You are on page 1of 11

LEARNING ACTIVITY SHEET IN PHYSICAL EDUCATION

Pagsasanay na Papel Grade 4 – P.E. (PE4PF-Ia-16)


Quarter 1-Week 1- Describes the physical activity pyramid.
Name of Learner: ______________________________Date: ____________________________

Name of School: ______________________________ District: _____________________________

Tandaan

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay nakakatulong na


maging mas aktibo ang batang katulad mo. Ito ay binubuo ng mga gawaing pisikal na hinati
sa apat na antas (levels) kung saan ang bawat antas ay tumutukoy sa rekumendadong dalas
ng paggawa (frequency) ng iba’t-ibang mga gawaing pisikal.

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay ginawang basehan sa mga
gawaing pisikal na dapat gawin sa isang bata sa loob ng isang linggo upang maging malusog
at aktibo.

Physical Activity Pyramid Guide

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Anu-anong mga gawaing pisikal ang mainam gawin araw-araw?
_________________________________________________
2. Ilang beses gawin sa isang linggo ang paglalangoy? ________
3. Bakit kailangang minsan lang gawin ang panonood ng TV/youtube?
______________________________________
4. Nakakatulong ba ang pagiging aktibo ng isang bata sa paglinang ng malakas na katawan
at mabuting kalusugan? ____
5. Paano ito nakakatulong sa kanya? _____________________
 Ang mga gawaing pisikal na nasa pinakatuktok ng pyramid ay ang mga gawaing isang beses
lang gawin sa loob ng isang linggo kaya di dapat gawin araw-araw.

Dalas ng Paggawa Mga Halimbawang Gawain

1 beses panonood ng TV/youtube


paglalaro sa computer
paghiga ng matagal
pag-upo ng matagal
 Ang mga gawaing pisikal na nasa ibaba sunod sa pinakatuktok ng pyramid ay gawin lamang
ng 2-3 beses sa loob ng isang linggo.

2-3 beses pagtambling


pag akyat sa puno
bahay-bahayan
push up
pull up
pagsasayaw
 Ang mga gawaing pisikal na nasa ibabaw ng pinaka mababang antas (level) ay gagawin
lamang ng 3-5 beses sa loob ng isang linggo.

3-5 beses pagro-rollerblades


pagtakbo
paglangoy
pagbibiseklita
basketball,
volleyball,
football
lead-up games
Ang mga gawaing pisikal na maaring gawin araw-araw ay makikita sa pinaka ibaba ng
pyramid.

Araw-araw paglaro sa labas ng bahay


pagtulong sa gawaing bahay
paglakad papuntang palengke/mall
pagliligo sa alagang aso
pamumulot ng nagkalat na laruan
pagpakain ng mga alagang hayop

Pagsasanay 1 Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung ang pangungusap ay naaayon sa
Physical Activity Pyramid Guide at Mali kung ang pangungusap ay hindi naaayon.
_______1. Ang mga gawaing nasa tuktok ng pyramid ay rekumendadong 1 beses lamang gawin
dahil kukulangin sa pagsubok ang kakayahan ng iyong katawan kaya hindi magdudulot ng
mabuting kalusugan.
_______ 2. Nararapat na suriing mabuti ang iyong pang-araw-araw na gawain at iayon ang iyong
physical activities sa rekumendasyon ng Physical Activity Pyramid Guide upang mapanatili ang
kalusugan.
_______ 3. Hindi nakabubuti kung gawin mo itong gabay sa mga physical activities dahil hindi ito
nakapaglinang sa inyong kakayahan.
_______ 4. Ang paglaro ng basketball, volleyball, at football ay rekumendadong gawin araw-araw
ayon sa Physical Activity Pyramid Guide.
_______ 5. Nalilinang ang lakas ng aking katawan kung akoy tumutulong sa mga gawaing bahay
araw-araw.
Pagsasanay 2 Panuto: Mag-isip ng iba pang gawaing pisikal na iyong gustong gawin na wala sa
pyramid guide at isulat ito sa loob ng pyramid guide sa ibaba.

