You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Schools Division Office of Cotabato
Amas, Kidapawan City

EPP DIVISION ACTIVITY SHEET QUARTER 3 & 4 ICT, Week 5

Pangalan:___________________________________ Baitang: _______________


Seksiyon:___________________________________ Petsa:_________________

LEARNING ACTIVITY SHEET 1


Ang Computer File System
Panimula (Susing Konsepto)
Ang computer file system ay ang pagsasaayos ng files at datos sa computer sa
paraan na madali itong mahanap at ma-access.
Ang sumusunod na pamamaraan ay makatutulong upang matutuhan ang mga
kasanayan sa computer file system.

Kasanayang Pagkatuto at Koda:


 Nagagamit ang computer file system (EPP4IE-0e-9).

Gawain A: Paggawa ng Folder


1. I-on ang iyong computer/laptop.
2. I-click ang start button na makikita sa taskbar at piliin ang Documents.
3. Tulad sa nakikita sa iyong laptop o computer buksan ang document folders. I-click
ang Organize button na makikita sa toolbar, at kaliwa ng screen.
4. I-click ang New Folder. Pansinin na magkakaron ng bagong folder. Kung di mo
makita ang organize button, i-click ang New Folder na makikita malapit sa
Organized button.
5. I-click ang New Folder. Magkakaroon ng bagong folder. Kung di mo makita ang
Organized button, i-click ang New Folder na makikita malapit sa Organized button.
6. I-type sa kahon sa ilalim ng folder ang iyong pangalan o pangalan ng iong grupo. Ito
ang magiging folder name. Halimbawa: Jacinth C. Patrecio o Group 1.

Gawain B: Pag-save ng File sa Folder


1. I-click ang Start button na makikita sa taskbar at piliin ang All Programs.
2. I-click ang Accessories folder at piliin ang Notepad.
3. Magbubukas ang Notepad application. Gagamitin natin ang Notepad sa paggawa ng
isang text file.
4. I-type sa Notepad ang file na nais i-save.
5. I-click ang File option na makikita sa menu bar ng Notepad window. Piliin ang Save
As command.
1
6. Buksan ang Save As dialog box. I-type sa Filename box ang Sample File.
7. Sa kanang bahagi ng dialog box, hanapin ang sariling folder na naka-save sa
Documents folder. I-double click ang folder upang mabuksan ito.
8. I-click ang Save button.

Gawain C: Panuto: Isulat ang A sa patlang bago ang bilang kung ang pahayag ay
tungkol sa Paggawa ng Folder at B kung ito ay tungkol sa Pag-save ng
File sa Folder.

______1. I-click ang start button na makikita sa taskbar at piliin ang Documents.
______2. I-click ang Start button na makikita sa taskbar at piliin ang All Programs.
______3. I-click ang File option na makikita sa menu bar ng Notepad window. Piliin
ang Save As command.
______4. I-click ang New Folder. Magkakaroon ng bagong folder. Kung di mo makita
ang Organized button, i-click ang New Folder na makikita malapit sa
Organized button.
______5. I-press ang Enter sa keyboard. Mayroon ka nang folder kung saan pwede
kang mag-save ng files.

Gawin ang pahayag:


Natutuhan ko ang__________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Sanggunian: Kagamitan ng Mag-aaral sa EPP4 pp. 59-73


Prepared by:

DARLENE C. NACONAS
T-1, Pigcawayan North District

Quality Assurance Team:

EMILIA C. DELA FUENTE, TIC MAURO B. TON-OGAN, MT-2 HERTRUDES B. ARELLANO, MT-1
Pigcawayan South District Pigcawayan South District Pigcawayan South District
EPP Coordinator

Submitted by:

JUDY Q. ACLARACION
PSDS, Pigcawayan South District
Congressional District 1 Focal Person

2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Schools Division Office of Cotabato
Amas, Kidapawan City

EPP DIVISION ACTIVITY SHEET QUARTER 3 & 4 ICT, Week 5

Pangalan:__________________________________Baitang:___________________
Seksiyon:__________________________________Petsa:____________________

LEARNING ACTIVITY SHEET 2


Pananaliksik Gamit Ang Internet

Panimula (Susing Konsepto)


Ang web browser ay isang computer software na ginagamit upang makapunta sa
ibat-ibang websites. May kakayahan din ang web browser na ipakita ang nilalaman ng
isang website tulad internet explorer, mozilla firefox at google chrome. Maaari nitong i-
play ang iba pang uri ng media tulad ng music, video at animation.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kilalang web browser na maaaring gamitin
sa pangangalap ng impormasyon.

