You are on page 1of 8

Karagdagang Rebyuwer para sa Mid-term Exam

Mahahalagang datos ng Kadluang Batis..Sinipi, mula sa iba’t-ibang kabanata sa kasaysayan


ng Bayani.

1. Pebreo 19.1861—nag-isyu ng proklamasyon si Liberal Alexander II ( 1855-


18810, sa pag-
papalaya sa 22,500,000 na mga alipin,para palubagin ang nag-uumigting na
mga taumbayang Ruso.Apat na buwan bago isilang si Rizal.

2. Hunyo 19,1861—nagaganap ang giyera (1861-1865) sibil sa Estados Unidos


sanhi ng usapin sa pagkaalipin ng mga Negro.

3. Setyembre 22,1862—ipinatupad ni Pangulong Abraham Lincoln ang kanyang


napabantog na proklamansyon ng Emansipasyon ng mga aliping Negro na
naging sanhi, nang pagsiklab ng digmaan noong Abril 12,1861.

4. Hunyo 1,1861—labing walong araw bago isilang si Rizal,ang katutubong


Indyang Zapotec na si Benito Juarez,ay nahalal na pangulo ng Mexico.

5. Abril 1862—isang taon pa lang nakauupo si Juarez ay pinagtangkaan na


itong sakupin ni Em-perador Napoleon III,pangalawang imperor Pranses,sa
pagnanasang mapasa-kanya ang Latin Amerika.Para mapatatag ang kanyang
pananakop sa Mexico,iniluklok ni Napoleon III si Punong Duke Maximilian
ng Austria,bilang tau-tauhang Emperador ng Mexico noong Hunyo 12,1864.

6. Mayo 15,1867…tinalo sa labanan ang puwersa ni Maximilian,dahil tinulungan


si Juarez ng kaibigang si Lincoln,at ipinabitay si Maximilian,naglaho ang
ambisyon ni Napoleon III na sakupin ang Latin Amerika.

7. !871-1873—panahon nang panunungkulan ni Gobernador Heneral Rafael de


Izquierdo,ang ham-
bog na heneral na nag-utos sa pagbitay sa tatlong paring Martir ng
GOMBURZA na inosente sa kanyang ibinibintang,

8. Frailocracia—tawag sa pamahalaan ng mga Prayle sa


Pilipinas..pinamumunuan ng mga paring Agustino,Dominiko at
Pransiskano,na siyang may kontrol sa buhay pang-relihiyon at pang –
edukasyon sa Pilipinas,sa ika-19 na dantaon,napasakamay nila ang
kapangyarihang politikal
impluwensiya at kayamanan ng bansa

9. Maestro Celestino,Maetro Lucas Padua, Maestro Leon Monroy at Maestro


Justiniano Aquino Cruz..mga naging guro ni Rizal sa Calamba at Binyang--
ang pag-aaral sa panahong iyon ay kara-niwang edukasyon para sa mga anak
ng isang ilustrado na binubuo ng apat na aralin…Pagbasa,
Pagsulat,Aritmetika,at Relihiyon.Ang pagtuturo ay mahigpit at istrikto,ang
pag-aaral ay ipinipilit sa walang katapusang pagmememorya na may
kasamang hagupit.
10. Enero 20,1872--mga 200 sundalong Pilipino at mga manggagawa ng Arsenal
ng Cavite na pina-munuan ni Sarhento Francisco Lamadrid,ang nag-alsa dahil
sa abolisyon ng kanulang mga Pribelehiyo,kasama na rito ang di-pagbabayad
ng Tributo,at di-pagsama sa Polo ( sapilitang Pag-gawa) ng reaksyunaryong
Gobernador na si Heneral Rafael de Izquierdo…nguni’t nasupil agad ang pag-
aalsa dahil sa tulong ng pwersang espanyol mula sa Maynila.Pinalaki nila ang
isyu dahil ito raw para sa kasarinlan ng Pilipinas.

