You are on page 1of 2

Ekokritisismo

Halika, ako ay iyong samahan


Buklatin natin ang libro ng nakaraan
Basahin natin ang susunod na kabanata ng kasalukuyan
Alamin natin ang mga sagot sa mga katanungan

Tayo ay mamayang may pananagutan,


Bawat isa ay may responsibilidad na ginagampanan,
Bawat isa ay may kinakailangan
Kailangan na nagmumula sa kalikasan

Ating alalahanin ang ating unang pag akyat sa punong mangga


Tayo ay naglalaway, umakya’t kumuha ng bunga
Alalahanin nating ang mga araw ng namimingwit tayo sa sapa
Tuwang- tuwa sapagkat may uulamin ng isda

Isipin natin tuwing gamit ang makabagong teknolohiya


Ginagamit sa paglalaro at sa eskwela
Ginagamit ni nanay pag nagluluto siya
Naging kaakibay sa pagtratrabaho ni ama

Ating isipin ng taimtim


Isipin ang ang kalikasan na nagbigay sa atin
Ngunit tignan ang kalikasan
Kalbo na matapos pakinabangan

Paano masusulusyunan?
Paano natin magagampanan?
Paano na tayong mamayanan?
May pagkukunan pa ba tayo ng pangangailangan?
Ekokristismo, nagpapakita na sa bawat problema ay may paraan
May paraan upang ang responsibilidad ay magampanan
Upang bawat indibidwal na may pananagutan sa kalikasan
Maibalik ang dating kagandahan

EkokritisisSmo, nagpapaalala na sa bawat pang- aabuso sa kalikasan


Ang ekonomiya ay babagsak, tayo ay mawawalan
Buhay natin ay walang kapupuntahan
Ekrosistimo, nagsasabi na problema’y ating aksyonan.

Sari’t saring paraan ang matatagpuan


Kultura’t literatura ang maaring maging sandata
Batayan para sa paglalahad ng teorya
Sa pamamagitan nito malulutasan ang isyung publikong makikita
Kaya tayo na’t buklatin ang nakaraan
Nakaraan na kung saan masaya tayo
Masayang nakikita ang kagandahan ng kalikasan
Kung saan bawat kailangan ay matutugunan

Ating isipin ang kinabukasan


Baliktarin ang problemang mahirap solusyunan
Aksyon at solusyon ay ipalaganap
Halika, ako’y iyong samahan

You might also like