You are on page 1of 1

JULIANNA TRACY C.

ELECCION
FILIPINO 9
Sa paglipas ng mga panahon, hindi natin mapagkakaila ang mga pagbabagong
nangyayari. Ang mga pagbabagong ito ay makikita natin sa ating kasuotan,teknolohiya ,
maging sa ating mga kagawian ay may nagbago. Ika nga nila ang pagbabago ay ang
tanging permanenteng bagay sa ating mundo, ngunit kahanga-hangang may mga
bagay na hindi nag-bago, at ito ay ilan sa mga katangian ng isang ina. Ang ilan sa mga
katangian ng mga ina ngayon ay walang pinagkaiba sa mga katangian ng isang ina
noon sapagkat ang pagiging ina ay hindi lamang isang responsibilidad kundi isang
napakaimportanteng papel na gampanin ng isang indibiduwal. Noon paman ay may
mga katangian ang isang ina na pagiging pasensyosa, pagiging mapag-alalahanin,
pagiging maalaga,responsable at pagiging pasensyosa, may iba namang ina na walang
mga katangiang ito, ngunit natitiyak kong ang katangian ng isang ina na pagiging
mapagmahal ay katangiang meron ang lahat ng isang ina. Ang mga nabanggit na
katangian ay walang pinagkaiba sa mga kasalukuyang katangian ng isang ina.

May mga katangian naman ang ina nawala at nagbago, ito ay dahil sa pag-
babago ng estilo ng ating pamumuhay. Noon ang mga kababaihan ay pinanalaki ng
kanilang mga magulang upang maging isang ‘asawa’ lamang, pinaniniwala sila na ang
tangi nilang trabaho ay mag-linis ng bahay at mag-alaga ng mga anak, may iba rin mga
kababaihan na naniniwalang kailangan nilang sumunod sa lahat ng gusto ng kanilang
mga asawa ito ay dahil sa turo ng mga kanilang magulang o di kaya turo ng karamihan.
Walang karapatan ang mga kababaihan noon, ito ay dahil naniniwala ang mga
kalalakihan noon na walang kakayahan ang mga kababaihan noon. Wala rin karapatan
ang mga kababaihan na mag desisyon noon sa isang pamilya dahil higit na may
kapangyarihan ang mga kalakihan noon na mag desisyon sa isang pamilya, dahil dito
nagkaroon ang ilang mga ina o kababaihan ng ‘inferiority complex’ o mas mababa ang
tingin nila sa mga kalalakihan noon. Sa kabutihang palad nag-bago ang ating lipunan at
nag-karoon na ng karapatan ang mga kababaihan at ina.

May nagbago man sa mga katangian ng mga ina ngayon, para naman ito sa
ikakabuti . Lagi nating tandaan na lagi dapat natin pangalagahan at mahalin ang ating
mga ina, ito ay dahil sila ang nagdala sa atin ng siyam na buwan sa kanilang
sinapupunan at nagluwal sa atin. Lagi rin nating tandaan na respetuhin ang mga ina
dahil hindi basta-basta ang papel o gampanin at responsibilidad ng isang ina, sapagkat
ang isang ina ay ang nangangalaga sa kanyang mga anak, siya ang ilaw ng tahanan.
Siya rin ang nagpapanatili ng kaayusan at nangangalaga sa kaniyang pamilya. Hindi
tayo mabubuhay sa mundong ibabaw kung wala ang ating mga ina.

You might also like