11. PadreJose Burgos,padre Jacinto Zamora,at Padre Mariano Gomez


( GOMBURZA) ang pinarata-ngang mga pasimuno,at mga lider ng Kilusang
Sekularisasyon ng mga paroko.

12. Jose M.Basa,Joaquin Pardo de Tavera,at Antonio Ma. Regidor--naging


tagapagtaguyod ng GOMBURZA.

13. Pebrero 17,1872--nang bitayin ang tatlong paring Martir ( GOMBURZA ) sa


utos ni Heneral Ra-fael de Izquierdo na ipinagluksa ng mag-anak na Rizal,lalo
na si Paciano, dahil matalik nitong kaibigan si Padre Burgos at kasama sa
bahay noong nag-aaral siya sa Colegio de San Jose.

14. Antonio Vivencio del Rosario..Alkalde ng Calamba at kaibigan ng pamilya


Rizal ang nagpaku-long sa nanay ni Rizal noong 1871-1874.

15. Francisco de Marcaida,at Manuel Marzan--dalawang pinakabantog na


Abogado sa Maynila na siyang nagtanggol sa kaso ni Donya Teodora kaya
siya ay napawalang sala sa Korte ng Royal Audiencia ,matapos ang dalawa’t-
kalahating taong pagkakabilanggo sa piitan ng Sta.Cruz,ka-bisera ng Laguna
noong 1874.

16. Juan de la Cruz--biktima ng tiwaling administrasyon ng hustisya,na nakulong


noong 1886-1898,
dahil napagbintangang pumatay sa dalawang mangingisda sa dalamapasigan
ng Hulugan ,Kabite,
gabi nang Miyerkules,Hunyo 7,1886.Nang dumating ang mga Amerikano
noong mayo 1,1898, natagpuan nila si Juan De la Cruz na nakakulongg pa, at
naghihintay pa rin ng paglilitis.

17. Sobre La indolencia de los Filipinos--bantog na sanaysay na sinulat ni Rizal


noong 1887,tung-kol sua mga Prayleng nag-aari ng mga lupa sa Pilipinas na
lalo lamang nagpalala sa hindi pag-unlad ng Ekonomiya ng Pilipinas, noong
panahon ng Espanyol.

18. Elias--ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kanyang Noli Me Tangere,upang


ilarawan sa pamamagitan ng satirika,ang kanyang pagkamuhi sa mga Guardia
Civiles,na ang mga ito ay mahuhusay lamang sa paggambala sa kapayapaan,at
sa pag-uusig sa mga tapat na tao.

19. Tenyente Heneral Jose Lemery--ang gobernador ng Pilipinas,nang isilang si


Rizal,dating Senad-or ng Espanya ( miyembro ng mataas na Kapulunga ng
Kortes sa Espanya) Pinamunuan niya ang Pilipinas mula Pebrero2,1861-Hulyo
7,1862.Nagtaguyod sa pagpapatanim ng bulak sa mga lala-wigan,at nagtatag
ng mga pamahalaang politiko-militar sa Visayas ,at Mindanao.

20. Principalia---ang tawag sa mga pamilya sa isang bayan na kinabibilangang


mga nakakaririwasa sa buhay,at isa na rito ang pamilya ni Rizal.

21. El Amigo de los Niňos--ang kauna-unahang aklat na nasusulat sa espanyol na


binasa ni Rizal noong siya’y nasa tatlong taong gulang pa lamang,matapos
siyang turuan ng kanyang ina sa pag-babasa ng mga sulating kastila.

22. Sa Aking mga Kabata--ang unang tulang sinulat ni Rizal sa edad na walong
taon na may tema ng pagmamahal sa wikang tagalog na maaring itapat sa mga
wikang Latin, Espanyol at Ingles.

