You are on page 1of 1

II.

RASYONAL/LAYUNIN

Mahalaga ang paksang ito sapagkat upang matugunan at malaman kung anu-anong mga dahilan at
epekto ng online learning sa kasagsagan ngayong pandemya sa bawat estudyante ng Madridejos
Community College. Di lingid sa ating kaalaman na hindi madali ang panibagong simula upang ipag-
patuloy ang edukasyon. Ngunit ika nga ng karamihan, ang pagkakaroon ng edukasyon ay sandata. Sa
kabila ng bawat dagok ngayong pandemya, patuloy tayong lumaban para sa pangarap. Kaya ang paksang
ito ay naglalayon na magkaroon ng kamalayan at sapat na kaalaman ang bawat estudyante ng kolehiyo
sa mga positibo o negatibong dulot nito. Mabuti o masama man ang maging epekto, nararapat na
magkaroon ng solusyon ang ganitong isyu.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a) Mabigyang kaalaman ang mga estudyante tungkol sa mga epekto ng online learning.

b) Ipabatid ang mga positibo o negatibong epekto nito sa mga estudyante.

c) Mabigyang solusyon ang epekto ng online learning ngayong kasagsagan ng pandemya.

You might also like