba pa. Binibigyan natin sila ng bansag kung ano ang pagkakilala natin sa
kanila at kung paano natin sila sinusuri. Malaya nating nagagamit ang wika sa iba't
ibang sitwasyon at intensiyon. Gayunman, hindi natin dapat abusuhin ang paggamit
nito. Huwag kalimutan na dapat gamitin ang wika sa mabuti at maayos na paraan.
Maging magalang tayo sa gamit na conative kung nag-uutos tayo. Tiyakin nating tama
at totoo ang gamit natin ng informative kung nagbibigay tayo ng mga kaalaman at
impormasyon. Higit sa lahat, iwasan natin ang pagbibigay ng negatibong bansag o label
sa ating kapwa na maaaring makasakit ng damdamin.

ARALIN 7 Phatic, Emotive, at Expressive na Gamit ng Wika

Abot-Tanaw Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:

1. nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika na phatic, emotive,


at expressive; 2. natutukoy ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na phatic,
emotive, expressive;

3. nakapagbibigay ng mga halimbawang pangungusap na nagpapakita ng gamit ng


wika na phatic, emotive, at expressive; at

4. nakasusulat ng naratibo ng sariling karanasan sa gamit ng phatic, emotive, at


expressive na wika

Lusong-Kaalaman

Basahin ang sumusunod na liriko mula sa mga piling san awiting Filipino.
Kumusta ka? Ano ba'ng dapat sabihin pa?

Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba

Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago

Hanggang ngayon sinta, mahal pa rin kita

- "Kumusta ka?" Nonoy Zuñiga

Kaytagal din nating di nagkita

Ako'y nasasabik na sa'yo

Kamusta ka na nalulungkot ka rin ba?

Sana ay kapiling kita

Umulan bumagyo ayos lang,

Huwag kang mangangamba,

ayos lang Kumusta ka mahal ko, ayos ba?

Sanay di pa rin nagbabago

– “Kumusta Ka Na?" Rey Valera

Bakit kayo nagkagulo,

bakit kayo nag-away

Prinsipyo mo'y igagalang ko

kung ako'y iyong nirespeto

Kung nagtulungan kayo,

di sana magulo ang bayan ko.

Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato

Ako ay namulat sa napakalaking gulo


Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao

Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo, ang gulo - “Cotobato" Asin

Piliin kung anong mga linya ng awit ang nagpapahayag ng damdamin at kung anong
mga linya ang nagpapahayag ng opinyon. Isulat sa loob ng puso ang mga linyang
nagpapahayag ng damdamin. Isulat naman sa loob ng speech bubble ang
nagpapahayag ng opinion

Mga Linyang Nagpapahayag ng Mga Linyang Nagpapahayag Damdamin ng Opinyon


Gaod-Kaisipan Iba pang mga Gamit ng Wika Sa nakaraang aralin, sinimulan mong pag-
aralan ang mga gamit ng wika. Itutuloy natin sa araling ito ang iba pang gamit ng wika
ayon pa rin kay Roman Jakobson (1960; sipi kay Herbert 2011).

Basahin ang sumusunod na diyalogo.

Diyalogo 1

Thelma: Uy, napansin mo ba?

Bea: Ang ano?

Thelma: Si Sol. Kanina pa siya tahimik. Parang malungkot siya.

Bea: Napansin ko rin nga. Baka may sakit siya o kaya baka may problema

. Halika, lapitan natin siya.

Thelma: Sol, kumusta ka? Masama ba ang pakiramdam mo? Bea: May problema ka
ba? Baka makatulong kami.

Sol: Naku, wala! Wala akong sakit at wala rin akong problema. Napuyat lang ako kagabi
sa pagsulat ng term paper natin.

Thelma: Hay, pare-pareho pala tayo. Kami rin ni Bea napuyat sa pagtapos ng term
paper namin.

Bea: Sol: Oo nga! Mabuti naman, Sol, at okey ka lang. Oo, okey lang ako. Salamat sa
inyong dalawa, ha. Oo nga! Mabut Oo, okey lang - 3
Diyalogo 2

Myrna: Hindi pa rin natatapos ang giyera sa Mindanao.

Lito: Sinabi mo pa. Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring 'yan. Natatakot ako na baka
lumala pa ang giyera. Sana huwag naman. Maraming masasayang na kabuhayan.
Tiyak na lalaganap ang kahirapan sa Mindanao,

Myrna: Hindi lang 'yan! Ako nga awang-awa sa mga namamatayan ng mahal sa buhay.
Lalo na 'yung mga batang nawawalan ng magulang. Kawawa talaga sila.

Lito: Sana magawan ng paraan ng pamahalaan na mahinto na ang giyera at nang


magkaroon na ng tunay na kapayapaan sa Mindanao.

Myrna: Ipagdasal natin 'yan.

Diyalogo 3

Doris: Sayang talaga! Hindi ako nakapanood ng concert ng One Direction Sobrang
mahal naman kasi ng tiket. Paboritong-paborito ko pa naman sila.

Ester: Ako naman, kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng concert
na 'yan. Bakit naman?

Doris: Ester: Doris: Hindi ako mahilig sa foreign artists. Mas gusto kong tangkilikin ang
mga kanta at concert ng local artists natin. Sila ang mas pinanonood ko. Talaga?
Palagay ko, kani-kaniya naman talagang hilig 'yan. Basta ako, kahit foreign o local
basta gusto ko ang mga kanta, nagiging paborito ko.

Phatic na Gamit ng Wika

Matutukoy mo ba ang mga gamit ng wika sa mga diyalogo sa itaas? Balikan ang mga
pahayag na ito sa Diyalogo 1: "Uy, napansin mo ba?" "Kumusta ka?" “Masama ba ang
pakiramdam mo?" "May problema ka ba?"

Nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang mga pahayag na ito. Ginan gamit natin ang
wika bilang panimula ng usapan. Kapag may nakasalubong tayong Ń Kaibigan, binabati
natin siya at madalas ay tinatanong ng, “Saan ang punta mo?" o o kaya ay, “May lakad
ka yata?" Basahing muli ang mga pahayag na ito mula pa rin sa Diyalogo 1: “Baka
makatulong kami.” “Mabuti naman, Sol, at okey ka lang."

Nagpapakita naman ng mabuting pakikipagkapwa-tao o pakikipag-ugnayan sa kapwa


ang mga pahayag na ito. Madalas kaysa hindi, nais ng bawat isa sa atin na magkaroon
ng maganda at matatag na relasyon sa ating kapwa. Halimbawa, kapag may kakilala
tayong maysakit, sinasabi natin ang, “Sana gumaling ka agad" o kaya ay, “Magpagaling
ka.” Kung may mangingibang-bayan, sinasabi natin ang, "Sana maging ligtas ang iyong
paglalakbay.” Kung may dumating naman mula sa paglalakbay, sinasabi nating,
“Salamat at nakarating ka nang ligtas."

Ang mga pahayag na nagbubukas ng usapan gaya ng “Kumain ka na?"; mga pahayag
na nagpapatibay ng ating relasyon sa ating kapwa gaya ng “Natutuwa talaga ako sa
'yo!”; at mga ekpresyon ng pagbati gaya ng “Magandang umaga!"o pagpapaalam gaya
ng “Diyan na muna kayo, uuwi na ako” ay phatic na gamit ng wika.

Karaniwang maiikli ang mga usapang phatic. Sa Ingles, tinatawag itong social talk o
small talk. Sa isang pag-uusap, ang bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang
phatic. Ang iba pang pag-uusapan pagkatapos ay hindi na kasama sa phatic na gamit
ng wika. Kung minsan din, hindi nangangailangan ng sagot ang mga tanong na phatic
(hal., “Kamusta ka?"), lalo na kung ito ay ginamit lamang natin bilang pambati sa isang
kakilala.

Emotive na Gamit ng Wika

Balikan ang usapan sa Diyalogo 2: “Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring 'yan.”


“Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera.". "Ako nga awang-awa sa mga
namamatayan ng mahal sa buhay.” Mababasa sa diyalogong ito ang mga salitang
nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot, takot, at awa. Sa pang-araw-
araw nating pakikipagkomunikasyon, may mga pagkakataong naibabahagi natin ang
ating nararamdam o emosyon sa ating kausap. Madalas nating masabi ang “masaya
ako," "galit ako," “nahihiya ako,” “kinakabahan ako." at iba pa. Sa mga sitwasyong
sinasabi natin ang ating nararamdaman, emotive ang gamit natin ng wika.

Expressive na Gamit ng Wika

Basahing muli ang mga pahayag na ito mula sa Diyalogo 3: "Paboritong paborito ko pa
naman sila." at may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng concert na 'yan."
"Hindi ako mahilig sa foreign artists Mas gusto kong tanpkilikin ang mga kanta at
concert ng local artists natin." "Palagay ko kani-kaniya naman talagang hilig yan." Ano
ang kapansin-pansin sa mga pahayag na ito? Ano ang ipinahihiwatig ng mga pariralang
paborito ko," "hindi ako mahilig sa...," "gusto ko ang ...," at palagay ko ? Ang mga ito ay
halimbawa ng mga personal na pahayag, opinyon, o saloobin Hindi maiiwasan sa
pakikipag-usap na nababanggit natin ang ilang bagay tungkol sa ating sariling
paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan, mga bagay na
katanggap-tanggap sa atin, at marami pang iba. Sa ilang usapin, personal man o
panlipunan, nababanggit natin ang ating mga saloobin o kabatiran, ideya, at opinyon.
Sa mga usapang ganito, expressive ang gamit nating wika. Ang expresside na gamit ng
wika ay nakatutulong sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang tao.
Gayundin sa pagbuo ng isang kaayaayang relasyon sa ating kapwa.
ARALIN 8 Gamit ng Wika sa Lipunan

Abot-Tanaw

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan ayon kay


M.A.K. Halliday at iba pang iskolar;

2. naiisa-isa ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga gamit ng wika sa mga nasaliksik


na halimbawang sitwasyon;

3. nakabubuo ng maikling talata at pahayag na gumagamit ng cohesive devices sa


pagpapaliwanag ng mga halimbawang sitwasyong pangkomunikasyon; at

4. nasusuri ang mga komunikatibong gamit ng wika sa mga napanood na programang


pantelebisyon, dokumentaryo, o indie film.

Balik-Tanaw

INIHAHANDOG NG UNIVERSITY OF MALAYA THEATRE COMPANY SA


PAKIKIPAGTULUNGAN NG NATIONAL COMISSION ON CULTURE AND THE ARTS
(NCCA) ANG QULANG AMANSANG augpong = NOLL AT FILL Mahilig ka bang
manood ng dula? Suriin ang nilalaman ng halimbawang poster pandulaan na nasa
gawing kanan at balikan ang mahahalagang prinsipyo ukol sa komunikatibong gamit ng
wika na tinalakay sa nakaraang aralin. Panuto: Suriin ang nilalaman ng poster ng
dulang “Pagtatagpong Noli at Fili.” Gamit ang mga detalye o impormasyong makikita sa
poster, subuking ilapat ang mahahalagang prinsipyo at kaalamang natutuhan ukol sa
komunikatibong gamit ng wika na nakatuon sa conative, informative, at labeling.
Dugtungan ang sumusunod ha parirala sa ibaba batay sa mga impormasyon.

