You are on page 1of 22

Banghay-Aralin sa Araling

Panlipuna Para sa Ika-Siyam na Baitang

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan sa pangangailangan bilang batayan sa


pagbuo ng matalinong desisyon.
B. Napapahalagahan ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa
pamamagitan ng debate.
C. Naipapakita ang pamantayan sa pagpili ng maga pangangailangan at kagustuhan sa
pamamagitan ng simulasyon.

II. Nilalaman

A. Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan


B. Sanggunian: https://www.sildeshare.net/dianerizaldo/pangangailangan-at-
kagustuhan-24160244
C. Mga Kagamitan: Mga larawan, visual aids, playmoney, cut outs.

III. Pamamaraan
A. Panimulang
Gawain
1. Panalangin Magsitayo ang lahat para sa
Panalangin.
2. Pagbati
Magandang Umaga mga Bata. Magandang Umaga din
po Ma’am
Tayo muna magtala ng mga Liban,
meron bang liban sa araw na ito?
3. Pagtala ng Liban
Wala po ma’am

4. Balik-Aral

B. Pagganyak DESCRIBE PHOTO


Magpapakita ng mga halimbawa
ng mga larawan na nakikita sa
pamilihan. Tukuyin kung
kagustuhan o pangangailangan
ang mga pinakitang larawan.

Base
sa

inyong nakita na larawan alin ang


kagustuhan at pangangailangan?

Tama! Magaling. Alin naman ang


mga Kagustuhan? Ma’am ang mga
Pangangailangan po ay,
Bahay,Pagkain at Tubig
dahil ito po ang
pangunahing kailangan
Tama! Magaling. Ang mga bagay natin sa pang araw-
na ito ay kagustuhan lang natin at araw.
hindi natin magagamit sa pang
araw-araw. Ma’am ang mga
Kagustuhan ay mga
Cellphone,Chocolate
C. Aktibiti KAILANGAN O KAGUSTUHAN Sapatos,Sasakyan. Dahil
ito po ay hindi kailangan
Isulat ang salitang GUSTO sa pang araw-araw.
ko/kong/ng o KAILANGAN
ko/kong/ng.
1.____________ pumunta sa party
2.____________ kumain ng prutas
at gulay upang manatiling malakas
ang aking katawan.
3.____________ magbukas ng
savings account sa isang matatag
na bangko para sa aking
kinabukasan.
4.____________ lumipat ng sa
magandang bahay na may aircon.
5._____________ uminom ng
tubig pagkatapos kumain.
6._____________ ng mamahaling
regalo.
7._____________ ng telebisyon.
8._____________ kumain ng
pizza.
9._____________ maglaro ng
video game.
10.____________ magsuot ng
maayos na damit.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng
pangangailangan at
kagustuhan?
Tama! Magaling. Ma’am! Ang
pangangailangan po ay
Ang Pangangailangan ay mga basic needs po natin sa
bagay na dapat mayroon ang tao pang araw-araw na
sapagkat kailangan ito sa pang pamumuhay, ang
araw-araw na Gawain (necessity) kagustuhan naman po
samantalang ang kagustuhan ay ang wants lang po
naman ay ang mga bagay na natin. Hindi po nating
hinahangad ng tao kung saan mas nagagamit sa pang
mataas ang batayan nito sa araw-araw.
pangangailangan at
nakakapagdulot ito ng kasiyahan
sa isang tao (wants).

Ma’am! Ang kagustuhan


Tama! Magaling. po, itoy paghahangad ng
bagay na higit pa sa
Ito ay hinahangad ng mga tao batayang
dahil ito ay nagbibigay kasiyahan pangangailangan.
sating lahat.

Debate
(Group Brainstorming)
Hahatiin ang mga mag-aaral sa
dalawang pangkat. Magkakaroon
ng debate ang mga mag-aaral
tungkol sa pangangailangan at
kagustuhan. Sa gagawing debate
bawat pangkat ay bibigyan ng
limang minute sa paghahanda,
D. Analisis tatlong minute sa paghahanda, at
isang minute naman sa pagbibigay
ng konklusyon. Pipili ng
representante ang bawat pangkat.
 Pangkat 1-
Pangangailangan
 Pangkat 2- Kagustuhan
Krayterya sa Debate:
 Nilalaman -30 puntos
 Organisasyon ng mga ideya
-20 puntos
 Kabuuan Puntos : 50
puntos

Simula na nating ang unang


Pangkat.Sino ang representante
ng Pangkat 1?