1 beses

2-3 beses

3-5 beses

Araw - araw

Pagsasanay 3 Panuto: Gumawa ng tsart para sa inyong isang linggong gawain. Planohin kung
anong gusto mong gawin sa bawat araw. Siguradohing ang bawat physical activity ay naaayon
sa rekumendasyon ng Physical Activity Pyramid para sa Batang Pilipino.

Araw Mga Gawain


Linggo Pagpapakain ng alaga, paglalaro ng taguan
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado

Susi sa Pagwasto
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 at 3
1. tama Depende ang sagot ng mga bata
2. tama
3. mali
4. mali
5. tama

K-12 grade 4 physical education learners material pp. 3


https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-inphysical-education-
q1q4
LEARNING ACTIVITY SHEET IN PHYSICAL EDUCATION
Pagsasanay na Papel Grade 4 – P.E. (PE4GS-Ic-h-4)
Quarter 1-Week 2- Assesses regularly participation in physical activities based on
physical activity pyramid.

Name of Learner: ______________________________________Date:_________________________

Tandaan
Ang mga Sangkap ng Physical Fitness
Ang Physical Fitness ay ang kakayahan ng bawat tao na makagawa ng pang araw-araw na
gawain nang hindi kaagad napapagod at hindi nangangailangan ng karagdagang lakas sa oras ng
pangangailangan.
Ang Health-related Physical Fitness ay tumutukoy sa kalusugan ng mga tao. May limang
health-related na mga sangkap. Ito ay ang cardiovascular endurance, muscular endurance,
muscular strength, flexibility, and body composition.
Ang Skill-related Fitness naman ay kinabibilangan ng agility, balance, coordination, power,
reaction time, at speed.
Bawat sangkap ay mahalaga upang mapanatili ang pangkalahatang kalusugan. May mga
gawain na mainam na nagpapakita ng mga sangkap na ito at nalilinang ito sa pamamagitan ng iba’t-
ibang pagsubok o tests (physical fitness tests).

Maaari kayong manood ng videoclip para matutunan kung papaano gagawin ang aktuwal na
paraan sa paglinang ng bawat sangkap. Kung sakaling walang videoclip na mapanood, maghanap ng
makakasamang mas nakakatanda pa sa iyo para mag modelo sa mga paraan ng paglinang upang
mapaghandaan ang mga pagsubok (Physical Fitness Tests) sa susunod na aralin.

Health-related Physical Fitness


Sangkap o Komponent Kahulugan Halimbawa ng Paraan ng
gawain paglinang
Cardiovascular Kakayahang makagawa ng Pagtakbo, paglalakad 3-minute Step Test
Endurance (Tatag ng pangmatagalang gawain na nang mabilis, pag-
Puso at Baga) gumagamit ng malakihang akyat sa hagdanan
mga galaw sa katamtaman
hanggang mataas na antas
ng kahirapan
Muscular Endurance Kakayahan ng mga pagtakbo, Curl-up
(Tatag ng Kalamnan) kalamnan (muscles) na pagbubuhat nang
matagalan ang paulit-ulit at paulit-ulit
mahabang paggawa
Muscular Strength Kakayahan ng mga Pagpalo nang Push-up
(Lakas ng Kalamnan) kalamnan (muscles) na malakas sa baseball,
makapagpalabas ng pagtulak sa isang
puwersa sa isang beses na bagay
buhos ng lakas
Flexibility (Kahutukan) Kakayahang makaabot ng Pagbangon sa Sit and Reach
isang bagay nang malaya sa pagkakahiga,
pamamagitan ng pag-unat pagbuhat ng bagay,
ng kalamnan at pagabot ng bagay
kasukasuan mula sa itaas.
Body Composition Dami ng taba at parte na Body Mass Index
walang taba (kalamnan, (BMI)
buto, tubig), sa katawan
Skill-related Physical Fitness
Agility (Liksi) Kakayahang magpalit o mag- Pag-iwas sa kalaban sa Illinois Agility
iba ng posisyon ng katawan football o patintero Test, Shuttle Run
nang mabilisan at naaayon sa
pagkilos
Balance Kakayahan ng katawan na Gymnastics stunts, Stork Stand Test
panatilihing nasa wastong pagsasayaw, pagspike sa
tikas at kapanatagan habang volleyball
nakatayo sa isa o dalawang
paa (static balance), kumikilos
sa sariling espasyo at patag na
lugar (dynamic balance) o sa
pag-ikot sa ere (in flight)
Coordination Kakayahan ng iba’t ibang parte Pagsasayaw, pagdidribol Alternate Hand
ng katawan na kumilos nang ng bola Wall Test
sabaysabay na parang iisa
nang walang kalituhan
Power Kakayahang makapagpalabas Pagpukol sa bola ng Standing Long
ng puwersa nang mabilisan baseball, paghagis ng Jump, Vertical
batay sa kombinasyon ng lakas bola Jump
at bilis ng pagkilos
Reaction Kakayahan ng mga bahagi ng Pagkilos ayon sa Ruler Drop Test
Time katawan sa mabilisang batuhang bola, pagiwas
pagkilos sa pagsalo, pag-abot ng taya sa patintero
at pagtanggap ng paparating
na bagay o sa mabilisang pag-
iwas sa hindi inaasahang
bagay o pangyayari
Speed (Bilis) Kakayahang makagawa ng Pagtakbo, pagpasa ng 50m sprint
kilos sa maiksing panahon bola

