You are on page 1of 1

Mahal kong Itay,

Kumusta ka na? Okay ka ba riyan? Dalawang dekada ka ng pabalik-balik diyan sa barko ninyo
kaya kalimitan ka na lamang nakakauwi rito sa bahay. Dalawang dekadang pagbuhos mo ng
lahat para lamang maitaguyod pamilya. Sa mahabang panahong iyan, alam kong pagod na
pagod ka na. Alam kong may mga oras na gusto mo na lamang sumuko ngunit pinilit mong
kayanin para sa amin.

Itay, maraming salamat sa mga sakripisyo mo. Maraming salamat sa pagtugon ng aking mga
pangangailangan. Salamat sa pagtiis sa pagod. Alam kong miss na miss mo na kami at miss na
miss na din namin ikaw. Pero kahit wala tayo sa piling isa't isa, sana ay maramdaman mo ang
lubusan naming pagmamahal at pasasalamat sayo. Hihintayin namin ang susunod mong
pagbabalik.

Nagmamahal na anak,
Jomar Cuñado,

2. Ano ang naging reaksyon ng iyong mga magulang, tagapag-alaga, o breadwinner sa


pagtanggap nila sa liham?
Nangamusta rin siya sa amin at nagpasalamat sa pangangamusta at pag-alala sa kanya.

3. Ano ang iyong nararamdaman sa mga reaksyon nila?


Masaya ako na alam nang nakita kong masaya rin siya sa aming pag-alala. Sabi niya ay
gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa aming kinabukasan at nararamdaman ko
talagang minamahal ako ng sobra.

You might also like