23. Escuela Pia--paaralang itinayo mula sa kawanggawa ng pamahalaang lungsod


ng Maynila,para sa mga kalalakihan, noong 1817,nang magbalik sa Pilipinas
ang mga Paring Heswita na pinaalis noong 1768, pinamalaan nila ang
pamumuno sa Escuela Pia mula noong 1859,pinalitan ang pangalan at
ginawang “ Ateneo Municipal de Manila” na ngayon ay kilala bilang “ Ateneo
de Manila

24. Rizal--ang apelyidong sinimulang gamitin ni Jose Rizal noong Hunyo 10,1872 nang siya
ay magpatala sa Ateneo de Manila.Ito ay bilang pag-iwas sa kapahamakan,dahil ang
Apelyedo niyang Mercado ay pinag-iinitan ng mga Kastila,dahil kaibigan ni Paciano ang
isa sa mga paring binitay noong 1872.

25. Padre Jose Bech--ang naging unang Propesor ni Rizal sa Ateno sa asignaturang
espanyol,pero inilagay siya nito sa pinakahuling upuan, dahil mahina pa siya sa salitang
kastila,kaya,upang makahabol sa kanyang mga kaeskwela ay nag-aral siya sa
Dalubhasaan ng Sta.Isabel sa halagang tatlong piso kada sesyon.

26. Larawang Relihiyoso--unang gantimpalang nakamit ni Rizal sa unang hati ng taon,bilang


pinakamahusay na mag-aaral sa Ateneo.(1872-1873)

27. Ikalawang pwesto--ito lang ang nakamit ni Rizal sa ikalawang hati ng taon dahil sa hindi
magandang puna ng mga propesor,kahit na ang mga marka niya ay “ Pinakamahusay”.
(1872-1873)

28. Isang gintong medalya--ang natanggap ni Rizal matapos ang ikalawang taon niya sa
Ateneo,dahil hindi pa rin siya gaanong nagpursige.

29. Isang medalyang ginto--ito lang ang nakuha ni Rizal sa asignaturang Latin,kahit nakalaya
na nag kanyang ina noong 1874-1875.Hindi siya nakakuha ng award sa espanyol.

30. Padre Francisco de Paula Sanchez--naging guro ni Rizal sa ika-apat na taon niya sa
Ateneo,na siyang naging impluwensya ni Rizal sa pagsulat ng tula.Inilarawan ni Rizal
ang pari bilang “Huwaran ng pagkamakatwiran, pagkamaagap ,at pagkamapagmahal para
sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral”.1875-1876
31. G.Romualdo de Jesus--naging guro ni Rizal sa paglililok sa ika-apat na taon sa Ateneo na
ginamit niya sa pag-ukit ng Larawan ng Birheng Maria,at Sagradong puso ni Hesus.

32. Don Augustin Saez--naging guro rin ni Rizal sa “ Solfeggio”( pagguhit,at pagpinta) sa
Ateneo 1875-1876.

33. Limang medalyang ginto-nakamit ni Rizal sa pagtatapos ng Batsilyer sa Sining sa Ateneo


Municipal de Manila, bilang pinakamahusay na Atenista ng kaniyang Alma mater.

34. 1877-- pumasok si Rizal sa Sto.Tomas sa dalawang kurso na pinili ng kanyang ama..ang
Pilosopiya at Sulat,hindi pa siya segurado sa magiging karera niya.,dahil hindi pa niya
natatanggap ang payo ni Padre Pablo Roman..kaya sa unang taon sa Sto.Tomas, nag-aral
siya ng Kosmolohiya, Metapisika,Teodosiya,at Kasaysayan ng Pilisopiya.

35. 1878-1879--saka pa lang si Rizal nag-enrol sa medisina,dahil noon niya natanggap ang
payo ng mabait na si Padre Roman.