Laging alalahanin na ang tamang paggawa sa paraan ng paglinang sa bawat sangkap ay


kinakailangan sa bawat bata upang mas mapaunlad ang paglinang ng mga kakayahan sa
paggawa ng mga gawaing pisikal na nakabubuti sa katawan. Dapat ding matutunan ng bawat
bata ang mga gawaing nakakapagpaunlad sa kakayahan sa paglalaro ng iba’t-ibang isport
habang nasa mura pang edad.

Pagsasanay 1 Panuto: Kulayan ng dilaw ang bituin ng gawain kung ito’y kaakibat sa power,
bughaw kung ito’y kaakibat sa speed, pula kung ito’y kaakibat sa coordination, at berde kung
ito’y kaakibat sa reaction time.

Pagpupukol ng bola Pagtakbo ng 50 m


sa baseball

Pagsalo ng bola ng Pagsasayaw


basketball
Pagsasanay 2 Panuto: Paghambingin ang mga gawaing pisikal sa Hanay A na kaakibat sa mga
sangkap na physical fitness sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
1. Pagtatakbo a. Body composition, cardiovascular endurance and
muscular strength
2. Pagbibiseklita b. power, speed, balance, coordination and agility
3. Pagsasayaw c. flexibility, muscular strength cardiovascular
endurance
4. Paglalangoy d. speed, agility and cardiovascular endurance
5. Pagbabasketbol e. cardiovascular endurance, muscular strength,
flexibility and mobility

Pagsasanay 3 Panuto: Gawin ang mga pampasiglang gawain.


1. Head Twist
Mga hakbang:
a. Starting Position (Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa at ang mga kamay ay ilagay
sa baywang.)
b. Ipaling ang ulo sa kanan (bumilang ng 1-8 habang ginagawa ito).
c. Ipaling ang ulo sa kaliwa (bumilang ng 1-8 habang ginagawa ito).
d. Bumalik sa starting position.
e. Ulitin ng makalawa ang gawain.
2. Jumping Jack
Mga hakbang:
a. Starting Position (Tumayo na magkadikit ang mga paa at nasa gilid ang mga kamay.
b. Tumalon at ibuka ang paa kasabay ng pagpalakpak ng kamay sa ibabaw ng ulo at bumilang
ng isa.
c. Bumalik sa panimulang position at bumilang ng dalawa
d. Ulitin ang hakbang (b) at (c) ng 16 beses
3.Pakunan ng video sa mga magulang habang ginagawa ang pampasiglang Gawain.

Susi sa Pagwasto
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3
1. Dilaw 1. b Depende sa pagsasagawa ng mga bata
2. Bughaw 2. a
3. Dalandan 3. c
4. Pula 4. e
5. d
LEARNING ACTIVITY SHEET IN PHYSICAL EDUCATION
Pagsasanay na Papel Grade 4 – P.E. (PE4GS-Ic-h-4)
Quarter 1-Week 3 - Executes the different skills involved in the game.
Name of Learner: ___________________________________Date: ___________________________
Name of School: __________________________________District: _________________________

Tandaan

Ang tumbang preso ay isang larong Pinoy kung saan ang isang taya ay may
binabantayang lata na nasa loob ng isang bilog. Ito ang “preso” na tinatawag. Ang ibang
manlalaro naman ay mga tagahagis ng tsinelas na ang layunin ay mapatumba at maalis ang
“preso” (lata) sa loob ng bilog. Ang layunin ng taya ay makataga (makataya) ng isang
tagahagis habang ang mga ito ay kumukuha ng mga tsinelas sa palaruan. Ang natagang
(natayang) tagahagis ang magiging susunod na taya.