Internet Explorer MozillaFirefox Google Chrome

1. Internet Explorer- Libre itong web browser mula sa Microsoft Corporation.


Inilabas ito noong 1995 at isa sa mga pinapopular na browser ngayon.
2. Mozilla Firefox- Libre rin ang web browser na Firefox mula sa Mozilla. Isa ito sa
mga pamantayan ng mg browser na magagamit.
3. Google Chrome- Ang Google Chrome ay isang pang libreng web browser.
Inilabas ito noong taong 2008 at patuloy na tinatangkilik isa sa pinakapopular na
web browser ngayon.
Mga Bahagi ng Isang Web Browser
 Browser Window Buttons - I-click ang minimize button kung nais itago ang
browser window nang pansamantala. I-click ang restore o maximize button kung
nais baguhin ang sukat ng window; I-click ang close button kung nais isara ang
browser window.
 Tab name - Dito mababasa ang kasalukuyang bukas na website. Kung nais
isara ang tab,
i-click lamang ang X button.
 Navigation Buttons – I-click ang back button para bumalik sa webpages na
naunang binisita; I-click ang forward button kung nais balikan ang webpages na
pinakahuling binisita.; o i-click ang reload button kung nais muling i-update ang
website sa browser.

1
 New Tab – I-click ang New tab kung nais magkaroon ng panibagong tab kung
saan maaaring magbukas ng bagong website.
 Customize and Control Google Chrome – Dito makikita ang iba’t ibang options
at commands upang baguhin ang kasalukuyang settings ng browser.
 Bookmark this Page – I-click itong hugis bituin sa button para i-save ang
address ng website. Sa ganitong paraan, madali itong mababalikan sa susunod
na kailangan itong buksang muli.
 Address bar – Maaaring i-type dito ang address ng isang website na gusting
tingnan. Ang website address ang tumutukoy kung saan mahahanap ang isang
website.
 Display Window – Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na nagpapakita
ng piniling website.
 Scroll bar – I-drag ito pataas o pababa upang makita ang kabuuan ng isang
webpage sa browser window.

Mga Bahagi ng Search Engine Home Page:


 Search Field o search box- Dito tina-type ang keyword na gagamitin sa
pagsaliksik
 Google Search button- pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button na ito
o maari ding pindutin ang Enter key sa keyboard upang masimulan ang
pagsasaliksik.
 I’m Feeling Lucky- I-click ito matapos i-type ang keyword upang direktang
pumunta sa webpage na sa palagay ng Google ay pinakaangkop sa kailangan
mo. Madalas na ang unang search result.
Mga Bahagi ng Search Engine Result Page:
 Search Field- kung nais maghanap muli, i-type lamang ang bagong keyword sa
search box.
 Search Button- pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button o maaari ding
pindutin ang Enter key sa iyong keyboard
 Top Links- narito ang mga serbisyong maaring magamit sa search engine
katulad ng web, imahe, balita, videos at iba pa.
 Page Title- ang pamagat ng web page na kasama sa search results.
Text Below the Title- Maliit na piraso ng teksto na sipi buhat sa webpage. Naka-bold
text ditto ang mga salitang ginagamit mo bilang keywords.

Kasanayang Pagkatuto at Koda:


 Nagagamit ang web browser at ang basic features ng isang search
engine sa pangangalap ng impormasyon (EPP4IE-0e-10).

2
Gawain: Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa kahon sa ibaba. Isulat ito sa
puwang bago ang bilang.

Address bar Search Field o search box


Tab Name Google Search button
Display Window Page Title

_______________1. Ito ay bahagi ng Search Engine na nagpapakita ng pamagat ng


web page nakasama sa search results.
_______________2. Ito ay bahagi ng Web Browser na maaaring i-type ang address
ng isang website na gustong tingnan.
_______________3. Dito mababasa ang kasalukuyang bukas na website. Kung nais
isara ang tab, i-click lamang ang X button.
_______________4. Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na nagpapakita ng
piniling website.
_______________5. Ito ay bahagi ng Search Engine Home Page kung saan tina-type
ang keyword na gagamitin sa pagsaliksik.

