You are on page 1of 11

KALIGTASAN SA TAHANAN •

Panatilihin ang
“three points of
contact”. THREE P 1
KALIGATASAN SA GAWAING BAHAY 1 OF CONT
OINTS
A
• Humarap sa Nakadikit CT
hagdan tuwing dalawang
ang
pa 2
• Maging maingat sa paggamit ng mga kasangkapan at kagamitan sa bahay isang kam a at
umaakyat o ay sa
sa lahat ng oras. bumababa
hagdan.

• Panatiliing malinis at maayos ang mga kagamitang pambahay. habang nakakapit


• Itabi sa tamang lalagyan/lugar ang mga kagamitan. ang mga kamay 2 3 3
sa magkabilang
gilid upang
PAGBUBUHAT mapanatili ang “three-point contact”
Sundin ang tamang posisyon sa pagbuhat para maiwasan ang pananakit ng • Huwag piliting abutin ang mga nasa
katawan. magkabiling dako ng hagdan. Ilipat na
TAMANG POSISYON KAPAG NAGBUBUHAT lamang ang hagdan malapit sa nais
abutin.
b. Gamitin ang itinakdang labahan at sampayan sa
matataas na gusali.
c. Linisin ang mga bintana na naaabot mula sa loob ng bahay.
d. Gumamit ng mga kasangkapan na may mahabang hawakan
upang maiwasang mabanat ng husto ang katawan.
1 Lumapit sa bagay na nais buhatin.
Magtakda PAGGAMIT NG MGA KEMIKAL SA BAHAY
n
Gamitin ang lakas ng mga binti, at hindi ng bilis ng pa g wastong
g
mga gawa gawa ng
likod, sa pagbubuhat. Ibaluktot ang mga in
2 tuhod at ipatong ang isang tuhod sa sahig,
maiwasan upang
a
ulit na pag ng paulit-
Iba-ibang kemikal ang kadalasang ginagamit sa gawaing bahay tulad ng mga
detergent, solvent at bleach. Madalas ding gumamit ng mga insecticide sa
kung magbubuhat ng bagay mula sa sahig. bubuhat
sa loob ng pagpatay ng mga peste sa bahay tulad ng lamok, ipis, langgam, at iba pa. Ang
maikling mga ito ay mapanganib at ang maling paggamit ay maaaring makaapekto sa
Hawakan nang mahigpit ang bagay na
3 bubuhatin.
panahon.
kalusugan o maging sanhi ng aksidente.
Dahan-dahang tumayo habang pinananatiling diretso ang likod. TUWING GUMAGAMIT NG MGA KEMIKAL
4 Panatilihing malapit sa katawan ang bagay na binubuhat. Iwasan din ang • Maging maingat sa paghawak ng mga kemikal at
biglaang paggalaw. laging tandaan ang mga panganib na maaari nitong
maidulot.
PAGTATRABAHO SA MATATAAS NA LUGAR • Ilayo ang mga kemikal sa apoy.
• Basahin ang mga tatak nang maigi at sundin
a. Paggamit ng mga Hagdan o Tuntungan ang wastong paggamit at mga hakbang para sa
• Gumamit ng matibay na tuntungan o hagdan tuwing maglilinis ng mga kaligtasan na nirekumenda ng manufacturer.
bagay na mas mataas pa sa ulo. • Upang maiwasan ang paghalo ng mga kemikal
• Siguraduhing malinis at nasa maayos na kondisyon ang hagdan sa mga pagkain at inumin, magtakda ng lugar na
o tuntungan bago gamitin. Kung may pag-aalinlangan sa tibay o malilim, malamig, tuyo at nahahanginan, kung
pagkakagawa, agad itong ipagbigay-alam sa Employer. saan maaaring itabi ang mga ito.
• Panatilihing nasa orihinal na lalagyan ang mga kemikal at siguraduhing PAGGAMIT NG KAGAMITANG DE-KURYENTE
mahigpit ang pagkakatakip nito. Itabi ito sa tamang lugar at siguraduhing
hindi maaabot ng mga bata at alagang hayop. Ang vacuum cleaner, floor polisher, plantsa, microwave, at rice cooker
ay mga halimbawa ng kagamitang de-kuryente na makikita sa maraming
• Buksan ang mga pinto at bintana upang Dapat ma
glaan tahanan ngayon. Ang wastong paggamit ay mahalaga para sa kaligtasan ng
masiguradong nakakapasok ang sariwang ang Emplo
yer kasambahay at ng pamilya. Marami sa mga aksidente ay dulot ng depektibo,
hangin. ng mga P
PE o maling paggamit sa mga kasangkapan. Ang mga sumusunod ay maaaring
• Isuot ng maayos ang mga personal nang wala
ng makatulong upang maiwasan ang pagkakakuryente o sunog.
bayad.