 Nais ipakahulugan ng mga ginamit na disenyo sa poster na


 Nalaman ko sa poster na _
 Nakaiimpluwensiya ang poster sa akin dahil

Lusong-Kaalaman

Utos ng Hari, Hindi Mababali.

Sinasabi na ang anumang utos ng hari ay hindi mababali. Gamit ang pangkatang
laro sa ibaba, subuking sundin ang mahahalagang utos upang mapatunayan ang
kapangyarihan ng wika na makapagpakilos at magpatupad ng anumang tungkulin
nito. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat ng mga tagasunod. Magtakda ng isang
hari sa klase na magbibigay ng kaniyang mga utos at katanungan. Ang mga
tagasunod ay paunahang magbibigay ng kahilingan o paunahang tutugon sa
itinatanong ng hari upang makakuha ng puntos para sa kinabibilangang pangkat.
Kailangang hintayin ng mga tagasunod ang hudyat ng hari na, “Ako ang hari, ito ang
utos ko,” bago sundin ang utos. Ang unang pangkat na makakokompleto ng limang
utos o katanungan ang tatanghaling panalo.

Hari: Gusto ko ng _________

Ikuha ako ng_______

Kumilos gaya ng ____

Suriin ang paraan ng pag-uutos at pagtatanong ng hari. Ano-ano ang ginamit na


mga panimulang pahayag para sabihin ang kaniyang utos o tanong?

Gaod-Kaisipan

Ano ang iba't ibang gamit ng wika na tumutugon sa pangangailangan ng tao? aga
ang panlipunang konteksto sa makabuluhang paggamit ng wika? sa akademiko at
praktikal na larang ng pang-araw-araw na Paano makatutulong sa akademiko at
praktikal na larang n a sa mga gamit nito? Tatalakayin sa bahaging ito any paggamit
ng wika ang pag-unawa sa mga gamit nito? Tatalakayin sa pangkalahatan at sa
kontekstuwal na halaga nito sa mahahalagang gamit ng wika sa pangkalahatan at
sa kontekstuwal n karanasang Pilipino.

Gamit ng Wika sa Panlipunang pangangailangan at Konteksto Ayon kay


Malinowski (1923)

Ipinapalagay ni Malinowski na ang wika ay repleksiyon ng panlipunang


pangangailangan at konteksto (Haslett 2008). Ibig sabihin, ang silbi at tungkulin ng
wika ay nalilikha alinsunod sa papel na ginagampanan nito sa isang partikular na
kultura. Halimbawa, may mga salita sa Filipino na sensitibong ginagamit bilang
konsiderasyon sa kultural na aspekto ng pakikipag-ugnayan. Gaya na lamang ng
pag-uutos, gumagamit tayo ng “paki” bilang pagpapakita ng paggalang at mabuting
pakikitungo. Ang paggamit ng “po” at “opo” ay mga katagang nakabatay sa kultural
na aspekto ng ating wika at walang kinalaman sa estruktura. Kultural din ang lohika
sa paggamit ng "kayo" at “sila" na estruktural na tumutukoy sa maramihan ngunit sa
ilang pagkakataon ay ginagamit bilang pananda sa pagpapakita ng paggalang.
Maihahambing ito sa kultura ng mga Espanyol sa paggamit ng tu (pamilyar na ikaw)
at usted (magalang na pagtukoy sa ikaw).

Gamit ng Wika sa Sitwasyonal na Konteksto ng Pagpapakahulugan Ayon kay


Firth (1957)
Binibigyang-diin naman sa prinsipyo ng sitwasyonal na konteksto ni John Rupert
Firth (1957) ang paglalarawan sa kahulugan na nakabatay sa paggamit ng wika sa
tiyak na konteksto. Inilahad niya ang proseso ng pormal na paglalapat nito: (1)
pagsusuri sa mga kalahok (kabilang ang kanilang mga makabuluhang berbal at di-
berbal na pahayag); (2) makabuluhang bagay at di-berbal na pangyayari o
pagkakataon sa isang tiyak na konteksto; at (3) epekto ng mismong mga pahayag.
Halimbawa, may magkakaibang paraan ang mga tao sa pagpapahayag ng kanilang
nararamdaman gaya ng pagkainis. Maaari itong ipahayag sa pasalitang pagsasabi
ng "hindi ka na nakakatuwa” o “nakakasakit ka na,” o sa paraan ng pag-alis ng
walang pasabi” o “aktong padabog." Kung susuriin, may kadikit na dahilan sa iba't
ibang sitwasyon kung bakit ito ang pinipili nilang paraan sa pagpapahayag.
Maaaring bunga ito ng umiiral na kumbensiyong pangkomunikasyon o impluwensiya
ng sitwasyong kinasasangkutan ng mga kalahok.

Kapag ang mga paraang berbal at di-berbal na pagpapahayag ng pagkainis ay


inilagay sa isang tiyak na sitwasyonal na konteksto kung saan, kailan, at paano ito
ginamit, maaari itong magkaroon ng bagong gamit at kahulugan. Ang
pagpapahayag ng pagkainis sa paraang “padabog” sa harap ng napakaraming tao
ay maaaring magpahiwatig ng kabastusan.

Sa huling proseso, mahalagang indikasyon ang naging bisa o epekto ng mga


pahayag na idinikit sa konteksto batay sa reaksiyon ng mga kalahok at kung
nakatugon ito sa inaasahang panlipunang gamit ng wika sa partikular na sitwasyon
at layunin ng komunikasyon.

Gamit ng Wika sa Prinsipyo ng Dulog-Sa-Gamit (Functional Approach)


Ayon kay M.A.K. Halliday (1973)

Anumang wika ay may gamit na tumugon sa pangangailangan ng tao at lipunang


kinabibilangan nito. Halimbawa, hindi lubos na mauunawaan ang baryasyon ng wika
kung ang pag-aaralan lamang ay ang mga lingguwistikong estrukturang bumubuo
rito, at isasantabi ang mga di-lingguwistikong pangyayari o pagkakataon nagbunsod
sa pag-iral nito bilang panlipunang gamit at produkto ng isang unin sa
komunikasyon. Sa ganitong diwa, mailalapat ang prinsipyo ng dulog-saamit
(functional approach) na pag-aaral sa wika na ipinanukala ni Michael Alexander
Kirkwood (M.A.K.) Halliday (1973), mula sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng mga
naunang teorya nina Malinowski (1923), Firth (1957), at iba pa.

Sa obserbasyon ni Halliday, nabuo niya ang pitong gamit ng wika batay sa iba't
ibang yugto ng pagkakagamit ng isang bata. Napansin niya na ang isang bata ay
may hakbang-hakbang na yugto ng kakayahan sa paggamit ng wika samantalang
ang nakatatanda ay may kakayahan nang ilapat ang maraming tungkulin na ito.
Nagsisimula ang isang bata sa yugto na ginagamit niya ang wika upang
magpahayag ng kaniyang pangangailangan, na tutungo sa pag-uutos at pagkontrol
sa mga tao sa kaniyang paligid, hanggang sa may sapat na siyang kakayahan para
magtanongtanong upang tumuklas. Naniniwala si Halliday na may gampanin ang
wika sa pagbubuo ng panlipunang realidad at mahalaga ang panlipunang gamit nito
sa pagbibigay-interpretasyon sa wika bilang isang sistema. Ibig sabihin, ang wika
bilang potensiyal sa pagpapakahulugan ay naisasagawa sa pamamagitan ng
pagsusuri sa partikular na panlipunang setting ng komunikasyon

Pitong Gamit ng Wika

May instrumental na gamit ang wika kung layunin nitong makipagtalastasan


para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita. Ginagamit ang wika para
tukuyin ang mga pangangailangan ng tagapagsalita. Sa aktuwal na karanasan,
karaniwang instrumental ang gamit ng wika para sa paglutas ng problema,
pangangalap ng materyales, pagsasadula, at panghihikayat. Kailangang gamiting
mabisa ang instrumental na gamit ng wika sa pamamagitan ng paglilinaw at
pagtitiyak ng pangangailangan, naiisip, o nararamdaman sa partikular na gawain.
Halimbawa, alin sa dalawang pahayag sa ibaba ang naglilinaw ng mensahe ng
ninanais na pakikipaghiwalay?

a. Sa palagay ko, kailangan na nating magpahinga muna.

b. Sa akin, gusto ko munang makipaghiwalay. Sa unang pahayag, hindi


mabisang nailapat ang instrumental na tungkulin ng wika sapagkat hindi ito
naglilinaw ng tiyak na kagustuhan at pangangailangan ng tagapagsalita, hindi gaya
ng ikalawa na may tiyak na paggamit ng pahayag na "gusto ko..." upang sapat na
makatugon sa hinihingi ng tagapagsalita. Sa kabilang banda, maaari ding ituring na
mabisa ang pahayag kung ginamit ito sa angkop na sitwasyon at layunin sa
pakikipagkapwa.

May regulatori na gamit din ang wika na may kakayahang makaimpluwensiya at


magkontrol sa pag-uugali at kaasalan ng iba. Magagamit ng tagapagsalita ang
kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa kaniyang
kausap o sinoman sa kaniyang paligid. Madalas ay may negatibong konotasyon ang
ideya ng pagkontrol, ngunit maaari namang isagawa ito sa positibong paraan na
angkop sa paggamit ng wika. Kailangang maging malinaw na ang anumang uri ng
komunikasyon ay makapangyarihan; maaaring positibo ngunit maaari ding maging
negatibo ang implikasyon sa kapwa tagapagsalita at tagapakinig. Halimbawa, sa
berbal na komunikasyon, maaaring gamitin ang regulatori na gamit ng wika sa
pagpapahayag ng mga positibong salita para humikayat sa isang indibidwal na
ipagpatuloy ang kaniyang mga kalakasan.
Maaari din naming makasakit ito kung iinsultuhin ang isang tao dahil sa kaniyang
mga limitasyon. Maaaring gamitin ang regulatori na gamit ng wika sa mga aktuwal
na karanasan ng pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo. Halimbawa sa
ideolohiya ng mga negosyante at entreprenyur, ginagamit nila ang wika sa mga
patalastas upang makapanghikayat at impluwensiyahan ang mga konsyumer na
bilhin ang produkto dahil nililikha nila sa isip ng kausap ang pangangailangan nila sa
produkto (kailangan mo ito...) at nag-uutos na gayahin o gamitin ang kanilang
produkto (gawin mo ito...) para sa interes ng kapital.

