You are on page 1of 3

Epekto ng Panonood ng Pelikulang Ingles sa Pagpapaunlad ng

Kakayahan sa Paggamit ng Wikang Ingles

Sulating Pananaliksik na iniharap kay Dr. Luzviminda E. Abelardo

Fakulti ng Institute of Education

Far Eastern University

Nicanor Reyes Ave., Sampaloc, Manila

Bilang Bahaging Pangangailangan sa Kursong

Filipino 2 – Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Pangalawang Semestre, 2015 – 2016

Ipinasa nina:

Mariyela Mari Hugo

John Paul Nazareno

Marso 28, 2016


Rasyonal

Ang panonood ng mga pelikula ay isa lamang sa maraming

plataporma ng paglilibang. Marami ang nahihilig sa iba’t ibang genre.

Ang iba ay nahihilig sa piksyon o di-piksyon. At ang iba naman ay

mas gusto ang mga pelikulang Ingles kaysa sa mga pelikulang

Pilipino.

Bilang mga mananaliksik, naisip namin na ang panonood at

pagkahilig sa mga pelikulang Ingles ay hindi lamang nakakapagbigay

aliw at saya kundi ito rin ay nakatutulong sa paghasa ng kakayahan

ng isang indibiwal sa wikang Ingles.

Nais patunayan ng mga mananaliksik na ang panonood ng

mga pelikulang Ingles ay tunay na nakakatulong sa paghasa ng

kakayahan ng isang indibidwal sa wikang Ingles.

Metodolohiya

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng interbyu kung saan

ang mga partisipant ay tatanungin tungkol sa kanilang karanasan sa

panonood ng mga pelikulang Ingles at kung paano ito nakatulong sa

paghasa ng kanilang kakayahan sa wikang Ingles. Ang mga

partisipant ay tatanungin rin kung sila ay sumasang-ayon na ang


panonood ng mga pelikulang Ingles ay nakatutulong nga sa paghasa

ng kakayahan sa nasabing wika.

Layunin

1. Malaman kung nakatutulong ang panonood ng pelikulang

Ingles sa paghasa ng kakayahan sa paggamit ng wikang

Ingles.

2. Malaman kung paano nakatulong ang panonood ng mga

pelikula sa kanilang kakayahan sa pag-gamit ng wikang Ingles.

3. Mapatunayan na ang panonood ng mga pelikulang Ingles ay

nakatutulong sa paghasa ng kakayahan ng isang tao sa wikang

Ingles.

Inaasahang Bunga

Inaasahan na sa pamamagitan ng papel na ito, maipapakita na

hindi lamang paraan ng pagsasaya at paglilibang ang panonood ng

mga pelikulang Ingles kundi ito rin ay isang paraan ng pagpapaunlad

ng kakayahan sa paggamit ng wikang Ingles.

You might also like