Gawin ang pahayag:


Natutuhan ko ang__________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Sanggunian: Kagamitan ng Mag-aaral pp. 74-86

Prepared by:

DARLENE C. NACONAS
T-1, Pigcawayan North District

Quality Assurance Team:

EMILIA C. DELA FUENTE, TIC MAURO B. TON-OGAN, MT-2 HERTRUDES B. ARELLANO, MT-1
Pigcawayan South District Pigcawayan South District Pigcawayan South District
EPP Coordinator

Submitted by:

JUDY Q. ACLARACION
PSDS, Pigcawayan South District
Congressional District 1 Focal Person

3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Schools Division Office of Cotabato
Amas, Kidapawan City

EPP DIVISION ACTIVITY SHEET QUARTER 3 & 4 ICT, Week 6

Pangalan:______________________________________ Baitang:______________
Seksiyon:______________________________________ Petsa:_______________

LEARNING ACTIVITY SHEET 1


Pangangalap ng Impormasyon sa Websites

Panimula (Susing Konsepto)

Ang website ay koleksiyon ng web pages na pinag uugnay ng mga hypertexts o


image links.
Ang hyperlink ang pinakamahalagang aspekto ng World Wide Web. Ito ang
kawing o tulay na magdadala sa user o gumagamit ng internet sa ibang kahalintulad
na website o web page na hindi na kailangan magbukas pa ng panibagong browser. I-
click lamang ang mga text link o image link at mapupunta na sa panibagong web page
na kasalukuyang website o sa ibang website.
Magsaliksik ng websites na maaaring makatulong sa pag-aaral ng iyong mga
asignatura at
i-bookmark ang mga ito. Tandaan na kung nais mong i-bookmark ang mga web page
gamit ang web browser na Google Chrome, kailangan mong i-click ang hugis bituin na
button para i-save ang address ng website. Sa ganitong paraan, madaling mabalikan
ang na-save na address ng website Kapag muli itong kinakailangan. Alamin kung
paano ito gawin sa ibang web browser.

Katangian ng Isang Mabuting Website:

1. May pangalan ng manunulat o naglathala ng website at mga detalye kung paano


siya maaaring maabot.
2. May malinaw na layunin.
3. Bago at tamang impormasyon.
4. May balanseng opinion at walang pinapanigan.
5. Mahusay na ayos at disenyo.

Kasanayan Pagkatuto at Koda:


 Nagagamit ang website sa pangangalap ng impormasyon.(EPP4IE-0g-13)

1
Mga Gawain
A. Panuto: Punan ang mga kahon
Mga Katangian ng Isang
Mabuting Website

B. Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag.

________1. Mabuti ang isang website kung hindi nakikilala ang lumikha nito.
________2. May malinaw na layunin ang isang maganda at mabuting website.
________3. Ang World Wide Web ang pinakapayak at pinakamaliit nay yunit ng web
pages.
________4. Ang website ay koleksiyon ng webpage na pinag-uugnay ng hypertexts o
image links.
________5. Mainam na bumisita lamang sa websites na may maitutulong sa pag-aaral
o pagpapaunnlad ng kaisipan o pagkatao.

Gawin ang pahayag:


Natutuhan ko ang__________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Sanggunian: Kagamitan ng Mag-aaral pp. 87-94

Prepared by:

DARLENE C. NACONAS
T-1, Pigcawayan North District

Quality Assurance Team:

EMILIA C. DELA FUENTE, TIC MAURO B. TON-OGAN, MT-2 HERTRUDES B. ARELLANO, MT-1
Pigcawayan South District Pigcawayan South District Pigcawayan South District
EPP Coordinator

Submitted by:

JUDY Q. ACLARACION
PSDS, Pigcawayan South District
Congressional District 1 Focal Person

2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Schools Division Office of Cotabato
Amas, Kidapawan City

EPP DIVISION ACTIVITY SHEET QUARTER 3 & 4 ICT, Week 6

Pangalan:_________________________________ Baitang: _________________


Seksiyon:_________________________________ Petsa:___________________

LEARNING ACTIVITY SHEET 2


Paggawa ng Table at Tsart Gamit ang Word Processor

Panimula (Susing Konsepto)


Ang word processing application ay isang software na tumutulong sa paglikha ng
mga tekstuwal na dokumento sa pag-eedit at pag-save ng mga ito sa computer file
system. Sa tulong ng word processing application, maaari din nating isaayos ang mga
numerical at tekstuwal na impormasyon sa pamamagitan ng table at tsart. Ang
paggamit ng table at tsart ay nakatutulong upang mas maging madali an pagsusuri ng
mga impormasyon.
 Table-ay koleksyon ng magkakaugnay na tekstuwal na nakaayos sa
pamamagitan ng rows at columns.
 Tsart- ay biswal na modelo ng mga numerical na impormasyon. Gumagamit ito
ng
mga imahen at simbolo upang maging mas madali ang pagsusuri.

