You are on page 1of 12

TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

 Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay
na may batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan ng lubos.

Tore ng Babel

 Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang
suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang
kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at
nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit
pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore.

 Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-


hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis 11:1-8)

Teoryang Bow-wow

 Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga
tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga
bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito.

 Mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng
mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan, kidlat atbp.

Teoryang Ding-dong
 Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito,
sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid.

 Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa
mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog
na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga
sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

 Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog


Teoryang Pooh-pooh
 Ayon teoryang ito, unang natutong magsalita ang mga tao, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
 Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y
napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch!
 Tanong: Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng
takot?

Teoryang Yo-he-ho
 Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
 Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa.
 Halimbawa: Anong tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na
bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

Teoryang Tata
 Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto
ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
 Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye
sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay
nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas
ang salitang ta-ta.

Teoryang TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
 Ito ay nagsimula sa ritwal ng sinauanang tao.
 Sila ay sinasabing may ritwal sa lahat ng gawain kagaya ng pangingisda, pag-aani,
pagtatanim, pagpapakasal, panggagamot, pagluluto, pakikidigma, pagpaparusa, at
maging sa pagliligo.
 Kasama ang ritwal ng pagsasayaw,pagsigaw o bulong.
 Ang wika daw ng tao ay nag-uugat sa tunog na nilikha sa pamamagitan ng ritwal ng
sinaunang tao.
KAHULUGAN, KALIKASAN, AT KAHALAGAHAN NG WIKA

KATUTURAN/KAHULUGAN:

Austero et al (1999) mula kay Gleason na


 “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa
pagpapahayag.”
Nina Mangahis et al (2005) na
 “ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito
ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na
susi sa pagkakaunawaan.”

KALIKASAN (KATANGIAN) NG WIKA (Bersyon 1)

Ayon kay Henry Gleason may tatlong (3) katangian ng wika:


 Masistemang Balangkas
- binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema angwika na makalikha ng
mga yunit ng salitana kapag pinagsama-sama sa isangmaayos at
makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala,
pangungusap, at talata.
 Wika ay arbitraryo
- pinagkakasunduan ang anumang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa
kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
 Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Bakit naging masistemang balangkas ang wika?

 Dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog o pinakamaliit na tunog


(ponema) na kapag pinagsama-sama ay makabuluhang sikwens na makalilikha ng
mga salita o pinakamaliit na yunit ng salita (morpema) na bumabagay sa iba pang
mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap.

 Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa


pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

Karagdagang Impormasyon
Ponolohiya (ponema)
Morpolohiya (morpema)
Sintaks
Semantiks
KALIKASAN (KATANGIAN) NG WIKA (Bersyon 2)

Ang wika ay masistemang balangkas.


Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak
na balangkas.

Halimbawa: nag- aaral Sarah mabuti makapasa eksamin

Mapapansing batay sa mga salitang nakalahad sa itaas, tayo ay makabubuo ng isang


pangungusap tulad ng:

 Si Sarah ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa sa eksamin.

Ang wikang ay sinasalitang tunog


 Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog.
 Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.
 Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan.
 Ito rin ang kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat ng pagkakataon. Tanging
sinasalitang tunog lamang na nagmumula sa tao ang maituturing na wika.
 Nilikha ito ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa
baga ng nagdaraan sa pumapalagna bagay na siyang lumilikha ng tunog (artikulador) at
minomodipika ng ilong at bibig (resonador).

Ang wika ay pinipili at isinasaayos


 Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at isaayos ang mga salitang
gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa kausap.
 Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin.

Ang wika ay arbitraryo


 Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong magsalita kung
papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang
esensya ng wika ay panlipunan.
Halimbawa:
Kung ikaw ay nasa Bicol, kailangan ang wikang iyong sinasalita ay ang wikang
gamitin sa Bicol upang magkaroon ka ng direktang ugnayan sa lipunang iyong
ginagalawan.
Ang wika ay ginagamit

• Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan,


kailangang patuloy itong ginagamit.

• Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan ng saysay.

