You are on page 1of 7

Masigasig na Pananalangin.

Sa ating 2 nakalipas na aralin sa Mateo 7, atin ng nabatid ang kauturan ukol


sa relasyon natin pagdating sa lahat ng tao. Naituro na sa atin ng Panginoong
Hesus ang aral na huwag maging mapanghusgang agaran at ang paggawa ng
mga bagay na kaibig-ibig sa ating kapwa.

Ngayong gabi, ating itutuloy ang ating pag-aaral sa “Sermon on the Mount”.
Ating aaralin “muli” ang patungkol sa Pananalangin. Ating aaralin ang ukol sa
Masigasig na Panalangin.

Mateo 7:7-11 (ABTAG 2001) (Luk 11:9-13)

7 “Humingi kayo, at kayo ay bibigyan; humanap kayo, at kayo ay makakatagpo,


tumuktok kayo, at kayo'y pagbubuksan. 8 Sapagkat ang bawat humihingi ay
tumatanggap; at ang humahanap ay nakakatagpo; at ang tumutuktok ay
pinagbubuksan. 9 Mayroon bang tao sa inyo, na kung humingi ng tinapay sa kanya
ang kanyang anak ay bato ang ibibigay? 10 O kung humingi siya ng isda ay
bibigyan niya ito ng ahas? 11 Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay
ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na
nasa langit ang magbigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya?

“Why do we act as if we deserve anything when the truth is everything we


have is by grace” – Anonymous.

*Kahalagahan ng verse-by-verse teaching

Karamihan sa atin ay tiyak na ang mga talata na aaralin natin ngayong gabi
ay kanilang matatawag nilang “memory verse”. Ang Mateo 7:7-8, kahit wala
akong survey data, ang isa sa pinakang kabisado ng nakararami sa ating mga
mananampalataya. Ngunit ang katanungan na lamang ay atin ba talagang
naiintindihan ang ibig pakahulugan ng talata? Ngayong gabi masasagot natin kung
tama o mali ang ating pagkakaintindi sa mga talatang ito.

Ngayon ating iisipin, kung ang mga talatang ito ay ukol sa “Masikap na
Pananalangin”, ano ang kinalaman nito sa Mat 7:1-6.

1. Kung babasahin natin ang salin sa Luk 11:9-13, ating mapapansin na ang
mga salitang ito ay kadugsong ng katuruan ukol sa “Lord’s Prayer” na ating
makikita sa Mat 6:5-15. Kaya tiyak na ang mga talatang ito ay ukol sa
Pananalagin.

2. Sa Mat 7:1-6 tayo ay tinuruang huwag maging mapanghusgang agaran at


matutong kumilala (discerning) sa ating kapwa. Ang tanging paraan lamang
kung paano natin ito magagawa ng tama ay sa pamamagitan ng pagdalangin
sa Banal na Espiritu Santo na magbibigay sa atin ng paglilinaw.

Kagaya ng ating ginawa sa huling pag-aaral, ating umpisahan kung ano “ang
hindi ibig” pakahulugan ng mga talatang ito.

1. Hindi itinuturo dito ang pagiging “Self-Entitled or demanding” pagdating


sa Pananalangin.

2. Hindi itinuturo sa mga talatang ito ang “Name it, Claim it” kung saan kapag
tayo ay dumalangin ng “kahit anong bagay” sa Diyos ay tiyak niyang
ibibigay.

3. Hindi itinuturo dito ang “Instant o Successful Formula” sa Pananalangin.

Nahahati ang talatang ito sa 3 bahagi lamang. Ang Kautusan, Katugunan at


Katangian ng Tumutugon.
A. Ang Kautusan.
Mat 7:7 “Humingi kayo, at kayo ay bibigyan; humanap kayo, at kayo ay
makakatagpo, tumuktok kayo, at kayo'y pagbubuksan.

“Humingi, Humanap at Tumuktok” – Ating mapapansin na ang mga


salitang ito ay pandiwa (action word) at sila ay pautos (present imperative). Ang
lahat ng mga iyan ay ukol lamang sa pagdalangin sa Ama. Ating alalahanin na ang
pananalangin ay isang buhay na sa ating mga mananampalataya. Mat 6:5 At kapag
kayo ay nananalangin.

Ang dapat nating mapansin pa sa mga salitang ito ay meron silang


“progression”. Ating makikita na sa pagkakasunod-sunod ng mga salita ay
tinuturo ng Panginoong Hesus ang mashigit na gawain tungkol sa pananalangin.

1. Humingi/Ask – ito ang pagnanais. Ating alalahanin na sa ating pagnanais


dumulog sa Diyos ay dapat tayong magkaroon ng pusong magpakumbaba.

2. Humanap/Seek – ipanapakita dito na ang ibang kasagutan natin ay


makikita. Ito ay makikita natin sa kanyang “Salita” kaya’t akibat ng
Pananalangin ang Personal Devotion.