Kasanayan Pagkatuto at Koda:


 Nakagagawa ng table chart gamit ang word processing (EPP4IE-0h-15).

Gawain A: Paggawa ng Table


Subuking gumawa ng table ngamit ang word processing application. Sundan
lamang ang sumusunod na panuto:
1. Buksan ang inyong word processing application (microsoft word application).
2. I-click ang insert tab na makikita sa gawing itaas ng inyong screen. I-click ang
Table button.
3. Itakda ang bilang ng hanay na pahalang o rows at hanay na pababa o columns.
Para sa gawain, Gumawa ng tatlong column at anim na row. Magkakaroon ng
table sa inyong document window.
4. I-type ang sumusunod na datos sa cells ng table.
Araw Meryenda Kinita
1 Banana cue Php235
2 Puto at kutsinta Php340
3 Lugaw, tokwa at okoy Php450
4 Sopas Php390
5 Biko Php240

1
5. Tingnan ang halimbawa ng output sa ilalim.
Araw Meryenda Kinita
1 Banana cue Php235
2 Puto at kutsinta Php340
3 Lugaw, tokwa at okoy Php450
4 Sopas Php390
5 Biko Php240
6. I-save ang file, bigyan ito ng file name na Paggawa ng Table.

Gawain B: Paggawa ng Tsart


Subukin naman nating gumawa ng tsart gamit ang word processing application.
Sundan ang mga sumusunod na hakbang:
1. Buksan ang MS Word application na isang halimbawa ng word processor.
2. I-click ang Insert at i-click ang insert chart button.
3. Magbubukas ang Insert Chart dialog box.
4. Piliin ang default chart (Clustered Column) at i-click ang OK.
5. Magkaroon ng default chart sa Word document at magbubukas ang isang data
sheet.
6. Palitan ang mga default na datos sa data sheet at i-type ang sumusunod na ulat
ng kita.
Meryenda Kinita
Banana cue Php235
Puto at kutsinta Php340
Lugaw, tokwa at Php450
okoy
Sopas Php390
Biko Php240

7. Kung tapos ang mai-type ang datos ay maari nang isara ang data sheet.
8. Sa word processor ay makikita mo ang tsart na naglalaman ng ulat ng kita.
Ulat ng Kinita
500 450
450 390
400 340
350
300 240
235
250 Kinita sa Peso
200
150
100
50
0
Banana cue Puto at Lugaw, Sopas Biko
Kutsinta Tokwa at
Okoy

Meryenda

9. I-save ang Word document na ito sa inyong folder at bigyan ng filename na:
Paggawa ng Tsart.

2
Gawain C: Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng wasto at
MALI naman kung hindi.

_______1. Ang table ay koleksiyon ng magkaugnay na numerical at tekstuwal na


datos na nakaayos sa pamamagitan ng rows at columns.
_______2. Dokumento ay biswal na modelo ng mga numerical na impormasyon
nagumagamit ng mga imahe at simbolo upang mas maging madali ang
pagsusuri ng mga datos.
_______3. Naggamit ang word processing application sa paggawa ng table at tsart.
_______4. Ang columns at rows ay hindi kinakailangan sa paggawa ng table.
_______5. Ginagamit ang tsart upang mas maging kaaya-aaya at mas madaling
maintidihan ang impormasyon o datos.

