You are on page 1of 3

LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo ang mga
sumusunod: A. Naipamamalas ang pagkaunawa sa kaligirang pangkasaysayan ng alamat. B.
Nakapaglalahad ng sariling pananaw tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng alamat. C. Naipaliliwanag
kung paano lumaganap ang mga alamat sa Pilipinas.

II.

PAKSANG ARALIN Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat “Alamat ng mga Alamat”

Sanggunian:

Longga, Asuncion B., et. al., Filipino I. United Eferza Academic Publications, Co., 2010. Lipa City, Batangas.

Kagamitan: Visual Aids Larawan Libro, Kopya ng babasahing alamat

III.

PAMAMARAAN

Gawain ng Guro A. Introduksiyon

Gawain ng Mag-aaral Mga Inaasahang Sagot

1. Pagbabalik-aral 2. Pagganyak Pagpapakita ng larawan ng pinya, >> Ano ang larawang inyong makikita
sa ating pisara? >> Sino sa inyo ang kumakain ng pinya? >> Bakit gustong- gusto ng mga tao, lalo na ng
mga bata ang pinya? Ano ba ang katangian ng prutas na ito? Ano ba ang lasa nito? >> Ayan, yun pla ang
dahilan kung bakit gustong-gusto natin ito. Ano naman ang masasabi natin sa anyo ng pinya?

>> Pinya po. >> Kami po. >> Masarap po, matamis at mabuti sa katawan.

>> Habilog po ang hugis nito, mahaba at tila matinik ang mga dahon at ang katawan po ay maraming
itim na bilog na kung tawagin natin ay mata. >> Tama! Kakaiba ang hitsura nito „di ba, >> Ito po ay dahil
sa Alamat ng Pinya. ngunit katakam-takam pa ring kainin. Sa inyong palagay, bakit kaya ganoon ang
hitsura nito? >> Dahil sa Alamat ng Pinya? Ano ba ang >> Ito po ay alamat tungkol sa pinagmulan
tungkol dito? o kung paano nagkaroon ng pinya. >> Noong unang panahon ay may isang batang
nagngangalang Pinang. Siya po ay tamad, hindi niya ginagamit ang mata sa paghahanap ng mga gamit
na kanyang kailangan. Minsan ay nagkasakit ang kanyang ina at inutusan siyang magluto, at maglinis.
Tanung siya na tanong sa kanyang ina kung nasaan ang mga kagamitan tulad ng sandok at walis. Kaya
naman, nasabi ng kanyang ina na sana‟y tubuan siya ng maraming mata dahil hindi niya ginagamit ang
mga iyon sa paghahanap. Isang araw nang magaling na ang ina ni Pinang ay bigla na lamang nawala ang
bata, hinanap siya kung saansaan ngunit hindi na natagpuan. Isang umaga nang maglilinis ang ina sa
bakuran ay nakita niya ang isang bagong halaman na may bunga. Ang anyo nito ay kakaiba,

hugis habilog, at may mga dahon na mahahaba at nakatayo, at higit sa lahat na ipinagkaiba nito sa iba
pang halaman, ang bunga ay maraming mata. Naluha ang matanda dahil naisip niyang ito ang kanyang
anak na si Pinang dahil ang pagkakaayos ng dahon ay tulad ng buhok nito, at isa pa‟y naisip niyang ang
kanyang hiling para sa anak ay natupad dahil tinubuan ito ng maraming mata. Tinawag nilang Pinang ang
prutas at sa kalaunan ay nagging Pinya. >> Napakagandang alamat naman ang ibinahagi niyo sa amin.
Samakatuwid, iyon pala ang alamat ng pinya. 3. Talasalitaan    

Kolonya Nalangkapan Saling-dila Bathala

- nasasakupan - nahaluan - bukambibig - Diyos


B. Interaksiyon 1. Talakayan hinggil sa paksa >> Ano ba ang alamat? Kanina pa natin binabanggit ngunit
hindi naman natin alam kung ano ito. >> Tumpak! Ito ay isa sa matatandang anyo ng panitikan na
nagsisilbing panuntunan hinggil sa pinagmulan ng isang lahi, ng mga bagay sa paligid tulad ng prutas at
gulay, at maging ng mga pook. >> Naniniwala ba kayo na ang bawat lahi ay nagtataglay ng iba‟t- ibang
alamat? Bakit?