Ang wika ay nakabatay sa kultura

• Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig?

• Ang sagot ay makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat.

• Ito ang paliwanag kung bakit may kaisipang “ang isang wika ay walang katumbas sa
ibang wika”.

• Pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles. Ano-ano ang iba't ibang anyo
ng "ice formations" sa Ingles? Ngunit ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino?

Ang wika ay nagbabago.

• Dinamiko ang wika.Hindi ito maaaring tumangging magbago.

• Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng


pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.

Ang wika ay komunikasyon

• Ang tunay na wika ay wikang sinasalita.

• Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo
ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita.

Ang wika ay makapangyarihan

• Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay nasalungat sa wastong


pamamalakad at pagtrato sa tao.

Ang wika ay kagila-gilalas

• Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kay raming salita pa rin ang kay
hirap ipaliwanag.
Pansinin ang mga halimbawa:
may ham nga ba sa "hamburger"? (beef ang laman nito at hindi hamon)
KAHALAGAHAN NG WIKA
Mahalaga ang wika sapagkat:
- Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
- Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng
tao;
- Sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
- at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

LIMANG DIMENSYON NG WIKA


1. Dimension of power -Kausap ay mas mababa, kapareho, o mas mataas sa nagsasalita.
2. Dimension of solidarity -Kaisa ba ng tagapagsalita ang kanyang kausap
3. Formality of occasion -Kailangan bang pormalo hindi
4. Expertise
5. Teknikaliti -Paggamit ng nagsasalita ng mgateknikal na salita ayon sa kaalamang
teknikal ngkanyang kausap

BARAYTI NG WIKA
Ang wika ay bahagi ng bawat bansa at pamayanan, sinasaklaw din nito ang kultura,
pamumuhay, at kasaysayan ng mga taong naninirahan dito.

Dahil ang mga tao ay may pagkakaiba, maging sa pagbigkas at pagsasalita ng


wika ay nagkakaroon din ng Barayti o ‘variety’ sa wikang Ingles. Sinasaklaw ng
Barayti ng wika ang paraan kung paano binibigkas o sinasalita ng mga tao ang
nalalaman nilang wika.

BAKIT NAGKAKAROON NG BARAYTI NG WIKA?

• Ang Barayti ng wika ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, hanapbuhay o


trabaho, henerasyon ng pagkabuhay o edad, pamumuhay sa lipunang
kinabibilangan, at maging lokasyon o heograpiya ng isang lugar.

• Ang Barayti ng wika ay bunga rin ng pagkakaroon ng heterogeneous na wika na


nabubuo naman ayon sa pangangailangan ng paggamit nito na nagbubunga ng
baryasyon ng wika.

URI AT HALIMBAWA NG BARAYTI NG WIKA

Ang pagkakaiba-iba ng pagbigkas sa mga salita ay nahahati sa iba’t ibang kategorya ayon sa
pagkakagamit nito, kabilang ang dayalek, idyolek, sosyolek, ekolek, etnolek, creole, pidgin, at
register. Ang walong uri ay mahalagang malaman upang matukoy kung paano naiiba ang
pagtanggap at paggamit ng iba’t ibang uri ng tao sa mga wika at salita.
A. DAYALEK
Ang dayalek o dialect ay uri ng pagsasalita na nabubuo ayon sa heograpikong
kinabibilangan ng mga mamamayan. Karaniwang ang pagtanggap sa wikang dayalek ay
ayon sa rehiyon, lalawigan, o bayan na kinaroroonan.

Halimbawa:
Ang pangungusap na “Anong pangalan mo” ay maaaring sabihin sa iba’t ibang dayalek.

Tagalog: Anong pangalan mo? Cebuano: Kinsay imong ngalan?


Kapampangan: Nanong lagyu mo? HilIgaynon: Ano ang imo ngalan?
Ilokano: Anya ti nagan mo? Bicolano: Ano ang pangaran mo?
Waray: Hino ang ngaran mo? Tausug: Unu ing ngan mo?
Bisaya: Unsa imu ngalan?