Sige. Alisa, Magsimula na kayo.

Ma’am ako po Alisha


Grace.

Pangangailangan?
Bakit mahalaga ang
Pangangailangan?
Ang bawat tao ay may
mga pangangailangan at
kagustuhan?
Ngunit, ang
pangangailangan ay
mga bagay na dapat
mayroon ang tao
sapagkat kailangan
niya/natin sa pang araw-
araw na Gawain.
Katulad ng pagkain,
damit at tirahan ay mga
batayang
pangangailangan
sapagkat hind
mabubuhay ang tao
kung wala ito.

Pangkat 2
Oo pangangailangan,
pero hindi SAPAT na
may damitr, tirahan at
pagkain lang ang tao.
Gusto nila/natin
mabuhay nang marangal
at maayos sa lipunan
kaya tayo ay
naghahangad ng mas
mataas sa kanyang mga
batayang
pangangailangan.
Tinatawag na
Kagustuhan ang
paghahangad na ito ng
tao. Ang pagkakaroon
mg bahay sa isang sikat
na pamayan
pagkakaroon ngb
masasarap na pagkain
araw-araw, at pagsusuot
ng mammahaling damit
at mga halimbawa ng
kagustuhan. Hinahangad
Magaling mga Bata. Bigyan sila ng ito ng mga tao sapagkat
Limang (5) palakpak. nagdudulot ito ng higit sa
kasiyahan.

Alam niyo ba ang Teorya ng


Pangangailangan ni Maslow?
Ma’am ito po ang may
HERARKIYA NG
PANGANGAILANGAN.

Tama. Magaling.
Bawat tao ay magkakaiba ang
pangangailanga at kagustuhan. Sa
“Theory of Human Motivation” ni
Abraham Harold Maslow (1908-
1970) ipinanukala niya nag teorya
ng “HERARKIYA ng
Pangangailangan” Ayon sa
kaniya,habang patuloy na
napupunan ng tao ang kaniyang
batayang pangangailangan,
umuusbong ang mas mataasna
natas ng pangangailangan (higher
needs).

Sa inyong palaga ano ang


Physological/ Pangangailangan
Pisyolohiyal?
Ma’am dito nakabase
ang mga
Tama! Magaling. pangangailangan ng tao.
Dito nakapaloob ang
pangangailangan ng tao sa
pagkain, tubig, hangin,
pagtulog,kasuotan at tirahan.
Kapag nagkulang ang mga
pangangailangan sa antas na ito
ay maaring magdulot ng sakit o
humantong sa pagkamatay.

Ang Safety/ Pangangailangan ng


Seguridad at Kaligtasan?

Ma’am kabilang dito ang


mga hanapbuhay,
kaligtasan mula sa
paligid. Seguridad sa
pamilya.

Tama! Magaling.
Magkakaroon ng pangangailangan
ito kapag natugunan na ang
naunang pangangailangan.
Kabilang dito ang kasiguraduhan
sa hanapbuhay, kaligtasan mula
sa karahasan, katiyakang moral at
pisyolohikal, seguridad sa pamilya
at seguridad sa kalusugan.

Ang
Love/Belonging/Pangangailangang
Panlipunan?

Ma’am dito pumapasok


ang magkasintahan,
magasawa at mahal sa
buhay.

Tama. Magaling
Kabilang dito ang
pangangailangan na magkaroon
ng kaibigan,kasintahan, pamilya at
anak at pakikilahok sa mga
gawaing sibiko. Kailangan ng tao
makipag-ugnayansa kaniyang
kapwa at makisalamuhan
sapagkat mayroon siyang
pangangailangan na hindi niya
kayang tugunan mag-isa.Maaring
magdulot ito ng kaulungkutan at
pagkaligalig ang sinumang hindi
makatutugon sa
pangangailangang ito.

Ang Esteem/Pagkamit ng Respeto


sa Sarili at Respeto ng ibang tao?

Ma’am dito po
pumapasok ang respeto
sa ibang tao at respesto
sa sarili.
Kailangan ng tao maramdaman
ang kanyang halaga sa lahat ng
pagkakataon. Ang respeto ng
ibang tao at tiwala sa sarili ay
nagpapataas ng kanyang dignidad
bilang tao. Ang mga kakulangan
sa antas na ito ay maaring
magdulot sa kanya ng mababng
moralidad at tiwala sa sarili na
maaring nagmula sa pagkapahiya,
pagkabigo, at pagkatalo.