>> Tama ang iyong tinuran binibini/ ginoo. Tulad sa ating bansa, ang bawat rehiyon ay may kani-
kaniyang kultura, tradisyon at paniniwala. Ang alamat ang isa sa mga anyo ng panitikan na naglalarawan
ng mga ito,na bagama‟t mahiwaga at hindi kapani-paniwala

>> Ito po ay tumutukoy sa pinagmulan ng mga bagay-bagay, ng isang lahi, pook, prutas, gulay at iba pa.

>> Opo, dahil ang bawat lahi po sa iba‟tibang dako ng lugar ay may kani-kaniyang kultura at tradisyon na
sumasalamin sa mga paniniwala at pamumuhay nila.

ang mga pangyayari ay nakapagbibigay ng paliwanag tungkol sa pinagmulan ng isang bagay. >> Bakit
kaya mayroon tayo ngayong >> Opo. Ito naman po ay tumutukoy sa tinatawag na Alamat? Kung may
alamat ang pinagmulan ng alamat. mga bagay-bagay sa paligid natin, meroon din kayang Alamat ng mga
Alamat? >> Syempre, may dahilan din kung bakit nagkaroon ng tinatawag na alamat. Ang Pagkakaroon
ng Alamat ay mayroong Kasaysayan, at Alamat. Iyan ang ating aalamin. 2. Interaksiyon ng guro sa mag-
aaral; ng mga mag-aaral sa kapwa magaaral Pangkatang Gawain: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat
na pangkat upang pag-usapan ang kaligirang kasaysayan ng alamat nang dumating ang mga dayuhan.
Unang Pangkat: Ikalawang Pangkat: Ikatlong Pangkat:

Indones Malay Intsik, Indian, Arabe, Persyano Ika-apat na Pangkat: Espanyol Ibigay ang mahalagang
pangyayari sa pagdating ng mga dayuhan sa pamamagitan ng dayagram.

(DAYUHAN) Ambag sa Kulturang Pilipino  

Epekto sa Kulturang Pilipino  

>> Ano ba ang panumbas na salitang Ingles sa >> Legend po. Alamat? >> Tama! Ito ay Legend sa Ingles,
na hango sa

salitang Latin na “legendus” Ano sa tingin >> Pinagmulan po. niyo ang ibig nitong sabihin? >>
Pinagmulan kaya? Ito ay nangangahulugang, “upang mabasa.” Bakit kaya ganoon ang ibig sabihin? Ating
alamin. >> Noon pang 1300 AD, ang ating mga ninuno na kilala sa katawagang Ita, Aeta, Negrito, o
Baluga ay may sarili nang mga karunungangbayan, kabilang na ang alamat. Ayon sa mga heologo, nalikha
marahil ang mga karunungang-bayang ito dahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno. >> Hindi ba‟t
wala pa noong sistema ng >> Ito po ay sa pamahalaan, panulat, sining at siyensya ang pagsasalin-dila.
mga sinaunang tao, sa papaanong paraan kaya naisasalin o naisasalaysay ang mga karunungang-bayan
noon? >> Tumpak! Karamihan sa mga ito ay naisasalin sa pamamagitan ng pagsasalin-dila o
pagkukuwentuhan at pagsasalaysay tuwing may mga pagtitipon at kasiyahan.

pamamagitan

ng

>> Bago tayo dumako sa paglalahad ng inyong >> Maiimpluwensyahan po nila ang ating naging
talakayan, ano sa tingin ninyo ang kultura, maging ang sistema ng ating magiging epekto sa ating kultura
at paglaganap pamahalaan at panitikan. ng alamat ang pagdating ng mga dayuhan? >> Ganoon nga kaya
iyon? Ating alamin.

Paglalahad ng mga mag-aaral ng resulta ng kanilang talakayan. Unang Pangkat: Indones

>> Bigyan natin na tatlong palakpak at tatlong >> “Tumpak!” padyak ang unang grupo at sabay-sabay na
sabihing, Tumpak! Ikalawang Pangkat: Malay >> Alifbata o Alibata >> Ano na nga kung ating
natatandaan ang tawag sa ating unang alpabeto? >> Tama! Kung dati ay salin-dila lamang ang
pagsasalaysay ng mga alamat, nang magkaroon na ng Alifbata o Alibata ay naisatitik na ng mga ninuno
natin ang mga ito.