36. Mga gintong Medalya--nakamit ni Rizal sa mga kursong Agrikultura at


Topograpiya.Naipasa niya ang kursong Pagsasarbey sa edad na 17 ,subalit hindi agad
siya nabigyan ng Titulong Agrimensor dahil wala pa siya sa hustong edad.Nakamit
niya ang titulo noong Nobyembre 25,1881

37. Jacinta Ybardo Laza..ang babaeng tinawag ni Rizal na Bb.L sa kanyang talaarawan,
na nakatira sa tahanan ni kap.Nicolas Regalado,na kaibigan ni Rizal.Hindi rin
nagtagal at kusang lumayo si Rizal sa dalaga sa dalawang dahilan..Ayaw ng tatay ni
Rizal sa pamilya ni Bb.L,at pangalawa, iniibig pa rin niya si Segunda Katigbak.

38. Ang mga samahan sa Ateneo na hindi pa rin binitiwan ni Rizal kahit isa na
siyang Tomasino ay; Pampaniktikang Akademya ng Kastila ( Pangulo )
Akademya ng mga Likas na Yaman ( Kalihim) at ganoon din sa Marian
Congregacion ( Kalihim)

39. Leonor Valenzuela--ang sunod na niligawan ni Rizal na na anak nina kapitan


Juan at Sanday Valenzuela,dito ipinakita ni Rizal ang husay niya sa
Mahika.Ikalawang taon niya noon sa Pamantasan,nguni’t ang kanilang suyuan
ay nagtapos sa pagiging magkaibigan na lamang

40. Leonor Rivera-ang huling kabiguan ni Rizal sa pag-ibig hanggang sa


magtapos siya ng Medisina sa Sto.Tomas,dahil pilit hinadlangan ng mga
magulang ni Leonor ang kanilang pag-iibigan,dahil sila ay magkamag-anak. Si
Leonor Rivera ang tinawag niyang Taimis sa Talaarawan.

41. Ala Juventud Filipina--ang tulang isinali ni Rizal sa paligsahan sa


panitikan,ang LiceoArtistico Literario ( Samahan ng mga mahilig sa Sining at
Panitikan ) noong 1880,18 taong gulang si Rizal. Nanalo nang unang
gantimpala ang akda ni Rizal,na isang Plumang Pilak,hugis-pakpak na may
lasong kulay-ginto.Ang patimpalak ay ginanap bilang pagdiriwang,nang ika-4
na daang taon na pagkamatay ni Cervantes,pinakadakilang manunulat na
Kastila at may akda ng Don Quixote..
42. A Pilipinas--isang Sonetong sinulat ni Rizal noon ding 1880 sa aklat ng
samahan ng mga manli-lilokInakit niya sa Soneto ang mga Pilipinong
Makasining na pahalagahan ang Pilipinas. Ang orihinal na manuskrito ay nasa
pangangalaga ni G.Romualdo de Jesus.

43. Al M.R.P--ang tulang sinulat niya noong 1881,upang ipamalas niya ang
pagmamahal niya kay Padre Pablo Roman..Rector ng Ateneo.

44. Makaluma at masama--ang dalawa sa mga dahilan ni Rizal kung bakit hindi
niya nagustuhan ang kanyang pag-aral sa Sto.Tomas.Kaya sinunod niya ang
payo ng kanyang tiyo Antonio Rivera na sa ibang bansa ipagpatuloy ang
kaniyang kursong Medisina.

45. Abdel-azis y Mahoma--tulang sinulat ni Rizal noong 1879 na binigkas ng


makata,at Atenistang si Manuel Fenandez,Disyembre 8,1879, gabi ng parangal
sa patron ng Ateneo.

46. Compaňerismo- ( Pagsasamahan ) lihim na samahang itinatag ni Rizal sa


Sto.Tomas noong 1880 n1 binubuo ng mga estudyanteng Pilipino,para
pamunuan ang pakikipaglaban sa mga estudyan-eng espanyol.Ang kalihim ay
ang kanyang pinsang si Galicano Apacible. (1880 )

47. El Filibusterismo--sa nobelang ito binanggit ni Rizal,at inilarawan niya kung


paano hiyain ng mga Dominikong Propesor ang mga estudyanteng Pilipino.Sa
kabanata XIII,ay binanggit niya ang klase ng PISIKA na ang asignaturang
agham ay itinuturo nang walang ginagawang eksperi-mento sa laboratoryo
dahil ang mga aparato ay itinatago lamang sa kabinet.

