You are on page 1of 1

Magandang umaga sa lahat at belated happy valentine!

Ngayong Miyerkules, ika-17 ng Pebrero ay


magkakaroon tayo ng huling pagkaklase dito sa google meet. Sa klaseng ito kukunin ang inyong
panghuling activity na siya na ring magsisilbing final eksam ninyo. Magpapakitang-turo si Sir Shan at ang
iba pa niyang kasamahan na mga student teachers tungkol sa paksang may kaugnayan sa banghay-
aralin at mga estratehiya sa pagkatutong tulung-tulong. Batay sa kanilang pagpapakitang-turo ay gagawa
kayo ng pagkikritik. Naririto ang inyong mga dapat gagawin at pakatandaan para sa inyong kritik:

1. Makinig at obserbahan nang mabuti ang bawat tagapagpakitang-turo sa bawat hakbang na kanilang
gagawin sa pagpapakitang-turo.

2. Pansinin ang mga bahagi ng banghay-aralin at paano ang pagsisiyasat nito.

3. Ano-anong mga Estratehiya sa Pagkatutong Tulung-tulong ang tinatalakay? Talakayin ang mga ito.

4. Pansinin ang mga magagandang katangian na ipinapakita at taglay ng bawat tagapagpakitang-turo.


Mahahalaga ba ang mga katangiang ito para matatawag na isang mabuti at mahusay na guro ang
nagtuturo? Bakit?

5. Ikaw na nangangarap na maging guro sa hinaharap ano sa tingin mo sa iyong sariling personalidad o
pagkatao na dapat pagtuonan ng pansin at kailangang paunlarin pa para magiging mabuti at mahusay na
guro sa hinaharap?

 Ang inyong atendans sa klaseng ito ay higit na kailangan dahil ang walang atendans ay
nangangahulugang walang final na eksam.
 Ipapasa ang inyong ginawang kritik sa ika-22 ng Pebrero DITO SA GOOGLE CLASSROOM
 Wala ng tatanggaping pahabol na output lampas sa araw na ito.

Manatiling ligtas kayong lahat at pagpalain kayo ng Diyos.

You might also like