protective equipment tulad ng gloves at a. Basahin ang manual bago gamitin o magtanong sa
apron. Employer sa wastong pag gamit.
• Hugasan nang maigi ang mga kamay pagkatapos humawak ng mga b. Siyasatin kung may mga sira ang mga
kemikal. kurdon at plug.
• Alamin ang wastong pangunang lunas para sa bawat c. Gamitin ang pinakamalapit na saksakan sa
kemikal sa bahay. pader.
• Huwag kumain, uminom o manigarilyo habang d. Kung tatanggalin ang gamit sa
gumagamit ng mga kemikal. pagkakasaksak, hawakan ang plug at
HUWAG hihilahin ang kurdon. Siguraduhing
• Panatilihing malinis ang katawan. Agad na magpalit ng tuyo ang mga kamay.
damit at maligo pagkatapos gumamit ng mga pesticide e. Iwasang gumamit ng mga kagamitang de-kuryente nang sabay-sabay
at iba pang kemikal. upang maiwasan ang pag-overload.
f. Tanggalin ang mga kagamitan sa
KAPAG NA-EXPOSE SA MGA KEMIKAL SA BAHAY saksakan, lalo na ang plantsa,
pagkatapos gamitin.
• Alisin agad ang mga damit na na-expose sa kemikal. g. Ipaubaya sa electrician ang lahat
• Buksan ang mga bintana o mga exhaust fans upang maiwasan ang ng pagkakabit, pagdudugtong at pagkukumpuni ng linya ng koryente.
paglanghap sa kemikal. Lisanin ang mga kwarto na na-expose sa
kemikal. PAG-IWAS SA PAGKADULAS AT PAGKATISOD
• Kapag nalagyan ng kemikal ang mata, banlawan ng malinis
at umaagos na tubig nang hindi bababa sa 15 minuto. Iwasang Ang pagkadulas sa basa o madulas na sahig at pagkatisod sa mga kable,
madamay ang isa pang mata habang nagbabanlaw. kurdon, laruan at iba pang bagay na nakakalat sa sahig ay mga karaniwang
aksidente sa tahanan.
• Hugasan ang balat na nalagyan ng kemikal sa tubig nang hindi
bababa sa 15 minuto. a. Alisin ang mga sagabal sa lugar na pinagtatrabahuhan. Iligpit
ang mga laruan at iba pa sa wasto nitong lalagyan o itabi agad
• Sakaling aksidenteng makalunok ng kemikal, agad humingi ng
pagkatapos gamitin.
tulong medikal. Dalhin ang lalagyan ng kemikal sa doctor. Huwag
b. Panitilihing malinis at tuyo ang sahig sa
piliting magsuka maliban na lamang kung nakasaad sa tatak na ito
lahat ng oras. Punasan kaagad ang tubig
ay maaaring maging pangunang lunas.
o anumang tumapon sa sahig.
c. Lagyan ng mga anti-slip mats
Kapag nasugatan, na-expose sa mga kemikal, o iba pang
ang pasukan ng kusina at banyo
mga pangyayari na maituturing na medical emergency,
upang maiwasang madulas
agad na ipaalam sa employer upang agad na mabigyan ng
kapag naglalakad nang basa
atensyong medikal.
ang paa o sapatos.
KALIGTASAN SA KUSINA MGA MAINIT NA BAGAY
a. Huwag linisin ang kalan o oven kapag mainit pa upang
WASTONG PAGGAMIT NG MGA maiwasang mapaso o masugatan.
KASANGKAPANG PANGLUTO
b. Gumamit ng oven mitts at potholders para
hawakan ang maiinit na kaldero at kawali.
KALAN NA GUMAGAMIT NG LPG AT KEROSENE
• Basahin ang manual bago gamitin ang kalan. c. Siguraduhing tuyo ang mga sangkap bago
• Ugaliing suriin kung may tagas ng gas. Siyasatin i-prito at angkop ang lakas upang hindi
kung may sira ang hose, regulator at ang tangke. matalsikan.
Huwag gamitin ang kalan kung may sira o pagtagas.
• Siguruhing nakakapasok ang sariwang hangin MGA KUTSILYO
kapag gumagamit ng kalan.
• Patayin ang gas regulator pagkatapos magluto o
a. Itabi ang mga kutsilyo sa ligtas na lugar.
kapag hindi ito ginagamit.
b. Pagtuunan ng pansin ang ginagawa
KALANG DE-KURYENTE kapag gumagamit ng kutsilyo o anumang
• Para sa mga kalan na may apat na burner, gamitin ang mga panlabas bagay na matalim upang maiwasan
na burner para sa pagluluto ng mga pagkain na kailangang haluin nang mahiwa at masugatan.
madalas o dagdagan ng mga sangkap. Mas madali itong abutin kaya
maiiwasan ang aksidente.