Gawin ang pahayag:


Natutuhan ko ang __________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Sanggunian: Kagamitan ng Mag-aaral pp. 109-124

Prepared by:

DARLENE C. NACONAS
T-1, Pigcawayan North District

Quality Assurance Team:

EMILIA C. DELA FUENTE, TIC MAURO B. TO-NOGAN, MT-2 HERTRUDES B. ARELLANO, MT-1
Pigcawayan South District Pigcawayan South District Pigcawayan South District
EPP Coordinator

Submitted by:

JUDY Q. ACLARACION
PSDS, Pigcawayan South District
Congressional District 1 Focal Person

3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Schools Division Office of Cotabato
Amas, Kidapawan City

EPP DIVISION ACTIVITY SHEET QUARTER 3 & 4 ICT, Week 7

Pangalan:___________________________________Baitang:_________________
Seksiyon:___________________________________ Petsa:__________________

LEARNING ACTIVITY SHEET 1


Paggawa ng Table at Tsart Gamit ang Spreadsheet Tool

Panimula (Susing Konsepto)


Ang electronic spreadsheet tool ay isang mainam na software upang makagawa
ng mga table at tsart para sa mas madaling pagsusuri at pagsasaayos ng ating mga
numerical at tekstuwal na impormasyon. Kadalasan itong may isang workbook na
naglalaman ng mga worksheets. Bawat worksheet ay naglalalman ng rows at columns.
Ipinapasok ang datos sa loob ng cells.Ang mga cells ay ang mga kahon kung saan
nagtatagpo ang bawat column at row. Ang cell name o cell reference ay ang pangalan
ng bawat cell sa spreadsheet. Ang bawat row ay gumagamit ng numero bilang label
habang ang bawat column ay gumagamit ng titik o letra.

Kasanayang Pagkatuto at koda:


 Nakagagawa ng table chart gamit ang electronic spreadsheet tool.
(EPP4IE-0h-15)

Gawain A: Paggawa ng Table sa Spreadsheet


1. Buksan ang inyong electronic spreadsheet tool (microsoft excel application).
2. I-type ang mga sumusunod na datos sa nakatalagang cell. Tandaang
pagkatapos i-type ang datos sa nakatalagang cell, pindutin ang Enter key.
Cell A1: DONNA’S PIZZA HOUSE Cell B4: 700
Cell A2: Pizza Flavor Cell C4: 200
Cell B2: Kinita sa Site 1 Cell A5: Pepperoni
Cell C2: Kinita sa Site 2 Cell B5: 800
Cell A3: Hawaiian Cell C5: 200
Cell B3: 700 Cell A6: Seafood
Cell C3: 200 Cell B6: 900
Cell A4: Ham and Cheese Cell C6: 150
3. Ayusin (adjust) ang lapad ng bawat column sa pamamagitan ng pagtatapat sa
pointer ng mouse sa linyang nahihiwalay sa dalawang column (border) at hilahin ito.
Pagkatapos mai-type ang datos at ma-adjust ang lapad ng column ay magkakaroon
ka ng output na katulad nito.
1 DONNA’S PIZZA HOUSE
2 Pizza Flavor Kinita sa Site 1 Kinita sa Site 2
3 Hawaiian 700 200
4 Ham and Cheese 700 200
5 Pepperoni 800 200
6 Seafood 900 150
1
4. I-click ang File tab at piliin ang save as I-save ang workbook sa iyong folder at
bigyan ng file name na Spreadsheet Table

Gawain B: Paggawa ng Tsart sa Spreadsheet


Sundan ang mga sumusunod na pamamaraan:
1. Buksan ang file na Spreadsheet Table. Gamawa ng column chart mula sa mga
datos na kanina.
2. Gamit ang mouse, i-select ang Cell A2 hanggang Cell C6
3. Pagkatapos mai-highligt ang cells, I click ang Insert tab upang magbukas ang
mga options.
4. I-click ang Column option na nasa Charts Group.
5. Piliin ang 3-D Clustered Column na nasa 3-D Column group.
6. Magkaroon ng tsart sa inyong spreadsheet.
7. I-save as ang file sa iyong folder. Gamit ang Bagong file name na Spreadsheet
Chart.

Gawain C: Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbangin sa pamamagitan ng


paglalagay ng titik. (A, B, C, D, E).