Alam mo ba ang ginagamit sa larong tumbang preso?

Narito ang mga kagamitan sa larong ito.


 Tsinelas (1 kada manlalaro)

 Lata
 Yeso o chalk na pangmarka
Paraan Nang Paglalaro ng Tumbang Preso
1. Itayo ang lata sa loob ng bilog na guhit na may diyametrong isang talampakan.
2. Ang manuhan o pamulaang guhit ay lima hanggang pitong metro ang layo sa lata.
3. Magmanuhan upang piliin ang taya. Isa-isang tumayo sa tabi ng lata at ihagis sa
manuhang-guhit ang tsinelas. Ang may tsinelas na pinakamalayo sa guhit ang magiging taya.
4. Ang taya ay tatayo malapit sa lata (maaaring sa likod o gilid ng bilog ngunit hindi niya
maaaring harangan ng kahit ano mang bahagi ng kanyang katawan ang lata). Ang mga
tagahagis naman ay nasa manuhang- guhit.
5. Isa-isang pupukulin ang lata gamit ang tsinelas upang maalis o tumilapon ito palayo sa
bilog.
6. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob ng bilog.
7. Kung tumilapon ang lata ngunit nakatayo parin ito saan mang dako ng lugar na pinaglaruan,
patuloy na babantayan ito ng taya. Hindi kailangang ibalik ito sa bilog.
8. Kapag natumba naman ang lata, ito ang pagkakataon para kunin ng mga tagahagis ang
kanilang tsinelas at bumalik sa manuhang-guhit.
9. Kapag nakatayo ang lata at may nataga (nataya) ang taya, ang nataga (nataya) ang magiging
bagong taya.
10. Hindi maaaring tagain ang manlalarong nasa manuhangguhit. Hindi rin maaaring managa
ang taya kung nakatumba ang lata.
11. Kapag nanghahabol ang taya, maaaring sipain ng ibang manlalaro ang lata upang tumumba
ito.
Pagsasanay 1 Ang mga sumusunod ay mga gawain sa larong tumbang preso.
Kopyahin sa sagutang papel ang nasa kahon. Lagyan ng tsek (/) kung nagawa mo ito nang
maayos at ekis (X) kung hindi.

Mga Gawain
1. Pagtudla/ pagtarget
2.Pagtakbo ng matulin
3. Pag-ilag sa pagtaya
4. Paghagis ng tsinelas

Pagsasanay 2 Isulat sa sagutang papel ang mga kasanayang natutuhan mo sa paglalaro ng


Tumabang Preso. Piliin ang mga ito sa ibaba.

Pagsasanay 3 Kasama ng iyong mga kapatid gawin ang tumbang preso. Mag-iingat sa paglalaro
at iwasan ang makapanakit ng kapwa manlalaro. Pakunan ito ng video sa magulang at ipasa sa
guro. Sagutin ang repleksiyon sa sagutang papel.
Tanong: Paano mo naisagawa ng maayos ang laro?
Repleksiyon: Ano ang natutunan mo pagkatapos ng laro?
Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1 at 2 depende ang sagot ng mga bata


Pagsasanay 3 paglalaro ng tumbang preso

https://www.google.com/search?q=tumbang+preso&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved

References:
Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan
Kagawaran ng Edukasyon
Copyright ,2015 pp.136-142
https://www.google.com/search?q=tumbang+preso&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved
LEARNING ACTIVITY SHEET IN PHYSICAL EDUCATION
Pagsasanay na Papel Grade 4 – P.E. (PE4GS-Ic-h-4)
Quarter 1-Week 4- Executes the different skills involved in the game.

Name of Learner: ___________________________ Date: ______________________________


Name of School: __________________________District:______________________________

Tandaan
Ang larong syato ay isang larong striking/fielding game na nangangailangan ng mga
kasanayang pagpukol o pagpalo, pagtakbo, at pagsalo na nakalilinang o nakapagpapaunlad
ng tatag ng kalamnan (muscular endurance) at power.