48. 1882--ang katapusan ng pag-aaral ni Rizal ay hindi naging kahanga-hanga ang


kanyang mga grado,ang dating pinakamahusay na estudyante ng Ateneo ay
hindi nagkamit nang mataas na karangalan.Dahil ang mga gurong Kastila sa
UST ay mapang-api,mababa ang pagtingin sa mga Pilipino,at makaluma ang
pagtuturo.

49. Austin Craig,at Wenceslao Retana---dalawa sa mga mananalambuhay ni Rizal


na hindi nagbang-git sa kanilang mga aklat, nang lihim na misyon ni Rizal sa
pangingibang- bayan.

50. Ang Lihim na Misyon ni Rizal sa ibang bansa--Masusing pag-aaral sa buhay


at kultura,Wika at kaugalian,Industriya at Komersiyo,at Pamahalaan at Batas
ng mga bansang Europeo,upang mai-handa niya ang kaniyang sarili sa
dakilang layunin na palayain ang mga kababayang inaapi ng ti-ranya ng
kastila sa Pilipinas.pangalawa ay tapusin ang pag-aaral ng Medisina.

51. Paciano Mercado,Saturnina,Lucia,Antonio Rivera,Mag-anak na


Valenzuela,Pedro A.Paterno, Mateo Evangelista,Jose” Chengoy” M.Cecilio,at
mga paring Heswita ng Ateneo---ang mga na- kakaalam nang lihim na
pangingibang-bayan ni Rizal para sa dalawang misyon.Pangalan ng pin- san
niyang si Jose Mercado ang ginamit niyang pangalan sa kaniyang pasaporte.

52. Mayo 3,1882--kauna-unahang pangingibang -bayan ni Rizal sakay ng Bapor


Salvadora ng mga Espanyol patungong Singapore.

53. Donato Lecha--ang kapitan ng bapor na nakilala ni Rizal at naging kaibigan.


Mabait na espanyol ngunit kinainisan niya ang mga pasaherong espanyol na
puro masasama ang sinasabi tungkol sa Pilipinas.

54. Mayo 9,1882--nasa Singapore si Rizal, namasyal siya ng dalawang araw sa


Lungsod na kolonya ng Inglatera.Dito rin matatagpuan ang estatwa ni Sir
Thomas Stanford Raffles, ang nagtatag ng Singapore.

55. Mayo 17,1882--narating ni Rizal ang Point galle,baybaying -dagat sa


katimugan ng Ceylon,na ngayon ay Sri-lanka,sunod na dinaungan ni Rizal ay
Colombo,kabisera ng Ceylon.

56. Kanal Suez--sa kanal na ito dumaan ang barko nina Rizal patungong
Marseilles, na pinasiyahan noong Nobyembre 17,1869.Ang kanal na ginawa ni
Ferdinand de Lesseps (Diplomatang Pranses)

57. Hunyo 12,1882--si Rizal ay nasa Marseilles. Dinalaw niya ang Chateau
d’If,kung saan ay naku-long ang bida ng Monte Cristo na si Edmond Dantes

58. Hunyo 15,1882--umalis nang marseilles si Rizal sakay ng Tren Patungong


Espanya,dumating si Rizal sa Barcelona ( Espanya ) noong Hunyo
16,1882.Ang Barcelona ang pinakadakilang lung-sod ng Catalunya,at
pangalawa sa malalaking lungsod sa Espanya.

59. Amor Patrio-Unang akda ni Rizal sa ibang bansa ( Barcelona ) na sinulat niya
noong hunyo,1882 Ginamit niyang sagisag ay “ Laong-Laan) isang
makabayang sanaysay sna may salin sa Tagalog na Pagmamahal sa Bayan.
Unang artikulo ni Rizal sa Diaryong Tagalog noon sa Maynila na nasa wikang
Espanyol At Tagalog,nalathala sa Diariong Tagalog noong Agosto 20,1882.