_______1. Pagkatapos i-highlight ang mga cell na naglalaman ng datos, i-click


ang Insert tab.
_______2. Gamit ang mouse, piliin ang cells na naglalaman ng datos na gagamitan
para sa tsart.
_______3. Pagbubukas ng mga options sa ribbon ng Insert tab, piliin ang klase
tsart na nais gamitan sa Charts group.
_______4. Pagkalitaw ng tsart sa spreadsheet, i-save ang file sa inyong folder.
_______5. Pagkabukas ng file na speadsheet table, gumawa ng tsart mula sa datos
dito.
Gawin ang pahayag:
Natutuhan ko ang __________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Sanggunian: Kagamitan ng Mag-aaral pp. 125-139
Prepared by:

DARLENE C. NACONAS
T1, Pigcawayan North District

Quality Assurance Team:

EMILIA C. DELA FUENTE, TIC MAURO D. TON-OGAN, MT-2 HERTRUDES B. ARELLANO, MT-1
Pigcawayan South District Pigcawayan South District Pigcawayan South District
EPP Coordinator

Submitted by:

JUDY Q. ACLARACION
PSDS, Pigcawayan South District
Congressional District 1 Focal Person

2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Schools Division Office of Cotabato
Amas, Kidapawan City

EPP DIVISION ACTIVITY SHEET QUARTER 3 & 4 ICT, Week 7

Pangalan:______________________________ Baitang: _____________________


Seksiyon:______________________________ Petsa:_______________________

LEARNING ACTIVITY SHEET 2


Pag-sort at Pag-filter ng Impormasyon
Panimula (Susing Konsepto)
ANG SORTING AT FILTERING COMMAND
Ang Sort ay isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang
maisaayos ang mga listahan ng numerical at tekstuwal na datos. May dalawang uri ng
sorting command:
Sort ascending - isinasaayos nito ang listahan ng mga tekstuwal na impormasyon sa
alpabetikong pagkakasunod-sunod mula A hanggang Z. Ang numerikal na
impormasyon naman ay inaayos mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na
bilang.
Sort descending - isinasaayos nito ang mga tekstuwal na impormasyon sa baliktad na
alpabetikongpagkakasunod-sunod mula Z hanggang A. Ang numerikal na
impormasyon naman ay naiaayos mula sa pinakamataas hanggang sa
pinakamababang bilang.
Ang Filter ay isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang
mabilis na masuri at masala ang mga impormasyong kailangan. Itinatago rin ng
filtering ang impormasyon na hindi pasok sa pamantayang naitakda.

Kasanayang Pagkatuto at Koda:


 Nakakapag-sort at filter ng impormasyon gamit ang electronic sreadsheet
tool. (EPP4IE-0h-15)
Gawain:
A. Mag-Sort at Mag-Filter Tayo!
1. Ipasok ang sumusunod na datos sa isang worksheet ng electronic spreadsheet
application.
HANNAH’S EATERY MENU
Menu Serving Price/ Serving
Fried Chicken Almusal 30.00
Sinigang na Hipon Tanghalian 35.00
Menudo Hapunan 35.00
Adobong Sitaw Tanghalian 30.00
Lugaw Almusal 15.00
Chopsuey Hapunan 25.00
Sarsiadong Isda Tanghalian 25.00
Sopas Almusal 15.00
1
2. I-filter ang impormasyon. Sundin ang sumusunod na pamantayan:
a. Ang mga lutuing pang-almusal
b. Ang mga lutuin na ang halaga ay 25 piso
c. Ang lutuing pananghalian na ang halaga ay sa pagitan ng 30 piso hanggang
35 piso

B. Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung ito ay hindi.
________1. Ang sorting ay proseso ng pagsasaayos ng listahan ng mga
impormasyon.
________2. Ang mga tekstuwal na impormasyon ay maaaring pagsunud-sunurin nang
paalpabeto (A-Z o Z-A).
________3. Ang mga numerical na impormasyon ay naiaayos mula sa pinakamababa
hanggang pataas lamang.
________4. Ang filter ay command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang
mabilis na masuri
at masala ang mga kailangang impormasyon.
________5. Ang sort ascending sa tekstuwal na impormasyon ay ang pagkakasunod-
sunod ng mga impormasyong mula Z-A.

Gawin ang pahayag:


Natutuhan ko ang__________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Sanggunian: Kagamitan ng Mag-aaral pp. 140-150

Prepared by:

DARLENE C. NACONAS
T-1, Pigcawayan North District

Quality Assurance Team:

EMILIA C. DELA FUENTE, TIC MAURO B. TON-OGAN, MT-2 HERTRUDES B. ARELLANO, MT-1
Pigcawayan South District Pigcawayan South District Pigcawayan South District
EPP Coordinator

Submitted by:

JUDY Q. ACLARACION
PSDS, Pigcawayan South District
Congressional District 1 Focal Person

You might also like