TATLONG URI NG DAYALEK


Ayon sa manunulat na si Curtis McFarland, isa sa mga may-aka ng Diksyunaryong Monolingwal sa
Filipino, nahahati raw sa tatlong uri ang dayalek—dayalek na sosyal, diskretong dayalek, at
dayalektikal na baryasyon.

1. Dayalek na sosyal
- Kahit nasa iisang lugar daw ang mga tao at mayroong wika o diyalektong kinalakihan,
nagkakaroon pa rin daw ng pagkakaiba sa ginagamit na wika ang mga tao ayon sa
katayuan sa lipunan o trabaho nito. Para bang nagkakaroon ng antas ang isang salita ayon
sa kalagayan sa buhay.

Halimbawa:
Sa wikang Tagalog ang salitang kotse ay may iba’t ibang katawagan:
Kotse, oto, tsekot
2. Diskretong dayalek
- Ito ay sumasalamin sa direktang pagkakaiba ng mga diyalekto o wika mula sa iba’t ibang
mga lugar. Nakaaapekto sa uring ito ang lokasyon o heograpiya ng isang lugar. Sa bansa,
madaling malalaman ang pagkakaiba ng mga wika dahil laganap ito sa maraming lugar sa
Pilipinas.

Halimbawa:
Ang salitang langgam ay may ibang kahulugan sa wikang Tagalog at Cebuano
Tagalog: langgam – uri ng insektong may anim na paa
Cebuano: langgam – ibon

3. Dayalektikal na baryasyon
- May mga lugar sa Pilipinas na kahit magkaiba ng lugar ay pareho naman ng wikang
binibigkas ngunit nagkakaiba sa paraan ng pagbigkas. Ito ang ikatlong uri ng dayalek na
tinatawag na diyalektikal na baryasyon. Naiiba ang aksent, punto, o tono ng pagbigkas ng
salita kahit pareho naman ang wikang sinasalita.

Halimbawa:
Ang mga naninirahan sa Quezon Province, Batangas, at Bulacan ay pare-parehong
gumagamit ng salitang Tagalog. Nagkakaiba lamang sila sa aksent o punto. Ang mga
taga Quezon ay gumagamit ng ‘baga’ sa kanilang Tagalog, habang ang mga
Batangueñno naman ay may matigas na pagbigkas at diin sa mga salita. Ang mga
Bulakenyo naman ay mayroong malumanay na pagsasalita ng wikang Tagalog.

Quezon: “ka ganda baga!” Tagalog: ”Bakit?”


Batangas : Ala eh! “Ka ganda ere!” Bataan : ”Bakit ah?”
Tagalog: “Maganda!” Batangas : “Bakit ga”?

B. IDYOLEK
- Kahit mayroong pamantayang itinuturo sa pagsasalita, nagkakaroon pa rin ng
pagkakaiba ang bawat indibidwal ng kanilang paraan para bigkasin ang mga ito. Ganito
ang konsepto ng idyolek.
- Nakaayon ito sa istilo sa pagpapahayag at pananalita. Karaniwang naririnig ito sa mga
sikat na personalidad na nag-iiwan ng marka sa pagbitaw ng kanilang linya sa mga
programa at pelikula nila.

Halimbawa ng Idyolek:
“Hindi kita tatantanan!” -Mike “I am sorry.” -President Gloria
Enriquez Macapagal-Arroyo
“Love na love na talaga kita. Hahaha” “Char-char lang mga momshie.”
-Kris Aquino -Melai Cantiveros
“Walang himala!” -Nora Aunor “Ansabeeeehhh?” -Vice Ganda
“Handa na ba kayo?” -Korina Sanchez “Oo naman YES!” – Ruffa Mae Quinto

