You are on page 1of 6

PALAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Atate, Palayan City

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT SA UNANG MARKAHAN


FILIPINO 10
Taong Panuruan 2021-2022
Pangalan: __________________ Iskor: ________________
Baitang at Pangkat ______________________ Petsa: _______________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong/pahayag. Tukuyin at isulat ang
katumbas na letra ng pinakatamang sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Ano ang pinakawastong pahayag na nagbibigay kahulugan sa mitolohiya?


a. naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na
sinasamba ng mga sinaunang tao.
b. nagbibigay kaalaman at nag-iiwan ng iisang kakintalan
c. nagpapaliwanag sa pinagmulan ng daigdig
d. nagsasalaysay ng mga pangyayaring may kinalaman sa pinagmulan ng isang bagay,
pook o pangyayari.

Para sa bilang 2- 6

1.Patuloy na naglakbay si Psyche at pinilit na makuha ang panig ng mga diyos. 2. Siya ay
palagiang nag-aalay ng marubdob na panalangin sa mga diyos. 3. Subalit wala sa kanila
ang nais maging kaaway ni Venus. 4. Naramdaman ni Psyche na wala siyang pag-asa sa
lupa o langit man. 5. Kaya minabuti niyang magtungo sa kaharian ni Venus at ialay ang
kanyang sarili na maging isang alipin.

Mula sa Cupid at Psyche ni Edith Hamilton


Salin ni Vilma C. Ambat

_____2. Sa binasang pahayag, ano ang gamit ng mitolohiya?


a. ipaliwanag ang pagkalikha ng daigdig
b. ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
c. maikwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
d. magturo ng mabuting aral
_____3. Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng pahayag na marubdob na panalangin?
a. mabilis
b. palagian
c. taimtim
d. mainit
_____4. Bakit nagtataglay ng kababaang loob si Psyche?
a. payag si Psyche na maging alipin ni Venus
b. gagawin ni Psyche ang lahat mawala lang ang galit sa kanya ni Venus
c. natatakot si Psyche sa galit ni Venus
d. hinanap ni Psyche ang kinaroroonan ni Venus
_____5. Ang sumusunod ay magagandang katangiang taglay ni Psyche maliban sa______
a. palaging nag-aalay ng marubdob na panalangin
b. handang ialay ang sarili makuha lamang ang kapatawaran
c. gagawin ang lahat mawala lamang ang galit ni Venus
d. magagalitin kapag hindi nasisiyahan sa isang mortal

Para sa bilang 6---8


Panuto: Suriin ang gamit ng pandiwa sa sumusunod na pangungusap.
____ 6. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.
a. aksyon c. pangyayari
b. karanasan d. Proseso
_____7. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.
a. karanasan c. pangyayari
b. aksyon d. Proseso
____ 8. Nalusaw ng modernisasyon ang karamihan sa mga katutubong kultura ng mga
Pilipino.
a. Aksyon b. karanasan c. Pangyayari d. kilos

1. Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. 2. Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging
dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na bu-ad. 3. Isinagawa ni Wigan at Bugan
ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang mga diyos. 4. Pagkalipas ng ilang buwan, walang
mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok sa sinapupunan ni
Bugan.
Mula sa Nagkaroon ng anak sina Wigan at Bugan
Salin ni Vilma C. Ambat

_____ 9. Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng pahayag na may salungguhit?


a. tumitibok ang puso ni Bugan c. may gumagalaw sa tiyan ni Bugan
b. magkakaanak na si Bugan d. masaya si Bugan
_____10. Sa binasang akda, anong kultura ng mga Pilipino ang binigyan ng pansin?
a. magsagawa ng ritwal kapag di magkaanak
b. pananalig at tiwala sa Diyos sa anumang bagay
c. Magtiwala sa kakayanan ng bawat isa
d. makinig sa mga nakatatanda sa pamayanan

Para sa bilang 11- 15 Basahin ang teksto at sagutin ang kasunod na mga tanong

1. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil may paniniwala siyang isinilang siya
sa daigdig upang magtamasa ng labis na kaligayahan sa buhay na maiduldulot ng salapi. 2.May
taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan 3. Ipinaghihinagpis
niya ang karukhaan ng kanyang lumang tahanan, ang nakaawang anyo ng mga dingding, mga
kurtinang sa paningin nya ay napakapangit.
Mula sa maikling kwentong “Ang kwintas”
ni Guy de Maupassant

