You are on page 1of 1

Masining na Deskripsyon

Ang masining na deskripsyon ay tumatalakay sa pagpapahayag at paglalarawan sa kung anong


meron sa isang pangungusap. Pinapahiwatig dito ang nararamdaman ng tauhan o kung sino man sa
isang paksa. Malinaw na inilalarawan dito ang kaisipan ng manunulat ukol sa isang paksa. Nabibigyan din
nito ng kulay at buhay ang pangungusap sapagkat layunin nito na ipadama sa mambabasa ang nakasulat
base sa kulay, amoy, pakiramdam, itsura, panlasa o kahit ano man na pwedeng maglarawan dito.
Layunin din nito na mapukaw ang atensyon ng mambabasa nang sa gayon ay maging kaabang abang
para sa kanila ang maaring mangyayari. Importante din ito sapagkat napapalawak nito ang imahinasyon
natin bilang mga mambabasa sapagkat layunin nito na paantigin ang ating mga nararamdaman, isa din
ito sa mga daan upang makapagbigay kritiko o opinyon tayo sa ating nabasa.

Bakit mahalaga sa diskurso ang pagganyak?

Ang diskurso ay isang mahabang pag uusap kung saan ay ninanais mong magparating ng
mensahe sa iyong kausap. Natural na sa ating mga tao ang paniwalaan tayo ng mga tao kung kaya’t sa
diskurso ay mahalaga ang pagganyak. Para lamang iyang debate na parang may nais kang patunayan at
hiling mong iparinig sa kanila ang nais mong iparating. Tayo din ay nasa demokratikong bansa kung
kaya’t malaya nating nasasabi ang ating mga opinyon. Dahil din sa pagganyak ay napapahaba din ang
diskurso sapagkat nasasabi ang iba’t ibang ideya at pahayag ukol sa isang paksa, at bawat kalooban ng
opinyon ay isa pang opinyon.

Tayo ay mga tao na gumagana ang imahinasyon, hindi lang tayo may isang opinyon. Tayo din ay
nagnanais makaranas ng mga bagong bagay kaya may kakayahan tayo na subukan at gawin ang
ginagawa din ng iba. Sa diskurso, ito ay hindi lamang naglalayon na pakinggan ang mensahe ng ating
kausap, atin din itong isinasabuhay.

Ano ang kaibahan ng Karaniwang Deskripsyon sa Masining na Deskripsyon?

Parehas man silang naglalarawan, ay mayroon din silang pagkakaiba. Base sa aking
pagkakaintindi, mula na din sa salitang “karaniwan”, ang Karaniwang Deskripsyon ay nagpapahiwatig sa
pamamagitan ng mababaw at simple nitong pamamaraan ng paglalarawan. Samantalang ang Masining
na Deskripsyon, mula sa salitang “masining”, naglalarawan din ito ngunit mas malalim at mas
binibigyang diin ang paglalarawan ukol sa isang paksa.

Halimbawa, “Mahaba ang pasensya ni Anna”, iyan ay halimbawa ng karaniwang deskripsyon.


“Ang pasensya ni Anna ay kasing-haba ng Luzon hanggang Mindanao”, iyan naman ay masining na
deskripsyon. Mapapansin natin na sa karaniwang deskripsyon sinabi lamang na mahaba ang pasensya ni
Anna ngunit walang espisipikong sinabi kung gaano kahaba pero hindi pa din naman natin maitatanggi
na inilarawan pa din niya ang babae. Sa masining na deskripsyon naman, inihalintulad niya ang pasensya
ni Anna sa layo ng Luzon hanggang Mindanao at kung iisipin mo kung gaano kalayo ang distansya ng
Luzon sa Mindanao ay mas binigyang kulay nito ang paglalarawan kay Anna at pinagana nito ang
imahinasyon mo kung paano niya nga ba inilarawan si Anna. Kung ako ay isang manunulat ay mas
maiging gamitin ko ang Masining na Deskripsyon sa paglalarawan sa aking paksa sapagkat ang ating
ibang mga mambabasa ay may mga malilikot na utak at naghahangad na mapalawak pa ang kanilang
bokabularyo sa kung paano ilalarawan ang isang bagay.

You might also like