60. Marcelo H.Del Pilar--ang nagsalin sa tagalog ng sanaysay ni Rizal na Amor


Patrio at nagtago sa sagisag na Dolores Manapat,at pinamagatan niyang “ Pag-
ibig sa Tinubuang Lupa”

61. Oktubre,1882--lumipat si Rizal sa Madrid upang sundin ang payo ng kuya


niya na doon niya ta-pusin ang kaniyang pag-aaral ng Medisina. Nobyembre
3,1882,nag-enrol si Rizal sa dalawang kurso, Medisina,Pilosopiya at Pagsulat
sa Universidad Central de Madrid.
62. Nag-aral din siya ng Pagpipinta at Eskultura sa Academia de San Fernando
kay G. Haez, nang pakikipag-eskrima at pagbaril sa bulwagang armas nina
Sanz at Carbonell.

63. Circulo-Hispano Pilipino…sa samahang ito sumapi si Rizal habang nasa


Madrid,na binubuo ng mga Pilipino at Espanyol.Dito niya sinulat ang kanyang
tulang” Mi Piden Versos” Pinatutula ako sa Tagalog,dito niya ibinuhos ang
kaniyang kalungkutan.Binigkas niya ang naturang tula sa pagdiriwang ng mga
Pilipino nang bisperas nang bagong taon,Disyembre 31,1882.

64. Hunyo 17, hanggang Agosto 20,1883--nagbakasyon si Rizal habang walang


pasok sa Madrid.Sa Paris niya pinag-aralan ang mga paraan ni Dr.Nicaise sa
paggamot ng pasyente.Inobserbahan din niya ang pag-eeksamen saiba’t-ibang
sakit ng kababaihan sa ospital ng Laribosiere ( Paris)

65. Mason sa Madrid--habang nasa samahan ng mga mason sa Madrid ay sinulat


ni Rizal ang isang panayam na pinamgatang “ Science Virtue and Labor”na
binigkas niya sa Lohiya Solidaridad sa Madrid noong 1889.