Suriin ang mga tagline ng patalastas ng produktong inumin sa ibaba at kung


paano inilalapat ang regulatori na gamit ng wika sa kanilang tagline. Ano ang epekto
sa iyo ng mga patalastas na ito? Paano ka kinokontrol ng mga ginagamit na tagline
nito? Buksan mo Puoli oda anak Servervesal Mauhaw,ka s a Inggit! Kapag
ginagamit naman ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng
kaalaman ukol sa kapaligiran, nagiging heuristiko ang tungkulin ng wika.
Sumusulpot ang ganitong heuristikong gamit ng wika sa mga pagkakataong

nagtatanong sumasagot o dumadaloy ang isang pamumuna bilang pagkilos ng


isang bata o indibidwal. Maaari din na umusbong ito sa paraan ng pag alam sa mga
bagay-bagay, pagdududa, o palagay. Sa aktuwal na karanasan, maaaring makita
ang gamit ng wikang heuristiko sa mga gawain ng imbestigasyon, pagtatanong, ar
pananaliksik. Halimbawa ng mga pahayag na nagpapakita ng heuristikong tungkulin
ng wika ang: "Ano'ng nangyari?" "Para saan?" "Bakit mo ginawa iyon?" "Sabihin mo
sa akin kung bakit?" at "Ano ang ginagawa ng mga taong gobyerno?" Kung
ginagamit ang heuristikong wika sa pagtuklas ng kaalaman sa kapaligiran,
representatibo naman ang tawag sa gamit ng wikang ginagamit sa paglalahad ng
impormasyon, datos, at nakalap na ideya na nirerepresenta sa iba't ibang paraan
Bagaman, kaugnay ng representatibo ang heuristikong gamit ng wika sa pagbibigay
kahulugan sa realidad ng lipunan. Kung sa heuristiko nagaganap ang proseso ng
pagtuklas, sa representatibong gamit naman nagsisimulang bigyan ng
interpretasyon at ilahad ang mga natuklasang ideya, konsepto, at kaisipan.
Halimbawa, ginagamit ang pag-uulat, paglahok sa forum, at paggamit ng mga
estadistika upang ipaliwanag ang mga impormasyon at kaalaman. Kapag ginagamit
ang wika sa pagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan,
ang wika ay nagiging interaksiyonal. Ang wika ay may panlipunang gampanin na
pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapwa sa paligid. Ang “ako” at “ikaw" na
tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at pagbati upang
bumuo ng interaksiyon at palakasin ang layuning makipagkapwa gaya ng, “Mahal
kita," "Kumusta?" "Nanay," at "Mabuhay!" Mabisang matatamo ang mahusay na
interaksiyon sa pamamagitan ng estratehiyang interaksiyonal gaya ng paggamit ng
mga katangiang hindi gumagamit ng salita tulad ng kilos, tuon ng mata, at
pagpapahayag gamit ang katawan (mga muwestra o galaw ng kamay, pagkiling-
kiling ng ulo, at ibang mga kilos).

Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong interaksiyon kung paiba-iba ang


ekspresyon, tono, at intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa pakikipag-usap.
Pinalalakas ng interaksiyonal na gamit ng wika ang pagbubuo ng ugnayan sa isang
lipunan. Nagsisilbing gampanin naman ng personal na gamit ng wika ang palakasin
ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Ginagamit ng isang tao
ang wikang personal upang ipahayag ang kaniyang mga personal na preperensiya,
saloobin, at pagkakakilanlan na hindi sumasaklaw sa kaniyang pangangailangan
Halimbawa, sa pagpapahayag ng pansariling paniniwala sa isyu at paggamit ng
sariling paraan ng pangangatuwiran ay napatitingkad ang personal na gamit at
layunin ng wika.

Layag-Diwa

Matapos ang talakayan ukol sa gamit ng wika, subuk alakayan ukol sa gamit ng
wika, subuking ilapat ang mga konsepto at kaalamang natutuhan gamit ang
sumusunod na praktikal na gawain. · A. Sa tulong ng concept map sa ibaba, isa-
isahin ang pagkakaiba ng mga tungkulin ng wika na tinalakay sa aralin. Magbigay
lamang ng tatlo hanggang limang katangian sa bawat tungkulin ng wika. Lagyan ng
pangkalahatang paliwanag ukol sa mahalagang papel ng tatlong gamit ng wika sa
paglinang ng komunikasyon at panlipunang pakikipag-ugnayan ng isang indibidwal.

ARALIN 9 Kakayahang Lingguwistiko

Abot-Tanaw

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang lingguwistiko; \

2. natutukoy ang mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino;


3. nailalahad ang panuntunan sa pagbaybay;

4. nagagamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag as.

5. nailalapat ang kakayahang lingguwistiko sa pagbuo ng paninind sau hinggil sa


usaping pinansiyal.

Balik-Tanaw

Subukin ang kakayahan sa pagkilala gamit ang wika. Tukuyin ang pangunahing
gamit ng wika sa mga pahayag sa ibaba. Kung mayroon pang nakikitang ibang
gamit ng wika sa pahayag, kilalanin at ipaliwanag ito sa pamamagitan ng pagbibigay
ng tiyak na sitwasyon.

1. Kay gandang pagmasdan ng mga payyo sa Banaue!

2. Pinapayuhan ang lahat ng residenteng nakatira sa mababang lugar na maging


alerto, maghanda, at lumikas sa posibleng panganib na dala ng pagbaha.

3. Kilala ko ang aking katawan at hindi ako maililigaw nito, paikutin man akon paulit-
ulit sa umpukan ng palengke at parke. Dus

4. Nilalabag ng Visiting Forces Agreement ang pambansang soberanya


panteritoryong integridad ng Pilipinas.in

5. Kumusta naman ang buhay mo riyan sa Thailand? unler

6. Sa pamamagitan ng Unang Pambansang Asamblea, naitatag ang Surian Wikang


Pambansa noong Nobyembre 13, 1936. um

7. Nasasabik akong marating ang lalawigan ng aking mga magulang. un at

8.Kapag kumukulo na ang sabaw, isama ang bataw, sigarilyas, sitaw, at puso ng
saging..

9.Kayo ang boss ko, kayo ang lakas, kayo ang gumagawa ng pagbabago - kaya ū
kayo rin ang magpapatuloy nito.

10. Hindi ba't nakalipas na ang araw ng pagpapasa ng takdang-aralin?

Lusong-Kaalaman

Angkop na Gamit. Humanap ng kapareha at suriin ang sumusunod na


pangungusap. Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang
pangungusap. Ipaliwanag ang naging batayan ng pagpili.

1. (Pahirin, Pahiran) mo ng mantekilya ang pandesal. Paliwanag:


2. Pakidala ang pagkaing ito (kina, kila) Nelia at Pat. Paliwanag: _

3. (Mayroon, May) ba siyang pasalubong mula sa Batangas? Paliwanag: -

4. Nariyan na yata ang Tatay! Buksan mo na ang (pinto, pintuan)! Paliwanag:

5. (Ooperahin, Ooperahan) si Maria bukas ng umaga. Paliwanag:

6. Si Bryan ay (tiga-, taga-) Aklan. Paliwanag: -

7. (Punasan, Punasin) mo ang pawis sa iyong noo. Paliwanag

8. Ngayong bakasyon, (susubukin, susubukan) kong mag-aral na magluto.


Paliwanag:

9. Nagmamadali niyang inakyat ang (hagdan, hagdanan). Paliwanag: -

10. Halika nga rito at (walisin, walisan) mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
Paliwanag:

Gaod-Kaisipan

Kakayahang Lingguwistiko: Pangunahing Sangkap sa Pagkatuto ng Wika

Simula sa unang baitang sa paaralan, hinahasa na ang mga mag-aaral sa iba't


ibang pagsasanay sa gramatika tungo sa pagbubuo ng mahuhusay na
pangungusap, talata, at pahayag. Ang ganitong mga aralin ay bahagi ng paglilinang
sa kakayang lingguwistiko ng isang tao. .

Ano ang kakayahang Lingguwistiko?

Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at


makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba ng mga
lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag
na kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan namang abilidad sa angkop na
paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal
(Hymes 1972). Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965), ang
kakayahang lingguwistiko ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na
kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na
gumamit at makaunawa ng wika. Pumapaloob dito ang kaalaman ng tao na pag-
ugnayin ang tunog o mga tunog at kahulugan nito. Iba ito sa isinasaad ng
lingguwistikong pagtatanghal (linguistic performance) o ang aplikasyon ng sistema
ng kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita. Hindi maipaghahalintulad ang
kakayahang lingguwistiko at lingguwistikong
pagtatanghal dahil ang huli ay maaaring kapalooban ng mga interperensiya o
sagabal. Halimbawa, ang pagkautal ng isang tagapagsalita habang nagbibigay ng
talumpati ay hindi masasabing kawalan o kakulangan sa kakayahang lingguwistiko.
Maaaring ito ay dulot ng kaniyang kaba na maituturing na sagabal sa kaniyang
lingguwistikong pagtatanghal. Kinakailangang sanayin ng isang tao ang kaniyang
kakayahang komunikatibo upang mapaimbabawan ang mga sagabal na ito na
nagsisilbing puwang sa kaniyang pag-unawa at aksiyon.

Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin


ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago at
reoryentasyon ang ating wikang pambansa na nagbunga ng pagbabago sa
matandang balarila . Tinukoy nina Santiago (1977) at Tiangco (2003) ang sampung
bahagi ng pananalita sa makabagong gramatika na napapangkat sa sumusunod:
CAS Mga Salitang Pangnilalaman

1. Mga nominal

a. Pangngalan - nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,


pangyayari, at iba pa

b. Panghalip - pamalit o panghalili sa pangngalan

2. Pandiwa - nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita 3.


Mga panuring

a. Pang-uri - nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip

b. Pang-abay - nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa


pang-abay B.

Mga Salitang Pangkayarian

1. Mga Pang-ugnay a. Pangatnig - nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o


sugnay (hal., at, pati, ni, subalit, ngunit)

b. Pang-angkop - katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (hal.,


na, -ng)

C. Pang-ukol - nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita (hal., sa, ng)

2. Mga Pananda a. Pantukoy - salitang laging nangunguna sa pangngalan o


panghalip (hal., si, ang, ang mga)
b. Pangawing o Pangawil - salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri
(hal., ay)

Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan din ang wastong


palabaybayan o ortograpiya ng wikang Filipino. Mula sa mga naunang gabay sa
ortograpiya (1976, 1987, 2001, 2009), inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) ang 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa.