Anong kagamitan ang ginagamit sa larong syato?


Mga kagamitan:
Maliit o maikling patpat bawat manlalaro
Malaki o mahabang patpat bawat manlalaro
Alamin at intindihing mabuti ang mga paraan ng paglalaro ng syato.
1. Gumawa ng butas sa lupa na korteng bangka at ilagay ang maliit na patpat na nakausli
ang kalahating bahagi (nakabaon ang isang bahagi at ang kabilang bahagi ay nasa ere o
walang tinatamaan).
2. Paluin ang maliit na patpat sa bahaging nasa ere gamit ang malaking patpat. Paliparin ang
maliit na patpat sa ere. Ang kalaban naman ay susubuking saluhin ito. Kung masalo ang
patpat, ang kalaban naman ang titira at magiging “out” ang naunang manlalaro.
3. Kung hindi ito nasalo, mula sa butas ay ilalapag ang malaking patpat at igalaw ito nang
pabaliktad at tuloy-tuloy hanggang sa maabot ang kinalalagyan ng maliit na patpat. Kung
ilang beses tuloy-tuloy na napabaliktad ang malaking patpat ay siyang bilang ng puntos ng
unang manlalaro.
4. Magpapalit ng posisyon ang mga manlalaro at gagawin muli ang paraan ng paglalaro.
Magsasalitan ang mga miyembro ng grupo sa pagpukol at pagsalo ng patpat.
5. Kapag nakaabot na sa itinakdang bilang ng puntos (halimbawa: 50 o 100 o higit pa) ang isang
grupo, maaari na silang umusad sa susunod na yugto ng paglalaro. Hindi uusad sa susunod na
yugto hangga’t hindi naaabot ang itinakdang bilang ng puntos.
6. Ilagay muli ang maliit na patpat sa hinukay na butas na nakausli ang kalahating bahagi.
Paluin muli ang maliit na patpat gamit ang malaking patpat para lumipad sa ere. Kapag ito ay
nasa ere na, susubukin muling paluin itong papalayo. Kung hindi tinamaan ang patpat ay “out”
na ang manlalaro at ang kalaban naman ang susubok.
7. Kung tinamaan naman ang patpat at lumayo, magbibilang muli gamit ang malaking patpat
mula sa butas hanggang maabot ang kinalalagyan ng maliit na patpat.
8. Magsasalitan ang mga miyembro ng grupo sa pagpukol sa patpat kahit pa natamaan ito sa
ere.
9. Kapag nakaabot na sa itinakdang bilang ng puntos (halimbawa: 50 o 100 o higit pa) ang isang
grupo, sila na ang panalo.
Sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Pagsasanay 1 Panuto Kopyahin ang tsart sa ibaba. Isulat ang mga kasanayan sa larong syato.
Ano ang nalilinang o napapaunlad ng mga kasanayang ito?

Mga Kasanayan Nalilinang o Napapaunlad na Bahagi ng


Katawan

Pagsasanay 2 Panuto: Kopyahin ang tsart. Gawin at lagyan ng tsek kung naisagawa o hindi
naisagawa nang mahusay ang mga kasanayan sa paglalaro ng syato. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Mga Gawain Beses na Naisasagawa nang Hindi naisasagawa nang
Gagawin Mahusay Mahusay

Pagsasanay 3.Panuto: Laruin ang syato kasama ang kasapi ng pamilya. Iwasan ang makasakit
ng kapwa manlalaro. Pakunan ng video ang paglalaro at ipasa sa guro.

Tanong: Paano mo naisagawa nang maayos ang larong siyato kasama ang iyong pamilya?

Repleksiyon: Ano ang natutunan mo sa larong siyato?


Susi sa Pagwasto
Pagsasanay 1 at 2 depende ang sagot ng mga bata
Pagsasanay 3 paglalaro ng siyato

References:
Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan
Kagawaran ng Edukasyon
Copyright ,2015 pp.149-154
https://www.google.com/search?
q=larong+siyato&tbm=isch&ved=2ahUKEwi6pJ3njNPyAhVmE6YKHenh

You might also like