You are on page 1of 4

SECOND QUARTER

S.Y. 2021-2022
Modular Distance Learning

NAME: ________________________________________
YR.& SECTION: _________________________________
SUBJECT TEACHER: JENNIFER A. YBANEZ
SUBJECT: _____________ SCORE: _____________
REMARKS: PASSED
FAILED
General reminders in using the BOOKLET:

1. Use this BOOKLET with care. You will write your answer in this booklet.

2. Read the instruction carefully before answering.

3. Observe honesty and integrity in doing the test.

4. Finish the test within the given period of time.

5. Return this booklet to your teacher or facilitator once you are through with it.

6. You may use blue or black pen only or pencil in answering the test.

7. Don’t forget to write your name in the front page of this booklet.

If you encounter any difficulty in answering the test in this BOOKLET, do not hesitate to consult your

teacher, parents, siblings or anybody knowledgeable and older than you at home. We hope that through this

material, you will experience meaningful learning and gain deep understanding of the relevant competencies.

You can do it!


ARALING PANLIPUNAN 9
First Summative Assessment
Quarter 2
Pangalan: ______________________________________________ Taon/ Baitang: __________________

I. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagnilayan kung anong konsepto ng demand napapaloob
ang bawat sitwasyon. Isulat sa papel ang SE kung ito ay substitution effect at IE kung ito ay income effect.

___1. Si Nancy ay madalas na bumibili ng karne sa grocery store ng mall na malapit sa kanilang bahay.
Maliban sa malinis, nakakapili siya ng maayos dito. Subalit nitong nagdaang linggo ay naging malaki ang
itinaas na presyo ng mga produktong karne kaya naisipan niyang lumipat sa palengke para makamura.

___ 2. Naging matumal ang benta ng ice tea at street food sa tindahan ni Mang Arturo bunga ng pandemyang
dala ng COVID 19. Dahil dito, napagkasunduan ng kaniyang pamilya na simplehan na lamang ang kanilang
noche Buena sa darating na Pasko mula sa dating magarbong paghahanda nito at unahin na lang bilhin
kung ano ang kanilang mga pangangailangan.

___3. Napromote si Ginang Cruz bilang General Manager ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuan. Dahil
dito inilipat niya ang dalawang anak sa pribadong paaralan at nakabili siya ng bagong kotse.

___4. Ang pamilya ni Aling Matilda ay mahilig sa branded na shampoo at tooth paste gaya ng Colgate at
Palmolive. Aniya kahit mahal ay nararapat na man daw sa kalidad nito. Subalit nitong nagdaang buwan ay
nagtaas ng humigit kumulang P20 ang presyo ng mga nasabing produkto, naisipan niyang subukan ang iba
pang brand na sa tingin niya ay magkasing pareho ang kalidad ng dating ginagamit na produkto pero mas
mura ang presyo.

___5. Nang magbawas ng trabahante ang Cebu Pacific Airlines, isa si Carlitos sa mga natanggal. Dahil sa
hindi inaasahang pangyayari, lumipat siya sa boarding house at iniwan ang inuupahang condo dahil hindi na
niya ito kayang bayaran.

II. Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang pahayag ng bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang.

_____6. Si Albert ay mas nakakabili ng malaking bahay at magarang na kotse kaysa kay Andrew dahil mas
mataas ang kanyang sweldo. Anong salik ito na nakaaapekto sa demand?
a. kita b. panlasa c. dami ng mamimili d. presyo ng magkaugnay na produkto

______7. Mayroong paparating na bagyo na tatama sa Gitnang Luzon sa susunod na linggo, nahihikayat
ang mga mamimili na bilhin na ang mga pangangailangan upang maiwasan ang mataas na presyo. Anong
salik ito na nakaaapekto sa demand?
a. panlasa c. presyo ng magkaugnay na produkto
b. dami ng mamimili d. inaasahan ng mamimili sa presyo sa hinaharap

______8. Anong salik ng demand ang tumutukoy sa impluwensiya ng mga mamimili sa pagbili ng mga
produkto at serbisyo?
a. kita b. panlasa c. dami ng mamimili d. presyo ng magkaugnay na produkto

______9. Kapag mataas ang demand ng ice cream sa panahon ng tag-init, tataas din ang kaugnay na
produkto nito tulad ng asukal. Anong salik na nakaaapekto sa demand ito?
a. panlasa b. kita c. dami ng mamimili d. presyo ng magkaugnay na produkto

______10. Ano ang tawag sa mga produktong sabay na ginagamit, kung saan hindi magagamit ang isang
produkto kung wala ang kaugnay nito?
a. komplementaryo b. pamalit c. inferior goods d. normal goods
III. Panuto: Alin sa iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban na presyo, ang higit na nakakaapekto
sa demand mo at ng iyong pamilya? Ipaliwanag.

Performance Task:
Panuto: Mag-isip ng tatlong tindahan na karaniwan ninyong binibilhan ng produkto.
Gumawa ng listahan ng mga produkto na karaniwang binibili ng iyong pamilya sa bawat
lingo. Huwag kalimutan na ilagay ang halaga ng mga produktong nasa inyong listahan at
magtanong tanong ukol sa halaga mula sa kanila. Iayos ang datos na iyong nakalap sa
isang talahnayan at sa ibaba nito ay sagutin ang mga sumusunnod na tanong:

1. Malaki ba ang pagkakaiba ng mga presyo? Bakit?


2. Kung bibilhin mo ang mga produkto na nasa listahan, saang tindahan mo ito
bibilhin at bakit?
3 Anong alternatibo ang iyong maimumungkahi sa iyong magulang kung sakaling
ang presyo ng ilang produkto ay hindi makatwiran?
4. Ano ang iyong karanasan mula sa pagtatanong ng presyo ng mga produkto?
Ipaliwanag.

You might also like