KALIGTASAN SA PAGKAIN
a. Itabi ang mga luto at hindi lutong pagkain sa magkakahiwalay na lalagyan
upang maiwasan ang kontaminasyon.
• Pagkatapos magluto, siguraduhing napatay ang kalan ng maayos.
b. Huwag kumain o magpakain ng sirang
pagkain na lumipas na ang
PAGGAMIT NG ULING AT PANGGATONG expiration date. Itapon na ang
• Huwag gumamit ng gasolina upang mga pagkain na may masamang
sindihan ang panggatong. amoy o lasa.
• Magluto sa maaliwalas na lugar malayo sa c. Panatilihin ang kalinisan ng katawan
mga mga bagay na maaaring masunog. habang naghahanda ng pagkain.
• Kapag magdadagdag ng uling o
d. Hugasan nang maigi ang mga kamay.
panggatong, gumamit ng mga tong
na may mahahabang hawakan upang e. Gumamit ng mga hair net at apron kapag
maiwasang mapaso. nagluluto.
• Patayin ang baga pagkatapos magluto.
KALIGTASAN SA SUNOG WASTONG PAGGAMIT NG MGA
KAGAMITANG PANLABAN SA APOY
IWASANG MAGKASUNOG Sundin at tandaan ang katagang PASS:
a. Huwag manigarilyo sa loob ng
bahay.
P Pull the pin
(Hilahin ang pin)
Maglagay
ng mga Aim the nozzle at the
• Maglagay ng sapat kagamitan
g panglab
A base of the fire
na dami ng ashtray sa sa apoy tu an
lad ng mg
mga lugar kung saan dry type p a
ortable fire (Itutok ang nozzle sa
pinahihintulutan ang extinguish
er at mga pinagmumulan ng sunog)
panigarilyo at itapon ng fire blanke
t sa kusin
kung saan a Squeeze the trigger
maayos ang mga upos. ang tyans malaki
magkasun
ang S (Pisilin ang gatilyo)
b. Ugaliin ang maayos na og.
pangangasiwa sa tahanan Sweep the nozzle from side to side
at iwasang maipon ang mga bagay na maaaring magdulot ng sunog tulad S (Igalaw ang nguso pabalik-balik sa kaliwa at kanan)
ng mga papel.

KUNG SAKALING MAY SUNOG

a. Huwag magkagulo. Maging


mahinahon ngunit kumilos ng
mabilis.
b. Sa maliliit na apoy, maaaring
gamiting pamuksa ang mga
sumusunod:
• Basang basahan o fire
blanket KAPAG NASUSUNOG ANG KAWALI
• Tubig
• Fire extinguisher (mas a. Huwag hawakan ang kawali nang walang proteksyon kung nais itong ilipat
angkop ang “ABC” na fire sa ibang lugar.
extinguisher) b. Huwag itong bubuhusan ng tubig. Maaaring kumalat ang apoy at lumala
ang sitwasyon. Takpan ng metal plate ang kawali upang patayin ang apoy.
c. Humingi agad ng tulong.
d. Umalis agad ng
bahay o gusali kapag
nasusunog. Huwag
gumamit ng elevator.
e. Huwag nang bumalik sa loob ng
nasusunog na bahay o gusali kapag
nakalabas na.
c. Kapag nasusunog ang hose ng LPG, patayin kaagad ang balbula.
KAPAG NASUSUNOG ANG DAMIT