_____ 11. Ano ang nahihinuhang larawan o imahe ng isang babae sa teksto?
a. matapang c. matapobre
b. ambisyosa d. mayabang
_____ 12. Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Kakinisan c. Kagandahan
b. Kayamanan d. katalinuhan
_____ 13. Aling pangungusap sa akda ang naglalarawan ng kalagayan sa buhay ni Mathilde?
a. Pangungusap blg. 1 c. Pangungusap blg.2
b. Pangungusap blg. 3 d. Pangungusap blg. 1 at 2
_____ 14. Ano ang dapat gawin ng isang tulad ni Mathilde upang matupad ang pangarap sa
buhay?
a. Hihiwalayan ang asawa at maghanap ng lalaking maaring makapagbigay ng
masaganang buhay.
b. Magtitiis na lamang at makukuntento sa kung ano ang ibinibigay ng asawa
c. Maghanap ng trabaho upang makatulong sa asawa
d. Ipamukha sa asawa na hindi masaya sa uri ng buhay na ibinigay niya
_____ 15. Anong damdamin ang nangibabaw sa pahayag na ”sinubok niyang isuot ang hiyas sa
harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi mapagpasyahan kung isasauli iyon o hindi”
a. natatakot c. nag-aalala
b. nag-aalangan d. nahihiya

Para sa bilang 16- 17


Panuto: Piliin ang angkop na panghalip upang mabuo ang diwa ng sumusunod na
pangungusap.
____16. ____ isa sa magaganda’t mapaghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay
Isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
a. siya’y c. ako’y
b. ika’y d. kami’y
____ 17. Malimit na sa pagmamasid_____ sa babaeng katulong na gumaganap ng ilang
pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Marissa ng panghihinayang at napuputos ng
lumbay ang kanyang puso.
a. niya c. nito
b. nila d. sila
____ 18. Isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang halaga o diin ay ang kilos o galaw,
pagsasalita at kaisipan ng isang tauhan__
a. Kuwentong makabanghay c. Kuwento ng katatakutan
b. Kuwento ng katutubong kulay d. Kuwento ng tauhan
____ 19. Anong genre ng akdang pampanitikan ang nasa anyong prosa na kadalasan ay halos
pang-aklat ang haba at bunga ng malikhaing pag-iisip?
a. Maikling kuwento c. Nobela
b. Dagli d. Dula
___20. Paano ipinakilala si Frollo bilang kontrabida ng nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”?
a. Stereotypical c. Tauhang bilog
b. Hindi stereotypical d. Tauhang lapad

Para sa bilang 21-25


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto, pagkatapos ay sagutan ang kasunod na mga
tanong:

1. Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa


pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. 2. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo
na umuukit sa kanyang katawan. 3. Inisip niya ang dahilan ng kanyang pagdurusa. 4. Ang lahat
ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo na kailanman ay hindi niya nagawang
tutulan dahil sa utang na loob.5. kasabay ng sakit na nadarama ng kanyang katawan ay ang
matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon.

Halaw mula sa “Ang kuba ng Notre Dame ni Victor Hugo


Salin ni Willita A. Enrijo

____21. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat ng pagkakasunod-sunod?


a. Pangungusap 1 c. Pangungusap 3
b. Pangungusap 2 d. Pangungusap 4
____22. Anong kulturang Pilipino ang ipinakita ng tauhang si Quasimodo sa pangungusap 4?
a. pagtanaw ng utang na loob c. pagsunod kay Frollo
b. pagtalima sa utos d. pagtutol

____ 23. Ano ang nabatid mo sa kalagayang panlipunan sa unang pangungusap?


a. Nakatatanggap ng angkop na parusa ang mga nagkasala
b. Lantad at matindi ang parusang ipinapataw sa mga nagkasala
c. May prosesong pinagdaraanan upang maipagtanggol ang nagkasala
d. Katanggap-tanggap ang parusang natatanggap ng mga nagkasala

Para sa bilang 24
Panuto: Piliin ang angkop na panandang pandiskurso upang mabuo ang pangungusap.

Una, ang panganay na si Edgar matalino at matipid sumunod ay si Alex mabarkada at


nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Bunga nito, isa siya sa nakasama sa “oplan Tukhang”
ng pamahalaang Duterte.

