You are on page 1of 2

November ____, 2021

___________________________
___________________________
___________________________

LIHAM NG PANININGIL
(DEMAND LETTER

Ang liham na ito ay patungkol sa iyong obligasyong pagkakautang sa akin na akin ng


isinisingil (due and demandable) na may kabuuang halaga ng APAT NA DAANG LIBONG
PISO (Php400,000.00) sa Salapi ng Pilipinas.
Ang pagkakautang na ito ay mula sa isinangla mong paupahang gusali na pag-aari ni
______________ na nakatayo sa __________, General Mariano Alvarez, na may apat (4) na pinto.
Iyong ipinangako na ibibigay mo sa akin ang kikitaing upa mula sa dalawang (2) pinto
bilang interes sa sangla na may kabuuang halaga na Walong Libong Piso (Php8,000.00)
kada-buwan, liban pa sa prinsipal na utang na halagang Apat na Daang Libong Piso
(Php400,000.00). Ang pera na halagang (________) ay inabot ko sa iyo at iyong tinaggap
noong (pesta) sa (lugar). Sa ating kasunduan, ang iyong utang ay babayaran mo sa loob ng
dalawang (2) taon, mula June 6, 2021 hangang June 6, 2023 habang ang bayad sa upa ng
dalawang pinto ay iyong kokolektahin at ibibigay sa akin kada buwan. Subali’t makalipas
ang ilang buwan ay wala kang ibinigay sa akin na bayad sa upa ng naturang dalawang
pinto.
Tayo ay makailang beses na nag-usap sa tanggapan ng Punong Barangay ng
___________________ sa harap ng lupon at ikaw ay nangako na magbabayad ng nasabing halaga.
Liban pa roon, tayo ay may personal na pag-uusap at sa cellphone na laging mong
ipinapangako na ikaw ay magbabayad sa susunod na lingo. Subali’t wala akong natanggap
na anumang halaga mula sa iyo bilang bayad sa iyong utang paglipas ng maraming mga
lingo.
Upang maiwasan ang mabusisi, mga karagdagang gastusin, at kahihiyan ng paglilitis
sa publiko, ikaw ay isinisingil ko sa iyong utang na halagang Apat na Daang Libong Piso
(Php400,000.00) na dapat mong bayaran sa petsa o bago ang petsa ng (_________).
Ang liham na ito ay magsisilbing unang paniningil (first demand). Kung sakali man
na ikaw hindi magbayad naturang halaga, ikaw ay aking kakasuhan sa Korte ng Batas.
Aking hinihiling ang iyong mabilis na pagtugon.
(PANGALAN NG NANININGIL)
(Address)
(Contact Number)

You might also like