You are on page 1of 9

MATEO 24

LET US PRAY..

Ang 5 Propesiya sa Biblia Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Jesus


ay Naganap na.

Madalas na nangyayari ngayon ang mga sakuna sa buong daigdig at ang


mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesucristo ay
sadyang natupad na. Nagbalik na ang Panginoong Jesus. Ipinakikita sa ating
ito ang katuparan ng 5 propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng
Panginoong Jesus, na makatutulong sa ating matiyak na nagbalik na nga
talaga ang Panginoong Jesus.

1. Pagsulpot ng Giyera, Taggutom at mga Lindol


2. Ang Pagpapanumbalik ng Israel
3. Ipapangaral ang Ebanghelyo sa Bawat Sulok ng Mundo
4. Sasagana ang Katampalasanan at ang Pag-ibig ng mga
Mananampalataya ay Lalamig
5. Ang Pagpapakita ng mga Huwad na Kristo at mga Huwad na
Propeta

1. Pagsulpot ng Giyera, Taggutom at mga Lindol

Sinasabi sa Mateo kabanata 24, bersikulo 6 hanggang 8: “At mangakakarinig kayo ng


mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag
kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t
hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang
kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako.
Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.”

Alam po ba ninyo na 39 wars on going ngayon ang nangyayari sa mundo. Ang mga
sakunang nagaganap sa buong mundo sa mga nakalipas na taon ay lalong lumalaki at
lumalala at, sa pagkagimbal ng tao, mga lindol, baha, tag-tuyot, wildfire, taggutom at
pagkalat ng mga sakit ay madalas na nangyayari at nagkalat. Nasa pabago-bago at
magulong estado ang mundo, at ang giyera, mga marahas na pagkilos, kaguluhan sa
rehiyon at mga pag-atake ng mga terorista ay madalas mangyari at patuloy na
tumataas. Halimbawa, sa Abril 2015, 16 estado sa US ang nakadiskubre na mayroon
silang avian flu virus, at ipinahiwatig ng mga eksperto na ito ang pinakamalalang
pagsiklab ng avian flu sa US sa loob ng 30 taon. Sa Abril 25, 2015, isang lindol na may
8.1 sa Richter scale ang naganap sa Nepal, nagdudulot ng pagkamatay ng mahigit 9,000
katao, nang may 22,000 na sugatan. Ito ang pinakamalaking natural na sakunang
tumama sa Nepal sa loob ng 80 taon. Mula Nobyembre 2015 hanggang Hulyo 2016,
nakaranas nang maraming pag-atake ng mga terorista ang Paris, Brussels, at
pagkatapos ay ang Nice, na nagdulot ng pagkamatay ng mahigit 200 katao, nang may
700 na sugatan. Sa Abril 2016, nakaranas ang India nang pinakamalalang tag-tuyot sa
40 taon, na nagresulta sa mahigit 300 katao na nahirapang makahanap ng sapat na
tubig para inumin. Mula ika-4 hanggang ika-6 ng Pebrero 2017, dahil sa malakas na
pagbagsak ng niyebe, may naganap na magkakasunod na avalanche sa hangganan ng
Afghanistan at Pakistan, na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 100 katao at
naapektuhan ang halos 2,617 na pamilya, bumubuo ng kabuuan na 15, 702 katao. Sa
madaling araw ng Abril 1, 2017, tumama sa Mocoa, Colombia ang mga baha at
pagguho ng lupa sanhi ng malakas na ulan, pinapatay ang mahigit 316 katao at 332 na
sugatan, nang may 103 kataong nawawala. Ito ang ikatlong sakunang may kinalaman sa
panahon sa kasaysayan ng Colombia at itinuturing na pinakamalalang sakuna na
tumama sa Mocoa. Ang kadalasan ng mga sakunang ito ang nagsisilbing paalala
sa sangkatauhan mula sa  Diyos, at mula sa mga ito ay makikita natin na ang
propesiyang ito sa Biblia ay matagal nang naganap, at dumating nang muli ang
Panginoon.

2. Ang Pagpapanumbalik ng Israel

Sinasabi sa Mateo kabanata 24, bersikulo 32 hanggang 33: “Sa puno ng igos nga ay
pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga,
at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw:
Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay
talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga.”

