You are on page 1of 3

BUOD

Ang istorya ay nag simula sa apat na babaeng magkakapatid na humihiling ng isang baby brother
ng sagayo'y kanilang maranasan ang pagkakaroon ng kapatid na lalaki at maturing nila itong
bunso, hindi nagtagal ang kahilingan ng apat ay natupad at ang bunso nilang kapatid ay
ginampanan ni “Enchong Dee” bilang si "CJ". sa pag lipas ng mga taon ang limang
magkakapatid ay may mga kani-kaniyang trabaho at may mga sarili ng desisyon. Dito pumasok
ang pagpasya ng nakabubunso nilang kapatid na si CJ na magpakasal sa kanyang nobya na si
"Princess" na ginanpanan ni Angeline Quinto. ngunit ang apat na nakakatandang kapatid ni CJ ay
hindi sumasang-ayon sa kanyang desisyon. Iniisip nila ang mga negatibong resulta kung sakaling
ituloy ni CJ ang pag-iisang dibdib sa kanyang nobya. at dito na rin pumasok ang gulo sa pamilya
"Salazar". Kasing yaman ng gutierrez family sa totoong buhay ang mapapangasawa ni CJ wala
namang kakikitaang masamang ugali ang pamilya nito sa halip sila pa ang mapagkumbaba at
gagastos sa kasal ng dalawa, ngunit ang apat na nakatatandang kapatid ni CJ ay duda sa mga
pinapamalas na ugali ng pamilya Bayag. Kaya't ang apat na magkakapatid ay gumawa ng paraan
upang matigil ang kasalan at dahil dito mas lumala ang problemang kinakaharap ng pamilya
Salazar, ngunit ang apat na nakatatandang kapatid ni CJ ay may mga kani-kaniya ding hinanakit
at pagkukulang sa pamilya.

Ngunit sa huli ay nangibabaw pa din ang kapatawaran sa isa't isa, at nag kaayos ang dalawang
pamilya.

Panimula- Nagsimula ang kwento sa paggulat ni Enchong Dee o Reb-Reb sa pag aanunsyo nya
ng nalalapit nilang kasal ng kanyang kasintahan na ikinagulat ng kanyang pamilya lalo na ang
kanyang apat na babaeng kapatid. Napilitan umuwi ang apat nyang kapatid dahil na din sa hiling
nya at utos ng kanilang ina, ngunit hindi sila sumang-ayon sa pagdedesisyon ng biglaang kasal
ng kanilang bunsong kapatid. Gumawa sila ng iba’t- ibang mga paraan upang mapigilan ang
kasal ng kanilang bunsong kapatid dahil na din sa hindi magandang pakikitungo ng pamilya ng
kasintahan ni CJ sa kanyang pamilya. Higit na tumaas ang tension at pagiging desidido ng apat
na kapatid na babae ni Cj na pigilan ang kanyang kasal dahil tingin nila ay mababa ang tingin sa
kanila ng pamilya ng babaeng mapapangasawa ni Cj.

Suliranin- ang suliranin ng pelikula ay umiikot sa problemang pampamilya kung saan sa loob ng
isang pamilya hindi maiiwasan na ang bawat miyembro ay magkakaroon ng inggit at hinanakit
sa isat-isa. Ito ay matagal na tinago nila at piniling pakisamahan ang bawat isa kahit na may
namumuong tension at ilang sa bawat-isa. Ito ang nagging daan upang lumayo ang loob ng bawat
magkapatid sa isat-isa, mayroong masama ang loob dahil naiinggit sa natamo ng kapatid,
mayroong naiinggit dahil paborito ng kanilang magulang at mayroong away na nabuo dahil sa
pagpatol ng kapatid sa dating nobyo bg kanyang kapatid. Ito ang problemang nabuo sa pamilya
Salazar ang di paglalabas ng tunay na saloobin sa bawat mieyembro ng pamilya.
Saglit na kasiglahan- dahil na din sa biglaang pagpapakasal ni Cj ay napilitan ang kanyang mga
ate na umuwi sa kanilang bahay at nagkaroon sila ng mini reunion, nagging mas malaki pa ang
kanilang pamilya ng isama ng ate teddie ang pekeng nobyo nito at ang boyfriend naman ng ate
bobby nya kasama ang anak nito. Muling nagkita-kita ang magkakapatid at nagsalo salo sa
hapunan upang pag-usapan kung desidido na si Cj sa kanyang pagpapakasal, hindi naiwasang
magkaroon ng tension sa pag-uusap ng mga magkakapatid ngunit dahil na din sa hiling ng
kanilang bunso ay nagkasundo silang lahat para na din sa maayos na pag-akyat nila ng
pamamanhikan sa pamilya ng mapapangasawa ni Cj. Hindi inaasahan ng pamilya Salazar ang
sobrang yaman at gara ng pamumuhay mayroon ang mapapangasawa ni Cj. Hindi nagustuhan ng
mga ate ni Cj ang pakikitungo ng mga magulang ni Princess sa kanila dahil na din sa
patutyadang pangmamaliit nito sa kanila, sa gitna ng salo-salo nila ay naglabas ng pre-nup ang
mga magulang ni Princess upang masiguro dawn a hindi lamang pera ang habol ni Cj sa kanilang
unika iha.