Ang Self-Actualization/Kaganapan
ng Pagkatao?
Ma’am dito po
pumapasok ang may
tiwala sa sarili at hindi
takot mag-isa.

Ito ang pinakamataas na antas sa


pangangailangan ng tao. Sinabi ni
Maslow sa kanyang Teorya na ang
taong nakarating sa antas na ito
ay nagbibigay ng mas mataas na
pagtingin sa kasagutan sa halip na
katanungan. Hindi siya natatakot
mag-isa at gumawa kasama ang
ibang tao. Ang mga taong nasa
ganitong kalagayan ay hindi
mapagkunwari at totoo sa kanyang
sarili. May kababaang loob at may
respeto sa ibang tao.

Ano pagkakaintindi niyo sa


Teoryang Maslow?

Ma’am makikita po sa
pyramid ang mga
positibong katangian na
maaring makakamit ng
indibidwal sa kaniyang
pag-akyat sa susunod na
antas ng kaniyang
pangangailangan.

Tama. Magaling
Ipinaliliwanag sa teorya ni Maslow
na nasa susunod na pahina at
walang katapusan ang kagustuhan
ng tao. Ang pagkakaroon ng
pangangailangan ay nakabatay sa
matagumpay na pagtuon sa mga
naunang antas ng
pangangailangan. Kung kaya,
nararapat lamang na ilagay at
iayos ang pangangailangan ng tao
ayon sa kahalagahan nito.
E. Abtraksyon

Ano ang mga iba’t-ibang Salik na


nakakaimpluwensiya sa
pangangailangan at kagustuhan
ng isang tao?

Ma’am Kasama po dito


ang EDAD, ANTAS NG
EDUKASYON,
KATAYUAN SA
LIPUNAN, PANLASA,
KITA, KAPALIGIRAN AT
Tama. Magaling. Isa-isahin natin KLIMA.
ang mga nakakaimpuwensiya sa
pangangailang at kagustuhan ng
isang tao.

EDAD?

Ang mga kabataan ay


nahihilig o nasisiyahan
kumain sa labas. Tsaka
po kapag matanda kana
Tama. Magaling mas gusto nap o ang
nasa bahay lang.
Ang pangangailangan at
kagustuhan ay nagbabago ayon
sa edad ng tao. Ang mga
kabataan ay nasisiyahan kumain
sa mga restaurant dahil ito ay
naaayon sa kanilang panlasa,
Ngunit, sa pagtanda ng tao,
kailangan na niyang piliin ang
kaniyang kakainin upang
manatiling malusog ang
pangangatawan.
ANTAS NG EDUKASYON?

Tama. Magaling Ma’am dito nababatay


ang iyong pinag-aralan.
Ang pangangailangan ng tao ay
may pagkakaiba rin batay sa antas
ng pinag-aralan. Ang taong may
mataas na pinagaralan ay
karaniwang mas Malaki ang
posibilidad na mas maging
mapanuri sa kanyang
pangangailangan at kagustuhan.

KATAYUAN SA LIPUNAN?

Tama. Mahusay.
Ang katayuan ng tao sa kaniyang Ma’am dito naman po ay
pamayanan at pinagtratrabahuan yung may mga matataas
ay nakakaapekto rin sa kaniyang na katungkulan o
pangangailangan at kagustuhan. posisyon sa ating
Maaring ang taong nasa mataas lipunan.
na posisyon sa kaniyang trabaho
ay maghangad ng sasakyan
sapagkat Malaki ang maitutulong
nito upang lalo siyang maging
producktibo sa kaniyang mga
obligasyon at Gawain.

PANLASA?

Isa pa sa mga salik na


nakakapagbago sa mga
pangangailangan ay ang panlasa.
Ang panlasa sa istilo ng pananamit
at gupit ng buhok ng mga Ma’am dito po ang
kabataan ay ibang-iba sa istilo ng pagbabago ng panlasa
mga nakatatanda. ng mga tao.

KITA?