Gaya ng alam nating lahat, ang pagsupling ng mga dahon ng puno ng igos ay binanggit
patungkol sa pagpapanumbalik ng Israel. Naibalik ang Israel noong Mayo 14, 1948. Ang
mga banal na kasulatang ito ay sinasabi sa atin na kapag nakita nating nanumbalik ang
Israel, nasa pintuan na ang Anak ng tao. 70 taon na ang nakalipas mula nang
manumbalik ang Israel. 70 taon na ang nakalilipas, ang Panginoon ay nasa pintuan,
kaya’t hindi ba matagal na Siyang bumalik? Malinaw na ang propesiyang ito ng
pagbabalik ng Panginoong Jesus ay naganap na rin.

3. Ipapangaral ang Ebanghelyo sa Bawat Sulok ng Mundo

Sinasabi sa Mateo kabanata 24, bersikulo 14: “At ipangangaral ang evangeliong ito
ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at
kung magkagayo’y darating ang wakas.” “At ipangangaral ang evangeliong ito ...
sa buong sanglibutan” ay nangangahulugan na kapag narinig na ng buong
sanglibutan ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus, darating si Kristo. (Hindi ito
nangangahulugan na bawat tao ay narinig ang ebanghelyo o kapag bawat tao ay
nananamplataya kay Kristo.) Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus at nakumpleto
ang Kanyang gawain ng pagtubos, nag-umpisang gabayan ng Banal na Espiritu ang
mga alagad at apostol upang magpatotoo sa Panginoong Jesus. Mula noon, unti-unting
kumalat ang ebanghelyo ng Panginoon sa iba’t ibang pinagmulan, gaya ng radyo, ang
Internet, mga aklat, mga patalastas ng ebanghelyo o ebanghelismo ng mga
mananamplataya.

2.4 Billion People Are Christians


Christianity certainly isn’t the only prevalent religion in the world, but it might come as
a shock to learn that, amidst Islam, Hinduism, Buddhism, and all other major religious
schools, Christianity is by far the most popular.
Global assessments conducted in 2012 revealed that the precise figures pertaining to 
the most-followed world religions were:

Religion Followers % of Global Population

Christianity 2.4 billion 33%

Islam 1.8 billion 24.1%

Secular/atheist/non-religious 1.2 billion 16%

Hinduism 1.15 billion 15%

Buddhism 521 million 7%

Naging matatag ang Kristiyanismo sa buong mundo, at maraming mga bansa ang


ginawa pang pambansang relihiyon ang Kristiyanismo. Matagal na ring kumalat ang
mga Kristiyano sa buong mundo, at marami pa ang tumanggap sa ebanghelyo ng
Panginoong Jesus sa Tsina, na pinamumunuan ng isang partidong pampulitika ng
ateista. Matagal nang kumalat ang ebanghelyo ng pagtubos ng Panginoong Jesus sa
dulo ng mundo. Mga kapatid, pag-isipan ninyo ito sandali: Anong bansa, anong rehiyon
sa mundo ang hindi pa nakakarinig ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus?