a. Manatili sa kinatatayuan. Huwag tumakbo. d. Kung biglang pumasok ang init o usok
b. Takpan ang mukha at bibig, dumapa sa pagbukas ng pinto, dali-daling isarado
sahig at magpagulong gulong hanggang sa ang pinto at siguruhing mahigpit ang
mamatay ang apoy. Hubarin ang mga damit pagkakasara.
pagkatapos.
e. Takpan ng mga kumot, tuwalya o damit
KAPAG MAY NAKURYENTE ang mga siwang ng pinto upang hindi
makapasok ang init at apoy.
a. Patayin muna ang pangunahing
pinagmumulan ng kuryente (power f. Kung may bintana sa kwarto ngunit walang
source) bago tulungan ang biktima. madadaanan upang makaalis, buksan ito
ng maigi at sumigaw upang humingi ng
b. Kung hindi kayang patayin ang power saklolo.
source, tumuntong sa tuyong insulating g. Takpan ang bibig ng basang damit o tuwalya
material gaya ng goma, at itulak ang upang maiwasan ang paglanghap sa usok.
biktima palayo sa pinagmumulan ng
h. Huwag magtago sa ilalim ng kama o loob
kuryente gamit ang kahoy (hal. upuan,
ng cabinet.
hawakan ng mop).
i. Kung nasa mataas na palapag, huwag
c. Huwag hawakan ang biktima nang walang tumalon mula sa bintana.
proteksyon kung hindi siguradong patay
na ang pinagmumulan ng kuryente.
d. Kung nasusunog ang switch ng kuryente,
KAPAG LUMILIKAS
patayin muna ang pangunahing
pinagmumulan ng kuryente bago a. Isipin kung nasaan ang
patayin ang sunog sa pamamagitan ng pinakamalapit na labasan.
tubig. b. Lumakad nang pagapang upang
KAPAG NAKULONG SA NASUSUNOG NA makaiwas sa mainit na usok.
BAHAY O GUSALI c. Takpan ang bibig gamit ang basang
damit o tuwalya.
a. Kung hinihinalang may sunog sa bahay o sa gusali, d. Lumabas nang mabilis ngunit
agad na tumawag sa pinakamalapit na Fire mahinahon.
Station.
b. Suriin kung mainit o may usok na
nagmumula sa mga siwang ng pinto.
Kung wala, dahan-dahang hawakan ang
door knob. Huwag buksan ang pinto kung
ito ay mainit.
c. Kung hindi mainit ang door knob at walang
usok sa paligid ng pintuan, buksan ang
pinto at tumungo sa fire escape.
KALIGTASAN SA LINDOL
KALIGTASAN SA LINDOL
a. Manatiling mahinahon. Maghanap ng ligtas na lugar kung saan maaaring
manatili hanggang sa matapos ang pagyanig. Sundin ang emergency plan
kung may itinakda ang employer.
b. Isagawa ang DROP/DAPA, COVER/KUBLI at HOLD/KAPIT.

DROP COVER HOLD


(DAPA) (KUBLI) (KAPIT)
1. Dumapa sa sahig
2. Magkubli sa ilalim ng matibay
na mesa. Ingatan ang ulo at
leeg.
3. Kumapit sa mesa at humandang
kumilos kasabay nito. Manatili
sa kinalalagyan hanggang sa
matapos ang pagyanig at ligtas
nang kumilos.
c. Kung nasa loob, manatili sa ilalim ng matibay na mesa upang maging ligtas
mula sa mga nalalaglag o gumagalaw na bagay. Huwag tumakbo palabas.
Huwag gumamit ng elevator.

d. Kung nagluluto, patayin ang kalan bago lumipat sa mas ligtas na lugar.
e. Kung nasa labas, lumayo mula sa mga bintana, bagay na nakasabit, kable
ng kuryente at iba pa.
f. Kapag tapos na ang pagyanig, suriin kung nasugatan o may pinsala
sa bahay. Sundin ang mga instructions ng mga taong namamahala sa
pagtugon sa mga emergency sa komunidad o sa gusali.
KALIGTASAN SA BAGYO AT BAHA
KALIGTASAN SA BAGYO AT BAHA
a. Antabayanan ang mga abiso mula sa
PAGASA, Regional Disaster Risk Reduction
Management Council (RDRRMC)
o mga lokal na pamahalaan sa TV,
radio o internet.
b. Kung walang abiso ng paglikas,
manatili sa loob ng bahay sa
kasagsagan ng bagyo. Humanap
ng lugar sa bahay na malayo sa
bintana at mga lumilipad na bagay.

c. Kung nag-abiso ng paglikas ang


RDRRMC, kailangan siguruhin ng
employer na lahat ng miyembro ng
pamilya, kabilang ang kasambahay, ay
agad na makakalikas sa mas ligtas na
lugar.

d. Kapag tumaas ang tubig-baha at nagsimula


nang pumasok sa bahay, patayin ang
pangunahing pinagmumulan ng kuryente.
Huwag gumamit ng mga kagamitang de-
kuryente.
e. Gumamit ng mga PPE o pansariling
kagamitang pananggalang tulad ng kapote,
at bota upang makaiwas sa mga sakit na
dulot ng tubig-baha at hindi masugatan kung
sakaling makatapak ng matutulis na bagay.
WASTE MANAGEMENT
Ang basura ay maaaring may sangkap na mapanganib sa kalusugan.
Mahalagang mapangalagaan ang sarili at pangasiwaan nang wasto ang mga
basura. Mahalaga rin ito upang mapangalagaan ang ating kalikasan.

