You are on page 1of 4

KAY GANDA NG UMAGA

Kay ganda, kay ganda ng umaga


'Pag si Hesus, si Hesus ang inuna
Kay ganda, kay ganda ng umaga
Araw-araw ay masaya!
(Repeat Verse)

KORO:
Anuman ang problema
Ito ay kayang-kaya!
Puso ay masigla
Punung-puno ng pag-asa!
Dahil mahal tayo ng ating Ama!

Katapatan Mo at pag-ibig Mo
Ay hindi at hindi nagbabago
Katapatan Mo at pag-ibig Mo
Noon, ngayon at kailanman!
(Repeat Verse)
(Koro)
"Sapat na at Higit pa"

di mangangamba sa kawalan
pagpapala mo'y laging laan
di matatakot sa panganib
'pagkat naririyan ka palagi

'di matitinag sa pagsubok


ang pagsama mo'y tiyak at lubos
'di mapipigil sa pag-awit
'pagkat ikaw ay mabuti
'pagkat ikaw ay mabuti

ikaw ang aking pastol hindi magkukulang


sapat na at higit pa

biyaya mo'y sagana at umaapaw


sapat na at higit pa

sapat na sa lahat kong pangangailangan


higit pa sa lahat kong inaasahan

wala na ngang mahihiling pa


'pagkat ika'y sapat na
ika'y sapat na at higit pa
AAWITAN KA NG ALELUYA

IKAW ANG KAGALAKAN KO


PANGINOON, IKAW ANG KALAKASAN KO
KALUWALHATIAN MO’Y LAGING KASAMA KO
SALAMAT SA ‘YONG ESPIRITU

(chorus)
AAWITAN KA NG ALELUYA
PANGINOON IKA’Y SINASAMBA
ITATAAS AKING KAMAY, YUYUKO SA’YO
YUYUKO SA’YONG KAPANGYARIHAN

IKAW ANG KAGALAKAN KO


PANGINOON, IKAW ANG KALAKASAN KO
KALUWALHATIAN MO’Y LAGING KASAMA KO
SALAMAT SA ‘YONG ESPIRITU

(chorus)
AAWITAN KA NG ALELUYA
PANGINOON IKA’Y SINASAMBA
ITATAAS AKING KAMAY, YUYUKO SA’YO
YUYUKO SA’YONG KAPANGYARIHAN (2x)
Awit ng Pagsamba

Kay buti Mo Panginoon


Dakila Ka sa buhay Ko
Sa labis na pag-ibig Mo
Ay naligtas ako
Hindi man karapat-dapat
Ay Iyong pinatawad

At binigyan Mo pa ng tinig
Tinuruan Mong umawit
Kaya ngayon ang puso’t isip ko'y
Iisang sinasambit

Koro:
Ang pagpupuri’t pasasalamat
Ay sa Iyo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba’y
Sa Iyo lamang iaalay.

You might also like