C. SOSYOLEK

- Naipapangkat din ang mga tao ayon sa kanilang personalidad, kasarian, at katayuang
sosyo-ekonomiko.
- Ang pagpapangkat na ito ay nagbubunga rin ng kanilang sariling paggamit at pagbigkas
ng mga salita na tinatawag na sosyolek o sosyalek. Ito ay tinatawag ding
pansamantalang Barayti lamang dahil ginagamit lamang ito ayon sa uri ng taong kausap
at sisiguruhing kaya niyang intindihin at unawain ang ginagamit na wika.
- Kadalasan ding umuusbong ang Barayting ito ayon sa napapanahong uri ng pagsasalita
tulad ng bekimon at jejemon.
Halimbawa:
Wikang bekimon/ gay linggo: “Ang chaka naman ng fez ng jowabels mo.” (Ang pangit
naman ng mukha ng kasintahan mo)

Wikang balbal/ kanto: “Lakas ng amats ko sa nomo natin kagabi. Galit si mudra ko at
senglot na naman!” (Ang lakas ng tama ko sa ininom natin kagabi. Nagalit ang nanay ko at
lasing na naman ako)

Wikang conyo: “OMG! Lakas naman the rain. And there is a baha na out there. So yuck
talaga!” (Ang lakas naman ng ulan at baha na sa labas. Nakakadiri talaga!)

Wika ng Millenial na pangkat: “BTW, JGH. Need something to do. BFN.”

Wika ng Fans Club (Movie/Teleserye): “Pashnea, sugod mga sang re”!

D. EKOLEK
- Nagkakaroon ng barayiti ang wika dahil sa mga lugar o pangkat na kinabibilangan natin.
At ang bawat lugar sa bansa ay mayroong tahanan. Sa loob ng tahanan ay mayroong isa
o higit pang pamilyang naninirahan.
- At ang maliit na yunit ng mga mamamayan na ito ay mayroon ding mga natatanging
wika na ginagamit sa loob ng bahay na sila-sila lang din ang nakagagamit sa kanilang
pamumuhay o pantawag sa bawat miyembro.
- Dito pumapasok ang barayiti ng wika na ekolek. Ito ay tumutukoy sa mga salita, kataga,
o mga pararila na ginagamit ng bawat miyembro ng pamilya sa loob ng bahay. Ito ay ang
mga nakasanayang tawag sa bawat miyembro, bahagi ng tahanan, o kanilang mga
gawain sa loob ng bahay.
- May mga pagkakataon sa loob ng tahanan na nagiging hudyat upang makabuo ng
katawagan sa isang bagay tulad ng mga nakatutuwang pangyayari. Sakop din nito ang
tradisyon o paniniwala ng isang pamilya.

Mga Halimbawa Ng Ekolek


Nanay – mom – inay – nanay – mudra – mamshie
Tatay – dad – itay – tatay – pudra – pappy
bunso – baby – beh
lola – apo – inay – mamu – granny – inang – mommy lola
lolo – ingkong – itay – papu – lo – itang – papa lolo
platuhan – pamingganan – dispenser – dish rack
Lababo – batalan – hugasan – urungan
E. ETNOLEK
- Ang etnolek ay mga salitang likas at naging pagkakakilanlan na ng mga pangkat
etniko sa bansa.
- Batay ito sa mga etnolonggwistong pangkat sa Pilipinas.
- Ang mga salitang ito ay kadalasang likas sa kanila ngunit naging tanyag na rin para
sa ibang lahi o pangkat.

Halimbawa ng Etnolek
Adlaw – araw, umaga
Bagnet – sitsarong gawa sa Iloko
Vakuul – pantakip sa ulo ng mga taga-Batanes o Ivatan
Palangga – mahal, iniirog, sinta
Banas – mainit, maalinsangan, pagkayamot
Batok – tradisyonal na paraan ng pagta-tattoo mula sa Kalinga
Dugyot – marumi
Kalipay – ligaya, saya, tuwa
Magayon – maganda, kaakit-akit
Ambot – ewan, hindi ko alam
F. CREOLE
- Ang creole ay tawag sa Barayti ng wika na pinaghalo ang wika o salita ng mga
indibidwal mula sa magkaibang lugar o bansa.
- Nag-umpisa raw ang konsepto ng mga wikang creole noong ika-17 hanggang ika-
18 siglo kung saan laganap ang pagsakop sa iba’t ibang bansa.
- Sa Pilipinas, ang wikang Kastila ang pinakamaimpluwensiya sa lahat dahil mahigit
300 taon tayong nasakop ng mga ito.
- Nagkaroon pa nga ng isang wikang lokal na halaw sa pinagsamang wikang Tagalog
at Kastila, ang Chavacano na sinasalita sa ilang bahagi ng Cavite at Zamboanga.