4. Sasagana ang Katampalasanan at ang Pag-ibig ng mga Mananampalataya ay

Lalamig
Sinasabi sa Mateo kabanata 24, bersikulo “12 Lalaganap ang kasamaan, kaya't
manlalamig ang pag-ibig ng marami.” Lalo nang dumadami ang kasamaan sa mundo
ng relihiyon, at wala na ang paggawa ng Banal na Espiritu o presensiya ng Diyos doon.
Kahit na ang iba ay tila may maalab na pananampalataya, naglalakad pa rin sila sa
makamundong landas. Ang pag-iimbot ng kayamanan ay laganap sa mga
mananampalataya, ang ilan ay nagnenegosyo at ang ilan ay nagpapatakbo ng mga
pagawaan at inaabala ang kanilang mga sarili sa pagkita ng pera. Hindi nila iniisip na
gumawa para sa Panginoon at namumuhay silang sangkot sa mga makamundong
gusot. Kapag nangangaral ang mga pastor at mga nakatatanda, nagtutuon lamang sila
sa pagpapaliwanag ng kaalaman sa Biblia at mga teolohikal na teorya sa halip na
ipangaral ang mga salita ng Panginoon. Hindi sila nagpapatotoo sa Panginoon o
dinadakila ang Panginoon, at hindi nila ginagabayan ang mga mananampalataya na
maghanap upang maintindihan ang kalooban ng Panginoon. Kaya naman, sa huli ay
ginagabayan nila ang kanilang mga taga-pakinig sa loob ng kaalaman sa Biblia, at ang
kanilang grupo ay lalong nagiging malayo sa Diyos. Ang ilan sa mga pastor at
nakatatanda ay nakikipagtunggalian sa isa’t isa at sumasali sa pagtatalo dahil sa inggit,
sa kalabisan ay bumubuo pa sila ng mga grupo, naghihiwalay sa iba’t ibang pangkat
nagnanakaw ng mga alay o tithes, sumasali sa seksuwal na maling gawain at wala nang
pusong may takot sa Diyos. Ang masasamang gawain na ito ay lalo pang nangyayari sa
mundo ng relihiyon at lalo pang napapabayaan ang mga iglesia. Hindi natin maiwasang
maisip ang katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan dahil sa mga bagay na ito, noong
ang mga templo na puno ng biyaya ni Yahweh noon ay tila napabayaan, nagbibigay ng
hindi magagandang alay ang mga pari, at naging palengke ang templo. May kaibahan
ba sa pagitan ng mga iglesia sa panahong ito at ang templo sa katapusan ng
Kapanahunan ng Kautusan? Mula rito ay makikita natin na ang propesiyang ito sa Biblia
ay lubos nang naganap, at na nagbalik na ang Panginoon.

5. Ang Pagpapakita ng mga Huwad na Kristo at mga Huwad na Propeta


Sinasabi sa Marcos kabanata 13, bersikulo 6, na nang tanungin ng mga alagad ang
Panginoong Jesus kung ano ang mga tanda sa Kanyang ikalawang pagdating sa mga
huling araw, sinabi ng Panginoong Jesus, “Maraming paririto sa aking pangalan, na
magsisipagsabi, Ako ang Cristo; at maliligaw ang marami.” At nakatala sa Mateo
kabanata 24, bersikulo 24, “Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at
mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga
kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.”

Prinopesiya ng Panginoong Jesus na kapag nagbalik Siya sa mga huling araw, lilitaw ang
mga huwad na Kristo at huwad na mga propeta. Sa mga nakalipas na taon, sunud-
sunod na naglitawan ang mga huwad na Kristo at huwad na mga propeta. Tinatawag
nila ang kanilang mga sarili na Kristo, at hindi lamang nila basta sinusubukang
magpanggap gamit ang pangalan ni Jesus, ngunit sinusubukan din nilang gayahin ang
mga senyales ng Panginoong Jesus at mga himala, nagpapagaling ng may sakit,
nagpapalayas ng demonyo, atbp. Mula sa pagpapakita ng napakaraming huwad na
Kristo, makikita natin na ang propesiyang ito tungkol sa pagbabalik ng Panginoong
Jesus ay naganap na, dahil kapag naglitawan na ang mga huwad na Kristo, dumating na
ang tunay na Kristo. Sa panahong ito, lalo tayong dapat na magkusa at hanapin ang
pagpapakita at gawa ng Diyos. Marahil, maaaring sabihin ng ilang mga kapatid:
“Ngayon, napakaraming mga huwad na Kristo at huwad na mga propeta ang lumitaw.
Kung magkukusa tayong hanapin at imbestigahan sila, anong gagawin natin kapag
nalinlang tayo?” Ngunit kung hindi tayo maghahanap at magsasaliksik sa pagpapakita
at gawain ng Diyos dahil takot tayo na malinlang, hindi natin malalaman na nagbalik na
ang Panginoon, at hindi ba’t dahil doon ay higit na maaari tayong maiwan?

Kung ganoon, ano ang mga katangian ng isang huwad na Kristo? Sinabi ng Panginoong
Jesus, “Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang
propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan.” Mula
sa mga salita ng Panginoon, makikita natin na ang pangunahing katangian ng mga
huwad na Kristo ay: Makagagawa lamang sila ng mga simpleng tanda at mga
kababalaghan at mangangaral ng mga kamalian na tila totoo ngunit mali talaga upang
linlangin ang mga tao. Tulad ng napanood ko sa video na ipinasa sa akin. (alam ko
pinasahan din kayo). Mayroon din akong napapanood na “The Dangerous Truth”.
Panoorin po ninyo pero siyempre huwag nyo lang panoorin na wala kayong
binabatayan. Pero sa akin, naglitawan na talaga ang mga false prophet. Tulad nito na
nakikisakay sa mga maling balita.