2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram na
salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi na saklaw ng
panunhinang ito, Halimbawa

3. Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, katawagang siyentipiko


at teknikal, at mga salitang mahirap na dagliang ireispel. Halimbawa Jason Beltgeist
cauliflower Mexico quorum bouquet Nueva Vizcaya valence mortgage Bukod sa
pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hinggil sa:

(1) pagpapalit ng D tungo sa R;

(2) paggamit ng "ng" at "nang"; at

(3) wastong gamit ng gitling, na kadalasang ipinagkakamali sa pagsulat. A

1. Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan


nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y (hal., malaya rin,
mababaw raw). Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang
sinusundang salita (hal, aalis din, malalim daw), Gayundin, nananatili ang D kung
ang sinusundang salita ay nagtatapos sa ra, ri, -raw, o -ray (hal., maaari din, araw-
araw daw).

2. May limang tiyak na paggamit ng "nang": by a. Bilang kasingkahulugan ng noong


(hal., "Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, kaagad silang nagpatayo ng
mga paaralan."). b. Bilang kasingkahulugan ng " upang" o "para" (hal., "Ikinulong ni
Ana ang aso nang hindi na ito makakagat pa.") c. Katumbas ng pinagsamang "na" at
"ng" (hal., "Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.") d.
Pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano (hal., "Iniabot
nang palihim ni Carl ang liham kay Christine." "Tumaas nang sobra ang presyo ng
langis.")
e. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita (hal., “Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi
ng eroplano.”) Maliban sa nabanggit na limang tiyak na gamit ng nang, sa ibang
pagkakataon ay kailangang gamitin ang ng. 3. Wastong gamit ng gitling (-):

a. Sa inuulit na salita, ganap man o hindi (hal., araw-araw, gabi-gabi, para paraan)

b. Sa isahang pantig na tunog o onomatopeya (hal., tik-tak, brum-brun)

c. Sa paghihiwalay ng katinig at patinig (hal., pag-aaral, mag-asawa)

d. Sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi (hal., pa-Marikina, maka-


Pilipino)

e. Sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na baybay


(hal., mag-compute, pa-encode, i-invest)

f. Sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang Tagalog


at sa iba pang wika sa Pilipinas (hal., gab-i, mus-ing, lab-ong)

g. Sa bagong tambalang salita (hal., lipat-bahay, amoy-pawis). h. Sa paghihiwalay


ng numero sa oras at petsang may ika- (hal., ika-12 ng tanghali, ika-23 ng Mayo)

i. Sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas- (hal., alas-2 ng


hapon, alas-dos ng hapon)

j. Sa kasunod ng “de” (hal., de-lata, de-kolor).

k. Sa kasunod ng “di” (hal., di-mahawakan, di-kalakihan) 1. Sa apelyido ng babaeng


nag-asawa upang maipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa (hal.,
Genoveva Edroza-Matute)

ARALIN 19 Kakayahang Sosyolingguwistiko

Abot Tanaw

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang umusual

1.naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang sosyolingguwistiko,

2 na Waan ang sitwasyong komunikatibo batay sa pagtukoy sa smo, Dalang, kailan,


saan, at bakit nangyari ang gawaing pangkomunikasyon, at

3.nakabubuo ng mga pahayag na angkop sa iba't ibang kontekstong


sosyolingguwistiko,

Lusong-Kaalaman
sedala Natin. Bumuo ng limang pangkat. Magsasadula ang bawat pangkat ng isang
ecenang tatagal nang lima hanggang sampung minuto na nakaayon sa lunan at mga
tiyak na tauhan sa ibaba:

 Pangkat 1 - tahanan: tatay, nanay, ate, kuya, bunso, kapitbahay


 Pangkat 2 - paaralan: punongguro, guro, estudyante, kaklase
 Pangkat 3 - palengke mamimili, tindera, kargador, negosyante
 Pangkat 4 - ospital: doktor, nars, kamag-anak ng pasyente
 Pangkat 5 - opisina: boss, sekretarya, aplikante, iba pang empleyado

Pansinin ang mabubuong diyalogo sa pagitan ng mga tauhan. Mayroon bang


pagkakaiba-iba ang kanilang paggamit ng wika? Talakayin sa klase ang
obserbasyon,

Gaod-Kaisipan

Kakayahang Sosyolingguwistiko: Paglikha ng Angkop na Pahayag sa Tiyak na


Sitwasyon

Paano ka nakikipag-usap sa iyong magulang, guro, at iba pang nakatatanda? Katulad


lamang ba ito ng pakikipag-usap mo sa iyong mga kaibigan at kaklase? Sa lahat ba ng
lugar at pagkakataon ay malaya kang magsalita nang magsalita ng anumang iyong nais
sabihin o may mga sitwasyong nangangailangan ng pagtitimpi Ang mga tanong na ito,
at marami pang iba, ang siyang isasaalang-alang natin sa paglilinang ng kakayahang
sosyolingguwistiko. 10:04

Ano ang kakayahang Sosyolingguwistiko?

Tinutukoy ng kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika nang


may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak 10 sitwasyong
pangkomunikasyon. Halimbawa, inaasahan sa atin ang paggamit 11% pormal na wika
(hal., “Magandang araw po! Kumusta po kayo?") sa pakikipag ugnayan sa mga
nakatatanda at may awtoridad, kaiba sa paggamit natin ng impormal na wika (hal. "Uv!
Kumusta ka naman?") sa ating mga kaibigan at kapareho ng Kadalasan para sa mga
taal na tagapagsalita ng isang wika (hal., ang mga tao na Tagalog ang unang wika ay
tinatawag na taal na tagapagsalita ng Tagalog), nagiging natural lamang o hindi na
kailangang pag isipan ang paggamit ng naaangkop na pahayag ayon sa sitwasyon.
Gayunman para sa hindi taal na tagapagsalita, dapat niyang matutuhan kung paano
"lumikha at umunawa ng wika sa iba't ibang sosyolingguwistikong konteksto na may
pagsasaalang-alang sa mga salik gaya ng estado ng kausap layunin ng interaksiyon, at
itinatakdang kumbensiyon ng interaksiyon" (Freeman at Freeman 2004).
Nilinaw ng sosyolingguwistang si Dell Hymes (1974) ang nasabing mahahalagang salik
ng lingguwistikong interaksiyon gamit ang kaniyang modelong SPEAKING:

S - Setting and Scene: Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan? Kailan ito

P - Participants: Sino sino ang kalahok sa pag-uusap?

E - Ends: Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag-uusap?

A - Act Sequence: Paano ang takbo o daloy ng pag-uusap?

K - Key: Ano ang tono ng pag-uusap? Seryoso ba o pabiro? bukur

I - Instrumentalities: Ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal ba o may


mahigpit na pagsunod sa pamantayang panggramatika?

N- Norms: Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap at ano ang reaksiyon dito ng
mga kalahok? Malaya bang nakapagsasalita ang mga kalahok o nalilimitahan ba ang
pagkakataon ayon sa uri, lahi, kasarian, edad, at iba pang salik?

G - Genre: Ano ang uri ng sitwasyon o materyal na ginagamit (hal., interbyu, panitikan
liham)? Paypal m

Nakapaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya ng


komunikasyon. Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-
aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipagugnayan
sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. Kung ilalapat ito sa komunikasyon
sinasabi na ang pag-aaral sa wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at
pagsusuri sa kakayahan ng tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay na sitwasyon
(Farah 1998). Isang kahingian, kung gayon, na pahalagahan ang mga salik na
nababanggit sa modelong SPEAKING tungo sa mas maayos at mabisang
komunikasyon sa tiyak na konteksto.

Pagkilala sa mga Varayti ng Wika

Bahagi ng kakayahang sosyolingguwistiko ang pagkilala sa mga pagbabago sa wika at


pag-aangkop ng gamit nito ayon sa lunan at sitwasyon. Sa mga naunang aralin ay
natalakay na natin ang mga varayti ng wika. Ang mga varayti na ito ay nagpapahiwatig
ng sumusunod:
 Pormalidad at impormalidad ng sitwasyon - maaaring maging pormal o impormal
ang pananalita depende sa kung sino ang kinakausap
 Ugnayan ng mga tagapagsalita - may pagkakapareho sa paraan ng pagsasalita
ang mga magkakaibigan, at nailalangkap din nila ang mga biruan at pahiwatigan
na hindi mauunawaan ng hindi kabilang sa kanilang grupo
• Pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat - gumagamit
ng lokal na wika at/o diyalekto sa kausap na nagmula sa kaparehong
bayan ng tagapagsalita
• Awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan - tinitiyak ang pormalidad at
kaangkupan ng salita sa harap ng guro, magulang, at iba pang
nakatatanda at may awtoridad

Batay sa mga sosyolingguwistikong teorya, ang pagbabago sa wika ay dulot din


ng pamamalagay rito bilang panlipunang penomenon. Ibig sabihin, nagkakaroon ng
kabuluhan ang anumang salita o pahayag ng indibidwal kung ito ay nailulugar sa loob
ng lipunan at itinatalastas sa kausap o grupo ng mga tao na gumagamit at nakauunawa
rin dito. Sa ganitong kalagayan ay nakabubuo ng iba't ibang konteksto ng paggamit sa
wika dulot na rin ng paglahok ng mga tao na may iba't ibang gawain, papel, interes, at
saloobin sa proseso ng komunikasyon. Kaya naman, masasabing katangian din ng wika
ang pagiging heterogeneous o pagkakaroon ng iba't ibang anyo bunga ng lokasyong
heograpiko, pandarayuhan, sosyoekonomiko, politikal, at edukasyonal na kaangkinan
ng partikular na komunidad na gumagamit ng wika (Constantino 2002).

Bilang halimbawa, pansininin ang humigit-kumulang na anyo ng diyalektong


Cebuano-Filipino, dulot ng hindi pag-uulit ng pantig gaya ng Tagalog at hindi paggamit
ng panlaping um- na hinahalinhan ng panlaping ma-: “Huwag kang magsali sa laro.”
“Madali ang pagturo ng Filipino." Dahil ang Cebuano (o Sugbuanong Binisaya) ay isang
tiyak na wikang nagsisilbing unang wika ng tagapagsalita sa mga halimbawa sa itaas,
nakaiimpluwensiya ito sa kaniyang pagkatuto at pagsasalita ng pambansang wikang
Filipino. Ito ang tinatawag na interference phenomenon na siyang lumilikha ng iba pang
natatanging varayti ng Filipino: Ilokano-Filipino, Bikolnon-Filipino, Kapampangan-
Filipino, Hiligaynon-Filipino, at iba pa. Dahil din sa kaalaman sa mga wika, sa proseso
ay nababago ng tagapagsalita ang gramatika sa pamamagitan ng pagdaragdag,
pagbabawas, at pagbabago ng alituntunin (Constantino 2002). Kilala ito bilang
interlanguage o mental grammar ng tao. Halimbawa nito ang mga salitang gaya s
malling, presidentiable, at senatoriable na hindi matatagpuan sa standard na Ingles,
sem o O Mahalagang maunawaan na ang ganitong varayti ng Filipino ay hindi maitutu
Iing na pagkakamali. Sa pananaw ng sosyo-sikolohistang si William Labov, na siyang
nagtaguyod ng variability concept, likas na pangyayari ang pagkakaiba-iba ng anyo at
pagkakaroon ng mga varayti ng isang wika. Kung gayon, nararapat kilalanin ang
pagkakapantay-pantay ng mga varayti - walang maituturing na mataas o mababang
anyo ng wika. Sa kaso ng wikang Filipino, nangangahulugan ito na lahat tayo ay may
gampanin sa pagpapaunlad ng ating wika bilang isang bansang may sariling
pagkakakilanlan.

