You are on page 1of 2

Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao – Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod

ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang
pangalan.
Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila
nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang
pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang
nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske.
Buo pa rin at hindi naiimpluwensiyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay
na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa
sa tanso.

You might also like