You are on page 1of 4

Magbigay ka ng kahit ano na mahalga sa’yo. At sabihin mo kung bakit ito mahalaga para sa’yo.

WHAT IS ESSENTIAL
Ecclesiastes (Mangangaral) 1:14 Haring Solomon
Nakita ko ang lahat ng gawa ng tao sa mundong ito ay walang kabuluhan;
ito’y tulad lang ng paghabol sa hangin.

PANIMULA
Isang bagay na kapansin-pansin na mayroon tayong mga tao ay ang
kapasidad na tinatawag nating konsentrasyon. Ito ay isang bagay na kinakailangan
at kapaki-pakinabang, ngunit kung minsan ay nagdudulot ito na mag-focus lang
tayo sa iisang bagay, na nakakalimutan natin ang lahat ng iba pa.

Halimbawa:
1. May mga nag-aral ng sobra para sa isang exam, na nakalimutan nila pa silang
presentation sa susunod na araw.
2. May isang manlalaro na humabol sa bola at nakalimutan kung aling panig ang
kanyang nilalaro.
3. O noong maliit pa tayo (kanino hindi ito nangyari?), nag-concentrate tayo ng
sobra sa paggawa ng buhol ng sintas sapatos, tapos pagtayo natin nalaman natin
na baliktad ang pakakasuot natin ng sapatos.

Sabi dito tayo daw ay mga curious na nilalang, dahil dito madali tayong
madistract sa mga bagay bagay.
Nadidistract daw tayo into the extent na habang tinatahak daw natin yung daan na
napili natin nakakalimutan daw natin kung saan tayo pupunta.
Marami tayong mga obligations tulad ng trabaho, mga bayarin, mga gawain sa
bahay , at kung ano ano pa. Hindi tayo tumitigil sa pag iisip bakit natin ginagawa
itong mga bagay na ito.

Maraming pagkakataon na masyado tayong maraming iniisip. Ang resulta,


nagiging disoriented tayo.Di natin alam kung saan tayo papunta, di natin alam
kung ano ang purpose ng buhay natin, di natin alam kung ano talaga ang
mahalaga.

Ipinaliwanag na mabuti ni King Solomon kung ano ang nangyayari sa atin.


Ang sabi nya, habang hinanap natin ang kabuluhan ng buhay “lahat daw ay walang
kabuluhan tulad lang ito ng paghabol sa hangin paghabol lang sa hangin”.
Duamating sya sa punto ng kanyang buhay na maraming beses syang naghanap
pero wala syang napala. Kaya naisulat nya ang ganito.
Mangangaral 2:11 Pagkatapos, inisip kong mabuti ang mga ginawa ko at ang
pagod na aking pinuhunan. Nakita kong wala itong kabuluhan; tulad lang ito ng
paghabol sa hangin.

Kung ganito ang sinabi ni King Solomon ANO BA TALAGA ANG MAHALAGA?
Kung babasahin natin ang buong aklat ng Mangangaral, malalaman natin na
si King Solomon ay nabuhay na hindi alam kung ano ang totoong kahulugan ng
buhay. Di nya rin alam kung bakit sya nabubuhay. Marami syang oras at perang
ginugol sa paggawa ng mga mansion, pagkuha ng maraming alipin, naggugulol sya
ng maraming oras sa pakikisalamuha sa iba’t ibang tao, masama man o mabuti.
Pero sa bandang huli narealize nya na hindi nya alam kung ano talaga ang
mahalaga. Kung ano ang “essential”
Hangang sa mga huling taon ng kanyang buhay, dahil sa kanyang malawak
na karanasan, natuklasan nya na ang pinakamahalaga sa ating buhay is to please
GOD
Mangangaral 12: 13-14 Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi:
Matakot ka sa Diyos suundin mo ang Kanyang mg autos sapagkat ito ang buong
katungkulan ng tao. Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay
ipagsusulit natin sa Diyos.

Si Solomon ay itinuturing na pinakamatalinong hari. At ang sinasabi nya po


dito ay totoong totoo. Wag po nating kalimutan na lahat po ng ating ginawa
habang tayo ay nabubuhay dito sa mundo ay ipagsusulit natin sa Panginoon. Dapat
ay hindi natin makalimutan ang katotohanan na tayo ay nabubuhay para hanapin
si Lord, makilala Sya, sundin ang mga utos Nya, igalang Sya, Igloryfy natin Sya sa
lahat ng ating gagawin.

Para po mas maging malinaw sa atin kung ano ang daan na dapat nating
tahakin, at hindi tayo maligaw. Sinabi sa atin ng Jesus sa John 14:6 na Ako ang
daan, ang katotohanan at ang buhay.
Ang ibig sabihin po Sya po an gating dapat gawing role model, Sya po ang pinaka
safe the guide sa gitna po ng napakaraming distractions at pagkakamali sa buhay
na ating kakaharapin.

1. Anong mga bagay ang dati mong binigyan ng focus at pagpapahalga ngunit
nang makilala no si Kristo ay narealize mo na sobra pala ang pagpapahalaga
na naibigay mo dito?
2. Sa ngayon, anong mga bagay ang mas nais mong pag-ukulan ng
pansin/focus? Bakit?
3. Paano mo maipapakita sa iyong family ang pagpapahalaga mo sa Panginoon?

You might also like