ARALIN 11 Kakayahang Pragmatiko

Abot-Tanaw

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang pragmatiko;

2. natutukoy ang kahulugan ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng taong kausap;

3. nauunawaan ang kagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino; at

4. naisasaalang-alang ang epekto ng tono, diin, intonasyon, hinto, muwestra, at iba pa


sa pakikipagtalastasan.

Balik-Tanaw

Ayusin ang sumusunod na pangungusap upang makabuo ng mga pahayag na


nagtataglay ng pagkamagalang. Isulat ang sagot sa mga patlang.

1. Tumahimik na ang lahat at magsisimula na ang


programa_______________________

2. Pahingi ng donasyon para sa proyekto ng paaralan.


__________________________

3. Isarado mo ang pinto. ______________________________

4. Gusto kong malaman ang opinyon mo sa isyung ito.


________________________________

5. Papasok ako sa bahay mo._________________________________

6. Sana positibo ang tugon mo sa aking kahilingan._______________________

7. Kunin mo ang aking relo. ______________________

8. Tumayo na kayo para sa pag-awit ng "Lupang Hinirang. ___________________

9. Ayos lang ba na ikaw ang mamuno sa panalangin? ______________________

10. Puwede nang kumain. ________________________


Lusong-Kaalaman

Paano SasabihinBawat mag-aaral ay bibigyan ng dalawang metacard na may


magkaibang kulay. Maglalaan din ng marker na maaaring salit-salitang hiramin ng mga
mag-aaral. Sa bawat metacard, punan ng karugtong na pahayag ang sumusunod na
sitwasyon.

Para sa metacard 1: Kapag napansin kong hindi nababagay ang damit ng aking
kaibigan sa aming pupuntahang okasyon subalit hindi ko direktang mabanggit sa kaniya
dahil baka masaktan ang kaniyang damdamin, ang sasabihin ko na lang ay, ".

Para sa metacard 2: Kapag mababa ang nakuha kong grado sa pagsusulit sa


matematika at nais kon ipaalam ito sa aking mga magulang nang hindi magreresulta ng
biglaang pagkagalit nila, sisimulan ko ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng,".

May tatlong sangkap ang speech act: ang sadya o intensiyonal na papai nito o
illocutionary force; ang anyong lingguwistiko o locution; at ang epekto nito sa
tagapakinig o perlocution.

Tingnan natin ang isang senaryo. Isang parokyano sa restawran ang nagpahayag sa
weyter ng ganito: “Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?" sa nasabing halimbawa,
ang illocutionary force ng parokyano ay ang paghiling na madalhan siya ng inuming
tubig na walang kasamang yelo. Ipinadaloy niya ito sa locution na patanong. Ang
epekto nito, o perlocution, ay ang pagsunod ng weyter sa kaniyang kahilingan. Sa kaso
ng pagkatuto ng ikalawang wika, tinatawag na interlanguage pragmatics (Bardovi-Harlig
1999; sipi kay Lightbown at Spada 2006) ang pag-aaral sa kung paanong ang mga
hindi taal na tagapagsalita ng partikular na wika at nagsisimulang matuto nito ay
umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng kanilang intensiyon sa pamamagitan ng
iba't ibang speech act..

Bahagi ng larangang ito ang pananaliksik na isinagawa nina Bardovi-Harlig at


Hartford (1993) hinggil sa paraan ng pagtanggi at pagbibigay-suhestiyon ng mga
estudyanteng taal at di-taal na tagapagsalita ng Ingles sa mga sesyon ng akademikong
pagpapayo sa isang unibersidad sa Amerika. Naobserbahan nila sa pag-aaral na ito
ang pagkakaiba sa pakikipag-usap na ginagawa ng mga estudyanteng taal at di-taal na
tagapagsalita ng Ingles sa kanilang mga pa hinggil sa pagpili ng kukuning kurso. Anila,
kapansin-pansin ang pagiging pasibo ng di-taal na tagapagsalita ng pagbibigay ng
suhestiyon kumpara sa mga taal na tagapagsalita. Mas ang tendensiya ng pagtanggi sa
suhestiyong ibinibigay ng tagapayong na mga di-taal na tagapagsalita.
Dagdag pa rito, direktang ipinahahay na tagapagsalita ang kaniyang pagtanggi
kumpara sa taal na ta hayag ng di-taal ipinadaraan sa isang alternatibong suhestiyon
ang hindi pagsang-ayo sa mungkahing kurso ng tagapayo, ang isang di-taal na
tagapagsalit magpapahayag ng, "I think I am not interested in that course," na kaib taal
na tagapagsalita na nagbibigay pa ng suhestiyon sa anyong, "y course would better
meet my needs." sa anggi kumpara sa taal na tagapagsalita na on ang hindi pagsang-
ayon. Halimbawa, i-taal na tagapagsalita ng Ingles ay course," na kaiba sa sasabihin ng
sa anyong, "I think this other course would better meet my needs.”

Sa nabanggit na sitwasyon, mahihinuha kung gaano kahalagang linangin ang


kakayahang pragmatiko upang umayon sa hinihingi ng konteksto at makamit ang
inaasahang resulta mula sa kausap.

Berbal at Di-berbal na Komunikasyon

Sa paglilinang ng kakayahang pragmatiko, mahalagang isaisip ang pagiral ng


dalawang uri ng komunikasyon--ang berbal at di-berbal na komunikasyon. Ang berbal
na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa anyong pasalita
at/o pasulat man. Nagagawa ang paraang oral sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa
kaanak, kaibigan, at kakilala, pakikipagtalakayan sa klase, at paglahok sa mga usapan
sa kumperensiya at seminar. Pasulat naman itong napadadaloy sa mga sulatin sa
klase, paglikha ng blogpost, pagbuo ng manifesto at bukas na liham, at iba pa. Isa pang
uri ng komunikasyon ang di-berbal na komunikasyon. Ayon sa mga pag-aaral, lubhang
napakalaki ng elementong di-berbal sa pakikipag-usap sa mga taong napapaloob sa
sariling kultura. Sa katunayan, tinatayang 70% ng isang karaniwang kumbersasyon ang
binubuo ng di-berbal na elemento (Maggay 2002). Ang iba't ibang anyo ng di-berbal na
komunikasyon ay ang sumusunod:

1. Kinesika (Kinesics) – tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan, kabilang na ang


ekpresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng mga kamay, at tindig ng katawan.

2. Proksemika (Proxemics) - tumutukoy sa oras at distansiya sa pakikipag-usap.


Ang oras ay maaaring pormal gaya ng isinasaad ng relo o impormal na karaniwang
nakadikit sa kultura gaya ng mga terminong “ngayon na,” “sa lalong madaling panahon,"
at "mamaya na.” Ang distansiya naman ay nagbabago rin depende sa natamong
ugnayan sa kausap. Kapansin-pansing ang mga bagong magkakilala ay may mas
malaking distansiya kumpara sa mga taong matalik na magkakaibigan.
3. Pandama o Paghawak (Haptics) – itinuturing na isa sa mga pinakaunang anyo
ng komunikasyon. Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa
mga hindi magandang karanasan. Halimbawa nito ay ang pagtapik sa balikat o
pagyakap sa kausap.

4. Paralanguage - ang tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita.

5. Katahimikan o Kawalang-kibo - lubhang makahulugan na karaniwang


ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang sasabihin, o dili kaya'y magparating ng
tampo o sama ng loob.

6. Kapaligiran - ang pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan nito.


Mahihinuha ang intensiyon ng kausap batay sa kung saang lugar niya nais makipag-
usap.

Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang pagkilala sa kagawian.


pangkomunikasyon ng mga tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan. Sa pamamagita
nito, natatantiya ng isang mag aaral ng wika kung ang kaniyang sasabihin. maaaring
maging lubhang tuwiran o napapalooban ng tamang pagkilala at paggalan sa kausap,

Sa pag aaral sa kultura at komunikasyon na isinagawa ni Maggay (2002)


binigyang, diin niya ang pagiging high context ng kulturang Pilipino. Ibig sabihin mataas
ang ating pagbabahaginan ng mga kahulugan kahit sa pamamagitan ne pahiwatig,
Mapapansin ito sa kung paano natin itinuturing ang katahimikan å kawalang, kibo bilang
malalim na pag-iisip at, kung gayon, ay lubhang makahulugan Maaari din itong,
indikasyon ng pagpigil sa paghahayag ng tunay na damdamin na mahihiwatigan sa
sitwasyon ng panliligaw sa ilang lumang awitin: Sinisinta kita'di ka kumikibo, Akala mo
naman ako'y nagbibiro, Saksi ko ang langit sampu ng kanduro Kung di kita mahal,
puputok ang puso, Dagdag pa ni Maggay (2002), ang pahiwatig ang maituturing na
pinakalaganap at pinakabuod ng kulturang pangkomunikasyon.
Ito ay "isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na di-tuwirang
ipinaaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na
pakikiramdam at matunog na pagbabasa ng mga himnaton, o ng mga verbal na
palatandaang kaakibat nito." Maaaring ang pagpapahiwatig ay berbal, di-berbal, o
kombinasyon nito. Kadalasang ginagawa ito bilang pagsasaalang-alang sa damdamin
at dangal ng isang tao. Narito ang ilang mga salitang kaugnay ng pahiwatig (Maggay
2002): a

1. Mga salitang di uwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o pagpupuntirya:


lamang sa paligid nga Pahaging - isang mensaheng sinadyang magmintis at
ipinaalingawngaw b. Padaplis - isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan
nang bahagya ang kinauukulan nito, 2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay
hindi ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan:

a. Parinig - malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa


kaharap na kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid.

b. Pasaring - mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba


pang mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan,

ARALIN 12 KAKAYAHANG DISKORSAL

Kakayahang Diskorsal Abot-Tanaw Matapos ang aralin, inaasahang


maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang diskorsal;

2.natutukoy kung ano ang mga panandang kohesyong gramatikal na ginagamit


sa komunikasyon;
3.at nagagamit ang mga panandang kohesyong gramatikal sa pagpapaliwanag
at pagbibigay-halimbawa sa mga tiyak na sitwasyong komunikatibo sa lipunan.

