Lectionary

You might also like

You are on page 1of 3

LECTIONARY

YEAR C

UNANG LINGGO NG PAGDATING


ANG ARALIN : Jeremias 33:14-16

v14"Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking tutuparin ang mabuting bagay
na aking sinabi tungkol sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda. v15Sa mga araw at
panahong iyon, aking pasisibulin para kay David ang isang matuwid na Sanga at siya'y maggagawad
ng katarungan at katuwiran sa lupain. v16Sa mga araw na iyon ay maliligtas ang Juda at ang
Jerusalem ay maninirahang tiwasay. At ito ang pangalan na itatawag sa kanya: 'Ang Panginoon ay
ating katuwiran.'

ANG TUGON: Salmo 25:1-10

v1Sa iyo, Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.


v2O Diyos ko, sa iyo ako nagtitiwala,
huwag nawa akong mapahiya;
ang aking mga kaaway, sa akin ay huwag nawang magkatuwa.
v3Oo, huwag nawang mapahiya ang lahat ng sa iyo'y naghihintay,
mapahiya nawa ang mga gumagawa ng kataksilan nang walang dahilan.
v4Ipaalam mo sa akin ang iyong mga daan, O Panginoon;
ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
v5Akayin mo ako sa iyong katotohanan, ako'y iyong turuan,
sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan;
sa iyo'y naghihintay ako nang buong araw.
v6Alalahanin mo, O Panginoon, ang iyong kahabagan, at ang iyong tapat na pag-ibig,
sapagkat ang mga iyon ay mula pa nang unang kapanahunan.
v7Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsuway;
ayon sa iyong wagas na pag-ibig ay alalahanin mo ako,
O Panginoon, alang-alang sa iyong kabutihan!
v8Ang Panginoon ay mabuti at makatarungan,
kaya't tinuturuan niya ang mga makasalanan tungkol sa daan.
v9Pinapatnubayan niya ang mapagpakumbaba tungkol sa katuwiran,
at itinuturo sa mapagpakumbaba ang kanyang daan.
v10Lahat ng landas ng Panginoon ay wagas na pag-ibig at katapatan,
para sa mga nag-iingat ng kanyang mga patotoo at kanyang tipan.

2
ANG SULAT: 1 Tesalonica 3:9-13

v9Sapagkat ano ngang pasasalamat ang aming maisasauli sa Diyos dahil sa inyo, dahil sa lahat ng
kagalakan na aming nadarama dahil sa inyo sa harapan ng aming Diyos?
v10Gabi't araw ay masikap naming idinadalangin na makita namin kayo nang mukhaan at aming
maibalik ang anumang kulang sa inyong pananampalataya.
v11Ngayo'y patnubayan nawa ng ating Diyos at Ama at ng ating Panginoong Jesus ang aming
paglalakbay patungo sa inyo.
v12At nawa'y palaguin at pasaganain kayo ng Panginoon sa pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, gaya
naman namin sa inyo.
v13Patibayin nawa niya ang inyong mga puso sa kabanalan upang maging walang kapintasan sa
harapan ng ating Diyos at Ama, sa pagdating ng ating Panginoong Jesus na kasama ang lahat ng
kanyang mga banal.

MAGANDANG BALITA: Lukas 21:25-36


v25"At magkakaroon ng mga tanda sa araw, at buwan, at mga bituin, at sa lupa'y magkakaroon ng
kahirapan sa mga bansa, na nalilito dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong.
v26Ang mga tao ay manlulupaypay dahil sa takot, at mangangamba sa mga bagay na darating sa
daigdig, sapagkat ang mga kapangyarihan sa mga langit ay mayayanig.
v27Pagkatapos ay makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa isang ulap na may
kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
v28Kapag nagsimulang mangyari ang mga bagay na ito, tumingala kayo at itaas ninyo ang inyong mga
ulo, sapagkat malapit na ang katubusan ninyo."

Ang Aral Tungkol sa Puno ng Igos


(Mt. 24:32-35; Mc. 13:28-31)
v29At isinalaysay niya sa kanila ang isang talinghaga: "Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng
mga punungkahoy; v30kapag mayroon na silang mga dahon ay nakikita mismo ninyo at nalalaman na
malapit na ang tag-araw.
v31Gayundin naman kayo, kapag nakita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, nalalaman ninyo
na malapit na ang kaharian ng Diyos.
v32Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang salinlahing ito, hanggang sa maganap ang lahat
ng mga bagay. v33Ang langit at ang lupa ay lilipas, subalit ang aking salita ay hindi lilipas.

Kailangang Magbantay
v34"Subalit mag-ingat kayo sa inyong sarili, baka magumon ang inyong mga puso sa katakawan, at
kalasingan, at sa mga alalahanin ukol sa buhay na ito, at biglang dumating ang araw na iyon na parang
bitag.
v35Sapagkat ito ay darating sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa.
v36Subalit maging handa kayo sa bawat panahon, na nananalanging magkaroon kayo ng lakas upang
makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang makatayo kayo sa harapan ng Anak
ng Tao."

You might also like