You are on page 1of 2

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang
mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental,
pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa
quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang
mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng
mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa
hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na
resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas
ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at
mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo
sa estadong marital.

PEREGRINATION OF BADJAOS: A PHENOMENOLOGICAL STUDY ON THE


LIVES OF BADJAO PEOPLE

ABSTRAK

Ang tribo ng Badjao ay isa sa mga hindi masiyadong kilala na tribo ditto sa ating
bansa. Ang layunin ng aming pananaliksik ay malaman ang mga kahirapan na
napagdaanan ng mga Badjao na makikita natin sa mga daanan na palaboy-laboy sa
Koronadal City. Upang mabigyang pansin ang kanilang kultura at mga paghihirap sa
kalsada. Saklaw ng pag-aaral na ito ang sampung (10) Badjao edad 20 pataas na
walang matirhan sa Koronadal City, South Cotabato. Nalimita ang pag-aaral sa mga
rason kung bakit sa kalsada sila naninirahan, paano nila nakasanayan ang lugar na
hindi pamilyar sa kanila, kung bakit sila nanlilimos sa daan at kung bakit sila pumunta
sa lugar na hindi nila nakasanayan. Ang pananaliksik ay sumailalim sa qualitative
research approach at interview isa-isa sa sampung Badjao na naninirahan sa mga
kalsada ng Koronadal City. Napagalaman sa resulta na maraming pinagdadaanan ang
mga Badjao na walang maayos na tirahan ditto sa Koronadal City. Ilan sa kanila ay
walang makain at walang pera na pambili ng mga kailangan nila. Kaya sila ay
nanlilimos upang sila ay may makain at makabili ng pang- araw araw nilang kailangan.
Ang rason rin kung bakit sila lumipat at pumupunta sa mga malalaking syudad ay dahil
sa giyera sa kanilang lugar, mahina ang ani ng kanilang panananim na dahilan kung
bakit wala silang pambili ng pagkain doon.

You might also like