Mahusay.
Malaki ang kinalaman ng kita sa Ma’am ito naman po ay
pagtuon ng tao sa kaniyang kailangan ng tao upang
pangangailangan at kagustuhan. patugunan ng mga tao
Kapag maliit ang kita ng tao, ang kanilang
malimit na nagkakasya na lamang pangangailangan at
siya sa mga pangunahing kagustuhan.
pangangailangan tulad ng
pagkain, damit at pagkakaroon ng
bahay.

Ma’am dahil kung mas


Tama. Mahusay. Malaki ang kita mas
madalas na Malaki rin
Ang KAPALIGIRAN AT KLIMA? ang pagkunsumo, hindi
lang po sa pagkain kundi
sa mga bagay na
itinuturing na
kagustuhan.

Ma’am dahil ang


Ang kapaligirang pisikal ay kapaligiran
nakakaapekto sa pangangailangan nakakaapekto sa tao
ng tao. Kung malamig naman ang kase katulad po kapag
lugar ay maaring maghangad ang malapit ang dagat
tao ng mga produktong kalimitan po ng
makakatulong upang malabanan hanapbuhay ng mga tao
ang matinding lamig, tulad ng rito ay pangingisda.
heater. Samantala ang electric fan,
aircondition unit, at iba pang mga
kahalintulad nito ang
panganagilangan sa lugar na may
mainit na klima.

Sasagutin niyo ang aking mga


inihandang katanungan.
1. Ano ng aba ang ibig sabihin
ng Pangangailangan?
2. Ano ng aba ang ibig sabihin
Kagustuhan?
3. Anu-ano ang mga salik
nakakaimpluwensiya sa
pangangailangan at
kagustuhan ng isang tao?

F. Aplikasyon Hahatiin ang mga mag-aaral sa


apat na pangkat. Bawat pangkat
ay bibigyan ng sitwasyon kung
saan magagamit nila ang tamang
pagdedesisyon ng pagpili o pagbili
sa pagitan ng pangangailangan o
kagustuhan. Bibigyan ng play
money ang bawat pangkat at
kailangan nilang mamili na tulad
sa pamilihan sa pamamagitan ng
pagkuha ng mga cut-outs na may
nakalagay ng pangalan ng
produckto at presyon nito.
Sitwasyon:
Pangkat 1- Ikaw ay isang stuyante
at ang baon mo sa isang araw ay
limang pung piso. Hindi pa kasali
ang iyong pamasahe na sapung
piso taga sakayan at
pananghalian. Paano mo
gagastuhin ang pera na mayroon
ka?
Pangkat 2- Ikaw ay isang
empleyado sa isang kompanya at
ikaw ay sumasahod ng labing
anim na libong piso kada buwan.
Ikaw ay nagngungupahan na ang
bayad ay dalawang libo kada
buwan. Hindi pa kasali ang
pambayad ng tubig at kuryente na
limang daang piso kada buwan.
Paano mo gagastuhin ang iyong
sahod?
Pangkat 3- Ikaw ay binigyan ng
itong magulang ng dalawang pung
libong piso para pambili ng laptop
na iyong gagamitin sa iyong pag-
aaral. Subalit napag-isipan mon a
malapit na iyong kaarawan at
maraming kaibigan moa ng
umaasa na iimnitahan mo sila.
Itutuloy mo ba ang pagbili ng
laptop o nanaisin mong
ipanghanda na lang ito sa
nalalapiy mong larawan?
Pangkat 4- Ikaw ay isang ilaw ng
tahanan. Ang haligi ng tahanan ay
kumikita lamang ng sampung
libong piso kada buwan. Mayrron
kayong tatlong anak na nag-aaral
sa elementarya. Wala kayong
binabayarang renta at tubig
maliban sa kuryente kada buwan.
Paano mo ibabadyet ang pera ng
iyong pamilya?
Krayterya sa Simulasyon:
 Komputasyon: 50%
 Pagbibigay ng rason o
eksplanasyon:50%
 Kabuuan:100%
IV. Pagtataya Kumuha ng isang papel sagutin
ang mga sumusunod:
1. Ano ang ibig sabihin ng
Pangangailangan
2. Ano ang ibig sabihin ng
kagustuhan?
3-10. Ibigay ang mga salik na
nakakaimpluwensiya sa
pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

V. Takdang-Aralin
Sa isang papel, maglista ng
dalawang pung kagamitan na
makikita sa loob ng iyong
tahanan. Tukuyin kung ito ay
pangangailangan o
kagustuhan.
G.

You might also like