Kasukdulan- mayroon ng away at tension sa pagitan ng mga magkakapatid bago pa man ideklara
ni Cj ang kanyang pagpapakasal lumala ang kanilang problema ng nagpumilit si Teddie na ilabas
ang baho ng pamilya nila Princess sa pamamagitan ng pag iimbestiga ng negosyo nito na
inaakala nyang may illegal na transaksyon dahil sa yaman na meron ito. Nalaman ni Cj ang
ginawa ng kanyang ate at nagalit dahil na din sa di magandang ginawa nito na muntikan pa
nyang ikakulong, nang malaman ng ilan pang kapatid nila ang naganap ay nagalit naman si
Bobbie dahil talagang tinuloy pa ni Teddie ang di magandang plano nito na nagging hudyat ng di
pagkakaintindihan ng dalawa at paglabas pa ng ilang mga lumang isyu sa pagitan nilang
magkakapatid. Dahil na din sa pangyayaring ito naiubunyag ang iba’t-ibang lihim na mayroon
ang bawat isa sa pamilya Salazar. Matagal na palang alam ni Bobbie at Gabbie na namamasukan
sa isang bar si Teddie sa Spain at hindi ito alam ng kanyang nanay dahil nahihiya sya sa sinapit
ng kanyang kapalaran. Dito nilabas ni Teddie and inngit sa kapatid na si Bobbie dahil sa
pagiging matagumpay nito sa lahat ng bagay, gayundin si Bobbie na may tinatagong inggit sa
mga kapatid dahil na din sa walang sinuman ang nagging paborito sya sa loob ng kanilang
pamilya. Sa komprontasyon na naganap nalaman ng bawat-isa ang tinatagong hinanakit at inngit
na mayroon sa miyembro ng pamilya at ito ang nagging tulay upang makahingi ng tawad at
maipaliwanag ang nararamdaman para sa maayos na kapatawaran sa bawat-isa.

Kakalasan- sa naganap na komprontasyon sa pamilya Salazar naihayag ng magkakapatid ang


tunay na saloobin na mayroon sila sa bawat-isa. Nagkaroon ng lakas ng loob si Teddie na aminin
ang sinapit niya sa Espanya at nagkapatawaran naman si Alex at Bobbie dahil na din sa
panlolokong ginawa ng ndating nobyo nila. Ngunit namatay ang lolo ni Princess kung kaya’t
hindi natuloy ang kasal ng dalawa ngunit sa kanilang banda ay nagpasya si Bobbie na pakasalan
ang nobyo niya para na din hindi masayang ang ginawa nilang paghahanda sa kasal ni Cj at
Princess. Nagging sikreto at sorpresa ang kasal ng dalawa dahil gusto ni Bobbie sorpresahin ang
nobyo dahil na din sa masugid nitong paghihintay sa kanya sa matagal na panahon, sa paraan din
na ito nagustuhan na sya ng tuluyang ng anak ng kanyang nobyo.

Wakas- sa pagbibigay ng kapatawaran sa bawat-isa naunawaan at naintindihan nila ang


kahalagahan ng pagiging maayos at nagkakaunawaang pamilya, na walang ibang magbibigay ng
tulong at pagmamahal sa kanila kundi ang sarili nilang pamilya at wala silang ibang
masasandalan sa oras ng pangangailangan kundi ang pamilya nila. Natutunan nila na pamilya pa
din ang tutulong, iintindi, tatanggap at magpapatawad sa kanila kahit na gaano kalaking
kasalanan pa ang magawa mo, sa huli ay nandyan pa din sila at handing patawarin ka. Nagging
masaya ang buong pamilya nila at nagkasundo para na din sa maayos at masayang samahan ng
bawat-isa.

Aral ng pelikula

Ipinahiniwatig ng pelikula na ang bawat tao ay may sariling kakanyahan na dapat unawain at
igalang. At sa loob ng isang ugnayan, tulad ng pamilya, ang mga pagkakaibang ito ay maaaring
maging sanhi ng mga emosyonal na tunggalian at di pagkakasundo. Malakas ang mensahe ng
pagtanggap at pagpapatawad sa kabila ng sakit at pagkukulang. Madalas mangyari sa
magkakapatid ang inggitan, iringan at sumbatan pero sa huli, kailangang mangibabaw ang
pagkakasundo, hindi lamang dahil magkadugo sila kundi dahil bilang mga tao sa loob ng isang
mahigpit na ugnayan, ang paghihilom ay mangyayari lamang sa sandaling mangibabaw ang
pagmamahal at pagpapatawaran. Sa kabila ng melodrama nagawang ipakita ng pelikula ang
komprontasyon ng pamilya hindi bilang tunggalian ng pagkatao kundi pakikipagtunggali sa
sarili. Kahanga-hanga rin ang pagsusumikap ng magkakapatid naitaguyod ang pamilya sa kabila
ng mga hinihinging sakripisyo. Muli, binibigyang diin ang halaga ng pamilya para sa mga Pinoy.
Binigyang diin din ang kakayahang umahon sa pagkakamali at magsimula muli—na siyang
nagagawa kapag natutong magpatawad sa mga pagkukulang.

You might also like