Tingnan nga natin saglit ang Revelation 13:14-18 tungkol sa 666. Kung bakuna nga ang
tinutukoy dito.

14Nalinlang niya ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang
ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa ng isang
larawan (pagpalagay na natin na ang larawan na binabanggit dito ay ang bakuna) ng unang
halimaw na nasugatan ng tabak ngunit nabuhay. 15 Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya
ng hininga ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay
nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya (lahat ba ng ayaw magpabakuna ay pinapatay
parang kontra naman ito dun sa sinasabi sa video na ang lahat ng nagpabakuna ay
dalawang taon na lang ang itatagal. Kung ganun pala sino pa ang kakampi ni satanas kung
papatayin din pala niya ang mga nagpabakuna dahil ang bakuna daw ay evil). 16 Sapilitang
pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo,
maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. (pinipilit ka bang
magpabakuna?) 17 At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng
pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon. (ang mga bakunado lang
ba ang nakakabili ngayon sa mga tindahan, mall) 18 Kailangan dito ang karunungan:
maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito'y
bilang ng isang tao. Ang bilang ay animnaraan at animnapu't anim (666).

Kaya yung Pastor na nasa video.. false Prophet. Kaya maraming mga Pastor ang
nadedecieved kasi umaasa na lang sa mga naririnig at sa sariling karunungan ayaw
humingi sa Diyos ng karunungan. Tama po ang aklat ng Mateo marami talaga ang
maglalabasang bulaang mangangaral. Hati ang opinion ng mga Kristiyano sa bakuna,
sa dalawang Kristiyanong ito na hati ang opinion… sino sa kanila ang susundin mo.
Kung ako ang tatanungin mo, wala akong susundin sa kanila. Imbes na ubusin ko ang
oras sa pakikinig sa kanila minabuti ko pang mag-aral pa ng salita ng Diyos, ayusin ang
buhay ko, magkaroon ng mas malalim pa na relasyon sa Diyos, upang ako ay maging
handa sa muling pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Gusto mo bang malaman na totoong nagungusap sayo ang Diyos… dapat ay biblical.
Tulad ng nangyari sa akin.. sabi ng Diyos sa buhay ko kaya ako nagkasakit kasi sinira ko
ang templo ng Diyos. Totoo ban a ang Diyos ang nangusap sa akin. Yes, biblical eh.. di
na sabi g salita ng Diyos na ang katawan natin ay templo ng Diyos. Pero kung wala siya
sa bible at sinabi ko na ito ag sinabi sa akin ng Diyos, dapat lang na magkasakit ka kasi
tumataba ka na at kailangan mo ng magreduce. Pag ganyan.. ask the Lord.. Lord ikaw ba
ang nangusap sa akin.

Mula sa mga pinag-aralan natin, makikita natin na ang lahat ng mga propesiyang may
kinalaman sa pagbabalik ng Panginoong Jesus ay naganap na—nagbalik na ang
Panginoon. Gayunman, maraming mga tao ang tiyak na magtatanong: “Kung nagbalik
na ang Panginoon, bakit hindi pa natin Siya sinasalubong?” Naisip mo na ba na
maaaring may mali sa paraan ng pagsasagawa natin ng pagsalubong sa pagbabalik ng
Panginoong Jesus?. Paano natin masasalubong ang Panginoon sa pagsasagawa sa
ganitong paraan? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang
aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).
“Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y
mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan” (Lucas 11:9).
“Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng
langit. … Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang
Dios” (Mateo 5:3, 8). Tapat ang Panginoon, at hangga’t mayroon tayong pusong-
naghahanap, aktibong sinasaliksik ang pagpapakita ng Panginoon at gawain sa mga
huling araw, masigasig na nakikinig sa tinig ng Panginoon, at tinitingnan kung ang
paraan bang ito ay may kahit anong pagpapahayag ng katotohanan at kung
makapagtutustos ba ito sa atin ng buhay o hindi, kung ganoon ay tiyak na gagabayan
tayo ng Panginoon upang makilala ang Kanyang ikalawang pagdating!

Let us Pray.

You might also like