You are on page 1of 3

Memorandum ng mga Mag-aaral sa Kursong STEM

Performance Task sa Pasulat sa Filipino

IPINASA NILA:

JUSAY CJ
PARAAN, FERN ANDRE
SAKAMOTO, ANZEL KEN
12 STEM 01

IPINASA KAY:

BB. VIENNA SPEARS

Sanggunian: DepEd (Agosto, 2021). DepEd to hold virtual activities for National Science
and Technology Fair 2021.
TRINITY UNIVERSITY OF ASIA
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
(SENIOR HIGH SCHOOL)
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND
MATHEMATICS STRAND

Oktubre 13. 2021

MEMORANDUM PANGKAGAWARAN BLG. 1

BUWAN NG AGHAM, PANANALIK AT TEKNOLOHIYA

Para sa mga:
Opisyal ng Paaralan
Level-Leaders ng Senior High School
Mga Guro na nagtuturo ng agham at teknolohiya
Mga mag-aaral ng kursong STEM

1. Ang Departamento ng Edukasyon (DepEd) sa ating bansa ay nagsasagawa ng


mga aktibidad ukol sa agham at teknolohiya kada buwan ng Setyembre.
Kadalasan ito ay nagsisimula sa ika-31 ng Aogosto upang masimulan ang mga
preparasyon at pagaanunsyo sa darating na buwan at mga pagdiriwang.
2. Ngunit ngayong taon, dahil sa sakit na COVID-19, nagkaroon ng pandemiya na
nagresulta sa pagsasara ng mga paaralan. Dahil dito, ang sistema ng edukasyon
ay nakasalalay sa pagbibigay ng mga modules o kaya sa tinatawag na online
learning. Napansin namin na hindi lahat ng mga mag-aaral ay nakakasabay sa
bagong sistemang ito, kaya naman ay marami na ang nahihirapan at nawawalan
ng interes sa mga asignatura ng agham at teknolohiya.
3. Ang layunin ng pagdiriwang ang mga sumusunod:
● Mabigyan kahalagahan ang agham at teknolohiya sa kanilang buhay.
● Magkaroon ng karagdagang mga impormasyon ukol dito.
● Maigunay ito sa kanilang kursong kukunin sa kolehiyo.
● Mapahusay ang kagalingan sa asignaturang may kaugnayan sa buwan na ito.
● Gawing masaya at madali para sa mga mag-aaral ang asignatura ng siyensya at

1
teknolohiya.
4. Mga maaaring gawin ng mga mag-aaral:
● Sanayin ang pagiging malikhain sa paggawa ng mga Poster na may
kinalaman sa tema ng buwan ng agham at teknolohiya.
● Pagsasanay ng kaisipan sa pamamagitan ng mga Quiz Bee.
● Pagsali sa mga webinar at paggawa ng repleksyon ukol dito.
● Science Fair, dito ipapakita ang mga naisaliksik at naimbento
(Halimabawa: Imbensyon na may kaugnayan sa Robotics ng mga
magaaral sa STEM).
● Ito ay ipapakita sa isang programa na pwedeng ganapin sa Facebook Live
at inaanyayahang makilahok ang lahat ng mga guro at mag-aaral.
5. Ang mga nabanggit na pwedeng gawin ng mga mag-aaral ay maaari na ring
magsilbi bilang kanilang Performance Task sa kanilang mga asignaturang may
kaugnayan dito. At hinihiling namin na sana ay mabigyan din ng isang lingong
pahinga ang mga mag-aaral o academic break para sa kanilang pang-pisikal at
pang-kaisipang kalusugan.
6. Para sa mga katanungan, detalye at iba pang impormasyon, maaring
makipagunayan sa:
STEM Students Organization
Trinity University of Asia
Basic Education Senior High School Department
Cathedral Heights, 275 E Rodriguez Sr. Ave, New Manila, Quezon City, Metro
Manila
Mga taong pwedeng kausapin: Fern Andre Paraan, Cj Jusay, Anzel Ken
Sakamoto
Email:fernandresparaan@tua.edu.ph,cjmjusay@tua.edu.ph,
anzelkenpsakamoto@tua.edu.ph
Telepono: +63919855783
7. Hinihiling na sana ay mabilis na maipalaganap ang memorandum na ito.

Mga Kalihim:

CJ JUSAY FERN ANDRE PARAAN ANZEL KEN SAKAMOTO

You might also like