Iba pang mga aralin sa Kasaysayan ng Bayani

Leonor Rivera—siya ang gumamot sa sugat ni Rizal,nang makasagupa nina Rizal at mga
estudyanteng espanyol sa sa Eskolta,Manila.
Mga ordeng dominiko—sila ang mga opisyal na espanyol na namamahala sa mga asyendang
pag-aari ng mga may kayang Pilipino sa Pilipinas,lalo na sa Calamaba.
Goernador Heneral Narciso Claverria—ang gobernadorcillo noon ng calamba nagbigay ng
apelyedong Rizal sa pamilya Mercado.
Don Quixote—ang akda ni Miguel Cervantes na nagsiwalat ng kaapihan ng Espanya,na
kinunan ng istilo ni Rizal sa kaniyang Noli me Tangere.
Universal History—ang akda ni Cesar Cantu na nakatulong nang mabuti sa pag-aaral ni Rizal
sa Espanya,na binili ng kaniyang ama.
Dr.Rafael Palma—ang bantog na mananalambuhay ni Rizal na naglarawan ng kanilang
pamumuhay sa bayan ng calamba,kung saan ay may pagmamahalan at pagbibigayan.
Galicano Apacible—ang pinsan ni Rizal, itinalagang kalihim ng samahang Companierismo.
Al Ninio Jesus—pamagat ng tulang Oda ni Rizal bilang tanda ng pagmamahal niya sa Diyos.
Leon Ma. Guerrero—ang diplomat at kilalang Rizalista na nagsabing napakagaling nang pag-
kakapili ng Gobernador sa apelyedong Rizal
Bandilang Pang-relihiyoso—ang sagisag na ginagamit sa Pista ng bayan ng Calamba na
kinulayan ni Rizal nang mas maganda pa kaysa sa orihinal na kulay.nang ito ay masira.
Leon Ma. Guerrero- Ang Diplomat at kilalang Rizalista nagsaad na napakagaling,nang pagkakapili
ng Gobernador sa aplyedong Rizal,dahil sa Espanyol ito ay bukid na tinataniman ng Trigo at
napakaluntian
Dr. Rafael Palma-- Bantog na mananalambuhay ni Rizal, na naglarawan ng kanilang pamumuhay sa
Bayan ng Calamba,tahanang naghahari ang pagmamahalan at pagbibigayan
A La Virgen Maria—tulang sinulat ni Rizal noong 1875 para sa patron ng Ateneo
Padre Jose Villaclara—ang paring nagpayo kay Rizal na iwasan muna ang mga musa,o
babae,at ituon ang panahon sa Pilosopiya at agham.
Manuel T. Hidalgo—nagpadala ng telegram kay Rizal para sa kaniyang lihim na pag-alis.
Pedro Paterno—nagbigay ng sulat rekomendasyon kay Rizal para sa kaibigan niya sa Espan-
ya na tutuluyan ni Rizal pagdating niya roon.
Antonio Rivera—nag-asikaso at nagbigay ng pasaporte kay Rizal sa lihim na misyon.
Donato Lecha—kapitan ng barkong Salvadora.
Mateo Evangelista—nagpakilala kay Rizal sa kapitan ng Barko,kumpare ni Rizal.
Calamba—sa bayang ito pumunta si Rizal na kunwari ay dadalo sa Pistang bayan,Mayo
1,1892
Singapore—Kolonya ng Inglatera
Dyemnah—sinakyang barko ni Rizal mula sa Singapore
Madrid—kabisera ng Espanya,dito nais pagtapusin ni Paciano si Rizal ng Medisina.
Basilio Teodoro Moran—tagapaglathala sa Diarriong Tagalog,kaibigan ni Rizal.
Marseilles—dito matatagpuan ang chateau D’If.
Ceylon—dating Sri-lanka
Don Pablo Ortega—dating alkade ng Maynila,1869-1872
Griyego—wikang ipinanalo ni Rizal sa paligsahan ng wika sa Madrid
Loheya Solidaridad—dito nagingb punong Mason si Rizal
Loheya Acasia—unang masonerya na sinalihan ni Rizal sa Madrid
Cirulo-Hispano-Filipino—samahan ng mga mason sa Madrid.
Hunyo 21,1884—sa petsang ito natanggap ni Rizal ang lisensya sa medisina
Dimasalang—sagisag na ginamit ni Rizal sa masonerya

Nobyembre 3,1882—nagpatala si Rizal sa Central University of Madrid sa 2 kurso


Consuelo Ortega Y Rey—dalagang unang nagpatibok ng puso ni Rizal sa ibang bansa.
Walong larangan na dapat pag-aralan ni Rizal sa mga bansang Europeo
May ari, at ang patnugot ng Diarriong Tagalog (2)
Dalawang pintor na Pilipino na nagwagi sa paligsahan sa pintura sa Madrid
Tatlong wika na kumuha si Rizal nang pribadong guro.
Dalawang mananalambuhay ni Rizal na hindi nagbanggit ng lihim na misyon ni Rizal
sa kanilang mga aklat.
Dalawang Kasanayan sa Sining na ini-enrol ni Rizal sa San Fernando university sa
Madrid
Dalawang larangan sa palakasan na sinanay ni Rizal sa Bulwagang Armas nina Sanz
at Carbonell sa Madrid.
Dalawang dahilan kung bakit hindi naigawad kay Rizal ang Diploma sa pagiging
Dalubhasang Doktor,nang magtapos siya sa University of Central Madrid.
Dalawang kursong ipinatala ni Rizal sa University of Central Madrid sa pakiusap ng
kaniyang kuya Paciano noong 1882.
Tatlong salin sa Tagalog na Akda ni Rizal sa Barcelona,na ipinadala sa Diarriong
Tagalog.
Dalawang katauhan na ginampanan ni Rizal sa mga pintura ni Juan Luna.

You might also like