>> Bigyan natin ng tatlong palakpak ang >> “Magaling, Magaling, Magaling!” ikalawang grupo kasabay
ng pagsasabi ng “Magaling, Magaling, Magaling!” Ikatlong Pangkat: Intsik, Indian, Arabe, Persyano >>
Dahil sa pagdating ng mga dayuhan, higit na umunlad ang wika at panitikan ng ating mga ninuno kaya‟t
mnarami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap. Gayunpaman, hindi pa rin nawala, bagkus ay higit
pang napaunlad ang mga alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan. >> Bigyan natin ng
tatlong palakpak at tatlong >> “Wagi! Hanep!” padyak ang ikatlong grupo, at sabay-sabay na sabihin ang
“Wagi! Hanep!” Ika-apat na grupo: Espanyol >> Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga
Espanyol na may layuning mapalawak ang kanilang kolonya sa pamamagitan ng Kristyanismo. Ipinasunog
ng mga prayleng Espanyol ang mga naisulat na panitikan n gating mga ninuno. Ang iba‟y ipinaanod sa
ilog sapagka‟t ayon sa kanila ang mga iyon daw ay gawa ng demonyo. Ngunit ang mga alamat at iba
pang panitikang nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga taong-bayan ay hindi nila nagawang sirain at
nanatiling bahagi ng sinaunang kultura. >> Bigyan natin ng tatlong palakpak at tatlong >> “Nakuha mo
Kaibigan!” padyak ang ikatlong grupo, at sabay-sabay na sabihin ang “Nakuha mo Kaibigan!” >> Nanatili
ang mga alamat.. nakitalad, nakipagsubukan sa mahaba at masalimuot na panahon at nanatiling buhay
hanggang sa kasalukuyan. >> Sabi natin kanina, mayroon ding alamat ang mga alamat. Gusto niyo bang
malaman >> Opo. ang alamat ng mga alamat?

>> Kung gayon ay babasahin natin ang Alamat ng mga Alamat Pagbasa ng isa sa mga mag-aaral ng
Alamat. >> Sa inyong palagay, makatwiran ba ang >> Opo, sapagka‟t masama ang kanyang ibinigay na
kaparusahan sa lalaking balo? pag-uugali, sarili lamang niya ang kanyang Bakit oo? Bakit hindi? iniisip.
Kung hindi siya pinarusahan ng ganoon siguro po ay wala tayong tinatawag na mga alamat ngayon. C.
Integrasyon 1. Pagpapahalaga >> Bakit mahalagang pag-aralan ang mga >> Sapagka‟t ang mga alamat
ay alamat ng iba‟t-ibang rehiyon sa Pilipinas? naglalarawan ng kultura ng bawat rehiyon. Nakatutulong
din ito sa ating mga mamamayan na malaman ang mga kaugalian, tradisyon, paniniwala, karanasan at uri
ng pamumuhay ng mga kalahi natin sa iba‟t-ibang rehiyon sa Pilipinas. >> Kung gayon, paano naman
natin >> Mauunawaan at mapahahalagahan natin mauunawaan at mapahahalagahan ang mga ang mga
ito kung pag-aaralan sa sariling alamat ng sariling rehiyon? wika. Isa pa ay ang lalong pagpapalaganap at
pagsasalaysay, at maging pagsulat ng mga ganitong anyo ng panitikan. >> Mahusay ang inyong mga
kasagutan! Higit natin itong mauunawaan at mapahahalagahan kung pag-aaralan sa sariling wika. May
mga kultura sa ibang rehiyon ang nananatili, gayon pa man, mayroong nagbabago at nawawala na, ano sa
tingin ninyo ang dahilan nito? 2. Pag-uugnay Agham: Mga Teorya >> Ang alamat ay panuntunan hinggil
sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Tulad sa alamat, ang Agham ay may panumbas din na panuntunan
hinggil sa mga pinagmulan ng mga b agay-bagay o pangyayari sa ating paligid. Ito ay tinatawag nilang
mga Teorya.

>> Ito po ay dahil sa pagkakaroon ng mga di maiiwasang pagbabago sa kapaligiran o modernisasyon


tulad ng pagbabago ng relihiyon, teknolohiya, edukasyon, at iba pa.

3. Paglalahat >> Mula sa isa sa mga miyembro ng apat na grupo, maaari bang ilahad ang inyong mga
pagkatuto hinggil sa ating aralin.

D. Ebalwasyon Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Paano nagsimula at lumaganap ang mga Alamat? a.
Batay sa Alamat ng mga Alamat. b. Batay sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat. 2. Paano ka
makatutulong sa pagpapalaganap ng kulturang inilarawan sa mga alamat ng iyong sariling lugar o
rehiyon?

IV.

TAKDANG ARALIN

You might also like