You are on page 1of 2

Sikolohiyang Pilipino

Ang pagiging kaiba ng iba’t ibang bansa sa mundo ay


mahihintulad natin sa anyo ng tao, may angking tangi. Gaya ng
ating bansang Pilipinas, binubuo ng mahigit pa sa pitong libong
pulo na may ka akibat na iba’t-ibang legguwahe, kultura at may
sinasakupan na mga grupong etniko na may iba’t-ibang
kinagisnang pamantayan. Subalit hindi matatanggi ang
pananatili ng impluwensiya ng kultura ng bansang Espanya at
Amerika, na naibahagi sa kanilang pananakop sa Pilipinas noon
at hindi rin maitatangi na ito ay nag bunga ng naiibang marka
ng kaisipan ng mga Pilipino. Kahit hindi man nating nilalayong
pansinin, kahit saan mapunta ang mga Pilipino meron tayong
angking kaugalian na naging bunga ng ating lipunan. Sa
pamamagitan ng pag aaral ni Virgilio Fernandez sa Sikolohiyang
Pilipino , napapayaman nito ang kamalayan, pagkakakilanlan at
diwa ng kultura ng Pilipinas.
Ang pagiging magiliw sa panauhin ay isa sa mga
kaugalian ng mga Pilipino sa punto na hindi lang ang kinilang
pagbibisita dito ang ating tinatanggap kundi pati narin ang
kanilang mga ideolohiya. Ang pagiging sanay ng ating lipunan
na tumanggap ng ideolohiya na banyaga ay dapat ring
pagtuunan ng pansin. Base sa aking obserbasyon, ang ating
lipunan ay may ibang bagay na mas pinahahalagan sa ibang
bansa, gaya ng mga magagandang asal, kaya’t ang pag aaral ng
sikolohiya ng ating sariling lipunan ay nagpapalawak ng ating
kamalayan at kaalaman sa sariling atin na magdudulot ng
kasagutan kung bakit humantong ng ganito ang ating lipunan at
maging paraan para maunawaan natin ang mga bagay-bagay na
umiiral sa ating lipunan na wala sa ibang bansa. Ang
sikolohiyang Pilipino na ginawa ni Virgilio Fernandez ay hindi
matatawaran sapagkat ito ay nagpahiwatig ng naiibang taglay
ng ating sariling bansa. Ito rin ay nagpapakita na hindi lahat ng
panahon tayo ay makikibagay para sa pamantasan ng iba o
hindi sa lahat ng pagkakataon babagay ang ideolohiya ng ibang
lahi sa atin. Ito rin ay magandang pagkakataon ng pagpahalaga
ng sariling atin dahil ito ay magtutungo sa magandang
kinabukasan para sa ating lipunan. Maraming mga mananaliksik
na nagbibigay atensyon sa ating sikolohiya at ito ay
nagpapatunay na ang Sikolohiyang Pilipino ay malaking bagay.
Pero higit sa lahat, base sa aking napansin sa sikolohiya ng ating
lahi, ito ay nagpapakita ng mababaw na kaisipan, bagaman may
malawak na saklaw ito na dapat marating. Sa ating lipunan
ngayon, may mga bagay tayo na dapat nating mabatid kung ano
ang mga katwiran ng lipunan na ating kinagisnan.

You might also like