Halimbawa ng Creole
Mga kataga at pangungusap sa wikang Chavacano:

“De donde lugar tu?” (Taga-saan ka?)


“Adios!” (Paalam)
“Buenos dias!” (Magandang umaga!)
“Buenas noches.” (Magandang gabi.)
“Gracias!” (Salamat)
“Nada!” (Wala)
“Ama yo contigo” (Ganito kita kamahal)
“Cuanto este?” (Magkano ito?)
G. PIDGIN
- Mayroon namang Barayti ng wika na walang pormal na estruktura.
- Tinatawag na pidgin ang mga wikang ginagamit ng dalawang indibidwal mula sa
magkaibang bansa upang magkaintindihan. Kung sa salitang kolokyal, masasabing
ang ganitong usapan ay ‘maitawid lamang,’ Tinagurian din ang pidgin bilang
“nobody’s native language ng mga dayuhan. Itinuturing din ito bilang ‘make-shift’
language o wikang pansamantala lamang. Gayunman, kahit na kulang-kulang ang
mga ginagamit na salita at pandugtong, nananatiling mabisa ito sa pagtatalastasan
ng dalawang tao mula sa magkaibang lahi.
- Maituturing na pinakatanyag na halimbawa ng pidgin ay ang English carabao ng
mga Pilipino o pagsasalita ng wikang English nang hindi tuwid o hindi wasto. Isa
ring halimbawa ay ang barok na Filipino ng mga Chinese na naninirahan sa bansa.

Halimbawa ng Pidgin
“You go there… sa ano… there in the banyo…” (English carabao)
“What’s up, madrang piporrrr…” (Koreanong si Ryan Bang sa kaniyang programa)
“Ikaw bili sa kin daming tikoy, huwag ka utang ah…” (Chinese na sumusubok mag-Filipino)
“I am… you know!” (English carabao)
“Ako wara masamang barak… (Japanese na nagta-Tagalog)

H. REGISTER
- May mga uri naman ng wikang ginagamit lamang sa isang partikular o
espisylaisadong domain. Ang Barayting ito ay tinatawag na register. May tiyak na
pakahulugan ang mga salitang ginagamit dito na tanging ang mga taong kabilang
sa isang partikular na pangkat lamang ang nakaiintindi o nakauunawa. May tatlong
uri ng dimensyon ang Barayting register.

Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) –naaayon ang wika sasino ang nag uusap.
Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) –batay sa larangan natinatalakay at sa panahon.
Paraan o paano nag-uusap (modE of discourse) –pasalita o pasulat pagtalimasa mga
panunturan dapat sundin batay
sauri ng piniling paraan ng pag-uusap
Halimbawa ng Register
ENT (ears, nose, and throat) – medical jargon
MSMEs (micro small medium enterprises) – business jargon
AWOL (absence without leave) – military jargon
Wer na u, dito na me? – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino
Hu u? txtbak – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino
Lowbat na me – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino
Erpats, alaws na tayo makain. – mga salitang binabaligtad
OOTD (outfit of the day) – internet jargon
BP (blood pressure) – medical jargon
TANDAAN:
 Ang pagkakaiba o Barayti ng wika ay Maaring maging daan ng pagkakaunawaan at
pagkakasalungat ng mga taong gumagamit ng wika.

 Ang mahalaga ay matutuhunan ng bawat isa na galangin ang pagkakaiba dahil


salamin ito na ang wika natin ay mayaman at dinamiko.

You might also like