_____ 24. Anong mga panandang pandiskurso ang ginamit sa pagsasalaysay ng mga
pangyayari?
a. Ang, si, ni b. Una,sumunod,bunga nito c. at ,sa, ni d. siya, ng, si
_____25. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t
nagawa niya itong itakwil palibhasa’y ama _____ napatawad rin niya ito.
a. Sa wakas b. Pagkara’ay c. sa dakong huli d. pagdating ng
panahon
_____26. Isang akdang madalas na hango sa bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng
buhay.
a. pabula b. dagli c. nobela d. parabola

Para sa bilang 27-28


Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

_____ 27. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa nakaraang pagsusulit______


karapat-dapat lamang na siya ang makakuha ng may pinaka mataas na karangalan.
a. tiyak b. tuloy c. dahil sa d. kung gayon
_____ 28. Unang lumaban si Sulayman sa halimaw na umalipin sa mga kaawa-awang taga-
Maguindanao. _____ si Indarapatra ang nagwagi laban sa mga halimaw. Sa madaling sabi,
nailigtas nina Indarapatra at Sulayman ang mga taga-Maguindanao.
a. Sa dakong huli b. Sa madaling sabi c. Pagkatapos d. Saka

Para sa aytem 29-32


Panuto; Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng sanaysay, Pagkatapos sagutin ang
sumusunod na tanong:

Bawat tao ay may kani- kaniyang katangian na iba sa karamihan. Likas na


kakayahan kung tawagin ito at walang sinuman ang makapag-aangkin nito mula sa
iyo.
Ang pagtitiwala ang pangunahing kasagutan sa anumang bagay o gawain
lalo’t higit sa sariling kakayahan, ang pagtitiwala ay di dapat kalimutan. Hindi lamang
isip ang dapat na mamagitan kundi pati na rin ang damdamin sapagkat kung lubos
ang tiwala higit na magandang bukas ang hinaharap. Ang lahat ay pinagkalooban ng
sapat na kakayahan at kaisipan kaya’t nasa tao na ang ikagaganda ng kanyang
pamumuhay.
Ang tao ang nagpapalakad ng kanyang buhay nasa kanya na ang
ikagaganda nito upang maging makabuluhan.Ang likas na kayamanan ay maaring
maging kasangkapan kung may lubos na pagtitiwala upang ang buhay ay
mapagtagumpayan.
Isang halaw

_____ 29. Batay sa sanaysay, ano ang ikatatagumpay ng tao?


a. positibong pag-iisip
b. pagpupunyagi sa buhay
c. pagtitiwala sa sariling kakayahan
d. perpektong pagpaplano at pagsasagawa
_____ 30. Ano ang kasingkahulugan ng salitang makabuluhan?
a. sapat
b. kahanga-hanga
c. mabunga
d. kapaki-pakinabang
_____ 31. Anong kaisipan ang nais ilahad ng sanaysay?
a. Ang pagsisimula sa sarili ang simula ng kagalingan at kabuluhan.
b. Ibahagi sa kapwa tao ang taglay na kakayahan.
c. Magiging produktibo ang buhay kung malilinang ang karunungan.
d. Mas magiging masaya ang buhay kung buo ang tiwala ng tao sa sarili.
_____ 32. Ano ang nais ipahiwatig ng sanaysay?
a. tao ang tanging may kontrol sa kanyang buhay
b. may hawak ng kanyang kapalaran
c. pinagkalooban ng ganap na kapangyarihan
d. Ang tao’y biniyayaan ng sapat na kakayahan at kaisipan
Para sa bilang 33
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto, pagkatapos, sagutin ang kasunod na tanong:

Ang bubog pagtinamaan nang nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning, ngunit


sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.

Hango mula sa “Ang Ningning at ang Liwanag


Ni Emilio Jacinto

_____ 33. Ano ang nais ipahaiwatig ng binasang pahayag?


a. Karaniwan sa bagay na maningning ay mapanlinlang
b. Nakasisilaw ang araw
c. Maging bukas-palad sa mga nangangailangan
d. Masakit ang mabubog

Para sa bilang 34
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay, pagkatapos sagutin ang kasunod na
tanong:

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin, ang liwanag ay


kailangan ng mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay
.
Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuwaheng
maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay
mahal na tao ang nakalulan. Datapuwa’y marahil naman ay isang magnanakaw, marahil
sa isang malalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay
ay natatago ang isang sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan, tayo’y


mapapangiti at isasaloob, saan kaya ninakaw? Datapuwa’y maliwanag nating nakikita
sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag
kapagalang tunay.

