You are on page 1of 1

Ang Sakim na Aso

Isang araw, mayroong isang asong nagngangalang Max. Noong


araw na iyon napag-isipan niyang maglibot, sa kanyang
pamamsyal ay nakakita siya ng isang buto. Tumingin si Max sa
paligid, ngunit wala siyang nakitang sinuman na maaaring mag
may-ari ng buto kaya naman ay dali-dali niya itong kinuha at
kumaripas ng takbo. Matapos niyang tumakbo, hindi na
makapag antay si Max na kainin ang buto. Nagsimula siyang
maghanap ng tahimik at kalmadong lugar kung saan niya
pwedeng kainin ang buto nang walang nanghihingi sa kanya.
Kalaunan ay nakarating siya sa isang ilog na may tulay na gawa
sa kahoy at ito ay kanyang tinawid. Habang siya ay tumatawid,
napatingin siya sa tubig ng ilog at nakita niya ang larawan ng
kanyang sarili. Inakala ni Max na ang asong nasa repleksyon ay
ibang asong may buto sa bibig at ang mangmang na aso ay
napuno ng kasakiman. Ginusto ni Max ang buto ng asong nakita
niya, at upang hamunin ito, tinahulan niya ang kanyang
repleksyon. Ngunit pagkabukas pa lamang niya ng kanyang
bibig, ay nahulog sa ilog ang butong nasa bibig niya. Galit nag
alit si Max nang malaman niyang nawala niya ang kanyang
buto. Sa pagsubok niyang makuha ang hindi kanya, ang sakim
na aso ay Nawala kung ano ang mayroon siya.

You might also like