3. Tumuktok/Knock – ito ang gawa kung saan masmarami tayong dapat


gawin bukod sa Personal Devotion. Ito’y maaring manalangin ng
mastaimtim o hingin sa Diyos na gamitin ang isang tao para mabatid o
maintindihan natin kung ano ang dapat idalangin.

Ating mapapansin na sa mga salitang ito tayo ay tinuturuan ng Panginoong


Hesus na maging masipag, masikap, matiyaga, magpursige sa pananalangin.
B. Ang Katugunan.
Mat 7:8 Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay
nakakatagpo; at ang tumutuktok ay pinagbubuksan.

“Tumatanggap, Nakakatagpo at Pinagbubuksan” – Ang mga salitang ito ay


tumutukoy sa katugunan sa ating mga Panalangin.

Jer 29:11-14

11 Sapagkat nalalaman ko ang aking mga panukala para sa inyo, sabi ng


Panginoon, mga panukala para sa ikabubuti at hindi sa ikasasama, upang bigyan
kayo ng kinabukasan at ng pag-asa. 12 At kayo'y tatawag sa akin, at kayo'y lalapit
at dadalangin sa akin, at diringgin ko kayo. 13 Hahanapin ninyo ako at
matatagpuan kapag hinanap ninyo ako nang inyong buong puso. 14 Ako'y inyong
matatagpuan.

Tiyak na marami na sa atin ang nakababatid pa ng marami pang talata ukol


sa pagtugon ng Diyos sa ating Panalangin. Ngunit ang masmahalagang natin dapat
maalala ay ilang mga bagay na ito:

1. Tinutugon lamang ng Diyos ang mga dalanging kung ang isang tao ay may
tamang pagkilala sa Diyos.

2. Tinutugon lamang ng Diyos ang mga dalanging ang samo ay ayon lamang sa
kanyang kalooban.

3. Dapat tayong manalangin ng may pananampalataya sa Diyos. Ating


alalahanin na kapag sinasabing “Manalangin ng may Pananampalataya”, ibig
sabihin ating buuang pinagkakatiwala sa Diyos ang kasagutan sa ating
panalangin. Maging ano, paano o kailan man ito tugunan ng Diyos ay atin
itong tatanggapin ng may pasasalamat.
C. Katangian ng Tumutugon.
Mat 7:9-11 Mayroon bang tao sa inyo, na kung humingi ng tinapay sa kanya ang
kanyang anak ay bato ang ibibigay? O kung humingi siya ng isda ay bibigyan niya
ito ng ahas? Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting
kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit ang
magbigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya?

Ang huling bahagi ng talatang ito ang isa sa pinakang magandang dahilan
kung bakit tayo ay dapat maging masigasig sa ating pananalangin. Ito ay isang
aliw, ginhawa para sa mga mananampalatayang nananalangin.

Inihayag ng Panginoong Hesus ang katangian ng tumutugon, Inilarawan


niya ang ating Earthly at Heavenly Father.

Binanggit sa mga talatang ito na ang mga anak ay lumalapit sa kanilang mga
Ama kapag sila’y may pangangailangan na isang normal na bagay hanggang
ngayon.

“Kung kayo nga na masasama” – hindi ibig pakahulugan dito na parating


masama/salbahe/malulupit ang ating mga ama dito sa lupa. Sinasabi lang dito na
generally lahat ng ama ay nagkakasala at bagaman sila ay nagkakasala o tunay na
walang pagkakakilala sa Diyos Ama ay binibigay pa rin nila ang mga bagay na
hiniling ng kanilang mga anak. At may panahon din na minsan tinutugon ng ating
mga ama ang ating mga hiling ng hindi ayo sa pag-ibig.

“gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit” – “Gaano” ito ay


paglalarawan ng pagkakaiba ng ating ama dito sa lupa at Ama sa langit. Ang Ama
natin sa langit ay higit sa lahat ng bagay kumpara sa ating mga tatay. Ilan sa mga
pinakang magandang katangian ng Ama ay ang mga sumusunod:
1. Omniscient (Ganap na Pang-unawa) – alam niya ang nakabubuti sa atin.

2. Goodness (Mabuti) –binibigay niya lamang ang mga bagay para sa ating
kabutihan. Mga bagay “kaibig-ibig at kanais nais” na magpapalapit sa atin sa
Kanya.

Sa Luk 11:13, ang bagay na ibibigay ng Diyos Ama ay ang “Banal na


Espiritu Santo” na Siyang gagabay sa atin kung ano ang mga dapat ipanalangin.
Ituturo Niya sa ating idalangin ang mga bagay na ayon sa kanyang Kaharian at
Katurungan (Mat 6:33).

Hindi ba tunay ngang maituturing na ginhawa ang kaloob na ito ng Ama?


Dahil pinapakita dito ng Panginoong Hesus na ayaw ng Ama na malayo tayo sa
kanya. Isang napakagandang paglalarawan ng “Gaano at Higit” na kabutihan at
pag-ibig ng Ama para sa kanyang mga anak.

You might also like