You are on page 1of 3

November ____, 2021

MR. BENNY MONTY


Blk. 1 Lot 1 Franceville Subd.
Imus City, Cavite

LIHAM NG PANININGIL
(DEMAND LETTER

Ang liham na ito ay patungkol sa iyong obligasyong pagkakautang sa akin na akin ng


isinisingil (due and demandable) na may kabuuang halaga ng DALAWANG DAANG LIBONG
PISO (Php200,000.00) sa Salapi ng Pilipinas.
Ang pagkakautang na ito ay mula sa assignment of rights ng lupa at bahay na nasa
Blk. 1 Lot 1 Franceville, Imus City, Cavite na nagkakahalaga DALAWANG DAAN AT
TATLUMPONG LIBONG PISO (Php230,000.00) subali’t ang iyong nabayaran ay halagang
Tatlumpong Libong Piso lamang.
Tayo ay makailang beses na nag-usap sa tanggapan ng Punong Barangay ng Bulihan
sa harap ng lupon na pinatutunayan ng mga blotter at tala sa naturang tanggapan at ikaw
ay nangako na magbabayad ng nasabing halaga. Ikaw aking pinadalhan ng liham ng
paniningil at iyong natanggap noong _______________. Subali’t wala akong natanggap na
anumang halaga mula sa iyo bilang bayad sa iyong utang paglipas ng maraming mga
buwan.
Upang maiwasan ang mabusisi, mga karagdagang gastusin, at kahihiyan ng paglilitis
sa publiko, ikaw ay isinisingil ko sa iyong utang na halagang DALAWANG DAANG LIBONG
PISO (Php200,000.00) na dapat mong bayaran sa petsa o bago ang petsa ng ika-15 ng
Disyembre, 2021..
Ang liham na ito ay magsisilbing pangalawang paniningil (second demand). Kung
sakali man na ikaw hindi magbayad naturang halaga, ikaw ay aking kakasuhan sa Korte ng
Batas.
Aking hinihiling ang iyong mabilis na pagtugon.

BERNARD ALMAZEN
Blk. 16 Lot 1 Zone 1 Justice Village
Imus City, Cavite

You might also like