_____ 34. Paano binigyang kahulugan ang salitang ningning sa teksto?


a. labag sa kagandahang asal
b. gawaing pansimbahan
c. gawain sa pamahalaan
d. mga gawaing bahay

Para sa bilang 35-40


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng tula. Pagkatapos, sagutin ang kasunod
na mga tanong:

Nilagyan ng ama ang palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na salitaan
sa mga oras na yaon.Hinayaan lamang nila ang nakasalang na palayok. Hindi nagtagal,
kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay
mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.

Ang carrot na sauna ay matigas, malakas at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa
kumukulog tubig ay naging malambot at kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may
maputi at manipis na balat bilang proteksyon sa likido na nasa loob nito, ay naging matigas
matapos mapakuluan. Samantala ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong
tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.

Hango sa Mensahe ng Butil ng Kape


Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

____35. Ano ang sinisimbolo ng palayok na isinalang sa apoy?


a. tagumpay b. pag-asa c. kasawian d. pagsubok
____36. Batay sa kuwento, anong uri ng tao ang maihahalintulad sa itlog?
a. Mga taong nagmamalinis
b. Mga taong matigas ang puso at di marunong magpatawad
c. Mga taong mapagkawanggawa at mapagbigay sa kapuwa
d. Mga taong mahirap unawain ang iniisip
____ 37. Anong uri ng tao ang sinisimbolo ng carrot?
a. malumanay b. matatakutin c. kabutihang loob d. mahina
____ 38. Anong uri ng tao ang sinisimbolo ng butil ng kape batay sa kuwento?
a. madaling malusaw c. magaling makisama
b. mababaw ang luha d. masamang impluwensya
____ 39. Ano ang nais ng ama na matutunan ng kaniyang anak sa kuwento?
a. Maging mabuti sa kabila ng mga hamon sa buhay
b. Huwag matakot
c. Huwag magpalinlang sa kapuwa
d. Maging masunurin sa magulang
____ 40. Ang binasang bahagi ng kuwento ay isang halimbawa ng parabola sapagkat ito ay
_______________.
a. May tugmaan at malalim na pahayag
b. May malalim na pahiwatig at hango sa banal na aklat
c. Malalim at may nakatagong pahiwatig
d. May sukat at talinghaga

Para sa bilang 41-50


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap, tukuyin kung alin ang katotohanan at
opinyon. Isulat ang K kung ito ay KATOTOHANAN at O kung OPINYON.

____ 41. Malapit na ang pasukan, sa lagay ngayon mukhang hindi sigurado na matutuloy ito.
____ 42. Mukhang malabo nga na magkaroon ng pasukan ngayon. Wala pa kasing
natutuklasang gamot sa virus.
____ 43. Ayon sa balita, matutuloy ang pasukan subalit walang magagawang face-to-face.
____ 44. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, hanggang walang vaccine para panlaban sa
virus ay hindi muna magaganap ang tulad ng dati na sa loob ng silid-aralan ang pag-
aaral, pero sinisikap ng Kagawaran na hindi masayang ang panahon para sa mga
mag-aaral.
____ 45. Puwede nga siguro ang modyular na paraan pero paanong masasagutan ng mga
mag-aaral ang mga Gawain doon kung walang gabay ng guro?
____ 46. Ayon nga sa napanood ko, mamimili tayo kung alin sa mga modalities na paraan ng
daluyan ng pag-aaral ang akma sa atin. Puwede ang modular distance learning o
online distance learning.
____ 47. Sa panahon ngayon, mukhang Malabo pa ring matuloy ang pasukan.
____ 48. Sa hirap ng buhay, hindi uunahin ng magulang na bumili ng gadget para gamitin ng
anak sap ag-aaral. Katulad ko, dahil marami kami sa pamilya hindi sapat ang kinikita
ni tatay para bumili ng gadget na gagamitin naming magkakapatid para sa pag-aaral.
____ 49. Walang maibubungang maganda ang pagiging makasarili.
____ 50. Isang tapat, may paninindigan, makabayan at may takot sa Diyos. Ito ang katangian
ng isang pangulong nais ko.

You might also like