WASTONG PROTEKSYON
Gumamit ng wastong proteksyon tulad ng mask, gloves, apron, at eye-shields
kung kinakailangan.

PAGSE-SEGREGATE NG BASURA
a. Sundin ang itinakdang paraan ng
pagsegregate ng mga basura. Gumamit ng
itinalagang basurahan para sa bawat klase
ng basura. Siguruhin ang wastong pagtatapon
ng basura batay sa nakatakdang oras upang
hindi ito maipon.

b. Ang mga naipon na basura ay dapat itabi sa mga itinalagang lugar. Kung
mayroong lugar para sa pataba ng lupa o compost area, siguruhing dito
nilalagay lahat ng basurang nabubulok.

c. Ihiwalay ang mga matutulis o nakakasugat na bagay, kemikal, lalagyan ng


kemikal at iba pang mapanganib na basura mula sa karaniwang basura
sa tahanan. Maging maingat sa paghawak ng mga basurang ito. Sakaling
madikit sa balat o masugatan, sundin ang mga emergency measures.
SEGURIDAD PAGTUPAD SA MGA BILIN:
GAMITIN ANG LIGTAS NA DAANAN AT ORAS

PAGSIGURO NG SEGURIDAD SA TAHANAN a. Hangga’t maaari, gawin ang mga bilin sa umaga upang masigurado ang
kaligtasan.
Lahat ng bahay ay may panganib sa pagnanakaw at iba pang problema sa b. Iwasan dumaan sa madidilim at masisikip na lugar, mga kalsadang may
seguridad. Mahalagang masiguro na inyong bahay ay ligtas mula sa mga di mabibilis na sasakyan, mga kanto kung saan may nag-iinuman o nagsusugal
kanais-nais/mapanganib na tao. at iba pang mapapanganib na lugar.

a. Tiyakin ang seguridad ng mga pinto, gate,


kandado at mga bintana. Huwag iwanang bukas
ang mga pinto at gate. Gayunman, hindi dapat
makulong sa loob ang mga naninirahan sa bahay,
kabilang ang Kasambahay.
b. Sumilip sa peeping hole o sa bintana
bago buksan ang pinto.
c. Huwag magpapasok ng mga bisita o
mga di kilalang tao sa bahay maliban
na lamang kung may pahintulot
ng employer. Harapin lamang ang
mga di kilalang tao, kolektor ng bill SA PANAHON NG KRISIS
at mga bisita sa gate at hindi dapat (PANLOLOOB AT PAGNANAKAW)
papasukin sa loob ng bahay. Kung
walang gate, makipag-usap mula sa bintana a. Huwag magbibigay ng mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan at
habang sinisiguro ang kaligtasan at naka-lock detalye, kinaroroonan ng may-ari ng bahay at mga miyembro ng pamilya,
ang mga pinto. lugar kung saan itinatago ang pera at mga mahahalagang bagay, at mga
d. Huwag makipag-usap sa mga hindi kakilalang tao sa telepono. Huwag numero ng telepono o cellphone sa mga taong hindi pa gaanong kilala.
magbigay ng impormasyon tungkol sa mga miyembro ng pamilya. b. Sa oras ng krisis/emergancy, agad
e. Huwag iwanan ang mga susi sa lugar na na ipagbigay-alam sa employer, mga
maaabot ng ibang tao. gwardya at mga pulis. Mahalagang
banggitin ang mga detalye ng pangyayari
f. Alamin ang iba-ibang paraan upang alertuhin (sino, ano, kailan, saan at bakit). HUWAG
ang baranggay, mga kapitbahay o mga pulis. iiwan ang lugar na pinangyarihan.
• Gamitin ang alert system na itinakda Hintayin dumating ang may-ari, gwardya
ng baranggay o homeowner’s o mga pulis.
association. c. Ilagay malapit sa telepono ang mga sumusunod na emergency hotline at
• Alamin ang numero ng telepono o tawagan agad kung kinakailangan:
cellphone ng mga namamahala sa BUREAU OF FIRE PROTECTION (NCR): (02) 729-5166, (02) 410-6254
Magta baranggay at pamayanan.
bi ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE: 117 o itext ang TXT PNP sa 2920
duplica
te ng • Sa oras ng kagipitan o kung kailangan PHILIPPINE RED CROSS: 143, (02) 911-1876
mga su
s ng tulong, ipagbigay-alam sa mga
isang li i sa DOLE: 527-8000
gtas na gwardya sa inyong lugar. DSWD: (02) 931-81-01 to 07, (02) 951-7119
lugar.
LGU:
BARANGAY:

You might also like