You are on page 1of 1

PANGALAN: JONATHAN D.

TIGLAO SEKSYON: 12- AMPERE


FILIPINO Q2W1: SANAYSAY

Paksang napili: Pag-ibig na Walang Forever

Sa mga nagsasabing walang forever, ibig-sabihin lang nito’y wala pa ang tamang
panahon upang makilala mo ang tamang tao sa tamang pagkakataon. Ngunit
siguro nga tama ka, baka nga wala naman talagang forever. Baka nga lahat ng
naririto sa paligid natin ay sinadyang maging pansamantala lamang; ang buhay
natin dito sa mundo at ang pakiramdam ng kaligayahan ay pansamantala lamang.
Para sa akin hindi “walang hanggan” ang kasangkapan para makabuo ng mabuting
relasyon sa mga tao sa paligid natin. Ang tamang kasangkapan na nawawala sa
mga karamihan ay “contentment.”

Palagi nating natatagpuan ang pariralang “Happy and Contented”. Maaaring lagi
nalang ito ang nababasa mo, ngunit hinukay mo na ba ang malalim na kahulugan
ng mga salitang ito? Ang taong kuntento ay hindi ka lolokohin, pagpapalit,
sasaktan, o iiwanan. Ang pagiging tapat at totoo ay bunga ng pagiging kontento
ng isang tao sa kaniyang karelasyon. Lahat naman ng mga relasyon ay may iba’t
ibang ganap sa buhay at ibang takbo sa pagpapanatili ng kanilang relasyon,
gayunpaman, hindi dapat mawawala ang pagiging kontento.

Ang pagiging kuntento ay isang konsepto na maaaring mahirap taglayin ng iilan.


Kung titignan mo, tayong mga tao ay minsa’y hirap makuntento, mahirap
pasiyahin. Palagi nalang kapag nakuha na natin ang gusto natin, may iba na
naman tayong gusto. Ang milyonaryo ay mangangarap maging bilyonaryo, at ang
bilyonaryo ay mangangarap maging trilyonaryo—ito ang madalas na takbo ng
buhay ng mga tao. Kaya minsan, nakakalimutan na natin ang pakiramdam ng
tunay na kaligayahan, dahil hindi tayo nakukuntento. Maaari mong hindi
paniwalaan ang pagkakaroon ng forever, ngunit magtiwala ka na may tao kang
makikilala at araw-araw kang pahahalagahan at makukuntento sayo.

You might also like