Balik-Tanaw Ang mga pahayag sa ibaba ay bahagi ng kuwentong “Pagong at


Matsing." Lagyan ng bilang 1 (pinakauna) hanggang 15 (pinakahuli) ang patlang sa
unahan ng bawat pahayag upang mabuo ang kuwento.

Kinuha nina Pagong at Matsing ang puno ng saging at pinaghatian ito. Isang
araw, namamasyal sa tabing-ilog si Pagong at si Matsing.

Umiyak si Pagong at nakiusap kay Matsing na huwag siyang itapon sa ilog pero
itinapon pa rin siya ni Matsing.

Hinuli ni Matsing si Pagong at sinabi niya rito na iluluto niya ang huli. Dahil hindi
maakyat ni Pagong ang kaniyang saging,

nakipagkasundo siya kay Matsing na siya ang aakyat at maghahati sila sa


mapipitas na bunga.

Kinuha ni Matsing ang bahaging may dahon at itinanim ito sa kakahuyan.


Natuwa si Pagong dahil kapag iniluto siya ay gaganda ang kaniyang balat.

Nakakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng saging. i Inubos ni Matsing


ang lahat ng bunga kaya nagalit si Pagong.

Dahil sa pagkatuwa ni Pagong, Katuwa ni Pagong, naisip ni Matsing na tadtarin


si Pagon man niya dahil dadami siya at magkakaroon ng kasama, na ikinatuwa naman
niya dahil dadami siya at magkakaroon

Kinuha naman ni Pagong ang bahaging may ugan ilog

Kinalaunan, namatay ang itu Dahil natuwa na namang muli s n, namatay ang
itinanim ni Matsing at nagkabunga ang kay Pagong wa na namang muli si Pagong,

napagdesisyunan ni Matsing na itapon na lang si Pagong sa ilog upang malunod.


nagong ng mga tinik ang bababaan ni Matsing kaya natinik ito Nilagyan ni Pagong ng
mga tinik ang bababa at nasaktan Hindi nalunod si Pagong dahil marunong siyang
lumangoy.

Naisahan niya si Matsing Matapos mabuo ang kuwento, talakayin sa klase kung
ano ang iyong naging batayan sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

May mga salita bang nagpahiwatig ng sunuran? Ano-ano ito? SLusong-


Kaalaman sa Pagbuo ng Sanaysay. Sundin ang mga gawain sa ibaba:

1. Magpangkat sa lima ang klase.


2. Magpapaskil ang guro ng tatlong larawan sa pisara na may kau konsepto ng
"Nasyonalismo."

3. Mula sa tatlong larawang ito, magtutulong-tulong ang bawat mi grupo sa


pagbuo ng sanaysay na nag-uugnay sa mga larawan.

4. Matapos ang 30 minuto, basahin sa klase ang nabuong sanaysay ng 5. Pag-


usapan sa klase kung ano-anong salita ang ginamit na nakatulo uugnay ng mga
larawan upang makabuo ng sanaysay.

Ano ang kakayahang Diskorsal?

(2010), ang diskurso ay nangangahulugan ng " genap at palitan ng kuuro." Mula


niko, mahihinuha na ang kakayahang diskusal my tumutukoy sa kakayahang umunawa
at makapagpahayag sa isang tiyak pa wilka Dalawa sa karaniwang uri ng kakayahang,
diskorsal ay ang kakayahang W ewel hk ang kakayahang, rekoribal, Tumutukoy ang
kakayahang bekewwal sa kahusayan ng isang indibidwal sa pahan at paginawa ng iba't
ibang, kebo vya ng mga akdang pampanitikan, walay bowenako mal, transkripsyo, at
iba pang pasulat pangkomunikasyon. Ey kalang banda, ang kakayahang, retorikal ay
tumutukoy naman sa kahusayan w wengindihadural na makibahagi sa kumbersasyon,
Kasama rito ang kakayahang unawain ang iba't ibang tagapagsalita at makapagbigay
ng mga pananaw o opinyon Kung ang bang bisita sa programang pantelebisyon ay
sumasagot lamang nang palang salita sa mga tanong ng larapanayam, mahuhusgahan
siyang mahina katawhana Hickoreal, partikular sa kakayahang retorikal, at malamang
ay hindi na muling maimbitahan, sa kabilang banda, ang isang taong hindi binibigyan ng
pagkakataon ang iba na magsalita o palagiang nagpapahayag hinggil sa paksang
pinaguusapan ay masasabi ning may suliranin sa ganitong kakayahan. W yon kay Crice
(19177, 1975, sipi kay Ho 2001), may dalawar ini kay Ho 2001), may dalawang
batayang winagtalastasan, Ang unang tuntunin ay ang pagkilala sa ng ikalawa naman
ay ang pakikiisa, na kinapalolooban www.papalitan ng pahayag w panuntunan hinggil
sa kantidad, kalidad, relasyon, at paraan Kantidad, kalidad, relasyon at paraan ng
kumbersasyon:

Sa Pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal, mahalagang sangkap sa


paglikha ng mga pahayag ang kaugnayan at kaisana tumutukoy sa kung paanong
napagdidikit ang kahulugan ng mga p o o pahayag sa paraang pasalita o pasulat.
Tingnan ang halimbawa:

A: Ang kalat naman dito!

B: Aayusin ko lang ang mga libro.


Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o leksikal ang mga
pahayag. Gayunman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan dahil naunawaan ni B
ang pagkadismaya ni A at mula rito ay tumugon si B nang nararapat. Tumutukoy naman
ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa lingguwistikong
paraan. Nakapaloob dito ang paggamit ng mga panghalip (hal., siya, sila, ito) bilang
panghalili sa mga natukoy na sa simula ng pahayag at pagdaragdag ng mga kataga,
panuring, at komplemento upang pahabain ang mga pangungusap. Gayundin, maaari
ding pagtambalin ang pangungusap o sugnay. tan ng kataga - napahahaba ang
pangungusap sa katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala, at iba pa. Pagpapahaba
sa

Pangungusap 1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga - napahahaba


pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, nam Halimbawa: .

May ulam •

May ulam ba? •

May ulam pa. .

May ulam pa ba? .

May ulam pa nga pala. .

May ulam naman pala.

2. Pagpapahaba sa pamamagitan no no “ pamamagitan ng panuring -


napahahaba ang pangungusap sa tulong ng mga panuring na na at ng. Halimbawa: •
Siya ay anak. • Siya ay anak na babae. • Siya ay anak na bunsong babae.

3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento – napahahaba ang


pangungusap sa pamamagitan ng komplemento o ang bahagi ng panaguri na
nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa. Ang iba't ibang uri ng komplemento ng pandiwa
ay tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o sanhi, layon, at kagamitan. a.
Komplementong tagaganap - isinasaad ang gumagawa ng kilos. •

Pinangungunahan ng panandang ng, ni, at panghalip. Halimbawa: kap ay -po kal


ahil pat.

b. ang ng ng ain na

C. • Ibinalot ni Jay ang mga tirang pagkain. • Ibinalot niya ang mga tirang
pagkain. Ibinalot ng kaniyang kaibigan ang mga tirang pagkain.
Komplementong tagatanggap – isinasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos.
Pinangungunahan ng mga pang-ukol na para sa, para kay, at para kina. Halimbawa: •
Naghanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.

• Bumili ng laruan si Bryan para kay Jave,

• Nagpaluto ng pansit si Will para kina Eugene at Elyrah.

Komplementong ganapan - isinasaad ang pinangyarihan ng kilos.


Pinangungunahan ng panandang sa at mga panghalili nito Halimbawa: Namalagi sila sa
evacuation area.

• Namalagi sila rito. Namalagi sila roon. Kondomontong sanhi - isinasaad ang
dahilan ng pangyayari o ng kilos. Pinangungunahan ng panandang dahil sa/kay at mga
panghalili nito. Halimbawa:

• Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal. • Dahil kay Alvin,


naparusahan si Michelle.

Komplementong layon – isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng


Pinangungunahan ito ng panandang ng. ipinahahayag ng pandiwa e. 2021/09/17 10:08
OPPO A15s Halimbawa: Regular na umiinom ng gamot ang aking lola

• Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing hapon.

- Komplementong kagamitan - isinasaad ang instrumentong ginamit upang f.


maisakatuparan ang kilos. Pinangungunahan ng pariralang sa pamamagitoř ng at mga
panghalili nito. Halimbawa:

• Sa pamamagitan ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng impormasyon •


Magkakasundo lamang sila sa pamamagitan mo. Pagpapahaba sa pamamagitan ng
pagtatambal - napagtatambal ang dalawang payak na pangungusap sa pamamagitan
ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit, saka, at iba pa. Ang mabubuong
pangungusap ay tinatawag na tambalang pangungusap. Halimbawa:

• Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa palengke ang


kaniyang nanay. • Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak namang matataas ang
kaniyang marka sa mga pagsusulit. 4.

Layag-Diwa

A. Ipaliwanag ang pagkakaugnay at pagkakaiba ng sumusunod:

1. Kakayahang Tekstuwal at Kakayahang Retorikal

2. Kantidad at Kalidad
3. Kaugnayan at Kasiyahan

B. Basahin ang isang pabatid mula sa Kagawaran ng Kalusugan Ebola Virus


Disease.

Pagkatapos ay subukin ang iyong kakayahang tekstuwal. Isagawa ang susunod


na gawain pagkatapos basahin ang pabatid.
YUNIT IV HUWAG LANG SABIHIN, ISULAT DIN

ARALIN 13 – KAHALAGAHAN AT KABULUHAN NG PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral a aral ang


sumusunod: aliksik hinggil sa wika at

1. nakapaghihinuha sa kahalagahan na magsa kulturang Pilipino;

2.nakapagtataya sa mga kasapatan at kakulangan sa pananaliksik sa iba't ibang paksa;

3.paniwanag ang maka-Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik;

4.nailalahad ang opinyon hinggil sa mga nabuong saliksik amina al kulturang Pilipino; at

5. nakabubuo ng bibliyograpiyang may anotasyon ng ilang pananaliksik na pumapaksa


sa wika at kulturang Pilipino.

Balik-Tanaw Pahiwatig at Yupemismo sa Komunikasyong Pilipino.

