You are on page 1of 2

BUHAYIN ANG KABUNDUKAN

Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating


kapaligiran. Taglay nito ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating
mga pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga halaman na
nakalulunas ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na
bulaklak at mga hayop.

Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil


ng erosyon o pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong
watershed para sa sapat na pagdaloy ng tubig. Subalit marami sa mga
kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating lugar na
pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti
nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga punungkahoy,
marami na ang nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang
pagbaha sa iba’t ibang pook.

Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment


and Natural Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa
pag-aalaga ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay
nabigyan ng solusyon. Ang reforestation o muling pagtatanim ng puno
kapalit ng mga pinutol o namatay na mga puno ay isa sa mga programa
ng DENR. Maraming tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating
ang panahon na manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga
kabundukan.

You might also like