Anumang kaparaanan o gawi sa komunikasyon ay dumaraan sa proseso ng pagwiwika


na sumasalamin sa isang umiiral na kultura. Nalilikha ang mga ugnayan at
pagpapakahulugan sa isang setting ng komunikasyon batay sa konteksto na
nagsisilbing mahalagang tuntungan ng mensahe. Sa madaling salita, ang mga taglay
na salita at kilos no alita at kilos ng isang indibidwal ay maaaring magkaroon ng iba't
ibang kahulugan batay sa kultura murugan batay sa kulturang pinaglalapa at bumabasa
rito. i
Mahalagang maunawaan ang kultura na nagluluwal no wal ng mga kagawian at
kaparaanan sa isang nabubuong ugnayang pangkomunikasyon u on upang mabatid
ang kabuluhan at bisa ng isang mensahe. Halimbawa, ang likas na na pagiging
masayahin ng mga Pilipino ay maaaring basahin sa positibo at negatibong non iring
kuntento o kaya naman ay kawalang pakialam. Samantala, ang pong paraan ng
pagiging Seryosong ekspresyon ng mukha ng karaniwang mamamayan ng Thailand ay
maaar pagiging masungit. Sa paraan naman ng pagsasalita, likas sa m Maaaring
ipakahulugan ng raan naman ng pagsasanta, likas sa mga bansang kanluranin

Filipino at tahas sa pagpapahayag na kabaliktaran sa gawi ng mga 2021/09/17 10:08


OPPO A15S O Sa pag aaral na "Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino"
Melba Padilla Maggay (2002), dinalumat niya ang matalas na paggamit ng pahiwatig sa
kalakaran ng pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino. Inilarawan at sinuri niya ang
paggamit ng pahiwatig sa karanasan ng mga Pilipino sa iba't ibang larangan na
maiuugnay sa tradisyon ng pakikipagkapwa at makapagpapaunawa sa ng nabubuo sa
mga pamayanang Pilipino. Ang salitang ugat na "hiwatig" ay nagmula sa sinaunang
Tagalog na tumutukoy sa paraan ng ng nararamdaman at kaisipan ng isang tao sa
pamamagitan ng pagliligoy sa pagpapahayag Bakit nga ba maligoy ang Pilipino?
Sinikap ipaliwanag ni Pamela Constantino (2003) sa kaniyang papel na
"Euphemism/Yupemismo sa Lenggwahe ng mga Pinoy". ang karaniwang dahilan ng
hindi tuwirang pagpapahayag ng ating nararamdaman na nagreresulta sa paggamit ng
pahiwatig o kaya'y yupemismo: “Ayaw ng Pilipino na mapahiya o kaya'y mawalan ng
pag-asa sa partikular na oras na iyon ang kaniyang kausap kaya may paraan siya sa
pag-iwas." Maaaring masuri na ang ganitong gawi ng mga Pilipino sa komunikasyon ay
upang mapanatili ang mabuting pakikitungo at pagpapanatili ng konseptong
"pakikipagkapwa" sa sinomang kausap o patutunguhan ng mensahe. Maipapalagay na
ganito rin ang namamayaning tradisyon ng pananalinghaga sa penomena ng pick-up
lines na gumagamit ng tayutay bilang pormula sa paghahasa ng talim at lalim ng
pagpapakahulugan sa namamayaning damdamin at kaisipang nais ipahayag ng isang
indibidwal sa kaniyang kapwa. Halimbawa:

1. "Tinidor ka ba?"
"Bakit?"
"Kasi baluktot ang tuwid na daan."

2. "EDSA ka ba

"Bakit?"

"'Di kasi ako makapag-move on."


Kung susuriin ang dalawang pick-up lines, nagagawang mapalalim nito ang kahulugan
ng pamumuna at pagpapahayag ng nararamdaman na nagbubukas n. mayamang
dikurso at bisa sa pagpapanatili ng kahulugan sa pakikipagkapwa.

Internasyonalisasyon at Pambansang Adyenda sa Pananaliksik

umitinding kampanya ng internasyonalisasyon naisasantabi ang halaga ng sari-sariling


yaman ng wika at kultura ng mga bansa dahil sa paniniwala na may iisang
pamantayang pandaigdig na nagsisilbing gabay sa ugnayan ng mga bansa. Ayon sa
pagpapakahulugan ni Daly (1999), ang internasyonalisasyon ay tumutukoy sa
pagpapataas ng halaga sa mga pandaigdigang kalakaran kabilang na ang
ekonomikong palitan, ugnayan, tradato, alyansa, at iba pa na ang batayang yunit ay
nakabatay sa mga bansa ngunit ang ugnayan ng mga bansa ay higit na mahalaga at
kinakailangan. Bagaman may postura ang internalisasyon na pinalalakas ang ugnayan
at pagkakaisa ng mga bansa, sa aktuwal ay lumilikha ito ng mga pamantayang
nakapadron sa dominanteng diskurso ng mauunlad na bansa at nagsisilbi sa
pangangailangan ng mga ito. Samantala, ang sarili nating pambansang kakayahan at
diskursong pambansa ay naisasantabi at nababansot bunga ng "pakikiangkas at
"panggagaya” upang makatugon sa ipinapataw na mga pamantayang global kahit
maisantabi ang sariling karanasan at mga pangangailangan-ang pambansang adyenda.
Tuluyang naisasantabi ang pagpapalakas na makalikha pa ng mas maraming
pambansang iskolar at pantas sa larangan ng sariling wika at kultura. Gayundin, dahil
sa maling pakikiangkop sa pamantayan ng internasyonalisasyon sa publikasyon, may
tendesiya ang mga pananaliksik na magkaroon ng matinding pagkiling sa mga
dayuhang teorista. Nagbubunga ang ganitong mga suliranin sa dati nang nakitang
kahinaan ng mga Pilipinong intelektuwal. Ayon kay Renato Constantino (1996),
"Marami-rami na rin sa ating mga kababayan ang nakapag-ambag ng mahahalagang
kontribusyon sa daigdig ng kaisipan. Subalit kadalasa y hindi natin ito binibigyan ng
gaanong importansiya. Ito'y isang dahilan ng kawalan ng tradisyong intelektuwal."
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng sarili nating mga iskolar at ang kanilang
kaisipang nakaugat sa pambansang kalagayan upang mabuo ang ating nga
pambansang adyendang pampananaliksik Ang pambansang ada pampananaliksik ay
tumutukoy sa mga paksa pamamaraan, at pananaw nagtataguyod ng ating
pambansang interes at lumulutas sa ating mga sariling i suliranin bilang bahagi ng
komunidad bansa at daigdig. Nagiging sunod-sunuran ang gawaing pampananaliksik sa
bansa ng internasyonalisasyon na may modelong di-pantay ang pagtingin sa
pagkakaiba iba ng mga paksa dulog at metodo sa pananaliksik Halimbawa pinapanoi
mga unibersidad sa bansa bilang panukatang sistema ang mailathala sa Institusyon.

Scientific Information (ISI)-indexed journals, na kakaunti pa lamang ang nasa larangan


Human sa ganitong pananaw ng mga unibersidad, na mga larangan at hindi nakikilala
ang dibersidad 13° Hindi rin nagiging pantay ang pagtingin sa mga lalo yaong nasa
wikang Filipino, na direk ng pagbubuo ng sariling konsepto at solusyon sa pambansa.
Bagaman hindi sinasabing kapag sa wikang wala na itong kakayahang makapagtampok
ng par idiin na higit na nasasapol ang diwang Pilipino games katutubong wika sa
Pilipinas.

Gayundin, mas malaw maaabot ng anumang pananaliksik na ginagamitan ng exed


journals, na dominante sa larangan ng Agham nasa larangan Humanidades at Agham
Panlipunan. Dan naw ng mga unibersidad, nagkakaroon ng tungga n ng tunggalian sa
pagitan ng lala ang dibersidad ng mga ito. ntay ang pagtingin sa mga lokal at
pambansang publikasv. llipino, na direktang makasasapol sa masalimuot na prose a
mga suliranin sa karanasana nan hindi sinasabing kapag sa wikang Ingles isinulat ang
pag-aaral av ayahang makapagtampok ng pambansang kalagayan. Nais lamang
sasapol ang diwang Pilipino gamit ang wikang Filipino at mga Tka sa Pilipinas.
Gayundin, mas malawak na mamamayang Pilipino ang anumang pananaliksik na
ginagamitan ng wika at paksaing pambansa. Demeterio (2016) ang mahalagang papel
ng wika sa pagtatampok ng vambansang adyenda sa pananaliksik sa proyekto ng
interaye Inililinan ni larangang akademiko: "Palakasin ang mga pamantasan natin sa
pamamagitan ng pananaliksik, at lalakas lamang ang pananaliksik natin kung matatag
ang wika natin. Kung hindi, sunud-sunuran lang tayo sa gusto ng ibang university. Lagi
lang tayong gagawing partner ng university sa pagpapatakbo ng pananaliksik nila
samantalang mayroon tayong sariling kultura at agenda ng pananaliksik. Dapat mag-
usap-usap tayong mga Pilipino ukol sa ating interes at agenda na kapaki-pakinabang sa
ating sariling lipunan."

Sa ganitong punto, malaki ang hamon sa mga mananaliksik ng wika at kulturang


Pilipino na igiit ang espasyo para sa maka-Pilipinong pananaliksik na nakabatay sa
ating pambansang pangangailangan at interes.

Katiwalian sa Katutubong Kamalayan sa Pag-aaral ng Wika at Kulturang Pilipino


Maliban sa isyu ng wastong paglalagay ng espasyo at pantay na paksa at
pamamaraang nakatuon sa lokal na pag-aaral ng wika at ding problema kaugnay nito
ang namamayaning katiwalian uk maling kamalayan at kaisipan ukol sa kulturang
katutubo at k ang namamayaning katiwalian ukol sa pagbubuo ng papel na "Mga
Katiwalian sa ating Kamalayan Tungkol sa Kasy in ukol sa kulturang katutubo at
kaalamang bayan. Sa alamang Bayan" ni Arnold Azurin (1991), pinuna niya ang
kawalang-ingat ng mo & mga mananaliksik at manunulat sa kanilang mga paksang
sinasaliksik na nagreresulta no paglikha ng kahulugan at pagsasawalang-bahala sa
kapakanan paksa. Nagreresulta rin ang ganitong kakulangan ng panlilinlane at
pagsasawalang-bahala sa kapakanan ng pinag-aaralang sakaling mailabas bilang aklat
o sanggunian ang mga malin ganitong kakulangan ng panlilinlang sa mga mambabasa
magluluwal din ng maling pag-unawa at kamalayan sa mamb ounian ang mga maling
impormasyon, na layan sa mambabasang Pilipino.
Upang malampasan ang ganitong katiwalian, ipinanukala ni Azurin na maging aikal sa
pag-aaral ng mga paksa ukol sa katutubong kultura at kaalamang bay proseso ng pag-
unawa rito.. pangangailangan din ng praktis (lampas sa pagteteorya) at pagpaloob sa
mis Vatibay pa ring pamamaraan ang karanas 5 pamamaraan ang karanasan at
dunong na nagmumula sa kapwa at hindi paniniwala sa indibidwal o sariling na
malbidwal o sariling palagay lamang. Matingkad ding iginiit Azurin ang kahalagahan ng
aktuwal na pagdanas sa loob ng pinag-aaralang paksa makabuo ng matibay na
pagsusuring nakabatay sa konteksto a nag-aaralan. Sa ganitong punto, nakikita ang
halaga ng pananaliksik sa urang Pilipino bilang makabuluhang gawai ang
makabuluhang gawain ng pag-unawa sa sarili, pagwawasto sa binaluktot na
kamalayan, at ambag sa proyekto ng dekolonisasyon. Halimbawa, hindi maaaring pag-
aralan ang mga pambansan S pag-aralan ang mga pambansang minorya, gaya ng mga
Lumad, batay Tomang sa mga isinulat na aklat at babasahin tungkol sa pambansang
minoryang o sabihin mahalaga ang proseso ng aktuwal na obserbasyon at tuwirang
pakikipamuhay upang makabuo ng pag-unawang nakaugat sa kongkretong kalagayan.
Kaugnay nito, marami sa mga iskolar sa wika at kultura ang may tendensiyang maging
artipisyal sa proseso ng paglalapat ng teorya nang hindi inuugat at humahalaw sa
karanasan ng paksang sinasaliksik.

Maka-Pilipinong Pananaliksik bilang Modelo at Metodo ng Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino Sa pag-aaral ng wika at kulturang Pilipino,

matinding isyu rin ang paglilihis ng landas sa pananaliksik na bunga ng kahinaan sa


pagpili ng paksa at layunin ng pananaliksik. Maraming pananaliksik ang nakabatay sa
interes ng mananaliksik at hindi sa interes ng kaniyang paksang sinasaliksik.
Nahihikayat din ang karamihan na lagi't laging pag-aaralan ang kulturang dayuhan sa
halip na magkaroon ng motibasyong linangin ang sariling kaparaanan. Kadikit ng
ganitong pagkahumaling sa dayuhang kultura ang pagkiling sa mga tanyag na konsepto
at pamamaraang kanluranin na hindi umaangkop sa kalagayan, karanasan, gawi, at
diwang Pilipino.

Problematiko rin ang paksa at layuning nakakulong sa pamantayan at layuning


akademiko lamang habang isinasantabi ang kabuluhan ng pamumuhay at karanasang
panlipunan bilang laboratoryo ng kaalaman. Ang kawalan ng tiyak at malin konteksto sa
pag-aaral ng wika at kulturang Pilipino ay nagreresulta no tunguhing pambansa at
nagpapakita ng baluktot na katotohanang n cavan at karanasan nito. Sa madaling
salita, hindi kailanman bibang realidad; kailangang unawain ang mga sariling ka na
nakatanaw sa layunin at kontekstong Pilipino. Kung gayon, ipinapanukala sa isang
pananaliksik na gustong magsuri sa mga kalagayang pangwika at pangkultura ang
pagkakaroon ng malinaw na adbokasiyang pambansa at layuning nakapag-ambag sa
lipunang Pilipino.

Bilang tugon sa mga ganitong suliranin at hamon tungo sa makabuluha ang Pilipino,
mahalagang ilapat ang modelo ng ma angunahing saligan ng modelong ito ang
paggamit maraang nakabatay sa sariling karanasan na angkop sa atin. lan ang
tunguhing maka-Pilipino na makapag-aan at larangang magpapalakas sa interes ng
paksang sinasaliksik ikita ang resulta na hindi nakatali lamang sa mga aklat kundis
aktika sa lipunan, kabilang ang pang-araw-araw na gawain kapag-aambag modelo ng
maka Bilang tugon sa ganitong mga suliran pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino,
maria Pilipinong pananaliksik. Pangunahing saligan 18 sariling wika at pamamaraang
nakabatay sa satu konteksto. Marapat pahalagahan ang tunguhing sa karaniwang
Pilipino at larangang magpap Kinakailangang maipakita ang resulta na hin mismong
aktuwal na praktika sa lipunan, kabilang linino sa tiyak na lipunan. Unan pag-uugali, at
pananaw ng isang karaniwang Pilipino s maisagawa ito, kinakailangan ang isang
metodonam pananaliksik upang kapwa nila matamo ang maka-Pilipinong at kalahok ng
pananaliksik upang kapwa nila na a at tunguhin gamit ang eskala ng pagmamasid,
pakikiramdam, pagpapahalaga at tunguhin gamit ang eskala ng pa statanong-tanong,
pagsubok, pagdalaw-dalaw o pagmamatiyag, pagsusubaybay, pakikialam, pakikilahok,
at pakikisangkot (Enriquez 1992).

Integrasyon ng mga Disiplina sa Pananaw ng Wika at Kulturang Pilipino

Sa pagninilay ukol sa mga naging kahinaan ng pananaliksik sa wika at kulturang


Pilipino, nabubuksan ang mga posibleng landas sa lalong pagpapalalim ng nasabing
larangan at maging katuwang ng iba pang disiplina sa pagbubuo ng isang tunay at
makabuluhang maka-Pilipinong pananaliksik. Binubuksan ng maka-Pilipinong
pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ang magkakaiba ngunit magkakaugnay na
pananaw at lapit-pamamaraan sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na may
katangiang interdisiplinaryo, kros-disiplinaryo, at multidisiplinaryo.

Ito ang makapagpapalitaw sa mabisang talaban at diskurso ng iba't ibang larangan


upang makabuo ng isang matatag na araling Filipino na nakasalig sa lakas ng wika at
kultura. Halimbawa, sa larangan ng pagtuklas ng mga imbensiyong pangagham at
teknolohiya, mahalagang isaalang-alang ang katangiang agrikultural ng bansa at
magdisenyo alinsunod sa ganitong balangkas. Posibleno “nasyonalistang lenteng pang-
ekonomiya” (gaya ng konsepto ni Ale bilang gabay sa pagbubuo ng mga proyektong
pang-angham o sa in. ng karunungan. Narito ang ilang pananaw sa pananaliksik na
magagamit sa in disiplina sa pananaw ng wika at kulturang Pilipino:
• Interdisiplinaryong pananaw – nilalayon nitong maigpawan sa pagkakahawig at pag-
uugnay upang pagbigkisin ang pananaliksik na magagamit sa integrasyon ng mga
Halimbawa, sa larangan ng Humanidades, ang talaba at sining sa pagsusuri sa isang
dibuho ay kahulugan. slavon nitong maigpawan ang pagkakaiba tungo by upang
pagbigkisin ang dalawang disiplina kaalaman at pamamaraan ng mga ito. Cidades, ang
talaban at ugnayan ng wika ang dibuho ay nakapagpapalitaw ng iba't ibang

• Krus disiplinaryong pananaw - nilalayon nitong sipatin ang isang disiplina


sa pananaw ng iba pang disiplina. Pinagtutuunan nito ng pansin ang isang
paksa da magsisilbing batayan sa pagpili ng ibang pagtingin, pananaw, at
pamamaraar Halimbawa, ang iba't ibang pamamaraan at lente sa pag-
unawa ng sining a tumatawid sa mga disiplina gaya ng antropolohiya,
politika, at ekonomiks ay maituturing na katangiang kros-disiplinaryo.
• Multidisiplinaryong pananaw - nilalayon nitong pagtagpuin ang iba't ibang
pana upang mapalakas ang sariling disiplina. Nakatuon ito sa lalim at
lawak ng dalawa o higit pang disiplina. Halimbawa, ang lawak at lalim ng
ugnayan at diskurso sa sining na nilalapatan ng sari-saring disiplina ay
tumutukoy naman sa yugto at paraang multidisiplinaryo.

Sa ganitong punto, maituturing na isa sa kahalagahan ng pananaliksik sa wika at


kulturang Pilipino ang kakayahang magluwal ng iba pang kaalaman at kabuluhan na
lampas sa saklaw ng larangang ito. Kung gayon, posible rin na ang isang pag-aaral ay
maaaring magtaglay ng mga nabanggit na mga pananaw ng pananaliksik batay sa
layunin at pokus ng isinagawang saliksik. .

Sa mga natalakay na isyu at argumento ukol sa kahalagahan ng pananaliksik sa wika


at kulturang Pilipino, nabubuksan ang malawak na espayo para sa palitan ng ideya,
talaban ng bisa, at pagtanaw sa isang diwang Pilipino na mahalagang sangkap sa
paghawan ng mga balakid at pagharap sa hamon ng patuloy na pagdurog at
pananalanta sa tumitinding ragasa ng globalisasyon. Sa huli, mananatiling matatag at
nakatindig ang anumang wika at kulturang may matibay na pundasyon ng kaniyang
sarili at tumatanaw sa pangmatagalang aspirasyon ng pagiging malaya at tunay na
nakapagsasarili.

Layag-Diwa
A. Sagutan ang talahanayan ng pagtataya sa ibaba ukol sa mga kahinaan at
kalakasan pampananaliksik na nakatuon sa wika at kulturang Pilipino. Magtala ng
mga tiyak na punto ng kahinaan at kalakasan batay sa binasang teksto Kahinaan
ng Paksang Pampananaliksik

Sa pamamagitan ng arkaybal na pamamaraan ng pananaliksik po aninop ang mga


akda ni Lumbera sa magasing Sagisag mula 1973-19 Ginamit ang pagdalumat sa diwa
at tawid-diwa bilang bagong pagtanaw sa statala ng kasaysayang pampanitikan at
pagsusuri sa mga batayang isyub makabayang paghulagpos, pagbalangkas sa
kasaysayang bayan, at talaban ng malikhaing yugto ng Batas Militar sa Himagsikang
1896. Sa pagsusuri ng mga teksto mula sa magasin, naipakikilala ng mananaliksik ang
dalawang mukha ng panahon sa konteksto ng paghulagpos ng diwang makabayan at
ang kritika sa pamamayani ng mis-edukasyong Pilipino at iba pang kapansanang
ipinamana ng mga kolonyalista sa mga katutubong Pilipino. Sa paglalapat ng
postkolonyal na pagbasa sa isang yugto na nagluwal sa mga samahan at kilusang
pangkultura na magsisilbing gulugod ng malikhaing produksiyon, naipaunawa ang
halaga ng progresibo, radikal na pananaw at diwang makabayan sa pagsasadiwa ng
kamalayang-bayan. Mahalagang ambag ng pananaliksik ni Cayanes ang pagpapakilala
sa isang bagong pamamaraan ng pagbabasa sa ating kasaysayan at kalinangan
partikular sa konteksto ng pagbanghay sa radikal at progresibong tradisyon ng bansa.
Mahalagang ambag din ng pag-aaral ang pagmumungkahi ng isang alternatibong dulog
sa kritikang pampanitikan at panlipunan na holistikong nagsusuri sa diwa at estetika ng
paglikha bilang makabuluhang proyekto ng patuloy na dekolonisasyon at pagsusulong
ng tradisyong intelektuwal tungong unang hakbang sa pambansang pagpapalaya.
Cavanes, Dexter R. “Tawid-Diwa sa Pananagisag ni Bienvenido Lumbera: Ang Bayan,
Ang Manunulat, at ang Magasing Sagisag sa Imahinatibong Yugto ng Batas Militar
1975

You might also like